SOPHIA
"Bakit ngayon ka lang?!" pasigaw kong tanong nang pumasok si Paolo sa loob ng apartment, alas dose na.
Halata naman ang pagod sa mata ni Paolo nang tumingin ito sakin. "Sophia, bakit gising ka pa? Matulog ka na at wala ako sa mood makipag away ngayon."
"Nag hintay ako kasi sabi mo sabay tayong mag didinner." usal ko at sumunod sa kanya nang maglakad siya patungo sa aming kwarto. "Nag text ka nalang sana, para hindi nako naghintay sayo."
Hindi sumagot si Paolo at naghubad ng suot niyang damit at nagbihis ng pantulog. Mukhang walang balak na sagutin ang mga sinabi ko. Sa irita ko ay inabot ko at ang kanyang braso at hinarap siya sakin.
"Paolo! Nakikinig ka ba?!" galit kong usal.
"Oo, Sophia, rinig na rinig ko kaingayan mo. Mabuti pa matulog ka nalang diyan at bukas na tayo mag usap." tinanggal niya ang aking kamay na nakahawak sa braso niya.
"Nag overtime ka na naman ba? O may pinuntahan kang iba?" tanong ko at umiling naman siya.
"Hindi, kumain lang kami ng mga katrabaho ko sa labas." sagot nito.
Mga katrabaho o isang katrabaho lang? Iyon dapat itatanong ko ngunit hindi ko tinanong kasi alam kong magsisinungaling lang ulit siya. Atsaka, alam ko namang may mga kasalanan rin ako pero gusto ko nang mag bago at ituwid iyon. Kaso mukhang siya naman ngayon ang lumiliko ng landas.
Naglakad siya patungo sa kama at nilapag niya ang kanyang cellphone at wallet sa bedside table bago nagmartsa patungo sa banyo. Humiga ako sa kama at mabilis na kinuha ang kanyang cellphone at sa lumabas sa notification lockscreen ang mensahe mula sa kasama nito kanina.
Sophia: Thank you sa dinner, Paolo. See you tomorrow. ;)
Sinubukan ko itong iclick ngunit mas passcode at hindi ko iyon alam kaya inilapag ko nalang ulit sa mesa dahil wala rin namang silbi kung pipilitin kong buksan. Kitang kita na naman. He's cheating, dalawa pala kaming naglolokohan rito.
Lumabas na si Paolo sa banyo at tinignan ko itong naglakad palapit sakin at kinuha ang kanyang cellphone bago humiga sa kama. Nagtipa tipa siya rito at sigurado akong nirereplyan na niya iyong kabit niya kasi ngiting ngit habang nag ta-type. Umiling nalang ako at kinuha ang aking cellphone para buksan ko rin ito. Nakita ko nga ang mga tadtad na chat ni Manong Seryo.
Seryo: Ano, hija? Tama ba ako? Kabit iyon ni Paolo?
Seryo: Nakakatawa at naglolokohan lang pala kayong dalawa. Mabuti pa maghiwalay nalang kayo.
Seryo: Hindi magtatagal, hihiwalayan ka niyan kaya mabuting ikaw na maunang makipaghiwalay.
Sa inis ko kay Paolo naisipan kong replyan si Manong, nag ta-type palang ako ng irereply nang magsalita si Paolo sa tabi ko.
"Sino yang ka text?" tanong nito.
Pakiramdam ko tumaas ang init ng katawan ko sa ulo ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ka nagtatanong? Tinanong ba kita sino ka text mo?"
"Ka text ko mga katrabaho ko. Eh, ikaw? Sino iyan? Wala ka namang kaibigan at nandito ka lang sa apartment buong magdamag." tanong nito at mukhang siya pa ang nagdududa saming dalawa. Dapat lang dahil talagang seseryosuhin ko na itong pangloloko ko kung hindi siya titigil sa mga ginagawa niya.
"Talagang nandito lang ako sa apartment nato kaya katext ko mga kapitbahay natin. Bakit ba?" umirap ako at nagkibitbalikat lamang siya.
"Bahala ka." aniya at humiga patalikod sakin.
Binaling ko muli ang tingin sa screen ng cellphone at panay ang chat nong matanda ng kung ano ano, panay pa send ng mga litrato.
Seryo: Sige na, hija. Hiwalayan mo na iyan para magsama na tayo parati at araw araw kang hindi mabo-bored sakin.
Seryo: Tinignan mo nga itong alaga ko oh. Naghihintay lang ito rito sayo.
Nag send ito ng larawan ng kanyang ari na hawak hawak niya at tayong tayo sa katigasan. Napalunok naman ako naisipang magtipa ng reply.
Sophia: Tumigil ka, Manong. Aayusin ko na relasyon namin.
Seryo: Aayusin mo? eh, ayaw na nga niya sayo. Sinasabi ko sayo, hija, iwan mo na iyan. Unahan mo na.
Seryo: Hindi naman kawalan iyan, hindi ka nga nilalabasan sa lalaking iyan. Ma s-stressed ka lang.
Seryo: Hindi na kita pipilitin, hija. Hihintayin kitang isuko ang sarili mo sakin.
Iyon ang huling chat ni Manong sa'kin. Tinignan ko ang likod ni Paolo at naisip iyong mga pinag ch-chat ni Manong Seryo sa'kin. Hahayaan ko nalang ang panahon na humusga tutal wala pa naman siyang inaamin sa'kin