Chapter 2
Inabot ako ng isang oras sa pagtitipa ng mga nakalagay dito sa mga papel na ito. Noong una ay pikon pa ako sa Xythos Deltrazo na ito pero kalaunan ay humupa rin ang inis ko. Siguro dahil naging abala ako sa ginagawa kaya nakalimutan ko na ang inis.
Patapos na ako nang may sinagot itong tawag sa kanyang cellphone. I saw him glance at me for a bit before he answered the call.
"Damn you!", he said and chuckled. Oh! I didn't know this grumpy VGM knows how to chuckle.
"Stop it" sinagot nito ang kausap at ngumisi. "I'm busy. Mag-usap tayo mamaya", sambit niya bago ibaba ang cellphone. He went back to work at ako naman ay nagkunwaring walang naririnig.
Napakalandi mo. Hanggang trabaho ay may kaharutan ka sa telepono. I wonder what they were talking about that made him chuckle sexily.
Pumasok si Maricris sa opisina at dala ang ilang papeles ay may pinapirmahan ito sa VGM.
Ganoon lagi ang mga araw ko sa opisina ni Xythos Deltrazo. Minsan ay makikita kong mayroon siyang mga hawak na blueprints.
Minsan naman ay nasa meeting siya kasama ang ibang mga engineer. Nakapagtataka lang dahil engineer siya pero manager din. Paano kaya iyon?
Sa sobrang curious ko ay isang araw sa opisina ay ginamit ko ang personal computer sa aking desk. Tapos ko na ang mga gawain. He gives me easy tasks though. Binibigyan niya ako ng mga kailangan kong i-type sa MS Word o kaya sa MS Excel.
Minsan naman ako ang nagdodouble check ng schedule niya. I don't talk to him that much. Marahil ay dahil wala naman siya lagi sa kanyang opisina. Isang linggo na ako rito sa opisina niya pero madalang kaming magkita.
Babalik lamang siya rito to check some blueprints or to sign papers tapos aalis ulit. Parang laging may pinupuntahan.
Out of curiosity, nagpunta ako sa Google. I typed: can engineers be managers too?
Maraming mga lumabas na articles at nakalagay ay pwede raw. I read some. It caught my interest. Sa sobrang pagkainteres ko ay nakita ko na lang din siyang nakadungaw sa tabi ko.
"Ay gago!" agad kong tinakpan ang bibig ko at nagsisi sa nasabi. My goodness! Calista, your words!
"Ano?" kunot ang noo niya at halatang nagulat sa sinabi ko.
"W-wala. Sorry po, uhm nagulat kasi... ako". I explained at bumalik ulit ang tingin ko sa pc kaya nahiya ako lalo. I immediately minimized the window pero huli na ang lahat dahil mukhang nakita niya ang binabasa ko.
He sighed and loosened his tie. Wow! You are definitely Theo's brother. You both look hot. Only that, Theo looks kind while this guy looks ruthless.
"To explain you that, I am an engineer. I finished civil engineering but it happens that the vice general manager here is taking a break from work. I need to replace him for a while. Pagbalik niya ay babalik din ako sa trabaho ko. You see, masyadong malawak ang mga negosyong hawak ng Deltrazo. I have no projects assigned for me yet kaya tinanggap ko muna ang bakanteng posisyon dito ng pinsan kong si Carlos".
Marahan akong tumango. He must be smart too.
"For now, Rafael Rances replaced me in Trazo Real. You get it now, little girl?", may halong pang-aasar ang tono nito. From the slight amusement I felt when he was explaining, the amusement turned into an eye roll.
Wait, Rafa works here? I didn't know that!
"Alam mo ba kung ilang taon na ako? You may be older than me but I am not a little girl", irap ko muli rito.
Binuksan ko muli ang window and I clicked the exit button.
"Bakit? Ilang taon ka na ba?" Nanghahamon niyang tanong sa akin.
"I-I'm 18 and I'm turning 19 this June". See? Hindi na ako bata.
"I'm 25. You are definitely a little-"
"You are definitely older. Besides, hindi naman ako tinatawag na ganyan ni Theo kahit pa mas bata ako sa kanya ng ilang taon. Not that I want us to be in a first name basis..." Pinilit kong gawing bulong ang huling pangungusap pero mukhang narinig pa rin niya.
What's wrong with my mouth?
"I want to." Ngumuso ito and I blinked twice. Cute. Wait, what!?
"Do you call my brother by his first name? Theo?" he asked and I nodded. I'm out of words.
"What does he call you then?" He fired another question and I swallowed.
"C-calista. Sometimes, Cali. Depends on his mood", I answered.
Bakit ba ako kinakabahan? Hindi naman ako dapat kabahan.
"Then, you should call me Xythos. I'll call you, Calista". He licked his lower lip and gosh he's hot!
Hindi ko siya pinagnanasaan, okay? I just know how to appreciate things and people.
"Okay". Tipid kong sagot sa kanya.
"Hmm". He then went back to his swivel chair and I don't know what to do again. Tapos na ako sa gawain. Should I ask for another task to do? Gustuhin ko man pero hindi ko yata kaya. Parang bigla akong nawalan ng lakas ng loob at nahiya na magsalita at lumapit sa kanya.
Dahil wala naman akong ginagawa ay naisipan kong tingnan ang phone ko. Baka lang may nagmissed call or text. I just want to check since I am really bored.
I saw one text message and it is from Theo.
Theo: How was work? You didn't update me, Calista.
Ako: It was fine. The whole week working for him was okay. Hindi lang ako informed na KAPATID MO PALA ITO!
Sinadya kong nakacapital letters ang huling apat na salita. Nakalimutan ko nga pala itong awayin because he didn't tell me.
Inaalala ko muli ang kwento ko kay Theo noong nasa locker kami. I described the Vice General Manager in a not so good way at hindi ko alam na kapatid niya pala iyon. Nakakatakot tuloy dahil baka sinabi niya kay Xythos ang mga sumbong ko sa kanya.
He wouldn't do that, right? After all, I am his friend. Kaya lang, kapatid niya si Xythos...
Natigil ang pag-iisip ko nang makatanggap ng reply sa kanya.
Theo: HAHAHAHAHAHAHAHA
Theo: HAHAHAHAHAHAHAHA
Theo: I look crazy right now, Cali. Mag-isa akong tumatawa sa cafeteria!
Ako: Hindi man lang ako nakapaghanda sa pagharap ko sa kanya.
Theo: My bad...
Ako: Nagrereklamo pa ako e kapatid mo pala iyon!
Theo: HAHAHAHAHAHAHAHA
Ako: I hate you.
Theo: Oh! You don't mean that babe, do you?
Hindi ko na siya nireplyan pa sa inis ko. Kahit kailan talaga ay maloko ang isang 'to. Minsan natatawa ako kay Theo na naaasar. Something about him makes me really comfortable when I am with him.
Lumipas ang ilang oras at dumating na naman ang babaeng nakita kong kasama niya rito sa opisina niya. What is this hoe doing here? And she's wearing another cleavage revealing type of dress!
Wala ka bang ibang talent bukod sa magpakita ng suso?
"Good afternoon, Xy." The girl greeted shyly. Nahiya kang bumati pero hindi ka nahiya sa suot mo. Wala naman akong sinasabing masama tungkol sa gustong damit ng mga babae. Sa pagkakatanda ko lang kasi ay mayroon namang dress code rito kaya bakit hindi siya sumusunod? Right, she's a visitor. But still...
"Good afternoon. What brings you here, Courtney?"
Courtney pala ha?
"I came to uhm discuss things and I also brought snacks for you". She smiled.
"No need to bring snacks, Courtney. But thanks". Weh? Mukhang gustong gusto mo nga!
"May ipapagawa ka ba sa akin?" Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig talaga ng babaeng ito. From the moment she stepped inside Xythos' office ay kay Xythos na ang tingin nito.
Luminga silang dalawa sa akin. Ayan, tama 'yan! Para informed ka na may ibang tao rito bukod sa Xythos mo.
"Wala naman na. You can take a break if you want", he said.
"I'll stay here kung ganoon", saad ko and I leaned comfortably on my chair's backrest.
"Xy, I want to discuss things privately", may diin ang salitang privately. Epal.
"Calista, you can stay with Maricris outside. May pag-uusapan lang kaming importante", he said. Ako naman ay hindi makapaniwala sa ginawa niya.
Really, Mr. Deltrazo? This woman surely has power over you! Gaano ba kaimportante ha? Sana'y sa conference room kayo nag-usap.
Without replying ay padabog kong kinuha ang mga gamit ko sa aking desk. Hindi ko na sila nilingon pa at umalis na ako agad sa opisina ni Xythos.
Sa labas ng office ni Xythos ay naroon ang counter kung saan nakaupo si Maricris. Napansin nito na busangot ang mukha ko habang naglalakad papalapit sa kanya.
"Oh? May nangyari ba sa loob? Bakit ganyan ang hitsura mo, Ms. Riqueza?", tanong niya na may halong pag-aalala.
I sighed and shrugged.
"Lagi ba siyang binibisita ng Courtney na 'yon?"
"Oo. Madalas iyon dito sa Deltrazo. Bakit mo natanong?"
"Wala lang. Sabi niya dito na lang muna raw ako", sambit ko at tumango si Maricris. Binigyan niya ako ng upuan at tahimik akong naupo roon.
30 minutes passed and the b***h is still not out of his office. Dirty thoughts suddenly crossed my mind. They aren't doing it inside, are they?
Napailing ako bigla at pilit na inaalis sa isip ko ang mga naiisip kong maaari nilang ginagawa. Sa inip ko ay nagcellphone na lang ulit ako.
I replied to Theo's text message.
Ako: Who's Courtney?
Wala pang isang minute ay nagreply kaagad siya. I checked the time and it is still 5:00 pm kaya may klase pa siya. This ass is using his phone during classes!
Theo: Family friend.
Kaibigan din ng pamilya nila ang pamilya namin. Does that mean, Ate Crisa and Ate Peia can also visit? Or has visited here? Hindi na ako nag-isip pa ng kung ano. I'm sure they won't and they haven't.
Ako: Okay. Stop using your phone. May klase ka.
Theo: It's boring. Walang prof.
Ako: It's boring here too.
Biglang nagring ang phone ko. I answered his call.
"Walang pinagagawa si Kuya sa iyo?", he asked almost laughing. Bakit ba kapag kapatid niya ang topic ay natatawa siya?
"Kanina mayroon. Noong tapos na ako ay di na nasundan pa. That Courtney-girl is here and the girl told him she wants to have a private conversation with Xythos so Xythos told me to go out for a while and join his secretary, I mean his real secretary, outside", madrama kong kwento sa kanya pero ang di niya alam ay panay ang irap ko rito ngayon.
Humalakhak muna siya bago nagsalita.
"Sorry about that. My brother is a playboy so you know..."
"Yeah. Just like you. You're indeed brothers", tumawa ako at ganoon din siya.
"Why don't you check what they're doing?", nananantya ang tinig niya. Ha! Over my dead body.
"Never, Theo! I don't want to watch live p**n –" Hindi pa ako tapos magsalita ay dinig ko na ang hagalpak ng kanyang tawa. Si Maricris ay napalingon sa akin dahil sa sinabi ko.
Why? If there is someone who can attest to what I just said, it's her! Malamang ay alam niya rin ang mga ginagawang kababalaghan ng boss niya.
"Bakit ka tumatawa? Totoo 'no?"
"Naku! I missed you more because of this. Hindi mo pa ba out? Let's have dinner together. I'll fetch you", I smiled hearing it from him.
"Malapit lapit na. 6:00 pm ang out ko. Sige, magdinner tayo".
"Alright. I'll text you pag nariyan na ako. Hindi na papasok itong prof ko for sure kaya aalis na ako. Bye!". He said and I ended the call.
Tama. This is what I need. I need a "Theo" right now para naman sumaya ako.
Pagbaba ko ng phone ay saktong lumabas naman si Courtney. Tanaw ko rin mula rito na pinagbuksan pa talaga siya ni Xythos ng pinto para ihatid palabas ng opisina.
"Thank you, Xy. Babalik ulit ako... if that's okay with you", I scowled hearing it from her. May trabaho rin si Xythos kaya hindi pwedeng lagi kang narito babae!
"Ofcourse that's fine. You're welcome, Courtney", sagot nito at tumalikod na ang babaeng maharot. I glanced at her for a while habang naglalakad papuntang elevator at kahit pa hindi sa malapitan ay kita ang tambok ng pwet nito. Bahagya kong naisip kung gaano kalaki ang pwet ko. Maliit ito kumpara sa kanya. Kaasar.
"You still have 40 minutes to spend inside the office. May mga tatapusin ka pa ba?", he asked and I found him opening the door widely na para bang iniimbitahan niya akong pumasok ulit sa opisina niya.
"Wala na. May ipapagawa ka ba?", sagot ko habang nag-aayos ng gamit. Isa-isa kong pinasok ang mga ballpen, papel, at kung anu-ano pa sa bag ko. Talagang pinapakita sa kanya na uwing uwi na ako. E ano naman kung hindi ko pa out? Mukhang tapos na rin naman ang trabaho ko para ngayong Huwebes.
"Wala na rin. You may go home now", he responded at isasara na dapat ang pintuan nang biglang nagsalita si Maricris.
"Mukhang hinihintay ka na ng kadate mo, Ms. Riqueza ah?", tukso nito kaya hindi agarang sinara ni Xythos ang pinto ng kanyang office.
Sasagot sana ako kay Maricris kaya lang hindi pa ako nakakasalita ay nakisabat agad itong boss ko.
"You have a date?", iritable ang boses nito at halatang hindi nagustuhan ang narinig. Is this a sign of disapproval?
"Hindi naman date. Dinner lang with... a friend", I explained. Dapat ko bang sabihin na si Theo ang kasama ko kumain?
He smirked but his smirk gives me chills. Why can I see anger in his eyes?
"Kaya ka nagmamadali." I was shock because of what he said. He stated it like he was so sure.
Halata naman talaga na nagmamadali ako but that was because I don't want to keep Theo waiting.
"Sorry, Sir. Akala ko po kasi pinayagan mo na akong u-umuwi", I said habang nakayuko pero nakakunot ang noo. Galit ako.
"Maricris, pakilinis na ang desk ko sa opisina.", utos nito kaya agad na pumasok sa loob si Maricris. Habang papasok sa opisina si Maricris. I saw her mouthing the word "sorry". I sighed.
"No need to be sorry. Date? Bakit, ilang taon ka na ba ulit?"
"Turning 19—"
"So, you're 18? Sige nga Ms. Riqueza, what do you know about dating huh?
"It's not a date! I am just having a dinner with a friend!", tumaas bigla ang boses ko and I suddenly regret it. Mukhang di ko yata makukumpleto ang 160 hours of work immersion ko rito ah?
"Cassiopeia has never had a boyfriend. Crisanta well... we used to go to La Salle before and I've never heard she went out with a guy. I thought you're the same.", sambit nito habang umiiling.
Bakit parang naiinsulto ako sa sinasabi nito?
Ate Peia never had a boyfriend because she wants to focus more on her studies. Ate Crisa loved someone before but I don't know what happened. Hindi rin naman ako nagboboyfriend!
"Oh right! Cassiopeia is seeing someone right now but this was the first time she went out with someone and she's 26. Crisa is 25 and you're... 18", he fired again.
I know my sisters' age! No need to remind me.
"I-it's just a dinner with a friend not a date. I am not interested sa kahit k-kanino", nanginginig ang boses ko. Why is my voice shaky? Is it wrong to have dinner with a friend?
Tumaas ang isang kilay niya na para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Bakit, mukha ba akong may boyfriend?
Hindi ko lang maintindihan e. He is being nosy to me. Mag-iisang linggo na akong nagtatrabaho sa kanya at sa mangilan ngilang beses naming nagkikita sa loob ng opisina niya kahit kailan ay hindi naman niya ako kinausap nang ganito. Ngayon lang.
Kita ko ang pagbabago sa expression niya. Para bang nagsisisi ito sa inasal kaya biglang nagbago. Sasagot pa sana ako sa kanya pero inunahan niya na ako.
"I'm sorry. I should not meddle with your personal life. You're an employee here", he looked away and I was about to reply to him nang narinig ko ang boses ni Theo Deltrazo kahit di pa nakakalapit sa akin.
"What's happening here, Kuya?", bungad nito sa nakatatandang kapatid. I looked at Theo at nakangiti ito nang mapang-asar sa kanyang kapatid. Para bang aliw na aliw itong makita ang kapatid niya.
"What are you doing here?" kunot noong tanong ni Xythos kay Theo. Oh my god! The heirs of Deltrazo Holdings!
"I'm here to fetch her. Kakain kami sa labas. I texted you and you weren't replying so inakyat na kita...", lumingon sa akin saglit si Theo pero binalik niya ulit ang kanyang tingin kay Xythos, still wearing his mocking smile.
Pabalik balik ang tingin ko sa magkapatid. These two are total opposites! Theo is smiling and his brother looks pissed right now. I wonder kung magkasundo ba ang dalawang ito or hindi.
"T-theo, tara na. Sir alis na po kami", nilingon kong muli si Xythos at nakatingin ito sa aming dalawa.
Xythos smiled but he doesn't look happy. His eyes show anger and I don't know why. Wala naman akong ginagawa mali ah? Bahala kayong dalawa diyan.
Tumalikod na agad ako at hindi na hinintay pa si Theo. Pagtalikod ko ay ramdam ko rin na umikot na patalikod si Theo at humabol sa paglalakad ko.
"We'll talk later, Theo", dinig ko kay Xythos. I didn't look back. I wouldn't dare.
"Sure, brother!", inakbayan ako ni Theo at tumawa na naman ito habang ako ay nakayuko lang habang naglalakad.
Wala naman akong dapat na ikahiya pero bakit ako biglang nahihiya? Maybe because of the things that Xythos told me?
Was he expecting that I am like my sisters? Akala ba niya ay hindi lumalandi ang mga kapatid ko? They had crushes back then! He sounded disappointed and I don't know why. Kaibigan ko itong kasama ko at kapatid niya pa. Hindi ba dapat okay lang?
Okay lang naman di ba?