Chapter 3
Theo is busy munching on his steak while I chew my chicken alfredo quietly. We dined in a restaurant near our subdivision. It was his suggestion para kapag pauwi na ay madali na lang niya ako ihahatid sa bahay.
Pagpasok namin dito sa restaurant ay nagtinginan agad ang mga tao. Damn! I almost forgot that I am with a Deltrazo. Kahit saan talaga pinagtitinginan itong kasama ko. He's not even wearing his best attire because he came from school yet people here are staring at him as if he is a god.
Habang nasa biyahe papunta rito ay marami kaming napag-usapan. We talked about school, his girls, engineering, at marami pa. Mayroon lang talaga akong gustong tanungin sa kanya kanina pa pero hindi ko magawa.
I stared at him habang iniisip kung itatanong ko ba sa kanya o hindi.
“What is it?”
Sa gulat ko ay nakagat ko ang labi ko kaya napangiwi ako. That hurts! Nangiti naman si Theo. I licked my lower lip.
“I-I was just wondering…”, hinto ko. Hindi ko matuloy kung ano man ang gusto kong itanong. Parang nakakahiya dahil hindi naman talaga namin napag-uusapan ang ganitong bagay.
“Wondering about?”, sambit nito. He sliced his steak while waiting for me to continue what I’m saying.
“Bakit ngayon ko lang nakita si Xythos?”, there I finally said it!
Tumawa si Theo at sinubo ang kanina’y hinihiwa niyang steak. Isa pa ‘yan! Sa tuwing mababanggit ko ang pangalan ng kapatid niya ay tumatawa siya. Ano ba ang nakakatawa roon?
“You’re interested in my brother huh?”, pang-aasar niya kaya naman napangaga ako bigla. Buti walang pagkain sa bibig ko ngayon.
“I am not, Theo Nathaniel! I’m just curious because he’s my boss”, I reasoned out which is true. Nakapagtataka lang din naman kasi.
I know that Theo has an older brother and I know his name too. I know that he exists but I’ve never seen him before. Hindi kami schoolmates, oo. Pero bakit hindi siya kasing sikat ni Theo? O baka naman sikat siya sa mga kaedad niya?
“You’ve seen him, I’m sure of that. Baka hindi mo lang maalala? Besides, kuya likes to be low profile. He hates the spotlight. The spotlight loves him”, sagot nito. Tumango ako na para bang naiintindihan ko lahat pero hindi. Low profile? Bakit?
“Why does he hate the spotlight?”, I asked again. Just curious, okay?
“I don’t know, Calista. Siguro ay gaya ko, hindi niya rin gusto na kinukuyog kami dahil Deltrazo ang apelyido namin o dahil may mga hitsura kami. But like what I said, the spotlight loves him. Kahit pa hindi niya gusto, nilalapitan siya ng mga tao. He’s smart and handsome like me. And he’s also the first born. Oh! And sweet Jesus, his girls…”, kwento pa nito habang umiiling. Right, his girls!
“Magkaaway ba kayo? Kanina kasi parang hindi siya masayang makita ka”, I sipped on my pineapple juice.
Humagalpak na naman ng tawa si Theo kaya napalingon sa amin ang ibang kumakain dito. My goodness! Gusto ko mang takpan ang bunganga ng lalakeng ito ay parang hindi ko rin naman mapipigilan ang pagtawa niya. What a scandalous womanizer I have here!
“That was a good laugh!”, saad pa nito kaya umirap na lamang ako. Hindi ko na siya pinansin at kumain ulit.
He’s still laughing but not as loud as a while ago. Pinilit niyang magsalita while suppressing his laughter.
“I just like to tease him. We’re good, Calista. Ewan ko lang mamaya kung good pa rin kami”, humagikhik ito at naalala ko na bilin ni Xythos sa kanya na mag-uusap sila sa pag-uwi nito.
“May kasalanan ka bang ginawa?”
“Wala yata?”, tumawa na naman siya at kinukusot na ang mata dahil naluluha sa kakatawa. Nahihiya ako pero nahahawa na rin ako sa katatawa ng lalakeng ito.
This is one of the reasons why I like Theo. He’s a good company. Kapag kasama ko siya, masaya ako. I found a brother and a bestfriend. Moreover, we never really liked each other romantically kaya komportableng komportable kaming dalawa sa isa’t-isa.
Elementary ako at highschool student na si Theo noon nang makita ko siyang may kasamang babae. They were not just together. They were making out for Pete’s sake! At sa school pa talaga. I was so shocked I didn’t know how to react. Hanggang sa nasanay na ako na laging nakikita siyang may kasamang babae.
When Theo and I became friends, I found a brother pero dahil doon ay laging may mga umaaway sa akin sa school.
“You b***h! Ikaw ba ang bago ni Theo ha?!”, sugod sa akin ni Bettina rito sa canteen. Lia and Maxine were with me that time. Nagulat ang dalawa sa pagsugod sa akin ni Bettina kasama ang mga kaibigan niya. I was in 8th grade that time and Theo was in 11th grade.
“I don’t know what you’re talking about, Bettina”, tamad kong sagot at gamit ang tinidor ay pinaikot ko ang carbonara. Isusubo ko na sana pero tinabig ng panget na ‘to ang kamay ko. Natapon ang carbonara dahil nabitawan ko ang tinidor.
I rolled my eyes. Not my pasta!
“Kunyari ka pa! Stop making yourself innocent when we all know here na sinulot mo si Theo sa akin!”, gigil na gigil si Bettina sa akin at ang mga tao rito sa canteen ay nakikisali na rin sa tsismis. I can see some whispering at each other. Ang iba ay kinukuhaan kami ng mga litrato at video.
“Ang ingay mo naman! Can’t you see we’re eating? Doon ka nga!”, pagtataboy ni Maxine kay Bettina na mas lalong kinagalit nito at ng mga alipores niya.
“Wag ka makisali rito bata!”, sigaw ng kasama ni Bettina. Napangiwi ako ng hilahin ni Bettina ang braso ko. Ouch! Ang talas ng kuko ng babaeng ito.
Nagulat ako nang may tumabig sa kamay ni Bettina kaya nabitawan nito ang braso ko. Theo.
“Stop this, Bettina. Didn’t I tell you that we’re over? We were not even in a relationship pero kung makaasta ka akala mo naging tayo!”, I want to laugh but this is not the right time for it.
“Theo, please…”, nagmamakaawa ito habang hinahawakan ang kamay ni Theo. Tinanggal agad ni Theo ang kamay ni Bettina at kita kong namuo agad ang mga luha sa mata nito. Poor b***h.
“Noong sinabi ko sa’yo na ayaw ko na sa’yo, ang sabi mo naiintindihan mo. Pagkatapos malalaman kong ginugulo mo si Calista rito? At pinagbibintangan mo pa na sinulot ako sa iyo? Bettina, huwag mong itutulad sa’yo si Calista. She’s so much better than you. Leave her alone”, kalmado pero may diin at nakakatakot ang bawat bigkas niya sa mga salitang iyon.
Hindi iyon ang unang beses na may nang-away sa akin. Marami pang mga sumunod pero kalaunan ay wala na. Nagtaka rin ako kaya tinanong ko siya kung bakit hindi na ako sinusugod ng mga babae niya tuwing magsasawa siya.
“Sabi ko, papatol lang ako sa kanila kung hindi ka aawayin, sa umpisa o gitna o katapusan man ng landian namin. I’m a genius, right?”
Iyan ang pinagyayabang niya sa akin dati. I find it ridiculous but somehow I thanked him for that idea. It feels so much better to not just have my sisters with me but to also have Theo as my brother.
Tulala ako sa kisame ng aking kuwarto habang iniisip ‘yon. I have a special connection with the Deltrazos. Kaya napapaisip ako kung bakit hindi ko gusto si Xythos Deltrazo. I find him really hot, yes. Theo is hot too pero magkaiba sila sa akin. Si Theo ‘yung tipong kaya kong lapitan and I won’t even care how hot he is. Xythos, on the other hand, hinding hindi ko kayang lapitan. Parang natatakot ako lumapit dahil ayaw kong mapaso.
They are so different that I don’t think Xythos Deltrazo will pass as a bestfriend or a brother to me.
It's past 11 pm already but I can't sleep. Kakaisip ko siguro kaya nawala ang antok ko kanina at ngayon naman ay gising na gising ako.
Dahil wala naman akong magawa, I searched for Xythos Deltrazo on Google. Gusto ko lang malaman kung sino ba talaga siya. I've heard his name a couple of times before pero wala naman akong pakialam. Kahit pa binabanggit ni Ate Crisa ang pangalan niya o kaya ni Papa, hindi ako kailanman naging curious kung sino ba siya.
I think that was because during that time, I can't relate to adult stuff. And when I say adult stuff, that includes all of them mula kay Papa hanggang kay Ate Crisa, at ako ay hindi kasali. The only Deltrazo heir that mattered to me is Theo.
Walang masyadong impormasyon na nakatala sa ilang mga sites. I only found the basics. Nothing much.
Name: Xythos Ezekiel Rances Deltrazo
Age: 25
Parents: Gustav Christoffer Alonzo Deltrazo and Regina Ynes Verquinaza Rances
Graduated from: De La Salle University - Civil Engineering
Nakalagay pa rito that he's a Summa c*m Laude. Oh wow! He's smart, indeed.
Mayroon pa akong binisitang mga sites at ito ang nalaman ko tungkol sa kanya.
He likes to play basketball, polo, and mixed martial arts. He is also the first born Deltrazo. And of course the very obvious information, he has a younger brother whose name is Theo Nathaniel R. Deltrazo. Great!
May nakita akong website ng isang lifestyle magazine kung saan featured si Xythos. I immediately clicked it to read.
Naroon ang picture niya taken 2 years ago. He looks very formal with his dark blue suit and slacks, white shirt underneath, and brown leather shoes. Only that his hair looks different here. His haircut here is a faded undercut and it made him look younger.
He was asked about why he pursued civil engineering, if he was pressured because kf his father, how he manages his time for work, family, hobbies, and love. Love, really?
Tinanong din siya kung nakailang girlfriend na ba siya and his answer made me roll my eyes!
"It's a secret"
Pati ang ideal na babae niya ay nasama sa tanong.
"I like mature women. They are fun to be with. We share the same understanding and that's a catch, right? They are mostly my age so... yeah"
Mature women, my ass!
Kaunti lang ang mga nabasa ko tungkol sa kanya at kahit pa pwede naman akong magtanong kay Theo ay mas pipiliin kong huwag na lang. Malisyoso ang isang 'yon kaya hindi na.
Unti unti akong dinalaw ng antok hanggang sa makatulog na ako kaya paggising ko ay 7:40 am na!
"Manong, pakibilisan na lang po ng kaunti", pakiusap ko kay Manong Rey dahil late na talaga ako. My work starts at 8:30 am pero 8:15 am na at kalalabas pa lang ng van namin sa subdivision. I can't recall how I was able to manage a 10 minute bath.
Nag-ayos ako ng kaunti habang nasa sasakyan at sinuklay ang basang basa kong buhok. I am definitely doomed mamaya!
Pagagalitan kaya ako ni Xythos? This is the first time kaya baka warning lang muna ang matanggap ko. But just by thinking about his serious face yesterday gives me chills. Masungit ang isang iyon at hindi katulad ni Theo na mabait sa akin.
I suddenly feel scared.
It's 8:37 am when I finally reached the DH building. Sa bilis ng takbo ko ay para akong hindi nakatakong. May pila pa sa elevator na mas lalo kong kinainis. I looked at my wristwatch and it's already 8:40 am. Oh my!
Nang makapasok sa elevator ay mariin kong pinikit ang mga mata ko. I prayed in my mind na wala si Xythos ngayon sa opisina.
Sana may iba ulit siyang pupuntahan gaya ng dati.
Sa labas ng opisina ni Xythos ay nakatingin sa akin si Maricris. I don't know what to say. Should I ask her?
"G-good morning. Nandiyan na ba si Sir Xythos?", tanong ko muna bago pumasok sa opisina mismo.
"Nandiyan na. Pasok ka na", she said at muling binalik ang tingin sa hawak na folder. I smiled shyly at her dahil alam kong alam niya na late ako.
Tahimik akong pumasok sa office. Nakatalikod si Xythos sa kanyang desk dahil mukhang may kausap ito sa kanyang cellphone. Naglakad pa ako papunta sana sa desk ko kaya lang nalingunan niya ako.
I froze at the moment as his eyes darted on mine. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil may kasalanan ko. Sa magdadalawang linggo kong pagtatrabaho rito sa Deltrazo Holdings, 1 week sa dating department na kinalagyan ko, at 1 week ngayon sa opisina ni Xythos, ngayon pa lang ako na-late.
I smiled cutely at him but I think it didn't work. Nakasimangot ito at tumalikod muli sa akin. He resumed his call. Ako naman ay inayos ang mga gamit sa mesa ko. I should wait for him to finish that call para maghintay ng mga utos niya.
He doesn't really give me too much work pero mas gusto ko na ito kaysa maging utusan sa dating department ko. I wonder how things are going for Lia. I hope she's fine there without me.
I glanced at Xythos once again at nakita kong binaba na niya ang cellphone. I stood up and waited for him to look at me. Nang humarap na siya sa akin ay parang may bumara sa lalamunan ko. I'm guilty for being late and I don't know what to say.
"Why are you late?", he fired. Tumindig ang balahibo ko sa boses niya. Is he in a bad mood? Ang aga naman.
I smiled again pero mukhang hindi siya natutuwa sa mga ngiti ko. Mas lalong kumunot ang noo niya. Sungit.
"G-good morning po", I said.
"Why are you late, Ms. Riqueza?", he said ignoring my good morning. Why do you have to be so grumpy?
"Uhmm sorry po. Napuyat kasi ako k-kagabi at hindi ko namalayan ang alarm ko".
Akala ko ay matutuwa siya sa pagiging honest ko pero mas lalo yata siyang nagalit. He clenched his jaw and he started walking towards my desk. Gustuhin ko mang umatras ay hindi ako makagalaw.
"Napuyat ka? Why? You had fun with my brother last night huh?", he laughed but I can't hear humor in it. Okay, bakit kasali na ngayon si Theo rito?
I had fun with Theo but I didn't stay up all night because of him. Damn! I was home last night before 9 pm.
Nagresearch ako tungkol sa iyo kaya ako napuyat!
But of course, I'm not gonna tell him about that.
"No. Uhmm m-may mga ginawa lang ako-"
"I do not tolerate tardiness in my company, Calista. I hope you know that. Ganoon din sa inyo hindi ba?", lumapit pa itong muli sa akin. I can't even count the times I blinked my eyes while he's getting nearer to me.
"Yes, o-ofcourse. I'm sorry", I bit my lower lip. Yumuko ako at hindi makatingin sa mga mata niya.
"Get your things. You're coming with me", malamig nitong sagot sa akin.
Sa hindi malaman na dahilan ay para akong robot na sumunod sa utos niya. Walang tanong tanong. Ni hindi ko alam kung saan kami pupunta at kung bakit niya ako isasama. Pero kung ano man ang dahilan, ayos lang. I really feel bad kaya kahit anong iutos niya ay susundin ko na lang.