Chapter 2
Birthday
Tawang tawa ko habang naka upo sa kama at nakaharap sa laptop ko. I am in the middle of talk with Basty. He's telling me things na mga nangyari sa kaniya doon.
"Oh, nga pala! Jam went on a blind date last week!" I said as I laughed.
"She what?" He asked, "Seriously?" Then laughed. "Anong nakain niya?"
Bahagya ko pang pinunasan yung luha sa gilid ng mata ko dahil sa pagtawa.
"She met this guy on omegle. Kaparehas namin ng school. Hmm, ahead ng two years and BSBA din." Inaalala ko palang yung nangyari natatawa na ako.
Naglalakad kami papasok ng mall with Tom. Sinama niya kami para daw kapag hindi niya trip ung lalaki ay may escape plan siya.
They decided to meet at the Starbucks.
"I think that's him." Turo ni Jam sa lalaking naka itim na polo.
"He looks like a creep." Komento ni Tom na ikinatingin ko.
Hindi ko talaga alam paano na papayag ito ni Jam na kasama. Not that I don't like it. Wala naman kasi akong choice.
"He seems nice." Segundo ko naman. I looked at Jam. "What do you think?"
"Hindi ko malalaman kung hindi ko lalapitan." She smirk, "Ite'text ko nalang kayo ha. Mag gala muna kayo jan!" Sabi niya sa amin at saka nag lakad na papasok.
Napailing nalang ako. With her dirty pink maxi dress she walked gracefully. Na para bang karapatan pa ng tao na tumingin sa kaniya.
Manang mana sakin. It's just that, I do it in much less effort.
"May bibilhin ako. Ikaw?" Tanong ko sa kasama ko nang mag patuloy kami sa paglalakad.
"I'll go with you..." He said casually.
I looked at him and raised my brows. "You sure?"
He nodded, "Yes. Wala naman akong ibang pupuntahan."
Nagkibit balikat nalang ako. Mamimili ako ng damit ngayon kasi ang tagal na simula noong huli kong shopping. Hindi naman ako maluho. Sakto lang. I don't buy much things because I am not very materialistic.
Hindi lang talaga halata.
Hindi ko alam kung pang ilang beses ko nang labas sa fitting room iyon pero natawa ako ng makitang natutulog na sa sofa si Tom. Well, ginusto niya iyan.
"Mukhang pagod na pagod iyong boyfriend niyo ma'am."
Agad akong lumingon at nag taas ng kilay sa sales lady.
"He's not my boyfriend." I said coldly.
Feeling close naman siya. Sure naman akong kung hindi ako mukhang mayaman at kayang bumili dito ay hindi niya ako papansinin. Tss. People.
Nang nabayaran ko na yung mga damit ay lumapit na ako kay Tom. I poked his forehead at agad naman siyang dumilat.
"Puyat na puyat?" I sarcastically said.
He chuckled, "You took like ages."
I rolled my eyes in his statement. "Let's go."
Agad naman siyang tumayo at nagprisinta na siya na mag dadala ng mga paperbag na dala ko. Buti naman. Hinihintay ko lang talagang mag kusa siya.
Habang nag lalakad kami ay naramdaman kong nag v'vibrate ang phone ko. Tiningnan ko naman ito at nakitang may ilang message doon. Eleven to be exact.
Sister in Crime:
Kri ano ba!!!! Bakit hindi kayo nag rereply ni Tom!? Nasaan ba kayo!?
Napakunot naman ang noo ko at binasa pa ang iba niya text.
Sister in Crime:
Kri, pick me up. I think he's weird and kinda creep.
Come on, textback!
I'm serious Krizhia. I want to go.
Oh my gosh he just won't let me go! Why are you not texting back? Even tom!
And the others was just like that. Natawa ako ng bahagya. Ano kayang problema noon?
Tiningnan ko naman si Tom na naka tingin sa akin.
"Jam texted me." Pinakita ko naman sa kaniya iyong texts. May hawak siyang paper bags kaya I'm sure hindi na niya makukuha ang phone niya.
Napailing siya, "Sabi na mukha iyong creepy."
Nag kibit balikat naman ako at sabay na kaming pumunta kay Jam. Sabi niya ay siya na raw ang susundo sa Starbucks at mauna na ako sa kotse. Hahatid pa nga niya ako dahil sa mga bitbit ko but I can manage.
I'm not disable.
Nang nakarating naman sila ay puro bunganga ni Jam ang narinig ko.
"Oh my gosh! He was so weird! I cannot!" Lintanya niya pag pasok habang pinapaypayan ang sarili.
"He asked me if I was a virgin because he is too! Wala daw kasi siyang makausap na gaya niya na walang experience!" She breathe heavily, "Is that even a proper conversation!?"
"Baka nag papahiwatig?" Singit ni Tom.
"I don't think so. He asked me if I have a brother and sigurado daw siyang mag kakasundo sila because he likes me. Like my attitude."
Natawa ako. May konklusyong pumapasok sa isip ko.
"I think I get it." Tom said at saka nag maneho palabas ng mall.
I nodded. Nag patuloy naman si Jam.
"I know right? Buti nalang wala akong kuya! Why does attractive men also want men these days?" Dramatic niyang sabi.
"I don't want men," Tom.
"Are you attractive?" I replied.
They both just laughed at me.
Hindi parin ako naka moved on pagkatapos kong ikwento kay Basty iyon. We both laughed hanggang sa kung saan saan na napunta usapan namin.
But at the end we both need to end the call. Nakakapanibago but nakakapag adjust naman ako. I am still accpeting the fact that this is for the both of us. For a better future.
"Wala na kayo ni Basty?" Tanong ng isa kong kaklase one day nang pasukan ng year na iyon.
I raised my brows, "You're not in the position to ask me question." I replied and went out of the room.
Naging mabilis ang summer vacation dahil wala masyodong ganap. At iyong babaeng nagtanong kanina ay wala akong paki kung sino. Admirer siguro ni Basty noong highschool.
She's kinda look familiar so baka dito rin siya nag highschool.
"Oh? Busangot na busangot ah?" salubong sa akin ni Jam pagkapasok sa cafeteria.
Binaba ko naman yung bag ko sa upuan sa tabi. "Those sick obsessed admirers of Basty ruined my day. Ang inaabangang balita lang ata talaga noong mga yon kung kailan kami mag b'break."
Natawa naman si Jam habang binibigay yung pagkain ko.
"Syempre. Hindi naman sila makapaniwala na ikaw ang magiging girlfriend nang righteous na iyon. Friend nga hindi nila matanggap e." napairap naman ako sinabi niya.
"Tss. Whatever. Wala naman silang magagawa. Mas hindi naman bagay kung sila ang girlfriend no. That's ew."
She laughed again. Wala namang joke sa sinabi ko?
Then passes by just how the wind blows. Masyadong mabilis. Siguro kasi nagiging busy rin ako sa school. Hindi na talaga ako nag c'cutting ngayon kasi na eenjoy ko yung mga subjects ko.
Nagkakatawagan parin naman kami ni Basty almost everyday. Pero minsan hindi na talaga kaya dahil busy rin siya sa school niya.
"May contest sa school this coming holloween. Ang details na sinabi is gagawa ng cake perfect for the theme. So halloween nga and ako ang napiling representative. Hindi ko alam na may childish acts parin pala sa college." pag k'kwento kay Basty.
Nasa study table ko ako ngayon. I am copying some lectures from yesterday. May hindi ako na attendan na class kasi pinatawag nga iyong mga representatives.
I heard him chuckled, "You're so mean Kri. Of course kailangan ng ganoon para stress reliever narin sa students..."
I looked up at him at tinigil ang pag susulat. "Well you have a point..." nakahiga siya ngayon sa kama niya habang hawak yung phone niya.
Ako naman laptop ang gamit. "Wala ka bang gagawin ngayon?" I asked.
"Wala naman. Tsaka maaga pa dito. Ikaw? Hindi ka pa ba inaantok?"
I shook my head. Tatapusin ko pa itong lectures. "You don't have gala? It's Saturday..."
"Magpapahinga ako ngayon Kri..." I nodded at his reply.
"Birthday mo na next week ah? Anong plans mo?"
"Nothing much. May pasok rin naman na noon."
"No plans of going out? Wala ka bang friends diyan?"
He smiled, "Meron naman. Pero baka kami nalang ni Kuya mag celebrate..."
Nag kibit balikat naman ako. That's more fine.
Nang sumapit ang program for halloween ay mas tense pa sa akin si Jam. This is considered as our last day for this sem. Ang alam ko after ng mga activities ngayon, mamayang gabi ay may event sa quadrangle.
Sure ako marami na namang pabibo doon. Bida bida ganoon. Kung hindi trying hard sa mga outfits na hindi naman pansin kasi gabi, marami pang nag mamaganda. Pero hanga naman ako sa kanila.
Ang hirap kayang mag effort na mag mukhang maganda kahit wala ka nang pagasa.
Anyway, kasama ko si Jam ngayon papunta roon sa 4th floor ng building namin. Doon kasi may isang big room kung saan kami kapag mag t'train na for catering and such. So doon gagawin yung activity na nasalihan ko.
"Nag handa ka ba para dito?" tanong sa akin ni Jam habang naka angkla na naman yung braso niya sa akin.
"Oo naman. Kahit labag naman ito sa loob ko ayokong mapahiya."
Tumango tango naman siya. "Good, good."
The activity started after giving us some instruction.
Hindi naman naging mahirap sakin ang pag gawa dahil triny ko na ito sa bahay. Baking is one of my favorite. Kapag may occation sa bahay, kapag kaya ko ay nag babake ako. Oh kahit kapag trip ko lang.
Syempre kapag gusto kong bigyan si Basty. Mas extra special yung sa kaniya lagi.
Nang natapos ang oras na binigay ay chill lang ako. Natapos ko na kasi yung sakin. Simple lang naman. Pero compared sa kanila mas maganda naman yung sakin.
Napaka common kasi nung sa kanila, with those color orange pumpkin and spiders that I don't know for what, kitang kitang unique naman yung sa akin.
Nang inannounce yung winner ay hindi na ko nagulat na first place ako. Ngumiti lang ako at pumalakpak naman yung iba kong ka kompetensya. Buti nalang mga transfers ata itong mga ito. Halos lahat kasi ng ka batch kong dito galing hate ako.
Tss. So much for being maganda.
INSERT PICTURE.
Bukod sa certificate ay may cash prize din na sure akong kukunin lang ni Jam sakin. Sinabi na niya iyon eh. Kapag may cash prize sa kaniya nalang daw at ililibre na ako.
The event went well nag enjoy naman ako saka si Jam. Pumunta rin sa amin si Tom kasama yung iba pa nilang kaibigan ni Basty. Hindi naman ako masyadong close doon sa iba niyang kabarkadang lalaki kasi may mga girlfriend na halatang insecuresa akin.
It was a pretty much happy for a last day. At halos matulog ako buong araw noong mag start ang sembreak. Kung hindi nga lang birthday ni Basty bukas baka hindi ako babangon.
Mag b'bake ako ng cake para sa kaniya. Every year simula noong bata kami ay lagi kaming mag kasama kapag birthday ng isa't isa. And noong natuto akong mag bake lagi ko na siyang pinag b'bake.
Hindi naman exemption iyong ngayon.
Buti nalang may mga ingredients ako dito sa bahay kaya hindi na ako lalabas para mamili.
At exactly twelve am tumawag ako sakaniya. Napag usapan na namin ito kaya humanap talaga siya ng paraan kahit nasa school siya. Alam kong may klase siya ng ganitong oras.
"Happy birthday Basty!" nakangiti kong sabi.
Sabi nila ang ganda ko raw kapag naka ngiti. Pero normal na sakin yung mukha ko kapag ganon. But I know kapag sa kaniya, it is different from what others sees.
"I miss you Kri..." he said lowly.
Saglit akong natigilan. This is the first time na mag kahiwalay kaming dalawa on his birthday. At this moment, dito ko naramdaman na ang hirap pala. No matter how much I accepted that this was okay, it isn't.
But that's not a reason to give up.
"I miss you too..." mahina kong sabi.
Feeling ko kasi maiiyak ako and ayoko nga ng ganoon.
He chuckled, "Every passing day is hard Krizhia. I know... and thank you because you still decided to stick to this..."
Gusto ko siyang patigilin sa sinasabi niya kasi kapag dinamdam ko ito maiiyak talaga ako. I poyted.
"Dapat lang mag thank you ka! Ang hirap kaya nito. Ang dami ko namang pwedeng ipalit sa'yo per pinili parin kita." I tried so hard to be casual.
Naging matalim naman ang tingin niya kaya natawa ako, "Hindi mo naman gagawin iyon diba?"
My eyebrows creased, "Anong bang sinasabi mo? Syempre hindi!"
This time he chuckled, "Each passing day lalo ata akong kinakabahan na wala ako diyan sa tabi mo. We are both growing up. You are growing up. Lalo akong natatakot na baka may makita kang iba. That your feelings for me was just because I was always there for you that's why you felt that way... That in time it will fade..." he seriously said.
Hindi ako nakapag salita at nakatitig lang sa kaniya. Hindi ko alam kung ilang beses na akong kumurap pero naiiyak talaga ako.
I smiled. Kung natatakot siya paano pa ako? I was nothing but a brat girl who loves him so much. He is all righteous and mighty, kung mayroong mas natatakot ako iyon.
"Don't talk like that. You know that I was crazy for you even when were kids. Let's blow your candle first!" sabi ko nalang.
He nodded. Kinuha ko naman yung cake at sinindihan yung candles.
Nineteen na siya kaya tatlo lang yung candles. Tss. Joke lang walang connect yun. Tatlo para I love you pero hindi ko na sasabihin sa kaniya yon kasi cheesy.
I told him to blow it pero syempre ako din yung nag blow.
"Thank you Kri. I love you..."
"I love you," I answered back.
How long could we stay that way?