Chapter 3 Infinity

2533 Words
Chapter 3 Infinity The following month been like a water from a fall. Mabilis lang umagos. Mabilis lang nagdaan. There's nothing much more on Christmas vacation. I spend it with my family and relatives. Mas lalo ko lang namiss si Basty dahil doon. January came at lalo akong nastress sa school. But then it's my birth month! "Happy birthday Krizhia!" Sigaw ni Jam nang sumapit ang araw ng kaarawan ko. I smiled at her. For everyday in ny life, kung wala itong babaeng ito ay baka nabaliw na ako. She always supprta me in everything. At diretsahan naman siya kung may bagay akong ginagawa na ayaw niya. "Thank you Jam. Alam kong mukha akong prinsesa pero dapat hindi ka na nag abala." Sabi ko habang tumitingin sa paligid. Nasa isang restaurant kami ngayon na naka reserba ata buo. "Tss. Syempre naman mag e'effort ako baka maiyak ka kasi walang babati ng bongga ngayon sa'yo." Nakairap na sabi niya. I make face. Nakakainis talaga ang babaeng ito. "Ewan ko sa'yo," Tiningnan ko ang ayos ng mga mesa. Madami. So sure akong may pupunta. Yung cake sa isa sa mga mesa ay nakakatakam. Ang ganda ng pagkakagawa. Napanguso tuloy ako. I was about to asked Jam kung sino ang inimbita niya nang marinig kong bumukas ang pinto. I look at it and saw my parents coming. "Mom!" Napangisi ako at lumapit dito. "Dad... akala ko may business trip kayo?" Ngumiti naman ito sakin, "Hindi naman namin palalagpasin ang birthday ng unica hija ko..." Natawa naman ako doon. I looked at Jam and she raised her eyebrows at me twice. I rolled my eyes. Hindi rin naman nag tagal ay dumating ang parents ni Basty. "Happy birthday hija..." Tita kissed me on cheeks at ganoon din si Tito. They even bought me a gift. "Si Jam talaga nag plano nito, anak. Kakauwi lang kasi namin kanina ng mommy mo kaya siya na ang nag insist," Sabi ni Daddy habang papaupo. "Eh nasaan sila Tita May saka Tito Ros, Jam?" Tanong ko naman. "May inaasikaso sa trabaho. Pero pinapapigay itong gift. Wala akong gift kasama na dyan yun. Saka nalang pag may work na ako..." simpleng sabi niya at inabot sa akin ang paper bag. "Kuripot ka talaga." Sabi ko at dumila lang siya sakin. Natawa naman yung iba. "Let's blow your candle first hija..." Sabi ni Tito Freddie, Basty's father. Kinuha nito ang cake na nasa mesa at lumapit sa amin. "Ay wait Tito, ah ayan na! Finally!" Jam interrupted at tumingin sa pinto. Lumingon naman ako dito at nanlaki ang mata ko. My smile grew wider. "Bonbon!!" I yelled at tumakbo palapit sa kanya. Agad naman niyang nilahad ang katawan niya sakin. Iirap pa sana ko pero niyakap ko nalang. "Saan ka ba napadpad!?" Sabi ko saka hampas sa likod niya. He laughed. "Namiss mo naman ako..." Kinalas ko ang yakap at matalim na tumitig sa kaniya. He is Jam's older brother. Yerick Vaughn. And I call him Bonbon, ang panget kasi ng Vaughn ang arte ng spell. "Wala ka kaya last birthday ko! Debut ko noon!" Sigaw ko sa kaniya. He is six years older than us pero hindi halata. Mas close ko din siya kaysa kay Kuya Ian na kapatid ni Basty. Hindi kasi madalas dito iyon. "Sorry na. Busy kasi ako noon. Nandito naman ako ngayon." He smiled sweetly at me na inirapan ko lang. "Tara na nga doon! I'blow na natin yung candle mo at nagugutom na ako." Singit naman ni Jam. Nauna na itong naglakad sa amin. "Hindi mo manlang ako i'huhug little sister?" Panuyang tanong ni Bonbon. "Che!" That day went well. Nakausap ko si Basty kinagabihan noon. May thesis kasi sila ngayon kaya alam kong busy siya at sa umaga lang siya makakatawag. Pero nainis ako nang malaman na hindi naman siya busy noon. Yet hindi niya ako tinawagan agad. He hangout with his friends. At hindi all boys. May kasamang babae. Matagal ko nang nakita sa mga pictures yung babae na iyon pero hindi naman ako nag salita. He said she's a friend. Friend niya lang din naman ako dati. But well, mas maganda naman ako doon. "Kri biglaan kasi iyon..." paliwanag sa akin nito. Kasalukuyan akong nasa school ngayon at kausap siya. Hindi video call kasi ayokong makita mukha niya ngayon. "Pero hindi mo sinabi sa akin nung tumawag ka ng gabi ng birthday ko?" I said. Bago siya mag salita ay nagpatuloy ako. "Kung wala kang balak ipaalam sa akin iyon sa susunod dapat i'hide mo sa akin yung mga iuupload niyo na pictures, okay?" I heard him sigh, "Krizhia, she's just a friend. Alam kong may issue ka kay Mandy..." Yeah that name. So ew. Mandy, as I know is a half filipina. Whatever. "Alam mo naman pala bakit hindi ka pa lumayo." Diretso at matigas kong sabi. Naiinis lang ako. Dapat hindi nalang nila inupload yung pictures nila edi wala akong problema ngayon. Sabi nga the things you don't know won't hurt you. Won't irritate you. Tss. "Come on Kri. You are better than that. Alam mong kaibigan lang iyon..." "Fine, whatever. If this same issue bother me again Sebastian, better come up with a proper explanation." I heard his chuckle, "Masusunod mahal na prinsesa..." I tried so hard not to smile. Tss. Mag mumukha akong baliw dito. "Whatever. I need to go. Call you soon. Take care..." Habang lumilipas ang araw nagiging normal na lang sakin ang cycle ng lahat. Unti unti I accepted that this is how it's going to be for the next years. Our first year as college went well. Para sa akin hindi pa ako masyadong nahirapan. Like I said, I enjoy what I'm doing. Sabi nga, you won't get tired from doing what you love. Gaya nalang sa mahal kong ipagtanggol ang sarili ko sa umaapi kaya in the end sila tuloy ang naaapi. Hindi parin kasi tumitigil yung mga insecure sa aking mga tao riyan. Sarap nila sampalin isa isa. "Bakit ba kasi ito ang kinuha mong driver Jamita? Ang sarap itapon palabas!" Sigaw ko mula sa shotgun sit ng sasakyan nila. "I can hear you from here." Sabat ni Bonbon na nag d'drive. Napaka reckless niya! Sobra sobra kung mag patakbo. Sobra rin kung mag break! Nakakasakit siya ng ulo. "Ugh, Yerick Vaughn, you're going to be the death of us." Naiinis kong sambit na ikinatawa ni Jam. "Gamit kasi nila Daddy yung driver namin. Siya lang ang available. Okay na yan basta pakainin wala ng bayad." Jam said while laughing. We are on our way to Ilocos. A twelve hours drive and this driver... jeez. Ewan ko nalang kung makarating kami ng buhay. As usual si Jam ang naka isip ng trip na ito for this summer vacation. Alas tres ng hapon nang umalis kami ng Maynila dahil mas maganda daw bumyahe ng pagabi, walang traffic. "Just tell me you wanted me to come too. Kaya ninyo ako ginawang driver..." Singit na naman ni Bonbon. Gusto ko siyang batukan kaya lang baka maging sanhi pa iyon ng pagkamatay namin sabay sabay. Huwag nalang. Nang lumipas ang isang oras sa byahe nakaramdam na ako ng antok. I rested my head in my sit and closed my eyes. If I find myself in a hospital when I woke up, alam ko na kung bakit. If ever I made it up in a hospital that is. Nagising ako nang maramdamang huminto ang sasakyan. Agad akong nag angat ng ulo at nakitang huminto kami lugar kung saan maraming fast food chain. "Nasaan na tayo?" Tanong ko agad. "Kalalabas lang natin ng express way." Bonbon said ang turned his head on the back, "Tinulugan niyo ako." Natawa naman ako nang nakitang nakanganga pa si Jam sa likod. Kaya niya gusto sa likod e. Mas makakatulog siya ng maayos. Tss. Binalibag naman ni Bon sa mukha ni Jam iyong panyo niya. Noon lang dumilat ang tamad. "Ano?" Tanong nito. "Kakain kami. Dyan ka lang?' Sagot ko. Agad naman siyang umupo at ngumiti, "Hindi. Kakain ako syempre." Napailing nalang ako at lumabas na. Pumasok kami sa isang kilalang fast food chain. Hindi naman ganoon karami ang tao. Mag e'eight na rin kasi ng gabi. Ako ang pumila saka si Bonbon. Napakatamad ng kaibigan ko kasi na yon. Ako rin ang nag sabi ng mga orders. Iyun lang din naman kasi ang nasa menu kaya alam na namin iyon. "Okay na po ma'am?" Tumango ako sa babae. "Four hundred eighty two po..." Tumingin naman ako sa tabi ko at nagtaas ng kilay. Nakatingin siya sa iba kaya tinapik ko. He looked at me. "Bayad ka na." Poker face kong sabi. Napangisi na naman siya, "Ang laking tulong ko talaga sa inyong dalawa, ano?" I pursed my lips to avoid smiling, "Ikaw kaya ang kuya." I answered at nauna na sa kaniyang bumalik sa seat namin. Kaya na niya iyon. "Antok na antok na ako..." Jam said the moment I approach her in our seat. "Kanina ka pa nga tulog e!" "Iba parin yung sa kama..." Sagot pa niya. Napairap nalang ako. Ako din naman antok na antok na. Siya kaya nag yaya dito tapos mag rereklamo. Tss. Pagkatapos naming kumain ay umalis narin kami. Halos wala naman akong ginawa kundi matulog dahil wala na akong makitang tanawin sa labas. Nakarating kami past twelve in the midnight. Mas maaga sa kinalkyula naming byahe. Wala kasing traffic. Agad naman kaming nag check in sa resort doon. Buti nalang nag pa reserve na si Jam dahil fully booked na nga iyong hotel. We share in one hotel room. Malaki iyon at may tatlong kama dahil masyadong magastos kung ihihiwalay pa namin si Bonbon na maarte. Pagkapasok ay agad akong pumunta sa may veranda at hinawi ang kurtina doon. I opened the door and went there. This is my second time coming here. Bata pa ako noong una kaya hindi ko masyadong na appreciate ang ganda nito. In front of me is a small part of mountain and the water lies down. Ang ganda nang pwesto parang pinasadya. Sa tuktok nito nag mumula ang mga mahilig mag adventure para sa zip line. I think I will lose my breath if I try that. On my left is the vast ocean where I can see the reflection of the moon. Napangiti ako. I remember my childhood days when I would run around our village with a smile in my face, looking at the moon, thinking it's chasing me. Thinking that my only problem that days was how can I make my parents approved so I can be with Basty everytime. I need to study, I know. But I much more appreciate being with Basty when we were kids. I like seeing him everyday. I like how he smile, how he smile when he sees me. I don't know if at that very young age I am already inlove with him. I have no knowledge about romantic love that time. And I don't think i can fully understand how deep love is until now. Napalingon ako sa kanan ko nang may marinig. It was a flash of camera from Bonbon. "Alam kong maganda ako pero bawal mag nakaw picture!" I hissed. "Ang sungit! Let's take a photo!" Iirap pa sana ako sa sinabi niya pero natawala lang ako when he made his wacky poses. He just clicked and I swear I am not very good at that. "Hindi pa ako ready!" "Diba sabi mo maganda ka naman? Ang maganda kahit hindi ready maganda parin. So, maganda ka ba?" Hindi ko alam kung tatawa ako sa sinabi niya o ano. But I still give him glares. "Nakakainis ka!" Sabi ko sabay hampas sa kaniya. Hindi naman niya ko pinakinggan at pumasok na sa loob. The next day I woke up past eleven in the morning. Pag gising ko ay wala nang tao sa room kundi ako. Ang tagal ko kasi bago nakatulog kagabi kaya tinanghali ako. I did my morning routine before I went down. Agad ko namang napatagpuan iyong dalawa sa restaurant doon. "Goodmorning mahal na prinsesa!" Bati ni Jam. "Morning, beauty." Bonbon said. "I much more like your greeting Bonbon." I said I sit beside Jam. "I much more like if you stop calling me Bonbon." Gaya naman niya sa way ng pagsasalita ko. "Asa you." Napasigaw ako dahil sa lakas ng alon ng napag pasyahan na naming mag swimming sa araw na iyon. Of course no bikini. Magtatangka palang ako ay parang naririnig ko na iyong boses ni Basty. Tss. Jam and I decided to have a henna that night. Mas maganda nga dito kapag gabi. Maraming ilaw, madaming tao. And there's so many thinhs you can buy. "Bakit infinity pinalagay mo?" Jam asked me pagkatapos naming maisipan na mag pa'henna tattoo. "I always love this sign. I love the meaning of it..." "Forever?" I shrugged, "No end..." My love for this sign started when I was fourteen I guess. It was at school. I don't remember it clearly but we encounter it in our math class. I can't deal with math so we're not going to talk about it, I just can't forget the meaning of this. Basty gave me an infinity bracelet on our first year together. I was very happy. He was the first one who gave me such things together with my favorite symbol. They say, an infinity bracelet means, everlasting, eternal love. Noong nalaman ko iyon hindi ko alam kung saan ko ilalagay yung kilig ko. "Hindi mo sinabi sa akin na nag out of town kayo?" Tanong ni Basty noong nag kausap kami pagkaraan ng isang linggo. We can't make it in our everyday call now but I understand. Sa lumipas na taon I can say that I am more mature. Noong kasing nandito siya feeling ko hindi ko naman kailangan intindihan ang lahat. Kasi nandiyan naman siya. "Ah oo, biglaan lang. Nag aya si Jam. So..." "Nandiyan na pala si Vaughn?" He asked and I nodded. Naalala ko na naman yung pinost niyang picture namin! Tumatawa ako doon. Maganda naman ako but it doesn't look decent! Para akong timang! "Yup. He came on my birthday. Hindi ko nga inaasahan iyon but I'm so happy! Wala siya, diba, noong debut ko..." Nakangiti kong sabi sa kaniya. He smiled at me, "Oo nga..." Lumingon siya sa kung saan. Tapos narinig ko yung boses ni Kuya Ian. He then looked at the screen again, "Saan ba siya galing at bakit siya umuwi?" Napataas naman kilay ko, "Ang sabi niya he was in Cebu for work. I don't know I don't ask much question, don't have time for it. He's here anyway. I'm sure namimiss ka na noon..." Kahit hindi naman sila masyadong close. Mas matanda kasi si Bonbon sa amin kaya I understand na hindi sila masyadong close. Except nalang for me. Hindi naman kasi mukhang matanda iyon. Mas matured pa ko mag isip. Tss. "I not sure, though..." He replied and chuckled. Okaaaay?? "Anyway, I got to go, Kri. I might be late for school..." Tumango naman ako at ngumiti. Kauuwi ko lang galing school papasok naman siya. Great! Favorite ko na talaga yung kantang Magkabilang Mundo ni Jireh Lim. Ugh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD