Chapter 4 Fight

2918 Words
Chapter 4 Fight Nag aagaw ang liwanag at dilim nang umupo ako sa kama sa aking kwarto pag kauwi galing school. Muli kong binalikan ng tingin ang aking cellphone para sa ka-videocall. "You didn't tell me! Ano Basty binabalewa mo na ang opinyon ko ngayon?" Pagtitimpi ko. Masyadong maraming gawain sa school at ang usapang ito ay nakakadagdag pa ng sakit ng ulo ko. Gamit ang namumungay na mata ay muli siyang bumuntong hininga. It's almost dark outside and I know he woke up because of my call. Good thing! Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung hindi niya pa ito nasagot! Dumalang ang communication namin and I understand that. Ni hindi nga kami nag katawagan noong birthday niya kahit pa linggo iyon! Busy rin ako kaya hindi ko na inalintana pa but these freaking pictures in social media bugged me again! They had a party for him which he didn't tell me and I was even more shock on the picture that I think I am the last person to see. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Jam ay hindi ko iyon malalaman! At napakarami pang pictures nila noong babae niya doon! That Mandy! Ugh I hate that name! "Nakalimutan ko dahil matagal na noong huli tayong nag usap, Kri-" "Ah so sino palang may kasalanan? I agree I am busy but I am trying hard to make this work!" I shouted. Kung nasa harapan ko siya ngayon ay baka naging bayolente na ako. Hindi ako alam na may taglay pa akong ganitong pagpipigil! Alam ko na hahantong iyon sa mga pagaaway na ganito pero pinipili ko ito, kaya humahanap ako ng dahilan para hindi mag sisi sa nagawang desisyon! "She's just a friend Krizhia! I am trying to understand you but you are being difficult!" Ramdam ko ang inis at pagpipigil sa boses niya. It's written all over his face too! Oh? Bakit siya ang ganiyan? Dapat ay mas galit at naiinis ako! Hindi niya ba kayang iwasan ang babaeng iyon? Atleast huwag nang mag papicture nang hindi ko makita! I know I am being a brat but I cannot deny the fact that I am a little bit hurt because of this! Little, dahil mas lamang ang inis ko. Hindi ko alam kung alin ba sa ayaw ko sa babaeng iyon ang hindi niya maintindihan! I laughed mockingly, "Ako pa ngayon? Simpleng hiling ko hindi mo mapagbigyan? Pinagbigyan kita na ituloy ang relasyon na ito kahit alam kong mahirap! Ito lang ang pabor ko sayo tapos..." "Kung ganoon pinagbigyan mo lang ako sa relasyon na ito-" "I won't agree to this if I don't want this too! Can't you see? I am doing and understanding all of this because I want to! I love you! I break my principle of breaking up with you because I can't deal with this LDR but I am trying, Basty!" Hinabol ko ang hininga ko pagkatapos noon, "Nag reklamo ba ako kapag hindi ka nakakatawag? One and a half years... I am telling myself that this was just fine..." "Kri I know please... she's in my circle of friends. I am not rude and she's not doing anything wrong... but fine, I will try my best to stay away..." Inalu ko ang sarili ko sa realidad na hindi maiiwasan ang ganoong away. It soothe and calm me somehow for the next months. I don't know much in relationships because I never had a serious one. Siya lang. Kung may naging boyfriend man ako noon ay puro lang laro. I should just trust him because I know he knows better than me. Kahit naman iyon ang ginagawa ko buong buhay ko. I trusted him even before I was a kid, not even understanding what that word really mean. Isang sampal ang lumapat sa mukha ng babaeng nasa harap ko ngayon. Patapos na ang school year para sa ikalawang taon sa kolehiyo pero hindi pa ito nag paawat! "You don't talk to me like that!" I hissed. Buong akala na hindi siya gaganti ay nagulantang ako sa sampal niya. Hindi naman ganoon kalakas dahil mas mataas ako sa kaniya kaya hindi lumapat ng maayos ang kaniyang kamay. Pero sapat na para mainis ako ng husto. "Sino ka para sampalin ako!?" I hissed. "Malandi ka! I thought you were already tame because of Basty but well, once a s**t always a s**t!" Sigaw niya. Kita ko na gilid ng mata ko ang pag kumpol ng tao sa amin. Hindi ko pinahalatang naapektuhan ako sa simpleng banggit niya ng pangalan ni Basty. "Ngayong wala na siya balik sa dating ugali? You don't deserve him anyway!" Patutsada pa niya. Oh? Bakit napunta dito ang usapan? Ang naalala ko galit na galit siyang sumugod dahil nakita niya kaming mag kasama noong Jade na boyfriend niya daw. Jade said to me they were done and he wants to court me. Tumanggi ako syempre kaya hindi ko alam anong kinagagalit ng kutong lupang ito sa harap ko. "And? You deserve Jade, then? Kung hindi ka pa eskandalosang palaka ay baka maintindihan kita sa pagdadalamhati mo sa nasawi mong pag-ibig but your dirty mouth sting so bad! Kasalanan ko ba kung hiniwalayan ka at ako ang gusto?" Damn! Alam kong maling sabihin iyon dahil nag mumukhang may relasyon na kami noong Jade kahit wala naman. Pero kasi nakakainis na ang pinagsasasabi nang babaemg ito. "How dare you, b***h! Malandi ka!" Sigaw niya pa na tila nawawalan na ng depensa. "Oh, it takes one to know one huh?" Panuya ko pa, "Huwag mong isisi sa akin ang kakulangan mo diyan sa ex mo kaya naghahanap ng iba. Anyway sige, hindi ko naman papatulan kaya go follow him like a thirsty dog!" Huli na nang mamalayan ko na nag sasabunutan na kami. In the middle of the crowd, parang may labanan dito at nag pupustahan sila kung sino ang mananalo. Wala manlang pumigil damn it! "You s**t! Napakawalang hiya mo!" Sigaw niya pa. Napairap nalang ako habang hinihila din ang buhok niya. Wala na siyang maibato sa akin kaya pinisikal na niya ako. What I said is true. Bakit niya isisisi sa akin ang pagkukulang niya sa ex niya? Tss. After that scene natagpuan ko nalang ang sarili na nakaupo sa guidance office. Ugh. "Ms. Marin," Napatingin ako sa guidance counselor, "Ms. Repeles," Baling naman siya sa babaeng nakaupo din sa harap ko. "What is this all about?" Mahinahon niyang tanong kahit alam kong nagtitimpi lang siya. Nakalimutan ko na kung pang ilang beses ko na iyong away sa taong iyon. These girls bugs me too much! "Sinampal niya ako!" Nanggagalaiting sabi ni Repeles. I don't know her name and I don't care too. "Nauna siya dahil sinugod niya ako! It was my defense act!" I said back. "You hurt her physically, Ms. Marin. It's not the first time you came here, tungkol saan ba ang lahat ng ito?" I sighed. It's all about Basty's crazy fans and random boys who tried to get me! I will die because of them! "Sinisisi niya ako sa panliligaw ng "ex" boyfriend niya sa akin. Nagagalit pero hindi ko naman kasalanang nag sawa na iyon sa kaniya? Who wouldn't break it up with you, anyway? A girl stalking you everywhere like dog waiting for attention-" "Ms. Marin that's enough!" Pagtitimping sigaw ng ni Ms. Guintangan. Napairap nalang ako. Nakita ko naman ang pangingilid ng luha nang nasa harap ko. My words are harsh but that's the truth! She needs to wake up and realize there's so many fish in the sea! Mukha rin namang siraulo iyong ex niya kaya bakit niya pinagtitiisan iyon? Nang nasa bahay ay hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko ang mga nangyari sa araw na iyon. Napaaway na naman ako at naka rating iyon kila daddy. I know they're disappointed. Ngayon nag college nalang ako kasi umulit ito. Noong nandoon pa si Basty he's doing anything to avoid my complications with girls. Kapag hindi naagapan ay gagawa ng paraan para hindi na malaman pa nila daddy. Hindi ko ma contact si Basty. I texted him and wait for his call or reply but it didn't came. Halos alos dose na iyon ng gabi. I waited 'till I fell asleep. Nang nagising ako ng umaga isang text lang ang nakita ko. Basty: I'm sorry I'm sleeping when you called. I'm a bit busy these days... Hindi na ako nag reply. Kahit alam kong ganoon lang naman din ang irereply niya I still tried to wait for his calls everyday. Kahit abutin ng ilang oras. Sometimes he calls but most of the time, busy. Kahit nag bakasyon ay hindi parin dumalas gaya ng dati ang tawagan namin. Mas dumalang pa ata. Salungat naman kasi kami. Kahit vacation dito doon ay hindi. I survived though, kahit unti unting nanghihina para sa mga darating pang buwan. "Please, no more away with girls this year Kri! Iyong huli ay malala!" Paalala sa akin ni Jam sa pangatlong taon namin sa kolehiyo. "I can't promised you that. Sila naman kasi ang nangaaway..." I heard her groan, "Paano ba kita ilalayo riyan? Na iistress ako sayo e!" Kahit naman pinagsabihan ako ni Jam, hindi ko talaga naiwasan. I tried to calm my nerves when someone confronts me. Kaya lang nakakapikon talaga yung iba! Ang mga fans ni Basty ay hindi naman bayolenteng pisikal. Puro parinig lang ang ginagawa nila. Saying I don't deserve Basty and they're sure he found someone else already. Ni hindi nga daw nila alam ano ba ang nagustuhan sa akin ni Basty. I question myself too. Hindi naman kasi ako bato para hindi masaktan. Sa nagdaang taon, ngayon ko lang seryosong inisip iyon. Ano nga ba ang nagustuhan sa akin ni Basty? Why is he sticking to me? Desyembre nang taong iyon ang pinakamalala kong away. Iyun din ang una para sa third year college. Kahit gusto kong mag bunyi alam kong walang sense. "You know I believe in Basty so much even before. Kaya noong naging kayo ay hinanapan ko ng dahilan kung bakit ka niya nagustuhan kabila ng paguugali mo at kalat mong negative image sa eskwelahang ito!" Nakaduro siya sa akin habang nag sasalita. Akala ko ay makakatakas na ako para sa taong ito! Ugh! I know this girl. Ex girlfriend ito noong lalaking pumupormo sa akin. Nakita ko silang mag kasama noong isang araw. Bakit sa akin na naman nagagalit ngayon? "I believe he sees something in you! Pero ako na mismo ang nakakita na wala kang pinagkaiba sa malalanding babae rito! I saw it in my own eyes! You are flirting with Phister earlier when you're in a relationship! Kahit isiping hindi na kayo ni Basty ay alam ko ang totoo. I see him in social medias with girls pero itinatanggi niya iyon so ibig sabihin ay ikaw parin but you are nothing but ungrateful immature girl who likes nothing but attention!" Girl? Immature? Nasasabi niya iyan dahil ahead siya sa akin? Natamaan ako sa sinabi niya kahit walang katotohanan iyon. I got hurt! I felt my blood boiling with anger at ngayon ko lang iyon naramdaman. All this time I controlled myself para hindi maapektuhan sa ganitong bagay but this is too much! Sinugod ko siya! Hinila ko kung ano ang mahawakan ko at halos matanggal lahat ng butones sa blouse niya nang dahil doon. I am dominating the fight but I don't know why my eyes are burning with tears! Isang hila sa akin ay natauhan ako. I looked at the girl and she's a mess. Halos makita ang b*a niya dahil sa sirang damit at halos wala akong galos. Was I am too much? It's my boiling anger! It's her fault! "Krizhia are you okay?" Nag aalalang boses ni Jam ang nakapagpalingon sa akin. Ang lalaking humila ay si Tom pero wala na akong lakas para magsalita. Alam ko na ang kasunod nito. It was hell. I got suspended for a week. Gusto pang mag sampa ng kaso noong magulang noong babae but my parents wrap it up. Alam kong galit sila pero hindi sila nag salita habang nasa sasakyan. Mom is with Dad and I know this is bad. Pagkarating sa bahay ay parang kulog ang boses ni Daddy. "This is too much Krizhia! You embarrassed us too much!" Wala akong masabi. Tila napipi sa nangyari at sa dami ng naglalaro sa aking isip. Hinagod naman ang ni mommy ang likod ni dad para pakalmahin. "Now what is it about? Ilang beses na ito ah? Masyado ka nang malala! Simula noong umalis si Sebastian ay nagkaganito ka na! Hindi ka na nahiya sa amin ng mommy mo!" Pagpapatuloy niya at napayuko nalang ako. My tears are forming but I tried hard for it not to fall. Nag tagumpay naman ako. Bakit ba siya laging nababanggit sa ganito? "Only him can handle you. Kaya ka nagkakaganito dahil wala siya? Hindi mo kaya ang sarili mo at lagi kang nakikipag away! Sana pala ay ipinasama nalang kita sa kaniya!" Dapat ay natuwa ako sa sinabi ni Dad. Dapat ay masaya ako hindi ba? That yes, I wish I was with him. Na sana doon na nga lang din ako. But why my poor heart ache? Bakit hindi saya ngunit gumuhit na sakit ang naramdaman ko? Umiling nalang ako kay, "I'm sorry daddy, mommy..." Iyon ang sinabi ko bago pumanhik at nagkulong sa kwarto. Agad kong hinagilap ang cellphone ko para tawagan si Basty. Nakita kong online siya pero hindi sumasagot. My tears fell like a water falls, mag d'dial sana ulit pero natigilan ako. Unti unti ay binaba ko sa kama ang cellphone at naupo rin ako doon. Panay ang punas ko sa mga luha ko pero walang patid iyon. He's not here Kri, don't make him worry more. I told to myself. Natawa ako. Humorless. How I accepted everyone's word right know... Oo nga, hindi ko siya deserve. That yes, I was only fine when I'm with him. Na kaya ko lang kaya ay dahil nandiyan siya sa tabi ko. Napalingon ako sa pinto nang marinig ang sagutan ng parents ko. "That's why I wanted him so much for Krizhia because only him can tame her. Our child is a brat, Clara! Noon pa man ay iniintindi ko siya dahil bata pa at wala pang muwang. She cut classes, always involve in girl fights, hanggang ngayon! She's not growing up! Walang naging seryosong ka relasyon noon pa man kaya laking pasasalamat ko at naging sila ni Basty! But now, there she goes again!" Boses ni daddy. Hindi ba nila alam na maaring marinig ko? Nagkagugulo g**o na ang mga bagay na nasa isip ko. And all these things seems to fire my burning anger, disappointment, and hatred for myself. I am not perfect, I know that. That's not my fault. My fault is I didn't try to be the best version of myself. I grew up with someone who always there to catch me each time I make a mistake. He made me feel that it was fine and he can handle it all. That's where he lied. Because he cannot. Hindi ako nakapaghanda para sa pag alis niya pero kinakaya ko. And I am selfish that I'm thinking that my only problem was him leaving me. Siguro nga hindi ko kasalanan na may lalapit sa akin at susugod. My fault is acting childish and respond to my anger. Pinapatulan ko kahit ang mapirming sinasabi sa akin noon ni Basty ay habaan ko ang pasensya. That patience could save me and as long as I keep my cool it won't get messed up. It's all my fault. At sa gulong ito ay isang tao lang ang gusto kong makausap. To save my a*s again? Huwag na. Pinigilan ko ang sarili kong tumawag sa kaniya sa gabing iyon. Lumayo na nga siya, hanggang doon ba ay dadalhin ko pa ang problema ko sa kaniya? Isang linggo akong na ka nganga sa bahay dahil sa suspension. Sa isang linggong iyon, hindi ko nakausap si Basty. I find relief in that though. Ayaw ko nang malaman pa niya ito. Ang sabi niya sa akin ay ako lang ang halos tinatawagan niya dito sa Pilipinas. Kahit mga kaibigan niya dito ay hindi dahil wala naman siyang personal contact. Puro sa social media lang iyon at madalang pa niyang ma replyan. Ang parents niya ay si Kuya Ian naman daw ang tumatawag kaya hindi rin sila madalas mag kausap. Kaya kalmante ako na hindi niya malalaman ito. Jamita: Hoy, bilisan mo naman! Ano? Nag r'revenge ka ba dahil lagi akong late sa mga lakad natin? Text nitong si Jam. Tapos na ang school year at may dadalhin lang kaming requirements na kailangan pa sa school. Nasa byahe na ako kaya nireplyan ko na. Ako: Malapit na! Pinalitan niya iyong pangalan niya sa contact ko kasi ayaw niya daw iyon. Nagmumukha daw siyang bad kagaya ko kasi sister in crime ko siya. Tss. "Thank God after that incident last december ay wala nang nag tangka pa sa iyo!" Jam chanted. Napairap nalang ako. Buti nalang talaga. Hindi ko na kakayanin kung mayroon pang isa. Napairap ako ng makita ang isang lalaki na papalapit sa amin. Humalakhak si Jam. Isang linggo na akong kinukulit nitong si Klusterus. Naiinis na nga ako minsan kasi akala ko si Basty na ang mag tititext siya lang pala! Tss. "Boys really can't resist you, huh?" Jam chuckled while saying that. I groaned. So much for having a pretty face!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD