Chapter 5
Darkness
"Cyrus ayoko nga!"
Muli kong sabi habang nag lalakad ako palabas ng eskwelahan. Hindi ko nga alam kung pang ilang beses ko nang tanggi sa kaniya ito.
"Come on, Kri. Kahit isama mo si Jam! May mga isasama rin naman ako." Pangungulit pa nito.
Cyrus is my ex boyfriend. Siya ata ang huli bago kami maging official ni Basty. At nitong nakakaraang araw ay nangungulit ito sa akin gaya nito. Iba iba nga lang ang sinasabi.
"Kulit mo Cy,"
"Hindi ka naman ganito ka higpit noon, ah? Friendly date lang! Madami naman tayo!" Pilit niya padin kaya hinarap ko na.
Wala pa sa gate ay nakita ko na ang sundo ko kaya wala na siyang magagawa.
"Ayoko Cyrus."
Napabuntong hininga naman ito at sumuko na. Nag patuloy ako sa lakad at pumunta na sasakyan. That day was not tiring as my former days at school. Pagkarating ko ay naabutan ko ang aking parents sa may sala.
"Mom, Dad..." I kissed them both.
Naging maayos naman kami pagkatapos nang insidente noong isang taon. Kahit ano pa ang galit nila at ang sakit na naramdaman ko. They are my family. They will always forgive and take me back as I will to them...
"Hija, sumama ka nalang sa amin sa pasko..." muling sabi ni mama, hindi pa ako hinayaang umalis.
"Mom, I'm fine here. Madami lang talaga akong tatapusin na hindi pwedeng ipagpaliban. Kung ako lang ay gusto ko sumama..." sagot ko naman.
They were encouraging me to go with them in Batanes for their business trip. Gusto ko kaya lang ay hindi pwede.
"Sic..." tawag ni mommy kay dad na para bang humihingi ng tulong.
I adore my mom so much. Kahit kasi masama ang ugali ko (which is I know naman talaga) she kept on understanding me.
"Hayaan mo na ang anak mo Clara... maganda naman ang rason niya at para sa eskwela. Nandito naman si manang para samahan at pagsilbihan siya..." pinal na sabi ni daddy kaya wala nang nagawa ni mom doon.
Dalawang linggo rin kasi silang mawawala. They'll go next week, dalawang araw bago ang pasko kaya talagang mag isa ako dito.
I checked my phone out of hobby. Nakasanayan ko na iyon para sa text ni Basty. O icheck kung naka online ba siya. Ang huling tawagan namin ay last month pa at ang nakakaraan ay puro nalang texts. I don't know why I much prefer that.
Nitong mga nagdaang isang taon kasi kapag nagkakaharap kami parang naiiba. May nag iiba. After that incident a year ago, kapag nakikita ko siya ay parang bumabalik sa akin ang lahat. The words of those girls, my dad's words... lahat ay tumatakbo ulit sa isip ko.
It is making a big hole in my heart. As much as I don't want it to affect me, I can't stop it. I remember every girls words, I don't deserve him and he's much more better off without me. Paano ako? I am just better because he's with me.
Pati si daddy na ang tanging dahilan nang kagustuhan niyang makasal ako kay Sebastian ay dahil I am at my very best behaviour when he's with me.
"Hi Tom!" Bati ko at naupo sa silayang katabi ni Jam sa cafeteria. Sa harap ko naman si Tom.
Ngumiti naman ito sa akin. Inayos ko naman ang dala ko pagkain sa tray ko.
"Ano ang balak mo sa Christmas?" Singit ni Jam.
Lumingon ako sa kaniya at umiling.
"Marami akong gagawin na plates kaya baka hindi ako maka celebrate noon,"
"Hindi kayo aalis?"
"Ba't sasama ka kung sakali?"
Siya naman ang umiling, "Nope. Sasabihin ko lang na uwian mo sana ako..."
I made a face, "My business trip sila mommy..."
Inikot ko naman sa tinidor ang pasta sa aking harap. Ito lang ata talaga ang masarap dito sa cafeteria na ito.
"Oh? Mag isa ka kung ganoon?" She asked and I nodded, "Sa amin ka nalang!"
Muli akong umiling at isinubo iyon. I sip on my drink after.
"Hindi na. Marami rin talaga akong tatapusing plates. It's even convinient though, I don't have dinners to attend to."
She shrugged at si Tom na ang kinulit. Hindi naman madalas ay nandito ito. Kapag trip niya lang siguro o nasusuya sa mga katropa na iba iba ang babae kada araw. O week.
"How about you Tom? What do you particularly do when Christmas?" Jam asked.
"Nakasanayan na ang dinner with family. The usual thing..."
Sa mga sumunod pang araw ay inabala ko na ang sarili ko sa mga gawain. Kung gusto kong maka graduate ay kailangan kong pagsumikapan ito.
"This is our last meeting for the year. Hope you have a blast..." huling salita noong profesor namin.
Last subject at hindi na ako makapaghintay pa na umuwi. Pag labas ko nang classroom ay napairap ako. Come on, not again.
"You're going home?" Cyrus asked.
"Obviously," Humalakhak siya sa sagot ko.
"Sungit mo parin talaga sa'kin. I wonder what really is the reason..." He proudly said.
Napakunot naman ang aking noon. Okay? Wala naman akong na gets.
Nakarating kami sa parking lot na puro panunuya niya lang. Natigil ako nang makita na wala pa iyong sasakyan namin. Nag sabi naman ako na sunduin ako ngayon. Hindi naman kasi ako madalas mag pasundo pero kapag nakakatamad mag commute at wala namang lakad ay iyon ang ginagawa ko.
Pumunta si Cyrus sa harapan ko, hindi ko pinansin.
"I feel like you still like me that's why you're this distant to me. Kahit kaibigan ayaw mo?"
Gusto ko sanang umirap at umatras dahil masyado siyang malapit pero hindi ko ginawa. That will prove him a point. Hindi ko na siya gusto! I doubt if I ever like him to extent of the real meaning of that word or attracted lang ako noon sa kaniya.
Gwapo naman kasi talaga siya but then I like someone else deeply. Using that word won't even be enough.
Tinagilid niya ang ulo at lumapit pa sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"I don't have any feelings for you Cy. For you information, what we had back then is nothing but a shallow attraction so don't get your hopes up," diretso kong sabi.
A bit rude, but it is what is needed. Nakita ko ang pagtiim ng kanyang panga at ang pagkunot ng kaniyang noo.
"Really?" He mocked.
Hindi naman ako umatras. Ayokong mag conclude siya na tama ang hinala niya. He maybe the last and the longest I've ever been with except kay Basty, but that doesn't mean I did have a serious feelings for him and that was years ago!
I raised my brow telling him I am not being intimidated by him. What he did next was out of context! He kissed me at bago ko pa siya matulak ay kusa na siyang lumayo. Sa gulat ko ay hindi agad ako nakapagsalita pero namuo sa akin ang galit at inis.
"What the hell?" Malakas kong bulyaw aa kaniya.
Tumawa lang naman siya sa harap ko, "Just making it sure, Kri." Kalmante niyang sabi.
Kung hindi ko pa nakita ang sundo ko ay baka kung ano pang nagawa ko sa kaniya.
"Get lost!" was the last word I said to him.
Hindi ko alam kung nanadya ba ang tadhana nang tumawag si Basty nang gabing iyon. I felt guilty! Kahit hindi ko naman ginusto iyon ay nilalamon ako ng konsenya. I wanted to tell him but I didn't, ayokong mag away kami ngayon. Siguro kapag lumipas nalang para mas madaling maipaliwanag.
"How's your day?" He asked in a husky voice. Alas tres doon ng madaling araw kung hindi ako nag kakamali.
"The usual... ikaw? Bakit gising ka pa?"
Cellphone ang gamit ko ngayon kaya inabala ko ang sarili sa pag aayos ng mukha habang naka loud speaker siya. Gusto ko mang tingnan siya ay baka makita niya sa mukha ko na may bumabagabag sa akin.
Kahit hindi naman ata niya napapansin nitong nag daang taon ang mga iyon. Tss.
"I just did some school work. May pinagawa rin sa akin si kuya kaya..."
Tumango ako kahit hindi niya nakikita.
"Matulog kana kung gano'n. Mag papahinga narin ako..." mahinahon kong sabi.
Kinuha ko ang phone ko at inangat iyon. Kung hindi ko siya haharapin ay mag tataka ito. I know him very well.
He nodded I watch as how he blinked several times to avoid fully sleeping on me. Hindi ko namalayan ang aking ngiti.
"Tatawag ako sa pasko..." huli niyang sabi sa tawag.
Alam kong gagawin niya iyon. Kapag kasi nag bigay siya ng araw na tatawag ay ginagawa naman niya talaga. Minsan lang sinasabi niyang hindi siya sigurado kung kailan.
Ang kaso, hindi ko nasagot ang tawag niya noon. Nakatulog ako sa dami nang ginawa. Tumulong kasi ako kila manang mag luto para sa amin. Kahit naman wala dito sila mommy ay hindi maganda na palipasin lang ang magandang araw na ito.
After my works ay tumulong ako sa paghahanda ng pagkain. Pagdating ng gabi ay nakatulog ako.
Nang nagising ay puro text niya ang naroon.
Sebastian:
Are you asleep? I'm calling...
Kri.
I wanted to see you...
Sleep well, then. Merry Christmas, I miss you...
Napabuntong hininga nalang ako. Sayang! Nagbalik naman sa normal noong pasukan na. My mood was light kahit busy. Tatlong buwan nalang kasi ay g'graduate na ako.
Two weeks after the start of January, hindi ako tinetext ni Basty. He won't reply to me at hindi ko rin matawagan. I am worried pero alam ko namang kung may nangyari sa kaniya ay agad kong malalaman.
Pero hindi ko inaasahan ang isasalubong niya noong muli kaming nagkatawagan. I am using my laptop habang na study table ko ako. Alam kong siya din ay ganoon.
"Ano, Basty?" Tanong ko.
He is asking me ridiculous questions! Are you seeing someone else? Iyon agad ang tanong niya. Kung hindi ko lang ramdam ang pag kaseryoso niya ay tatawa ako.
Really, now?
"I am not in my good mood Kri. So answer me," He talk like a mad man.
Kinabahan ako kahit wala namang dapat ikakaba. My eyebrows furrowed.
I sighed, "Where is this coming from?" I asked steadily.
I saw him smirk, I'm not used to it. Giangamit niya lang sa akin iyon kapag nagsisinungaling ako sa kaniya! At sobrang dalang noon dahil wala akong naitatago sa taong ito!
May pinindot siya gamit ang kanyang phone habang nakatitig lang ako sa kaniya. Maya maya ay tumunog ang aking cellphone para sa isang notification. Now I'm worried, what is this about? Inabot ko ang cellphone na nasa gilid ko lang.
I saw it's from him, bahagya ko pa siyang sinulyapan bago buksan iyon. Pictures flooded in our chatbox. Isa isa ko iyong tiningnan at halos manlamig ako.
I literally felt the acid dripping from my stomach. It was a photos of me with different guys. Iyon iyong mga lalaking umaaligid sa akin at iyong iba ay naging sanhi ng pakikipag away ko. What the hell?
Habang sinusuri ay may partikular akong hinanap. My heart is beating faster pero hindi ko iyon nakita. Hindi ko alam kung mapapanatag ba ako gayong kahit nasa screen lang ay kaharap ko siya.
I looked at him and his face was dangerous. Tila hindi mo pipiliin na salungatin siya sa ano mang sasabihin.
"T-These are..." hindi ko maituloy sa kaba! "Uh, me?" o yes, obviously, what the hell Kri, "Where did you get these?" Mas controlado kong boses na tanong.
He looked at me mockingly, "Mahalaga ba iyon?" Walang bahid na emosyon ang ipinakita niya sa akin, "What are you been doing there!" Sa mas maharas na paraan ay parang kaya niya akong abutin mula sa kinauupuan ko.
Munti na akong atakihin sa puso. This was the first time he scold me like this. Hindi ko alam ang sasabihin. Nagiwas ako ng tiningin at humugot ng hininga.
"These men... was... just... hitting on me? I rejected a-all of them!" Damn bakit ako nauutal kung gano'n?
Mabilis ang naging alon ng aking dibdib sa kaba kahit totoo naman ang sinabi ko. Accusation was very evident in his eyes, telling me he don't believe me. Oh baka mali naman ang nakikita ko?
He always believe in me! Damn!
Nang mahimasmasan ako ay hindi parin siya nag sasalita. Doon lang ako nakapag isip. He's aking me this because?
"You are telling me to stay away from one girl Kri and now you can't stay away from your men?" His voice is full of venom.
My men!
"Sebastian, ano ba ito? You know men in school! Hindi ko naman pinapatulan!" Histeryang sabi ko.
"Make sure of it! Bakit nakakalapit pa sa iyo? Dapat ay hindi mo na pinapansin!"
Napapikit ako ng mariin. I understand where he is coming from. Ganyan ako, hindi ba, dahil pinagseselosan ko iyong babae niya doon? Dapat ay alam kong intindihin ito.
"At wala kang sinasabi sa akin na may nangyayari na ganyan! You kept it hidden! All these years nakalimutan mo i-kwento?" Ang tono niya ay hindi nagbabago.
May sakit, akusasyon, at inis doon.
"Dahil hindi naman mahalaga, Sebastian!"
He pinch the bridge of his nose. To calm? I need to calm too! He is accusing me bases only on this pictures! Bakit ako magtataksil sa kaniya kung pwede ko naman siyang hiwalayan agad, hindi ba?
"I told you everything that was happening in me here! Kilala mo lahat ng nakakasalamuha ko at sinasabi ko sa iyo lahat kahit buwan pa ang lumipas sa pag uusap natin Krizhia! Bakit ikaw hindi mo magawa?"
Every word is filling my whole system. Resulting to blaming myself in the end. Of course it's my fault. It can't be his or anyone else. Pagkukulang ko na naman iyon.
I nodded several times on him. Still, calculating his words on me. Ito na ata ang nging hobby ko nitong nagdaang taon. Examining everyone's word and taking it all to me. Masakit man o hindi.
Hindi ako ganito but I know the fact that I cannot be forever who I was. Laging may pagbabago doon. Four years ago... kung may ganitong eksena ay ibang iba ang ikikilos o sasabihin ko.
Alam ko iyon. Maybe this is me being mature? Maganda iyon hindi ba? Nag-iisip muna ako bago nagsasalita o may gagawin.
Hindi naging maganda ang pag tatapos nang usapan namin nang gabing iyon. Isipin ko man kung saan galing ang mga pictures ay hindi rin naman mahalaga. Basty is very cold to me.
Hindi ko alam ang gagawin. I accepted it was my fault and said sorry to him. Hindi naman ito malalim na problema kaya alam kong nabigla lang siya. I know him... unless he change, too?
Well, sabi ko nga. Inevitable iyon. He will change, no matter the circumtances may be.
"Nag-away kayo?" Matagal ang titig ko kay Jam nang itanong niya iyon.
I nodded, "Small things..." segunda ko agad.
"Bakit?" Inilingan ko ang tanong niya.
Ayaw kong pag usapan. Ayokong balikan ang nangyari dahil mag iisip na naman ako. Kailan ako naging ganito? I thought being mature may less your lot of complications! Mas malala naman ata ngayon.
Lumipas ang ilang linggo na ganoon, iniwasan kong isipin kasi lalo lang bumibigat ang loob ko. Maraming requirements sa school dahil g'graduate kaya hindi ako nahirapan na balewalain muna ang problema namin. May date na yung graduation. Two weeks from now, pero hindi ko pa nasasabi kay Basty.
Ang huling text niya nung isang araw ay tatawag siya ngayon. I waited, abutin man ng madaling araw pero walang tawag na dumating. Text lang, mag aalauna.
Sebastian:
I have some school works to do this day. I cannot call.
Iyon ang sabi niya. Simple, reasonable. Pero bakit nasasaktan ako? Hindi ko maiwasang mamuo ang aking mga luha. Wala namang masakit sa sinabi niya, ah?
Sinabi niya kasi tatawag siya! Wala pa kaming matinong usap simula noong nag away kami! Hindi ko alam kung ano ba ang iniisip niya sa mga panahong ito o kung galit pa ba siya sa akin. Kung totoo ba yung dahilan niya o ayaw niya lang akong maka usap.
Miss na miss ko na siya!
Same day the next week, tumawag siya. I was so happy but it was shortlived. Hindi ko inaasahan 'yon. May nag padala sa kaniya ng picture namin ni Cyrus! Iyong hinalikan niya ako.
I can't explain.
"What the hell, Kri? I understand those pictures last time but this is different!" Sigaw niya sa akin.
Ang ayos namin ay katulad noong una kaming nag away. Nasa study table pareho. Ito ang una niyang tawag pagkatapos niyang sabihing busy siya noong nakaraan.
Pero hindi naman siya busy no'n. Nakita ko iyong pictures niya na nasa birthday party sa account noong babae niya. Hindi naka tag sa kaniya kaya kung hindi naka public iyong account nung babae at kung hindi ko pa inistalk ay hindi ko iyon makikita!
Nagalit ba ako?
Ni hindi nga ako nag tanong sa kaniya e. Hindi niya ako matawagan kasi mas importante sa kaniya iyong birthday noong Mandy na iyon?
Nabalot ng galit ang sistema ko pero hindi ako nag salita. Will he believe me? I doubt it now.
"Ano, Kri? Guilty ka?"
I looked at him in the screen. I wanted to explain it to him. Guilty ako, alam ko. Pero hindi ko iyon ginusto! Base on his expression he's supressing his anger. Nagagalit nga pero alam kong hindi pa ito iyon.
Still not being too hard on me, huh?
"I'm sorry..." tanging sabi ko.
Ano pa bang dapat sabihin? Even though I didn't expect that to happen, nakita niya. It looks like I cheated on him.
"Sorry? Is that it? You cheated on me? What the hell Kri!?"
Kumalabog ang puso ko sa galit niya. My tears are about to fall kaya tumayo ako at pinusan iyon. Kunwari ay may kinuha lang para hindi halata.
"Bakit pinatagal mo pa ng ganito? You really did have men there, huh? Those picture are true, then?"
Disgust are very evident in his face and words. Hindi siya makapaniwala pero iyon ang nasa isip niya. Ang gumuhit na sakit sa akin ay nakakabahala. Tila kinukuha ang lakas ko.
Bago pa ako makapagsalita noon ay pinutol na niya ang tawag. Walang paalam o kahit na ano. I stared on my screen. Tulala. My tears are falling but I don't mind them.
It's my fault, right? Dapat ay sinabi ko nalang sa kaniya iyon noon. Kasalanan ko kaya bakit ako umiiyak at nasasaktan? Damn, my life is so fudge up. Karma ko ba ito?
Tumunog ang phone ko, umasa ako kahit alam kong imposible.
"Kri, bukas daw makukuha iyong graduation pictures! Sabay tayo, ha!" Masiglang tinig ni Jam sa kabilang linya.
"J-Jam..." My voice cracked. Kakapigil ng luha tingin ko ay may bumara sa aking lalamunan.
"May problema ba?" Nag aalala niya agad na tanong. She knows I have a problem. Hindi ko man sinasabi sa kaniya ay alam niya.
"I think we... b-broke up..." nanghihina kong sabi sa kaniya.
Matagal bago siya nakasagot. Halos maramdaman ko ang sakit na nanunuot sa akin.
"You think? Hindi ka sigurado?" Mahinahon niyang tanong sa akin.
"Jam... what should I do? I... I cannot... let this... I-I can't take this... J-Jam..." humihikbi kong sabi sa kaniya.
Ang isang palad ay nasa mukha na, patuloy na pinupunasan ang nag lalandas na luha.
"What happened, Kri? Baka naman nagtatampo lang sa iyo?"
Umiling ako kahit hindi niya nakikita. Hindi tampo iyon. Kapag nagtatampo siya, lumalapit parin iyon sa akin. Kung may nagawa ako, magtatanong iyon. But he didn't even let me speak!
"He d-doesn't believe in me anymore, Jam. I was so hurt... pero bakit nagagalit din ako?"
"Just calm down! Subukan mo ulit tawagan?"
"No... he won't pick it up..."
Matagal hindi sumagot si Jam. Nahimasmasan ako. Ang mga luha ay tumigil sa pag patak. Hindi pa ulit siya nag sasalita ay pinutol ko ang tawag. I was driven by my anger right now. Gusto kong umalis at magpahangin.
Huwag nalang munang isipin, huh, Kri? Lilipas din ito, hindi ba?
Nagagalit ako, kasi kasalanan ko na naman diba? Mali ako. Nag kamali na naman ako. Dapat sanay na ako sa ganito e. People get mad, in the things I did, o kahit hindi.
Jam:
Pinatay mo? Are you okay?
Ako:
I'll go on some bar tonight. I think I'm fine...
Habang nag bibihis ay tinanggal ko sa isip ko ang nangyari. Hindi naman niya ako pinapaniwalaan. Bakit pa ako mag eexplain sa kaniya?
Nagkakagulo na ang utak ko kaya hahayaan ko nalang. Kung mabalitaan niya ito, ano naman?
Nang natapos ako mag bihis ay nag ring na naman ang cellphone ko sa tawag ni Jam.
"Sasama ako! Nasaan ka ba?"
"Gabi na Jam papayagan ka ba?"
"I will sneak out! Hindi pwedeng ikaw lang!"
Napairap ako. So, ito na naman ba tayo sa hindi ko kaya ang sarili ko? Dapat sanay na rin ako dito.
"I will pick you up, then. Sa labas ng village niyo..."
Iyon nga ang napagkasunduan namin. Wala sila mommy kaya madali akong nakaalis gamit ang sasakyan namin. Naghintay naman ako saglit sa harap ng village nila Jam bago ko siya nakita at sumakay.
"Ano ba Kri? Delikado ito wala tayong ibang kasama!"
Pagod ko naman siyang tiningnan, "Jam, sabi ko kasi ako nalang."
She groaned at me, "At mas delikado iyon!"
Hindi ko na siya pinansin at nag drive nalang. Namamanhid ako. Halos wala akong maramdaman ngayon. Kahit noong nasa bar na kami at umiinom feeling ko hindi ako tinatamaan sa iniinom ko.
I'm sure makakarating kila daddy ito. Papagalitan na naman ako. Gagraduate nalang hindi ko pa pinalampas at sinuway ko na naman sila! May makakakita na naman sa akin dito at tatawagin akong malandi kasi nasa bar ako. Oh? So malandi rin sila?
Wala na akong boyfriend kaya pwede na ito! Damn. Thinking that is breaking me.
"Kri, tama na iyan! Pag usapan nalang natin, ano ba ang nangyari?" Sigaw ni Jam habang nasa tabi ko.
Malakas ang music, maingay, madaming tao, pero hindi ko alintana.
"Ayoko ngang pag-usapan Jam! Basta! Nag away kami! Wala na kami, I'm sure, hindi niya lang masabi! Nag m'move on na ako dito!"
"Move on! What the? Hindi mo kaya!"
Matalim ko siyang tiningnan, really? Nakakainis siya! Alam ko namang imposible iyon sa ngayon pero kailangan pa talagang sabihin?
"Kakayanin ko, Jam! Wala kang suporta!"
"Lasing ka na! Pati imposible pinagsasabi mo na. Hindi ka hihiwalayan noon!"
"Ginawa na nga Jam, ano ba! Nasasaktan ako dito, banggit ka pa jan ng banggit!"
Kahit hindi ko narinig ay ramdam ko ang pag buntong hininga niya. I feel dizzy, pero alam kong kaya ko pa. Hindi ko nga alam kung gaano karami na ang nainom ko. Nakatunganga lang naman si Jam sa tabi ko.
Noong feeling ko ay wala na akong maiisip mamaya at makakatulog nalang ako ay tsaka ako nag yayang umuwi. That's it. Alteast, hindi na ako mag iisip mamaya at iiyak.
"Ako na mag d'drive Kri, aba, lasing ka na!"
"Hindi nga. Nakakapaglakad pa nga ako ng maayos? Hahatid kita, tara na!"
Nag ilang pilitan pa kami roon bago siya pumasok sa shotgun seat. Marami akong nainom but I guess I can still drive. Maayos naman akong nag mamaneho at hindi pa gewang gewang.
I was still in my right mind while driving. Pero alam kong na sa akin mapupunta ang sisi dahil sa nangyari.
Humaharurot na van ang biglang lumiko sa lane namin. I did what my instinct told me. Lumiko ako sa kanan. Jam voice echoed on my mind.
Sumalpok kami sa hindi ko alam na bagay pero malakas ang impak noon. I heard glasses breaking, pati ang malakas na ingay gawa ng pagkabangga. Hindi ako makagalaw but my mind is concious. Nakapikit ako pero nananatiling bukas ang aking utak.
I don't know how long before I heard a siren. Probably someone call for help. I tried so much to open my eyes. Hindi ako nakagalaw but my mind is in horror. Kahit hindi ko pa nakikita ang sarili ko ay alam kong mas napuruhan si Jam sa amin!
I heard people talking, gasping... until my mind pulled by darkness...