Kabanata 10

1368 Words
Nakita ni Anya ang pagkaway ni Eunice pagpasok pa lamang niya ng bulwagan. She formed a sweet smile on her lips bago marahang naglakad palapit sa mga ito. Sinalubong siya ni Eunice maging ni Vince at iginiya sa upuan. Humalik siya Kay Lola Consuelo, na tuwang-tuwa nang makita siya. It's her 80th birthday. Bago kasi ang kaarawan nito ay nagpasabi na siya kay Eunice na baka hindi siya makaka-dalo. "Happy birthday po lola." Nag-mano si Anya sa matanda at humalik sa pisngi nito. “Im glad you came, hija. Buong akala ko pa mandin ay hindi ka na makakadalo sa aking selebrasyon," sabi ni lola Consuelo. Abot-abot ang ngiti ng matanda. Larawan ng pagka-surpresa. Niyakap niya si Lola Consuelo at kinonsola, upang pawiin ang lungkot nito kung hindi siya nakadalo. Naupo siya sa tabi nito at masayang nakipag-kwentuhan. Ilang sandali pa ay magsi-simula na ang programa para sa celebrant. Maririnig an anunsyo ng tagapagsalita. "Happy birthday!' anang tinig sa likuran. Nanigas ang likod ni Anya nang marinig ang pamilyar na baritonong boses. Lalo itong nakaramdam ng tensyon nang kasunod na marinig ang pagbati ng isang boses babae. Tumayo si Lola Consuelo at hinarap ang mga bagong dating. "Clark hijo. Mabuti at nakarating ka? " "Always, lola. Maaari ko bang palampasin ang 18th birthday ng pinakamagandang lola sa balat ng San Sebastian?" Lambing na bati ni Clark. Lola Consuelo laughed heartily. Clark kissed her. Ipina-kilala nito ang kasamang babae. His current girlfriend, na isang former beauty queen. Si Eva Mendez. Para namang dinurog ang puso ni Anya pagkarinig kay Clark. Animo sya tinarakan ng punyal sa hapdi at kirot na nararamdaman. Pinilit niyang maging kalmado kahit na gusto na niyang humaribas palabas ng bulwagan. Pilit niyang ikinubli ang pait sa dibdib. Iniwasan niyang mapatingin sa mga bagong dating. Subalit hindi umayon ang gabi sa kanya. Kamalas-malasan ay naging magkatapat pa sila ng puwesto ni Clark. Pinanatili niya ang composure. Iniwasan niyang mapasulyap sa lalaki at sa kasama nito. Hustong magsisimula na ang programang inihanda para sa may kaarawan nang siya namang paglapit ng front desk officer. Nilapitan nito si Anya at may ibinulong. Mabilis na nilinga ng dalaga ang pintuang pinanggalingan ng officer na kumaway sa isang waiter na naroon. Mula roon ay bumungad ang isang matikas na lalaki. He was tall and lean. Nagpalinga-linga ito na tila may hinahanap at nang matagpuan ang sadya, an excited smile formed in his mouth. Akma siyang tatayo, nang mapabulalas si Eunice. Napansin agad ng kaibigan ang palapit na lalaki. “You’re kidding me! .” Si Eunice Kay Anya. Hindi makapaniwala. Mabilis itong tumayo, larawan ng pagka-surpresa ang kaibigan. “My God… Rence?” salubong ni Eunice. “Hello, gorgeous!” Bati ng lalaki nang tuluyang makalapit. Niyakap ito ni Eunice sa sobrang katuwaan. “Ahm Honey, I’m just right there… lest you forgotten," pabirong bulalas ni Vince na sinabayan pa nang pagkaway. Eunice laughed. Bumaling si Rence Kay Anya na abot-abot sa mata ang kasiyahan. He embraced her warmly, kasabay ang mga katagang... "I have missed you!" "So am I..." She replied seriously. Happiness flows in her. Ipinakilala niya si Rence kay Lola Consuelo. Laking tuwa ng matanda. Naging napaka-giliw nito kay Rence. She said Rence is an adorable, handsome young man. Fun to be with. Palihim niyang sinulyapan si Clark. Nagulat siya nang masalubong ang matalim na mga titig nito. Nagliliyab. Mabilis siyang nagbawi ng tingin at itunuon ang pansin sa binatang kararating lang. _______________________________ “Can’t breathe?” Hindi niya kailangan lumingon para lang mahulaan kung kanino galing ang seryosong tinig mula sa likuran. Naramdaman niya ang paglapit nito. Oh God, she terribly missed him. Pinili niyang magsawalang -kibo at 'wag na lang itong pansinin. Ngayon na lang uli sila nagtagpo ni Clark. Nagpasya na siyang tapusin ang bakasyon sa bansa. Walang dahilan para magtagal pa siya sa Pilipinas. Ilang araw matapos ang maiinit na pangyayari sa pagitan nila ni Clark ay lumabas sa mga pahayagan ang balita nang napipinto nitong pagpapakasal sa kasintahan. Maging sa telebisyon ay laman ito ng mga balita. Naging mainit na usapin ang pagpapa-kasal ng batikang siruhanong si Clark Zantillan at ng former beauty queen na si Eva Mandez. Sa larawan ay masayang magka-yakap ang dalawa. Larawang nagpalambot sa kanyang depensa. Hindi niya maiwasang makaramdam ng paninibugho. Sa caption ay nakasulat ang mga linyang “The playboy bonafide finally met his match.” Maraming nagpa-abot ng pagbati. Maraming natuwa sa balita. Samantalang siya ay sinakluban ng langit. Nangatog ang kanyang tuhod at tinakasan ng kulay ang kanyang mukha ng makita ang mga larawan sa peryodiko. Labis siyang nasaktan. Higit pa sa naramdaman niya noon. Kung ganoon ay walang halaga sa lalaki ang mga pinagsaluhan nila. Pawang pagpa-panggap lamang ang lahat. Parte ng paniningil nito. Isang parusa. Napaka-estupida niya na hiniyaang mahulog muli sa lalaki. Kanina sa loob ay tuluyang sumama ang pakiramdam niya. Hindi niya kayang dayain ang damdamin. Seeing Clark with another woman makes her sick. Unti-unti niyang naramdaman ang pagkapos ng hininga, sabay ng pagsisikip at pagkirot ng dibdib. Kaya't lumabas siya ng bulwagan upang umamot ng hangin. At ngayon ay abot kamay lamang niya ito. Natatakot siyang baka ipagkanulo sya ng tunay na nararamdaman. Minabuti niyang bumalik na sana sa loob upang iwasan na lamang ang lalaki. Subalit hindi pa man nakaka-hakbang ay mariin siyang napigilan ng binata sa kamay. "Not so fast baby." Ani Clark. Nabigla man sa agarang aksyon nito ay hindi nagpahalata ang dalaga. “He’s too young…Is he your boyfriend?"He asked. “What is it to you?” Pabalewalang sagot ni Anya, dahilan upang mas dumiin pa ang pagkakahawak ni Clark sa pala-pulsuhan niya. Napangiwi siya sa nadamang kirot. “Let me go Clark.” Mariin niyang anas. "You're hurting me." Hindi pinansin ng binata ang sinasabi niya, nagpatuloy ito sa pagpisil. “Let me ask this baby…did you give him a ride too? Have you tasted him?" Angil ng binata, na kinabig siya at marahas na isinandal sa may pader. May kadiliman sa lugar kaya walang sinuman ang makakapansin sa kanila roon. “Damn you, Clark.” Matigas na niyang turan. ”Oh, damn you too. Damn you for making me feel like s**t. Now, answer me.” matigas na saad nito. Ramdam na ramdam ni Anya ang panggagalaiti ni Clark. Nagtatagis ang bagang nito sa galit. Nadadarang siya sa apoy na nag-uumalpas sa mga mata nito. What's gotten into him para magalit ng sobra? Hindi ba at dapat ay s'ya ang nasa posisyon nito? Pero bakit sa pakiwari niya ay s'ya ang nang-a-grabyado? Nanakit ang pala+pulsuhan niya sa higpit ng pagkakahawak ng lalaki. “Kung inaakala mong tapos na tayo ay nagkakamali ka Anya. Nagsisimula palang ako sa paniningil sayo.” Mariing sambit ni Clark. Tila nagbabadya ito ng giyera. Dama ni Anya ang bigat sa dibdib.. Gusto siyang parusahan ni Clark. "Dammit Clark, anong kasalanan ko sayo para parusahan ako ng ganito?" "Hindi mo talaga alam?" anitong patuya. "You almost killed me! " he burst out. "And you'll pay for it." he added. Paghihiganti. Iyon ang akmang salita sa ipinapakita nitong galit. At labis syang nasasaktan dahil alam niya kung saan nanggagaling ang poot nito. Nagsukatan sila ng tingin. Nagliliyab ang mga mata niyo sa galit na tila gustong tumupok sa pagkatao niya. “What's happening here?" Si Rence, na naghahanap pala kay Anya. Salubong ang mga kilay ng lalaki habang nakamasid sa kanila. Naroon ang pagdududa, nakapaskil sa mukha ang pagtataka. Nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Mabilis siyang kumawala kay Clark na noo’y nagdilim ang mukha pagkakita sa lalaki. Mabuti na lamang at lumuwag naman ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Pagkakataon na sinamantala niya upang makawala sa lalaki. Mabilis niyang nilapitan si Rence. “You okay?” Rence asked nang makalapit siya rito. “Yeah, may itinanong lang siya sa akin." pagdadahilan niya. " Let's go, Rence.” Kulang na lang ay hilahin ni Anya ang binata. Kahit na iginigiya na niyang papasok si Rence sa bulwagan ang buong pansin nito ay nakatuon pa rin kay Clark. Naiwan si Clark na bagamat pumormal ang mukha ay nagkuyom ang mga palad. Kulang na lang ay magbuga ng apoy ang mga mata nito sa sobrang paninibugho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD