Bulto ni Clark ang bumungad kay Anya pagbukas niya ng pinto.
Inaasahan niya ng gabing iyon si Rence kung kaya't hindi na niya pinagka-abalahan pang sumilip sa peephole.
“Ganyan ka ba humarap ng bisita in a late hour of the night? How decent?” sarkastikong sabi ng lalaki.
Mula sa mukha niya ay bumaba ang mga mata nito sa kanyang dibdib.
Sumunod doon ang mga mata niya at noon niya lang napansin na nawala sa ayos ang suot na roba na ipinatong niya sa manipis na pantulog.
Mabilis na pinagsalikop niya ang tela upang mapagtakpan ang nakahantad na dibdib.
Napaatras siya ng bahagya nang tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng apartment niya si Clark ng walang imbitasyon mula sa kanya.
“I’m tired and I wanna rest." Anito na hindi man lang siya nilingon.
Tuloy-tuloy itong umakyat sa itaas, as if he owned the place.
Mabilis na Isinara niya ang pinto at sumunod sa lalaki na noo'y nasa pangalawang palapag na ng bahay.
Kakatwang alam nito kung aling kuwarto ang inu-ukupa niya.
Tumuloy ito roon.
Suot-suot pa ni Clark ang white coat nito, mukhang galing pa ito ng ospital.
Pansin ang pagkahapo sa lalaki. Para tuloy gusto niyang makonsensya.
Basta nalang nitong inihagis sa single sofa na naroon ang attache case na dala at walang pakundangang naghubad na ikinapanlaki ng mga mata niya.
Nag-iwas siya ng tingin.
Pagbaling niya padapang nakahiga ang lalaki sa kama niya, na ni hindi man lang pinagka-abalahang takpan ang kahubaran.
Clark...
“Let me sleep, okay? Bukas mo na ako awayin.”
Putol nito sa sasabihin sana niya.
Damn, she sighed.
Saglit pa at nakatulog na ang lalaki.
Ilang minuto rin niya itong pinagmasdan muna bago inabot niya ang comforter at kinumutan ang binata.
Pagkatapos ay isa-isa niyang dinampot at inayos ang mga pinaghubaran nito.
Mataas na ang araw nang magising si Clark.
Wala si Anya sa silid.
Napansin niyang maayos na naka-hanger sa isang tabi ang mga pinaghubaran niyang damit.
Kagabi ay pinilit niya pang tumabi sa kanya sa kama si Anya.
Bagamat wala namang nangyari sa pagitan nila, masarap sa pakiramdam na yakap-yakap niya ang dalaga buong magdamag sa kabila ng pagtutol nito.
Inabot niya ang nakitang tuwalya, mukhang inihanda talaga iyon ng dalaga para sa kanya.
Saglit syang nag-banyo pagkatapos ay nagbihis.
Pababa na siya ng hagdan nang maulanigan ang mga boses na tila nagtatalo sa ibaba.
“What the hell is he doing in your room? You slept with him?” Sunod-sunod na tanong ni Rence.
Hustong inihihilamos ang mga kamay sa mukha.
Salubong ang mga kilay nito at totoong nakararamdam ng pagkadismaya sa kaharap.
“Rence no…nagpalipas lang siya ng magdamag dito sa apartment. Nothing else okay? Pagod iyong tao at…”
"But still hindi mo siya dapat hinayaan na magpalipas ng gabi dito. Sweetheart,
he's f*****g getting married soon, as if you don't know.'" he interpose.
"I know Rence... I know. So stop blaming me."
“Your action is not comprehensible. You're a good woman, for God sake! You're getting demoted into despicable woman if you keep seeing him,” agaw ni Rence.
Palakad-lakad ito sa living room at pamaya't-mayang napapabuga ng hangin.
Madilim ang mukha
Pagkuway bumaling sa kanya.
Naging Seryoso ang mukha.
"Let's get back to the Sates. The sooner, the better."
”Hmm…” tikhim ni Clark na hindi na nakatiis.
Doon na piniling ipa-alam ni Clark ang kanyang presensya.
Kanina pa siya nagpipigil sa lalaki.
Sino ito para pagsalitaan ng ganun si Anya.
Tunay na nakapagpapa-init ito ng ulo. Sabay na napalingon ang dalawa.
Nasapo ni Anya ang ulo nang makita si Clark. Sukat sumakit bigla ang ulo niya. Hindi pa nga sya nakakabawi kay Rence.
Si Rence ay mas lalong nagdilim ang mukha.
Lumarawan ang labis na pagka-disgusto.
“I’ll go ahead…” paalam ni Rence na humakbang patungong pinto.
Matalim ang matang pinasadahan si Clark.
“Rence.” Habol ni Anya ngunit tuloy-tuloy lang ang lalaki palabas at mabilis na pinaharurot ang gamit na sasakyan.
“Quarreling at this early of hour?” Si Clark.
“Oh please… kung maayos na ang pakiramdam mo you can also leave now,” iritadong tugon ni Anya.
“That fast? Hindi mo man lang ba ako aaluking mag-breakfast?”
Anya rolled her eyes.
Napaka-imposible talaga ng lalaking ito.
Paano nito nagagawang parang balewala lang ang lahat.
Tinungo niya ang kusina. Sumunod si Clark.
Ipinaghanda niya ng almusal ang lalaki. Matiyaga namang naghintay ang binata habang pinanonood siyang nagluluto. Kaya naman ay hindi niya maiwasang mailang.
Maganang kumain ang lalaki, pansin iyon ni Anya.
Tahimik lang siyang nakamasid dito. Gusto na niyang singhalan si Clark, batid niyang sinasadya nito ang lahat.
It was all part of his vegeance.
“Ito na ang kahuli-hulihang matutulog ka sa bahay ko Clark.” Sambit ni Anya.
“Bakit dahil ipinagbabawal niya?" sagot ni Clark sa gitna ng pagkain.
“No, dahil iyon ang tamang gawin.”
Kumibot-kibot ang labi ni Clark, impit na natawa.
Umangat ang kamay nito patungo sa kanyang mga labi. Humaplos at dumama. Nagsimulang mag-init ang mukha ni Anya.
“Ako ang magpa-pasya sa bagay na iyan, Anya. Sa ayaw at sa gusto mo nasa akin ang lahat ng karapatan sayo, like the old times." Sarkastikong wika ni Clark.
"Sharing you with him is unacceptable.
But my upcoming marriage is not an issue. We can do whatever we wanted. "
Anya felt her anger rising within her.
Ngunit pilit siyang nagpaka-hinahon. Hindi niya bibigyan ng kagalakan ang lalaki na makita siyang talunan.
“Are you proposing I become your mistress?” Ang maaskad na tanong niya sa lalaki.
'Kinda like." Ang mabilis na tugon ni Clark.
“You're impossible,” impit na tugon ni Anya, na gustong maubusan ng pasensya sa binata.
“Throw him out of the way. You know me. Hindi ko ibina-bahagi sa iba ang pag-aari ko," sambit ni Clark. "Name your price and you will have it.”
Halos hindi mapaniwalaan ni Anya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Clark.
Ganoon na ba kababa ang tingin nito sa pagkatao niya para hayagan siya nitong kutyain?
“Not easy for me throwing someone close to me. I'm sorry but..."
"Really?" Agaw ni Clark. "Wow! Coming from you?" Mocking hostility in his voice.
"That's something is not new to you... apparently you're good into putting someone through hell....right Anya?" Dugtong ng lalaki.
Hindi nakapag-salita si Anya, tila punyal na tumarak sa kanyang dibdib ang mga binitawang salita ng kaharap.
Yumuko ang dalaga sa kabila nang pagbangon ng galit.
"I'm sorry but I can't... I can't live without Rence.” Kalmante niyang sagot.
Umigting ang panga ni Clark tumuwid ng upo.
Nagpaka-hinahon. Tumitig ng matiim kay Anya, inarok ang katotohanan sa mga sinabi nito.
"Well, If that’s the case then lets play the game by my rules," pikong dagdag ni Clark.
“Is that what you wanted playing games with me and you're fiancee?” balik na tugon ni Anya sa binata.
“Don’t compare yourself to her," madiing sagot ni Clark.
"Eve is respectable and a good woman, while you…” Hinagod siya nito ng tinging may pag-aalipusta.
"You're nothing but a good f**k buddy,” pabiglang sagot ni Clark.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Clark. Nasapo ng binata ang pisngi.
“What was that for?” Si Clark na halatang nagulat.
“You!" Dinuro niya si Clark.
You're an incurable asshole!" Mabalasik na sagot ni Anya.
"Wala kang karapatang insultuhin ako dahil wala kang alam. You know what crazy, Clark? You're such a fool without noticing it. Now, leave! At ito na sana ang huli nating pagkikita.”
Tumaas-baba ang dibdib niya sa sobrang poot at pagkamuhi.
Bumukal ang pinipigilang luha sa mata.
Mabilis na siyang tumalikod bago pa iyon mapansin ng lalaki. Hindi niya ito bibigyan ng kasiyahan na makita syang luhaan.
Naiwan si Clark.
_______________________________
“You can’t live without Rence, that’s bullshit! Sambit ni Clark habang hinahampas ang kamay sa manibela ng sasakyan.
Mistulang batingaw sa simbahan na paulit-ulit na nagsusumiksik ang mga salitang iyon ni Anya.
Kilala niya si Rence.
Isang race car driver na nagsisimula pa lamang sa larangan ng car racing.
Napanood na niya ito sa isang malaking drag race competition sa bansang Australia.
Aminado siyang magaling na rookie ang lalaki.
Ngunit bata pa rin ito sa tingin niya, pipitsugin sa madaling sabi.
Kung hindi niya ito nakitang kasama si Anya noong araw na iyon ay bilib na sana siya sa lalaki.
Rence was Anya's rumored boyfriend. Ngunit walang pag-amin mula sa dalawa.
Walang competition na hindi nito kasama si Anya.
Lagi na'y naka-suporta ang dalaga. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na si Anya ang sumasagot sa lahat ng gastusin ni Rence sa pamamalagi dito sa bansa.
Paanong hindi niya malalaman.
Isa sa mga pag+aari niya ang hotel, kung saan naka check in ang lalaki, at hindi biro ang halaga ng bawat araw doon.
Isa pa iyon sa labis na nagpapa-init sa ulo niya.
He offered her money, ngunit naging matigas ito sa pagtanggi na pinagtatakhan niya, gayong nagawa na ni Anya iyon noong araw.
Kung tutuusin ay maayos na siya. His plans are all set.
Tama si Vince, kailangan niya nang magka+pamilya.
And Eva was the right choice.
They were doing good for a year now. At proposal nalang ang kulang na alam niyang matagal nang hinihintay ng kasintahan.
Sa muling pagbalik ni Anya sa buhay niya ay biglang nabura lahat ng magandang plano niya kasama si Eva.
At upang maisalba ang sarili sa muling pagkahumaling sa babae ay inalok na niya ng kasal ang kasintahan.
But he can’t deny the strong feeling of wanting Anya.
Kaya kahit maling alukin na maging babae niya ito ay ginawa pa rin niya.
He can’t ignore the fact that he wanted her back, no matter what she’d done in the past.
Ngunit tinanggihan siya ni Anya. Mas pinili nito si Rence na para sa kanya ay totoy, na ni wala pa namang napapatunayan.
He can't contain his anger.
It feels like he's going to explode.