Kabanata 12

3000 Words
Trenta minutos nang nakaalis si Clark pero nanatiling nakasalampak si Anya sa sahig. Hindi na niya mapigilan ang mga luhang nagna-nais humilagpos, na pigil-pigil niya kaninang kaharap si Clark. Dama niya ang muling pagkawasak. Ngayon niya napagtanto na isang malaking kamalian ang pagbalik niya sa bansa. Habang patuloy ang pagluha at pagtangis, 'di niya maiwasang muling balikan ang nakaraan. Gabi na' y hindi PA rin siya dalawin ng antok. Lagpas-lagpasan ang tanaw niya sa bubungan. Naka plaster ang ngiti na animo'y nananaginip sa kawalan. Nang may biglang siyang marinig mula sa labas. Sipol? May sumisipol sa labas ng bahay? Mabilis na bumangon si Anya, kilala niya ang ipit na boses na iyon. Lumabas siya ng kuwarto at tinungo ang silid ng Lola Mareng niya. Hinawi niya ang kurtinang nagsisilbi nitong pintuan. Nakita niyang mahimbing nang natutulog ang lola niya bagamat ika-walo pa lamang ng gabi. Marahan at patingkayad siyang humakbang paatras patungong pinto palabas. Nang maipinid, mabilis niyang tinungo ang halamanan sa may likod-bahay. "Clark?" Anas niya sa dilim. Pagyakap mula sa likod ang nagpa-ngiti kay Anya. Hinarap ang nagmamay-ari ng mga kamay na ngayon ay mahigpit na nakapulupot sa kanyang baywang. "Did you miss me?" Bulong ni Clark. Sunod-sunod na pagtango ang ginawa niya bilang tugon. "I miss you more..." Sambit ni Clark. Hinagkan siya nito sa noo, dinaanan ang talukap ng mata pababa sa kanyang pisngi at ngayon ay masuyong humahalik sa kanyang mga labi. Nakakalunod na sensasyon. Ngunit bago pa man tuluyang lumalim ang matamis na halik ay pinakawalan ni Clark ang mga labi niya. "We need to be careful, baby." Ang tila nahihirapang wika nito. Napansin ni Anya na bihis na bihis ang lalaki. As always, she finds him so handsome in his suit. Saka niya na-alalang kaarawan pala ng gabing iyon ni Rada. Mukhang nahulaan naman ni Clark ang iniisip niya. "Kung hindi ka komportableng naroon ako ay puwede namang..." "Hindi. Naiintindihan ko Clark, " putol ni Anya sa sasabihin pa niya. "Hmm? Hindi ka na magseselos kay Rada?" Umiling ang dalaga at ngumiti. "That's my girl," wika ni Clark, na lumiwanag ang mukha. "Kaya, sige na, baka mahuli ka pa," pagtataboy ni Anya na hindi na nawala ang mga ngiti sa labi. Ikinulong muli ni Clark sa mga palad nito ang kanyang mukha at akmang dadampian ng halik nang matigilan ito. "I'd rather kiss you there." Sabay halik sa kanyang noo at talukap ng mata nang paulit-ulit. "Baka hindi ako makapag-pigil." dagdag pa ni Clark na sinabayan ng pagkindat na sinagot ni Anya ng hagikhik. Sinaway na niya ang nobyo at itinaboy nang paalis. Kahit hirap niya itong pakawalan. "I love you," sabi ni Clark. "Oo na. Dali na at mahuhuli ka na," kunwa'y pagtataboy niya, pero nag uumapaw naman ang kaligayahan sa dibdib. "I said I love you," pangungulit na lambing ni Clark. Nasa harap na ito ng manibela. Kunwa ay nagtatampo. Sobra ang kagalakan ni Anya sa inaasal ng kasintahan. Nilapitan niya si Clark. Dumukwang at inilapit ang mga labi nito. "Mas mahal kita," bulong niya sa kasintahan, sa pagitan ng halik. Habang hatid-tanaw ang sasakyan ay nakapaskil ang mga ngiti sa labi ni Anya. Nag-uumapaw ang kasiyahan niya. Napaka-suwerte niya at may tugon na pagmamahal ang damdamin niya para sa binata. Nang tuluyang mawala sa paningin ang liwanag ng oto nito ay bumalik na sya sa bahay. "Anya?" Si lola Mareng na humahangos papasok ng bahay. Si Anya ay kasalukuyang nasa lababo at naghuhugas. Nilingon niya ang matanda, at tanto niya ay mukhang may nasagap na namang tsismis ang lola niya sa plasa, base sa kilos nito. "Ikuha mo nga muna ako ng mai-inom, at Diyos ko, grabe ang balita ngayon sa bayan." Napangiti si Anya hindi nga siya nagkamali. Ang lola niya ang uri ng tao na akala mo siyang laging apektado sa mga nababalitaan sa labas. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig mula sa pitsel. "Hay habaging langit. Alam mo bang nahuli raw ni Senyor Ramon sina Rada at Clark sa hindi kanais-nais na tagpo sa may kamalig?" Patarantang bulalas ni Lola Mareng. Nabitawan ni Anya ang tangang baso na dadalhin na sana sa lola niya. Sabog sa lapag ang babasaging baso. Lumarawan ang sobrang pagka-bigla sa mukha niya. Talo pa niya ang nasabugan ng totoong bomba. Bigla siyang nakaramdam nang panghihina. Nagtatakang napatingin naman si Lola Mareng sa kanya. "Ano bang nangyari at nabitawan mo iyang baso? Diyaskeng bata ire at hindi nag-iingat. Mabububog ka pa niyan." Ani lola Mareng sa pag-alala. "P... asensya na po lola dumulas po ang baso sa kamay ko I...ikukuha ko na lang po uli kayo ng panibago." aniyang nataranra. Mabilis siyang tumayo at tumalikod. Nangatog ang tuhod niya. Kay lakas din ng kabog ng dibdib niya. Gusto niyang maiyak sa narinig. Puno sya ng mga katanungan. Bakit? Paano? Anong nangyari? Gaano katotoo ang balita? Mga katanungang nagsalimbayan sa gulong isipan niya. Parang bombang sumabog at kumalat sa kabayanan ang balita tungkol sa pagkakahuli ni Senyor Ramon sa anak na si Rada at Clark. Naging bali-balita rin ang napipintong pagpapa-kasal raw ng dalawa na inayos na ng kani-kanilang mga magulang. Natural na hindi papayag ang mga Buenavista na hindi mapanagutan ng isang Zantillan ang pangyayari. Dahil isa iyong malaking kahihiyan sa partido nila. Sa lahat ng iyon ay gustong sumabog ng puso ni Anya. Katatapos lang ng misa sa simbahan ng marinig ni Anya na may sumisitsit sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakita niya si Kate na sumesenyas. Saglit siyang nagpaalam kay lola mareng at nilapitan ang kaibigan. Hinila siya ni Kate sa munting hardin ng simbahan. "Kuya wants to talk to you," agad na sambit ni Kate sa mahinang boses. "Ha?" Tanging na-isagot niya. Kinabahan siya. Nilingon niya si Lola Mareng na abala sa pakikipag-usap sa mga kasapi ng simbahan. "A...asan siya?" Tanong niya. "In the car. Come with me please." Pakiusap ni Kate. Marahan siyang tumango kahit may pag-aalinlangan. Matagal na rin niyang nais na makausap si Clark. Gustong niyang malinawan sa lahat ng mga nangyayari. Kahit na nagdudumilat na ang katotohanan ay gusto niyang malaman at marinig mula mismo kay Clark ang panig nito. "Ako na ang bahala kay Lola Mareng. Ipagpapaalam kita," ani Kate kahit halatang nenerbiyos. Tumango siya. May lamlam sa mga mata ng kaibigan habang nakatitig sa kanya. Animo nakiki-simpatya. Alam ni Anya malamang ay may alam na si Kate sa namamagitan sa kanila ng kapatid nito. Nagpati-anod siya sa hiling ng kaibigan. Naipagpa-alam siya nito sa lola niya at ngayon nga ay nasa harapan na siya ng nobyo. Napansin niyang medyo hapis ang pisngi ng binata bakas sa mukha na may dinaraing na problema. Ang mga tumutubong pinong mga balahibo sa mukha ay tila hindi na nito napagkaka-abalahang ahitin. Kumislap ang mata nito ng makita siya. "Clark?" Mabilis siyang pumaloob sa sasakyan nito. Mabilis na kinabig siya ng nobyo at niyakap ng mahigpit. Kakatwang wala siyang maramdamang galit para rito. Hinagkan siya ng binata sa mga labi. Naipikit niya ang mga mata nang madama ang init ng halik nito. " I missed you,"samo ni Clark sa nobya. "Oh God, she missed him too." Saglit na natigilan si Clark pagkuwa'y diretsong tinitigan siya sa mga mata. "Anya, hindi ko pinasisinungalingan ang mga balita," seryosong wika ni Clark habang matiim na nakatitig kay Anya. Napasinghap lang siya. Pakiramdam niya anumang oras ay huhulagpos ang mga luhang kanina pa pinipigilan. Maagap siyang kinabig ni Clark. "Oh no, baby, please don't cry. It's killing me," himig na nahihirapang tinuran ni Clark. "What you heard is not what you think. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag ang lahat o kung saan ako magsisimula. But I'll fix everything." Paliwanag ni Clark. "Just be with me..Just trust me...okay?" Mahigpit na niyakap niya ang binata. Ang lahat ay may rason at karampatang paliwanag. Kung anuman ang nasa likod niyon ay naniniwala at nagtitiwala siya kay Clark. Ganoon karubdob ang pagmamahal niya rito. Laking gulat ni Anya nang mabungaran sa labas ng pintuan ng bahay nila si Donya Isabel ng umagang iyon. Datapuwa't nakangiti ay nailang siya sa uri ng titig ng ginang. Nakaramdam siya ng kaba. "Magandang umaga sayo Anya," bati ni Donya Isabel, na alanganin ang mga ngiti nito. "M...magandang umaga rin po Donya Isabel. Pasok po kayo," magalang niyang ganti. Niluwangan niya ang bukas ng pinto upang makapasok ang ginang sa kabila ng panginginig ng kanyang mga kamay. "Hindi na hija." Tanggi ni Donya Isabel. "Maaari ba kitang makausap?" Nilingon nito ang hardin nila sa di kalayuan. "Nakita kong marami kayong tanim na gumamela maaari mo ba akong ma i-pasyal roon?" "S...sige po." Nagpati-una siyang naglakad patungong hardin. Nagsimulang kumabog ang dibdib niya. Ano't narito ang ginang? Anong sadya nito sa kanila? Umibabaw ang munting takot sa kanya. "Napaka-ganda. Tulad ko'y mahilig ka rin pala sa mga gumamela?" "O...opo," marahan niyang sagot. Saglit na namayani ang katahimikan sabay silang nawalan ng kibo ni Donya Isabel. Nagpapakiramdaman at parehong nananantiya. Maya maya'y narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ng Donya. "Anya...ayaw ko nang magpaligoy-ligoy pa." Tumingin ng diretso sa kanya ang ginang. "Batid mo naman siguro ang mga nagkalat na mga bali-balita, hindi ba?" Tumango siya sa sinabi ng ginang. Itinakda na namin ang kasal nina Rada at Clark subalit likas ang pagtanggi ni Clark." Saglit na huminto ang Donya. Si Anya naman ay tuluyan nang nakaramdam ng pangamba at takot. "Nakapagtataka dahil batid namin minsan sa buhay niya ay minahal niya si Rada. Hindi malihim ang anak ko pagdating sa pakikipag-relasyon niya. Ang totoo ay ikinagulat kung may namamagitan pala sa inyong dalawa. You're so young." Huminga ito ng malalim. Napahugot man ng hininga ay tahimik na nakinig si Anya, kahit na gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan sa sobrang kahihiyan sa ginang. Nagpatuloy si Donya Isabel. "I'm not against you hija. Hindi ko sinasaklawan ang bagay na iyon. But I want my son to be a good man. We wanted him to become responsible for his own action. Sana'y nauunawaan mo ang ibig kung sabihin." Hindi na napigilan ni Anya ang mapa-iyak. Batid nniya kung ano ang nais na ipaunawa ni Donya Isabel. May nabanaag siyang simpatya sa mukha nito, naroon ang kalungkutan at hindi pagka-gusto sa ginawa. Mula sa dala nitong bag ay may hinugot itong hindi kalakihang sobre. Hinawakan siya nito sa kamay, pinisil iyon at ipinaloob doon ang puting sobreng hawak. "Dont get me wrong about this Anya, pero malaki ang maitutulong nito sa inyo ni lola Mareng lalong-lalo na sa'yo. Sikapin mong maabot ang iyong mga pangarap. Bata ka pa matalino at napakaganda. Marami pang magagandang oportunidad at pagkakataon ang darating sa buhay mo." Hirap na hirap ang loob ni Anya. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang ina ni Clark. Litong-lito siya hindi niya alam kung paano haharapin ang mga sirkumtansiya ng pagmamahal niya sa binata. "Hindi namin mapipilit si Clark na sumunod sa aming kagustuhan hangga't nalalaman niyang naririto ka lang sa San Isidro, Anya. Knowing Clark, he will stand to who his heart belongs to. Nawa'y nauunawaan mo ako hija. Nakiki-usap." "Mawalang galang, ngunit ako rin ay nakiki-usap sa'yo, Donya Isabel. Dalhin mo paalis sa lugar na ito ang kung anumang bagay na inia-alok mo sa aking apo. Huwag mong daanin sa suhol ang bata." Gulat at sabay na napalingon kay Lola Mareng ang dalawa. Naroon ang matanda. Seryoso ang mukha. Habang pinanonood sila at base sa mga salita nito malinaw nitong narinig ang lahat. "L...lola?" Si Anya na nakaramdam ng takot at pag-aalala para sa abuela. "Lola Mareng..." si Donya Isabel na akmang magpapaliwanag. "Mahirap lang kami pero mayroon kaming dignidad at iyon ang hinihingi ko sa inyo para sa aking apo. Ako na ang nagsasabi sa'yo. Bukas, bago sumikat ang araw, ni anino ni Anya ay hinding-hindi na masisilayan ni Clark. Maaasahan niyo ang aking salita. "Lola Mareng..." Si Donya Isabel na magpupumilit pa sana. Subalit tinapos ng mga salita ni Lola Mareng ang nais pa sana nitong sabihin. "Ayaw kong maging bastos, subalit makaka-alis na kayo Donya Isabel. Tulad ng ipinangako ko. Hindi makakagambala sainyo ang aking apo." Mabilis na nagpunas ng luha si Anya sa mga bumalik na alaala. Sariwa pa rin ang lahat. Buong akala niya'y kaya na niyang dalhin sa dibdib ang bigat at sakit. Nagkamali siya, hindi napaghilom ng panahon ang sugat. "That's enough. You've drink too much." Inagaw ni Rence ang bote ng tequila sa kamay ni Anya. Bumalik rin ang lalaki sa apartment kinahapunan upang makausap sana ng maayos ang dalaga. He adored her so much. Malaki ang nagawang sakripisyo ng babae para sa kanya. He loves her. Hindi tamang pagsalitaan niya ito ng mga bagay na makasasakit sa damdamin nito. Naabutan niyang umi-inom mag-isa ang babae, nakasalampak sa sahig, ni walang pakialam kung anuman ang itsura nito. Nagtagis ang bagang niya. Seeing her weary and hopeless enraged him to commit murder for the one who's responsible for her distress. Umigting ang kanyang panga. Kumuyom ang mga palad. Pilit na hinabol ni Anya ang bote ng alak sa kamay ng binata. She smiled at Rence. She's already tipsy. "Hey sweetheart! Are you still mad at me?" Mapula na ang mukha ni Anya at nakararamdam na ng konting pagkahilo. Nasapo nito ang ulo. Si Rence ay lumapit at inalalayan ang dalaga na makatayo upang mailipat sa sofa. "Oh thank you sweetie. Have you...have you eaten?" Tanong nito. "Yeah," matipid na sagot ni Rence. Nang masigurong maayos na sa sofa si Anya ay binalikan niya ang mga nagkalat na bote at goblet sa sahig upang iligpit. Isinandal naman ng dalaga ang ulo sa couch dahil mas lalong tumindi ang nararamdamang pagkahilo. Literal na naipikit niya ang mga mata. Naramdaman niya ang pagguhit ng kirot sa bandang puson. Nagpumilit siyang tumayo. Naisip niyang sa taas na lang magpahinga at baka maabala pa si Rence. "I'll just go upstairs. Nalasing ata ako. We'll talk tomorrow, okay?" Aniya sa nakatalikod na si Rence. Hustong nakakailang hakbang na siya nang biglang umikot ang kanyang paningin. Tumindi rin ang kirot sa bahagi ng kanyang puson. Hindi na niya namalayan ang pagkabuwal ng tuluyan. Mabuti na lamang at mabilis na nakalapit si Rence sa kanya. Sa mga bisig na ng binata bumagsak ang dalaga. Kinabahan si Rence nang makitang namumutla ang babae at nagpapawis ang noo. She passed out. Alam niyang hindi lang dala ng alak kung bakit tinakasan ng malay ang babae. Mabilis niyang binuhat si Anya at isinakay sa kotse upang maisugod sa pinakamalapit na ospital. Puting kisame ang unang tumambad kay Anya sa pagmulat ng mata. Inikot niya ang paningin sa paligid. Puro puti, hula niya ay nasa isang pribadong kuwarto siya. Naramdaman niya ang pagbaliktad ng sikmura na parang hinahalukay. Gusto niyang masuka nang dumaan sa kanyang pang-amoy ang pamilyar na amoy ng ospital. Parang pinaghalong gamot at panlinis. Natutop niya ang bibig upang pigilan ang nagbabadyang pagduwal. Bigla ay nangasim ang kanyang sikmura. Si Rence ay nakatalikod at tahimik na nakamasid sa salaming bintana. Bumalatay sa kanyang mukha ang pagtataka at pilit na inalala ang nangyari. Lumingon ang lalaki ng maramdaman ang kanyang paggalaw. Agad niyang nginitian ang binata, nag-aalala s'yang baka masama pa rin ang loob nito sa kanya. "Hi, you okay?" Ani Rence at tipid na ngumiti. "Yes," sagot ni Anya. Lumapit ang binata nang magpilit siyang bumangon. "Let me help you to the cot!" Anito. She nodded. Rence adjusted the bed so she can positioned herself comfortably. "Thank you." She took a deep sigh. Tinitigan ang kaharap. "Rence, tamang pahinga lang naman ang kailangan ko at hindi mo naman ako kailangang ipa-ospital." Rence took a deep aggressive breath. "Believe me you needed it and your attending physician said so as well," sagot ni Rence, na kinakitaan ng kapormalan ang mukha. "You passed out..." "Ah what?" Nagtaka na siyang tuluyan. Hindi na bago sa kanya ang pag inom-inom ng alak, although occasionally lang. Pero ni minsan ay hindi sya nawalan ng malay ng dahil lang sa nalasing siya. Bakit sya mawawalan ng malay sa pagkakataong ito? Nagtaas siya ng kilay sa paraang nagtatanong. Napansin niya na masyadong seryoso si Rence. "You're... You're pregnant." Mahinang usal ng kaharap. "W... What did you say?" Nalalabuan siya. Ano bang sinasabi ni Rence. Tahimik na inabot ng lalaki ang dalawang papel sa lamesita at inilahad sa kanya. Kinuha niya ito at pinasadahan ng mata. Iyong ang resulta ng mga ginawang pagsusuri sa kanya. Anya's eyes widened with shock and disbelief. Nagbukas-sara ang bibig niya ngunit, walang salitang kumawala mula roon. "Oh God...I'm stupid." marahang usal ni Anya. Nang mag-sink in sa isip ang natuklasan, marahas na tumingin muli kay Rence. "How's the baby? Is the baby, okay?" Sunod-sunod na tanong niya. Bakas sa mukha ang labis na pag-aalala at takot. Dumaan sa kanyang isip kung paanong para lang siyang uminom ng tubig sa pagtungga ng alak ng walang pakundangan. Ginagap ni Rence ang mga palad niya at masuyong hinagkan. "Yes, the baby is fine. You dont have to worry, sweetheart ." Nagtubig ang mga mata ni Anya, tumulo ang luha mula roon. Kahit papano ay naging panatag ang loob niya na ligtas ang dinadala. Base sa resulta ay nagkaron siya ng placental abruption na kung hindi naagapan ay maaaring mauwi sa pagkakahulog ng sanggol. Sinisisi niya ang sarili sa kapabayaan. How could she not know that she's pregnant sa tanda niyang iyon. Mabuti na lamang at naroon si Rence. Ngunit nangangamba siya sa maaaring maging epekto nito sa binata. Pakiramdam niya ay wala siyang mukhang maihaharap pa rito. "I'm sorry, sweetheart. Oh crap! " Sa kawalan ng masabi ay napasubsob si Anya kay Rence Humihingi ng lubos na pang-unawa. Pinahid ni Rence ang mga luha niya, gamit ang mga daliri nito. "Its okay. So, what's the plan?" "We're going back to the States as soon as possible," garalgal ngunit determinadong tinig na sagot ni Anya. Gumuhit ang pagtataka sa mukha ng binata. Ngunit hindi na nagsalita. Ikinuyom ang mga kamay. Alanganing ngumiti sa babae. "Okay. But, for now get some more sleep, lady. I'm just right here beside you." Anito, bago masuyong hinagkan sa noo si Anya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD