-PROLOGUE-
MARIE
Takot na takot ako sa mga oras na'to hindi ko akalain na ibebenta ako ng Tiyahin ko sa isang matandang Intsik na manyakis.
Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko nang mga oras na to dahil sa dami ng tauhan ng intsik na to. Ito na ba ang kapalarang naghihintay sa akin? Dito naba matatapos ang lahat mg hirap at pasakit ko sa buhay? Mga katanungan ko sa sarili.
" Salamat Mister Chua, sariwa yang pamangkin ko hindi kana lugi diyan at bukod pa doon birhen pa yan!" Ani ng Tiyahin ko sa matandang Instik.
" Ayan gosto ko, sariwa laki bentahan niyan, maganda alaga mo, wala peklat, sige bilhin ko siya isang daan libo." Wika ng Intsik.
"Tiyang, parang awa mo na huwag mo kong iwan dito. Sige na Tiyang, mag-tratrabaho nalang ako, ayoko dito tiyang parang awa muna."Pagmamakaawa ko kay Tiyang.
"Gaga, walang tatanggap sayo hindi ka nga marunong magbasa at magsulat. Dito kana kay Mr. Chua maging isa sa mga laruan niya dahil yon ang bagay sa mga walang laman ang utak na kagaya mo!" Saad ni Tiyang at umalis na nakangiti.
Awang awa ako sa sarili ko, kong sana hindi nawala si Nanay. Bakit ang lupit ng kapalaran ko sarili kong Tiyahin nagawa akong ibenta hindi ba nila ako kayang tanggapin pamangkin niya ko kong tutuusin.
" Dalhin nyo babae doon sa mga iba babae. Ingatan niyo di masugatan yan dahil malaki bentahan niyan at dami parokyano gusto birhen." Wika ni Mister Chua sa mga tauhan niya.
Dinala ako ng mga tauhan ni Wilson Chua sa isang silid kong saan mga bata at menor de edad ang kasama ko.
Diyos ko, sana po magpadala po kayo nang taong magliligtas sa amin, masyado pa pong mga bata ang kasama ko. Huwag nyo naman po hayaang masira ang buhay nila sa ganitong paraan. Piping usal ko nang panalangin.
Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko sa mga oras na to, hindi naman ako pwedeng tumakas dahil alam kong hindi ko din magagawa sa dami ng tauhan dito. Baka nasa pintuan palang ako ay barilin na ako.
Kinakabahan ako sa mga oras na to, ito ang araw kong saan ibebenta na kami sa mga sindikato. Matinding panalangin ang ginawa ko, baka sakali pakinggan ako ng diyos sa aking dalangin. Nawa'y bigyan kami ng tagapagligtas para mailigtas sa mga halang nakaluluwang ito.
Puro pag iyak ang naririnig ko sa buong silid dahil sa mga batang tunatangis. Hanggang sa nakarinig kami ng putukan nang baril. Hindi namin alam kong ano ang nangyayari sa labas, sana ito na ang magliligtas sa amin.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang sumusugod kami sa kuta ng mga sindikato. Kinakabahan, natatakot at maeexcite ako. Hindi ko maiwasan na ibuhos sa kalaban ang kaba na nararamdaman ko.
Habang hinahalughog ko ang lahat nang silid sa basement patindi nang patindi ang kaba na nararamdaman ko. Lalo na nang hindi ko pa makita ang kapatid ko. Hanggang sa ang kahulihulihang pinto na nakalocked ay madalian kong binuksan.
Marie rinig kong usal ng kamukha ko...
"I've been looking for you." umiiyak niyang sabi habang yakap ako.
Titig na titig ako sa kanya at naguguluhan, pero nakita ko na lumuluha na siya, dahil ramdam ko ang nararamdaman niya kong totoong kambal kami magkaugnay ang nararamdaman nmin dahil iisa lang ang aming mga pinanggalingan.
"Sino po kayo?Bakit kamukha kita."Mga Tanong ko sakanya na umiiyak na din.
"Marie, ako ang kakambal mo, ako si Mariane Dela Riva. Ang tagal ka naming hinanap ni Dad, walang araw na nawala ka sa isipan namin at ang tanging hiling namin ay matagpuan ka at muli kang makita." Umiiyak padin niyang sagot sakin.
"Paano mo ko nakilala samantalang hindi naman kita kilala at ngayon lang kita nakita.." Wika kong gulong gulo sa sinabi niya.
"Mharimar Dela Riva ayan ang totoo mong pangalan. Marie ang tawag ni Mommy at Daddy sayo noong baby pa tayo bago ka nakawin samin ng isang kasambahay natin. Hindi mo ba nararamdaman na kapatid mo ko. Mag-kawangis ang ating mukha. Miss na miss na kita Marie."Paliwanag ni Mariane sa akin.
"Kaya pala, kaya pala kahit kelan hindi ko naramdaman na na kapamilya ang turing nila sa akin, kaya pala kahit minsan hindi ko naramdamanan na mahal nila ako, kaya pala iba ang trato nila sa akin, kaya pala nagawa nila ako ibenta ng Tiyahin ko kay Wilson Chua ngayon alam ko na hindi pala nila ako tunay na kapamilya. Kaya pala...."Ani ko kay Mariane habang lumuluha.
"Kami ang totoong pamilya mo Marie kahit kelan hindi kana mag-iisa, kahit kelan hindi muna kailangan mahalin. Dahil mahal na mahal ka namin ni Dad. Mahal na mahal kita Marie ngayon andito kana kumpleto na tayo. Tama na ang pag-iisip, ang importante bumalik kana."Wika muli ni Mariane sa akin.
Niyakap ako nang mahigpit si Mariane at sakanya ako kumuha ng lakas dahil sa mga natuklasan ko mula sakanya. Labis ang saya ko sa nalaman na may pamilya pa pala akong naghihintay sa akin.
Eto naba ang sagot sa mga dalangin ko sa diyos...
Tanging usal ko sa sarili.