DRAKE Pagod na pagod ako matapos ang buong araw na pagtratrabaho sa opisina. Ang dami kong tambak na trabaho gawa ng mag-bakasyon kami ni Chichi. Masakit ang likod at batok ko dahil sa subsob na trabaho ang ginawa ko. Sa buong maghapon ay hindi nawaglit sa isipan ko si Chichi ang maganda niyang mukha, ang mga labi niya, at ang malambot niyang katawan sa tuwing aangkinin ko siya ay lagi kong naaalala. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pag-tratrabaho para mabilis akong matapos at makapagbakasyon kami muli kapag wala masyadong mahalagang bagay na gagawin dito sa opisina. Nag-liligpit na ako ng mga gamit ko para makauwi na, ng maisipan kong dumaan sa mall para bilhan si Chichi ng bulaklak. Sa halos ilang linggo namin mag-karelasyon hindi ko pa siya nabibigyan ng kahit na ano, maliban sa b

