MARIE "Chichi! Chichi! Hey! wake up!" boses ni Drake. Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang pagtawag at pagtapik sa akin ni Drakey. Tiningnan ko siya ng lumuluha dahil hindi ako makapaniwala na gagawin niya sa akin yon. Grabe, ang panaginip ko, kakaisip ko sakanyang kababata pati sa panaginip ko ay dala ko. Akala ko totoong mga nangyari. Pinangapusan pa ako ng hangin dahil sa takot ko sa panaginip ko. Ibayong kaba ang nararamdaman sa pagaakalang totoo ang mga naganap. Para kasing totoong totoo ang nangyari kaya hindi ko maiwasang hindi matakot. Sa panaginip ko, na na nahuli ko si Drakey na nakikipag-patentero kay Veron. Galit na galit ako sa panaginip ko halos kaladkarin ko si Veron palabas ng kwarto ni Drake. Ang mas kinabahala ko nong duguin ako. Akala ko wala lang yon, yun

