DRAKE Hindi ko na kinaya ang nararamdaman ko para kay Marie, kaya inamin ko na ang tunay na damdamin ko sakanya. Kong hindi ko gagawin ay baka masiraan na ako ng ulo kakaisip sakanya, bahala na kong magalit siya o hindi. Pero ganun nalang ang saya kong halikan ko siya at tinugon nya ang mga halik ko, kaya ganoon na lamang ang saya ko na parehas kami ng nararamdaman. Dagdagan pa ng tumango siya sa akin tanda ng kanyang pag-payag. Sobrang saya kong tumango siya sa akin kaya muli kong hinagkan ang kanyang labi dahil sa saya at sarap ng kanyang labi hindi namin namalayan na naka-agaw na pala kami ng eksena sa ibang namamasyal, nagulat nalang kami na may palakpakan kaming narinig. Hiyang hiya si Chichi sa nangyari kaya nag-tago nalang ito sa aking dibdib at niyaya ko nalang umuwi. Pagkarati

