MARIE
Hanggang ngayon naninibago padin ako sa pamilya na meron ako ngayon. Hindi kasi ako sanay na kain tulog lang ginagawa, nasanay ang katawan ko na palaging may ginagawa. Minsan pumunta ako sa kusina para tumulong sana sa gawain nila pero pinigilan ako ng mga kasambahay at baka magalit daw si Mommy Nora at Daddy.
Wala ako magawa kundi tumunganga maghapon sa silid ko at manuod ng tv. Pag wala akong klase. Kinuhanan pala ako nila Daddy nang isang tuitor para turuan ako ng maayos sa aking pananalita,kilos at maging sa ibang bagay na dapat kong matutunan.
Malaki nadin ang nagbago sa sarili ko sa loob ng isang buwang pananatili sa tunay kong pamilya masasabi ko na ibang iba na ako sa dating Marie kahit na isang buwan palang ako narito sa piling ni Daddy.
Masaya ako sa kada araw na lumilipas dahil napakabuti ng mga tao na nasa paligid ko. Naiyak nanaman ako ng maalala ko ang buhay ko kanila Tiyang kong paano niya ako saktan at ibenta, ngayon ko nalaman na ang dahilan pala ay hindi nila ako kadugo.
Maging ang karanasan ko kay Tsong Berto ay palagi ko naiisip kong paano niya ako muntikang pagsamantalahan. Nakakatuwang isipin sa lahat ng paghihirap na naranasan ko ay may katumbas palang saya.
Naabutan ako ni Drake na umiiyak sa kwarto ko hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya.
" Bakit umiiyak ang prinsesa ng pamilya namin." Wika ni Drake.
" Huh! Hindi ah napuwing lang ako. Ano ba yang sinasabi mong umiiyak." Sagot ko sakanya.
" Mas maganda ka Marie kapag walang luha sa mga mata mo. Hayaan mo habang kasama mo ko puro saya na ang mararamdaman mo, hindi kana muling iiyak." Ani Drake na titig na titig sa akin.
" Salamat Kuya. sa lahat ng tulong at pagpapasaya sakin." Saad ko sakanya.
" Ayoko na tawagin mo kong Kuya Marie hindi naman tayo magkadugo, Saka wala sa lahi namin ang iyakin. "Wika muli ni Drake na tumatawa.
" Bakit kay Yanyan Kuya ang pinatawag mo, sakin hindi pwede? Nakakatampo ka naman Drake." Sabi ko sakanya na may himig na pagtatampo.
" Ah basta ayoko na tawagin mo kong Kuya kapag tinawag mo kong Kuya paparusahan kita." Wika ni Drake sa akin na parang bata.
" Sige na nga, ayoko din naman tawagin kang Kuya kasi kinikilabutan ako." pag-sang-ayon ko sakanya.
" That's my girl, Let's go may pupuntahan tayo ipapasyal kita." Pag anyaya sakin ni Drake.
Mabilis pa sa alas kwatro pagkuha ko ng susuotin ko at pumasok sa banyo. Gusto ko mamasyal na kasama si Drake, pagkasama ko kasi siya iba ang pakiramdam ko lagi, may kong anong damdamin na gustong kumawala sa akin na hindi ko maintindihan.
Saka totoo talaga na ayoko siya maging Kuya, tuwing tatawagin ko siya ng Kuya para akong susuka. Basta pagkasama ko si Drake laging magaan ang pakiramdam ko, sa isang buwan n pamamalagi ko dito madalas ko siyang kasama at kakwentuhan.
Aaminin ko man sa hindi alam ko kong bakit ganito ang nararamdaman ko sakanya, na kahit sa unang pag-ibig ko ay hindi ko naramdaman.
Pero ayoko muna magmahal muli at baka maulit na naman ang nangyari. Isa pa pamilya kami ni Drake hindi pwede ang gusto ko at baka sa huli ako lang mag-isa ang nagmamahal. Ayoko na ulit mabigo pagdating sa love dahil masakit ang iwanan at pagkatiwalaan ang mga taong mahal mo na sa huli ay gagawan ka din ng hindi maganda.
Sa ngayon enjoyin ko muna ang makasama si Drake kong kinakailangan na pigilan ko ang sarili ko ay gagawin ko. Huwag lang makasira ng relasyon ng pamilya namin.
Pagtapos ko maligo at magbihis nagsuot ako ng dress at sandals. Nang makita ni Drake Ang suot ko ay umiling ito na pinagtaka ko naisip ko na baka pangit ang suot ko.
" Palitan mo ang suot mo Chichi hindi bagay yan sa pupuntahan natin. Sa ibang araw muna isuot yan. Napakaganda mo talaga your innocent look, iba ang dating sakin, iba ang hatid sa puso ko." Wika ni Drake na halos pabulong sa huling sinabi niya na hindi ko maintindihan.
" Chichi?? Sino yon Drake?" Tanong ko sakanya.
" Ikaw yun Marie from now on Chichi na ang tawag ko sayo tapos Potpot naman ang itawag mo sakin." Sagot ni Drake.
Naguluhan man ako sa sinabi niya ay nagsawalang kibo nalang ako at umakyat muli sa kwarto ko at nagpalit nang isang pantalon at isang t-shirt na hapit sa katawan ko kasabay ng pinaresan ko ng isang rubber shoes. Nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin na maayos na at maganda ay bumaba na agad ako baka mainip si Drake at hindi kami matuloy sa lakad namin.
Umalis din agad kami ni Drake ng makita niya ako. Habang binabaybay namin ang daan sa pupuntahan namin na hindi ko alam kong saan ay panay ang sulyap ko ng pa-sekreto sakanya. Ang gwapo niya talaga may kasintahan na kaya siya. Napansin ko din ang bahagyang mamula mulang labi ni Drake na nakaawang. Ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ng isang Helios Drake Mallari.
Ano ka ba naman Marie kakadikit mo kay Yanyan kapag kasama si Markus nahahawa ka sa bibig ng kakambal mo na masyadong maharot. Pag-kausap ko sa sarili ko.
" Baka malusaw na ako niyan sa kakatingin mo Chichi. Ano ba iniisip mo at kanina mo pa ako tinitingnan. Alam ko na gwapo ako pero wag mo naman ipahalata na patay na patay kadin sakin." Natatawang biro ni Drake na nakatuon sa kalsada ang mata.
" Hoyyy! Hindi no! asa kapa mas gwapo pa sayo si Markus. Saka tama si Yanyan pag ikaw ang kasama laging may namumuong bagyo grabe ang lakas ng hangin." Pang-aasar ko din sakanya.
" Si Bayaw gwapo?? Mas lamang ang kagandang lalaki ko doon may deperensya na ata ang mata mo. Dapat ako lang lagi ang gwapo sa paningin mo dahil kong hindi lagot ka sakin naintindihan mo ba yun chichi." Seryosong wika ni Drake.
" Hmmmm pag-iisapan ko, saan ba tayo pupunta, kanina pa tayo nasa biyahe hindi pa tayo nakakarating."Pag-iiba ko ng usapan namin ni Drake.
" Pupunta tayo sa Tagaytay sasakay kita sa kabayo at mamasyal tayo. 3 days pa Naman tayo uuwe. Nagpaalam na Ako kanila Dad. " Masayang wika ni Drake.
" Talaga?? pero wala akong dalang damit." Sagot ko kay Drake.
" Naah, nasa likod ng kotse habang naliligo ka pinakuha ko si Manang ng mga damit mo kaya wafa kana dapat alalahanin kundi ang mag-enjoy na kasama ko."Ani ni Drake sakin.
Namilog ang mata ko nang marinig ko na sasakay ako ng kabayo, ngayon ko palang maexperience na makasakay sa kabayo. Susulitin ko ang pagmamasyal panigurado magiging masaya ako dahil kasama ko si Drake ng tatlong araw......,.