DRAKE Sa anim na araw na pamamalagi namin ni Marie sa Zambales walang akong pinalampas na sandali na hindi ko maiparamdam sakanya ang labis na pagmamahal. Sa araw araw na kasama ko siya at sa kada oras at minutong lumilipas lalo ko siyang minamahal. Isa lang ang hiling ko na sana ay maging matatag ang aming relasyon lalo na sa mga pagsubok na dadating. Marami kaming ginawa sa bakasyon namin pinaranas ko sakanya ang mga bagay na hindi niya pa nararanasan. Napaka inosente niyang tingnan sa mga bagay na ngayon niya palang nagagawa. Marami kaming ginawang activities sa Zambales kong saan pinaranas ko sakanya ang sumakay sa speedboat, banana boat at maging sa Jetski. Kakaiba ang kislap ng mata niya sa tuwing humahampas ang tubig sa balat at sa mukha niya. Yung tunay na saya talaga ang ma

