DRAKE Tuwang tuwa ako sa reaction ni Marie sa eksena namin sa kwarto ko. Hindi ko akalain na maiinis siya sa akin dahil sa hindi ko itinuloy ang halik na gagawin ko. Sa totoo lang pinigilan ko ang sarili ko na halikan si Marie, dahil baka ikigalit niya ito at hindi niya magustuhan. Dahil sa kalokohang ginawa ko sakanya ay mukhang nagbadtrip ata at sumimangot. Kaya minamubuti kong bumawi sakanya at niyaya ko siyang mamasyal sa parke. Hawak ko ang kamay niya habang naglalakad kami masayang kaming nag-uusap at nakita ko ang saya sa kanyang mukha. Hanggang sa may biglang bumunggo sa amin at nagsalita ng hindi maganda kay Marie. Hindi ko man sila kilala pero base sa mga binitiwan nilang salita ay may kaugnayan sila sa nakaraan ni Marie. Ang pinaka ayoko pa naman ay iniinsulto ang mga tao

