CHAPTER 4
Shaira's Pov.
Habang nakahiga na ako ramdam ko na ang kirot sa tagiliran ko bandang balakang
sobrang sakit na. Talagang hindi pa talaga ako makakapasok nito ng mga ilang araw.
Tinignan ko sa salamin may pasa na siyang namuo . Kasalanan talaga ng lalaki na yun. Kailangan talaga itong ipahinga .
Bumalik na ako sa kama saka humiga na ako ng dahan- dahan. Itinulog ko na lang ang iniinda kung sakit sa katawan.
Tanghali na pala nagising ako may kumakatok sa pinto .
“Apo, apo, Shaira. Gising ka na my bisita ka.” Wika ni lola habang kumakatok
“Sige po la susunod na po ako baba.” Sagot ko sa kanya.
“Sino kaya bisita ko? Baka makiki marites yung tatlo kaya pumunta sila ngayon sa bahay.” Sambit ko sa sarili
Bumangon ako ng dahan- dahan mas lumala ata ang kirot na nararamdaman ko ngayon tama nga si lola..
Dahan -dahan akong nagtungo sa banyo sa nag toothbrush muna saka naghilamos bago baba. Kinuha ko ang suklay saka nag sulay ng kaunti. Binuksan ko ang pintuan para bumaba na .
Dahan -dahan akong bumaba ng hagdanan kahit sobrang kirot ng aking gilid at saka balakang.
Pag baba ko nakita ko si Axel nakaharap na sa akin.
“Hoy, bakit nandito? Kakahatid mo lang kagabi nandito ka na naman?” Bulyaw ko sa kanya.
Hindi siya kumikibo naka titig lang siya sa harapan ko.
Bigla kong naalala naka nighties terno sleeves ang suot ko.
“Sh*t! nakalimutan kong magpalit ng damit nakakahiya.” Wika ko na para akong napahiya sa harapan niya.
Dali- dali akong umakyat sa hagdan para magbihis. Bigla na lang namali pag tapak ko sa hagdan napaliyad ako na pabagsak sa sahig. Bigla ako nasalo ni Axel sa likod. Na buhat tuloy niya ako.
“Muntik ka na naman Shaira.”Wika niya sa akin habang karga na niya.
Bigla akong napatingin sa kanya habang buhat niya ako.
Ramdam ko ang mga bisig niya habang buhat - buhat na naman niya ako.
Umakyat siya sa hagdan habang karga ako papunta sa kwarto ko.
“Hindi ka kasi nag dahan- dahan sa pag akyat . Anong kinakahiya mo eh buong katawan mo nakita ko na.” Aniya niya akin.
Nahiya tuloy ako sa sinabi niya sa akin. Pakiramdam ko nabuhusan ako ng malamig na tubig sa hiya ko.
“Dito ka na sa pintuan mo magbihis ka na muna. Hintayin na lang kita sa baba.” Sambit niya sa akin.
Hindi ako maka imik dahil nahiya ako sa nangyari. Bumaba na si Axel at doon niya ako hintayin sa baba.
Pumasok na ako sa loob at saka sinarado ko muna ako pinto.
Sh*t ! Ang tanga ko naman talaga..Ano bang nangyari sayo Shaira tanga tanga mo naman . Inis ko sa sarili ko.
“Nahihiya tuloy akong bumaba ngayon sa nangyari. Napahiya ako sa sinabi nya sa akin.haisst naman oh..” Sambit ko habang naiinis sa sarili.
Kumuha ako ng t shirt at saka pajama para ma suot ito. Bumaba na aka para harapin siya sa baba.
Dahan- dahan na akong bumaba sa hagdanan. Tumayo siya para abangan na naman niya ako pag baba.
“Okay ka lang ba?” Tanong niya sa akin.
“Hindi pa masakit pa talaga tagiliran ko sobrang kirot pa. Salamat kanina sa pagsalo.” Wika ko sa kanya na nagpapasalamat.
“Sa susunod mag ingat ka para hindi ka ma disgrasya.” Wika niya sa akin na parang nag aalala.
“Bakit ka kasi pumunta na naman dito? Kakagising ko lang kasi yun akala ko mga kaibigan ko bumisita sa akin ikaw pala.” Aniya ko sa kanya.
“May pinuntahan kasi akong malapit lang sa lugar nyo. Naisipan kung dumaan para kamustahin ang kalagayan mo ngayon.” Wika niya sa akin.
“May dala akong fruits para sayo.” Aniya niya sa akin.
“Salamat.”Sagot ko naman.
“Alis na ako baka na disturbo kita sa pagtulog mo.” Aniya niya sa akin.
“Salamat Axel sa pag bisita sa akin.” Wika ko sa kanya.
“Okay, alis na ako. Pahinga ka na muna.” Wika niya sa akin.
“Ingat ka Axel.” Sagot ko
Sumakay na si Axel sa kanyang sasakyan at sa ka umalis.
“Oh, apo asan na bisita mo?” Tanong ni lola Sita sa akin.
“Umalis na po lola kinamusta lang kalagayan ko ngayon saka nagdala siya ng mga prutas.” Wika ko kay lola.
“Mag almusal ka na muna apo paghanda kita ng pagkain.” Wika ni lola habang kumukuha ng plato sa lalagyan.
“Lola si mommy at daddy po?” Tanong ko si lola Sita.
Napatigil saglit sa pagkilos si lola .
“Maaga na naman sila umalis apo. Nagmamadali sila kanina may dadaan pa daw sila bago papasok sa office.” Wika ni lola sa akin.
“Alam ba nila na bangga ako ng sasakayan lola?” Tanong ko ulit kay lola.
“Oo sinabihan ko naman sila na nadisgrasya kahapon.” Wika ni lola sa akin
“Anong reaksyon nila lola?” Tanong ko
“Kung may gamot ka ba daw iniinom ngayon at saka gagaling din naman yan.” Wika ni lola Sita sa akin.
“Para talaga baliwala lang ako sa kanila lola. Paano pala namatay ako. Wala pa rin sa kanila?” Wika ko kay lola na malungkot
“Nakaka dismaya lola na ganun magulang na wala silang paki alam sa anak.” Aniya ko kay lola.
“Ang hirap ng ganitong magulang lola. Gusto ko lang naman makita pagmamahal nila sa akin yun lang naman .” Wika ko habang tumutulo luha ko sa harapan ni lola.
“Tahana apo.. Huwag ka ng umiyak .” Wika ni lola sa akin na pina pakalma.
“Kain ka na apo.” Aya ni lola sa akin.
“Huwag mo na yan isipin apo ang mahalaga binibigay lahat ng gusto mo.” Wika ni lola sa akin.
“Ate Weng kumusta? Hindi pa rin ba nagigising?” Tanong ni Axel sa katulong nila
“Wala parin pagbabago sir. Axel.” Sagot niya sa akin.
“Mommy kumusta ka na? Sana magising ka na po miss na miss na kita.” Bulong ni Axel habang hinahaplos ang kanyang buhok.
“Wala pa rin bang reaksyon mga daliri niya gumalaw ate Weng?” Tanong ko sa kanya.
“Wala pa rin talaga sir.” Sagot ni ate Weng sa kanya.
“Ate Weng paki palitan naman ng flowers ito.” Wika niya sa katulong niya
“Sige po sir .” Sagot niya kay Axel
.
“Mommy miss na kita mommy gumising ka na please sabi mo magkaka baby pa tayo pangarap kung magka anak tayong dalawa. Alam kung naririnig mo ako mahal na mahal kita mommy.” Bulong niya habang yakap yakap ang asawa niya.
Maghapon akong nakahiga sa kama ko. Nababagot na ako kakahiga dito. Him
Hindi ako sanay nasa bahay lagi. Gusto sanang mag lakwatsa pero kumikirot pa gilid ko .
Kinuha ko ang phone ko at saka tatawagan ko si Max.
(Phone Ringing)
“Hello Max saan kayo ngayon?” Tanong ko sa kanya.
“Nandito sa school kumusta ka na ngayon Shai? Okay ka na ba?” Tanong ni Max sa akin.
“Okay na ako medyo masakit lang konti pa. Nababagot na ako dito sa kwarto ko hindi ako sanay hindi maka gala Max.” Wika ko kay Max sa phone.
“Kumusta yun guy na nakasagasa sayo ang gwapo naman yun.” Wika niya sa akin.
“Magkakilala kayo diba? Siya ba yung guy na kasama mo last natin sa bar? Tanong ni Max sa akin.
“Oo siya pero wala kaming connect yun dahil tinulungan niya lang ako noong na lasing ako na iniwan nyo akong walang kasama na.” Sagot ko sa kanya
“In fairness ang gwapo niya Shaira. Huwag mong sabihin walang nangyari sa inyo?” Wika ni Max sa akin.
Bigla akong natahimik.
“May nangyari it's mean may nangyari talaga . Ano masarap ba siya? Hahaha.
Sorry sa tanong ko ha pero anong totoo?” Tanong niya sa akin.
“Sa pagkikita na lang ko ikwento sa inyo.” Sagot ko sa kanya..
“Hala,,,Kinikilig ang p*k p*k ko sayo Shaira ang angas mo . Sa sobrang gwapo yun naka s*x mo na pala ang wild mo.” Aniya niya sa akin
“Hoy, wag kang maingay dyan Max marinig ka naman dyan ma issue pa talaga ako.” Sagot ko sa kanya.
“Tahimik ka pero napaka wild mo talaga angas mo Shaira. Wild din ba siya?” Tanong ni Max sa akin.
“Hmmm .. Oo .” Sagot ko.
“Ano may 2nd pa ang pagkikita nyo?” Tanong ni Max sa akin.
“Wala hindi na yun mauulit hindi ko ramdam sa kanya eh.” Sagot ko kay Max
“Hahaha.. Napaka play girl mo talaga Shaira collect and select ka talaga Shaira Ortiz.” Aniya niya sa akin ni Max
“Gusto ko lang naman Max pagmamahal .
Hindi ko pa kasi na hahanap Max ang forever ko kaya maglaro muna tayo.” Aniya ko sa kanya.
“Ang libog mo din Shai iba ka talaga.” Aniya nya sa akin.
“Baka bukas papasok na ako nababagot ako dito sa bahay .Ganun naman din balewala lang naman din ako sa mga magulang ko Max.” Wika ko sa kanya.
“Ha? Wala lang ba sa magulang mo na nadisgrasya ka kahapon?” Aniya niya sa akin
“Oo ,Max baka nga kung namatay pa ako wala lang din sa kanila.” Sagot ko kay Max .
““Grabe naman magulang yan puro lang sila trabaho pala. Kahit kamustahin ka wala pala. Kaya ka pala nag kakaganyan dahil din sa mga magulang mo.” Aniya niya sa akin
“Ang gusto ko lang naman Max may oras din sila sa akin,.pero wala eh mas important pa trabaho nila kaysa sa anak.” Wika ko kay Max.
“Sige na Max kita na lang tayo bukas . Bye!” Paalam ko sa kanya.
“Bye Shai.” Aniya nya sa akin.
Bukas papasok na ako sa school ayoko na magmokmok dito na bagot talaga ako.
"Lagot ,nakalimutan ko pa lang uminom ng gamot ngayon." Sambit ko.
Naalala ko bilin ni Axel sa akin . Pero impossible magugustuhan ako noon isang magdamag lang naman kami nag kasama. Pero wala lang yun sa kin .dahil ganun naman mga lalaki ngayon sabik sa kama ang gusto lang naman nila sa mga babae. Ayukong mag seryoso muna ngayon.
Biglang may kumatok sa pinto sa labas ng kwarto ko.
"Anak,si mommy ito. Bumili ako ng gamot para sayo."Sambit ni mommy sa akin.
Binuksan ko ang pintuan at pumasok siya sa loob ng kwarto ko.
"Anak , sorry hindi ka namin ma asikaso anak busy lang talaga sa office ." Wika ni mommy sa akin
"Okay lang naman sanay na po ako mommy parang wala lang din sa inyo nangyari sa akin kahapon." Wika ko sa kanya.
"Sorry anak ." Sagot niya sa akin
"Hayaan mo anak babawi kami ni daddy mo sayo." Sagot niya sa akin.