CHAPTER 3
Shaira's Pov
Bumaba siya para bilhin ang nasa reseta na gamot.
“Grabe, talagang siya pa talaga naka bangga sa akin? Sa karami - rami ng sasakyan na dumadaan siya pa talaga. Haisst nakakairita .” Wika ko habang na iirita.
“Hindi tuloy ako makasama sama dahil sa injury ko. Panira talaga yung tao na yun.” Sambit ko ulit na iritang irita.
Nakita ko na siya pa balik dito bitbit ang biniling gamot.
Binuksan niya ang pinto saka sumakay na sa sasakyan.
“Oh, ito gamot mo inumin mo yan binili ko para sa manhid at maga.” Wika niya sa akin.
“Ikaw kasi eh, hindi tuloy ako makasama sa kanila.” Sambit ko sa kanya na sinisisi.
“Ah, talaga ba ! Yun pa rin iniisip mo kahit na disgrasya ka na?” Wika niya sa akin.
“Alam mo dapat na mga oras na yun nasa school ka pa . Bakit nasa kalsada kayo noong time na yun? Nag cutting classes kayong apat nho! “ Tanong niya sa akin
Hindi ako umimik dahil tama na man siya talaga nag cutting classes kaming apat.
“Maka punta nga sa school nyo para ma report kayo sa Dean dahil nag cutting classes kayong apat.” Aniya niya sa akin
“Hoy, wag naman ganun. Ba ka mapatanggal kami sa University na pinapasukan namin.” Sagot ko sa kanya
“Hindi kailangan pagsasabihan ko ang mga guard na kung pwede di oras ng klase hindi palabasin ang mga estudyante.
Para gaya yan hindi ma disgrasya.” Wika niya sa akin.
“Wag naman please ok na ako .Pwede na akong umuwi ng mag isa basta huwag mo kaming isumbong please.” Makaawa ko sa kanya.
“Baba na po ako uuwi na lang ako mag isa. Sorry sa abala.” Wika ko sa kanya.
Buksan ko na ang pinto ng nagsalita siya.
“Stay, I said you stay here .” Sabi niya sa akin.
Nanahimik na lang ako at yumuko.
“Ikaw ang bata - bata mo pa ganyan pala ginagawa mo. Pala inom ka at nag cutting classes. Kung naging anak kita kukutusan talaga kita sa ulo.” Wika niya sa akin na pinapagalitan
“Hindi ka ba naawa sa magulang mo?” Tanong niya sa akin.
“Eh,wala naman din silang pakialam sa akin. Busy sila sa trabaho nila kaya hindi ako mapapansin. Tulad nito Lola ko lang lagi kung kasama.. Huwag kang mag alala wala silang pakialam puro sila subsob sa traabho kaya free akong gawin gusto ko.” Wika ko sa kanya.
“Kaya pala lagi ka sa bar nakikipag inuman tapos pag na lasing ka pupulutin ka na lang ng guy tapos dadalhin kung saan - saan o hotel. Tapos kung ano ng mang yari sayo. Hindi mo alam ibang lalaki kinakama ka na Shaira ganun ba yun? Ka bata mo pa ganun na gawain mo.” Wika niya sa akin na may dalang pag sesermon.
“Ah, Basta wala akong paki alam at saka hindi na ako bata 20 years old na ako. I will do what i want!.” Wika ko sa kanya.
“Kaya pala sobrang wild mo noong nagkasama tayo. You so brash!.” Aniya niya sa akin.
Natahimik ako bigla sa sinabi niya.
“Akin na address mo para maihatid kita doon.” Wika niya sa akin.
“Wag na dyan na lang sa kanto mo ako ibaba sasakay na lang ako ng taxi pauwi.” Sagot ko naman.
“No! Ihahatid kita wag nga matigas ang ulo. Hahalikan kita ngayon.” Sambita na may banta sa akin.
Naalala ko tuloy yung naglapat ang mga labi namin na hayok na hayok sa paghahalikan.
“Hoy, tulala ka na naman dyan. I said where is your address? Para ihatid na kita.” Tanong niya na may panggugulat
“Oo na wait lang hahanapin ko pa ang address.” Sagot ko sa kanya.
“What? Hindi mo memorize ang address nyo? What the?.. Ano ba yan pano kung nawala ka tapus wala kang hawak na phone hindi mo masasabi sa driver agad kung saan ka nakatira?” Wika niya sa akin.
“Eh,lagi kung nakakalimutan eh kaya si- save ko na lang sa phone ko. Bakit ba napaka pakialamero mo naman sa akin boyfriend ba kita? Hindi ka naman imbestigador.” Bulyaw ko sa kanya.
“Akin na nga ang address mo?” Wika niya
“Ito na.” Aniya ko.
“Block 70 lot 13 phase 7 Parañaque. Ayan address ko.” Wika ko sa kanya.
“Ayan naman bibigay mo din pinahahaba mo pa ang usapan.” Wika niya sa akin.
Ni search na niya sa google map para makita kung saan na kami banda.
“Ito na na hanap ko na. Malayo ka pala nakatira. Tapos nasa Makati ka nag aaral.”
Wika niya sa akin.
“Hala talagang pinakialaman niya pa
talaga tirahan namin na malayo daw” Sambit ko.
“Tara na nga hatid na kita sa bahay nyo.”
Sabi niya sa akin.
Habang nag byahe kami binuksan niya ang music niya sa loob .Tapos na tapat pa talaga ng love song. Habang nag drive siya sinasabayan niya ang kanta.
Akalain mo ang ganda pala ng boses nito.
Bigla na lang ako lumingon sa may binta para hindi niya ako ma pansin na kinikilg ako ng marinig niyang kumakanta.
Kinanta niya yun kanta “ WONDERFUL TO NIGHT”. Sobrang lamig ng boses niya na parang nakaka inlove pakinggan.
Bigla niya ako napansin.
“Na pano ka? Kinikilig ka ata sa boses ko nho?”; Sambit niya sa akin.
“Hoy, Hindi ah na puwing lang mata kung isa.” Rason ko naman sa kanya.
“Whee!.Alibay mo lang yan!.” Pabiro niya sa akin
“Assuming ka talaga nho! Gusto mo masuntok talaga!.” Pagbabanta ko sa kanya.
“Naku!. Wid ka talagang babae. Kitang- kita ko na talaga kanina pa lang sa clinic abay gusto mo na akong tadyakan doon sa mukha.” Saad niya sa akin.
“Malamang pagkakamalan talagang misis mo tapos buntis pa! Sa bata ko pa nito? Masasabi niyang misis mo? Layo kaya agwat natin para sabihin niya yun. Tapos tawang tawa ka naman kanina .” Bulyaw ko sa kanya.
“Hahahha.. Bakit hindi pa pwede?” Bigla siyang huminto at napatingin sa akin.
Natameme ako sa pag sa sinabi niya.
“Naku! Malaking pagkakamali..” Sagot ko.
“Hahaha..” Natawa na lang siya bigla.
Sa haba - haba ng asaran namin sa loob ng sasakyan nakarating din kami sa lugar namin.
Ipinasok na niya ang sasakyan sa loob ng Village at saka tinunton ang address na binigay ko sa kanya.
“O dito na tayo sa harapan ng gate nyo.”Wika niya sa akin.
Ihihinto nya ang sasakyan sa harapan ng gate namin.
“Dito na tayo miss wild.” Aniya niya sa akin.
“Miss wild ka dyan.” Sagot ko sabay taas ng kilay.
“Sungit mo.” Sambit niya ngumiti.
Bumaba siya muna saka pumunta sa kabilang pinto ng sasakyan para alalayan niya ako.
“Halika na miss wild.” Sambit niya habang inabang ako sa pinto ng sasakyan.
Sinamangutan ko siya agad.
Dahan- dahan akong bumaba sa sasakyan saka hinawakan ako. Naglakad kami papuntang harapan ng gate sa nag doorbell.
(DoorBell Ringing)
“Sino yan?” Sambit ni lola Sita sa may pintuan na dumungaw.
“La, Shaira po ito.” Sagot ko
“Oh, Sha bakit may kasama kang napaka poging lalaki boyfriend mo ba ito?” Wika ni lola Sita sa akin.
Bigla na lang umigting sa ngiti si Axel ng sinabihan siyang gwapo.
“Hindi po la. Hindi ko po ito boyfriend po.” Aniya ko kay lola Sita
Siniko ko si Axel para umayos.
“Umayos ka dyan huwag kang pa ngiti- ngiti dyan assuming ka!.” Sambit ko na naasar na sa kanya.
“Ay, sorry .” Sagot niya sa akin.
“Good evining po Lola.” Bati ni Axel
“Huwag kayong mabibigla lola sa sasabihin ko po sainyo.” Aniya ni Axel
“Ano ba yun? Bakit huwag akong mabigla buntis ba apo ko? Binuntisan mo?” Aligagang sabi ni lola Sita sa kanya.
“Lola naman eh, maghunos dili ka nga po lola hindi ganun.” Sambit ko kay lola na napakamot ako bigla sa ulo ko.
Natawa na lang si Axel kay lola.
“Huwag ka nga tumawa dyan babatukan na talaga kita.” Galit na pag kasabi ko kay Axel.
“Lola, nabangga ko ang apo mo po kanina.” Wika niya ng pahinhin.
“Ano? Nabangga ang apo ko?” Gulat na tanong ni lola Sita sa kanya .
“Lola pwede mo ba muna kaming papasukin masakit kaya balakang ko dito lola.” Wika ko kay lola na nakmamaktol na nakatayo.
“Ay,oo pasok muna kayo.” Aniya niya sa amin ni lola.
Dahan - dahan akong pumasok habang inalalayan ako ni Axel sa pag lakad.
Umupo kami sa sofa.
“Bakit ano bang nangyari bakit na bangga ang apo ko?” Tanong ni lola Sita.
“Eh, kasi po.”Sambit ni Axel.
“Pauwi na kasi ako lola nasagi niya ako sa kakamadaling maka habol makasay po.” Wika ko na biglang sinapawan ko si Axel.
Napatingin ako kay Axel at natahimik agad.
“Opo lola yun nga po.” Sambit ni Axel.
Ano nabalian ka ba Apo? Anong masakit sayo ? Nagpa check up ka na ba? Sunod sunod tanong ni lola sa akin.
“Okay na lola na pa check up ko na po siya no fracture naman sa x- ray na bogbog lang sa pagka bangga na bili naman ako gamot niya lola, pahinga lang muna gawin niya po.” Wika niya kay lola Siya.
“Hindi paglalakwatsa.” Pa habol niya na mahina pagka salita.
Tinapakan ko paa niya bigla.
“Aray ! Ang sakit naman.” Reaction habang pagtapak ko sa paa.
“Ah, ganun ba iho. Ano nga name mo?” Tanong ni lola Sita.
“Axel po lola .” Sagot naman niya kay lola
“Pano po hindi na ako magtatagal dito lola inihatid ko lang po si Shaira para “ sure” kung maka uwi.” Wika ni Axel kay lola.
Nimulatan ko siya ng mata baka ano pang masabi niya kay lola Sita.
“Maghapunan muna tayo iho.” Alok ni lola kay Axel
“Huwag na po lola may appointment pa ako na cancel kanina pupuntahan ko po ngayon.” Wika ni Axel sa amin.
“Shaira inumin mo gamot para gumaling ka agad.” Bilin niya sa akin
“Opo iinumin ko ito.Salamat sa paghatid dito sa bahay.” Sambit ko sa kanya.
“Alis na po ako lola.” Paalam niya kay lola Sita.
Lumabas na siya sa bahay at dumeritso na sa sasakyan niya.
“Put*k na yun hindi man lang nag bye sa akin.Bwe* it talaga nakaka irita yun lalaki na yun.” Pa bulong kung sambit sa sarili.
Naka alis na siya agad sakay sa sasakyan niyang itim na Toyota.
Pumasok na ako sa loob saka inisara ko ang pinto.
“Lola, akyat na muna ako sa kwarto ko para mag pahinga muna po.” Paalam ko sa kanya.
Sige apo kaya mo bang umakyat sa hagdaan? Tanong ni lola sa akin.
“Kaya naman po lola magdahan dahan na lang po ako.” Sagot ko kay lola
“Sige ingat ka apo . Dalhan na lang kita ng pagkain doon ka kwarto mo pagka luto ko.” Wika ni lola Sita sa akin.
“Salamat po lola.” Wika ko sabay ningiti sa kanya.
Dahan- dahan na akong umakyat sa hagdanan para makapunta sa kwarto ko.
Pagdating ko sa taas pumasok na ako sa kwarto saka dumeritso sa kama ko para umupo.
Inihiga ko saglit ang aking katawan para ma relax saglit at mai unat ang balakang ko.
Tumingala ako sa kisame at napa isip ang nangyari kanina. Nakita ko muli ang gwapong mukha niya .
Napaka gwapo niya hindi nakakasawang tignan yun nga lang napaka antipati kong lalaki nga lang.
“Hayyy, Mr. Axel natikman lang kita pero nanatila ka sa isipan ko.” Sambit ko sa sarili.
“Apo, apo, dito na pagkain mo. Dinalhan na kita.” Sambit ni lola na nasa labas ng pinto.
“Saglit la,” Sagot ko.
Tumayo ako ng dahan-dahan saka binuksan ko ito.
“Kumain ka na para maka inom ka ng gamot at magpahinga ka ng maayos.” Wika ni lola Sita.
“Sige lola.” Sagot ko.
“Mukhang gwapo yung naka bangga sayo apo.” Aniya ni lola Sita.
“Gwapo ba yun lola parang hindi naman.” Wika ko na tinanging gwapo yun.
“Paano yan hindi ka muna makakapasok ng ilang araw dahil bukas mamamaga yan.” Aniya ni lola sa akin.
“Naku! Malaking damage talaga ginawa ng lalaki na yun.” Pa bulong ko sa sarili habang naiinis.
“Nakakabagot naman lola ilang araw pala ako nandito lang sa kwarto ko.” Sabi ko kay lola na malungkot.
“Ganun talaga apo magpagaling ka na muna.” Wika ni lola sa akin.
“Lagot talaga yun pagnagkita kami ulit makakatikim na yun ng kamao ko.Haiisst hasle itong nangyari sa akin ngayon.” Sambit ko