CHAPTER 2
Shaira's Pov.
“ Shaira sama ka ba sa amin?” Alok ni Belle sa akin.
“Saan ba kayo pupunta ?”Tanong ko sa kanya.
Alam mo na yun sa may ganun.” Wika niya sabay sumayaw si Belle.
“Ah, sa bar na naman ba yan?” Tanong ko ulit sa kanya
“Oo,mag iinuman na naman tayo guys.”Wika ni Max.
“Yes, makakakita na naman ako ng mga gwapo doon.” Sagot ni Via
“Naku tapos iiwan nyo na naman ako mag isa doon.Noong nag inuman tayo doon iniwan nyo ako tapos iba na kasama ko.” Wika ko sa kanilang tatlo.
“Okay lang naman yun may kasama ka naman gwapong lalaki diba.” Wika ni Via sa akin.
“Hindi talaga pag hihinayangan na iniwan ka namin. Kung kasama ka namin hindi mo makikilala yung guy na gwapo.”Wika din Belle
“Ano masarap ba yun sa kama?” Tanong ni Max sa akin na bumulong.
“Ewan ko sa inyong tatlo.” Sagot ko sa kanila.
“Wild ba Shai?” Tanong ni Max sa akin.
Bigla akong napa ngiti.
“Ah, talagang may nangyari talaga sa kanila pangiti ngiti ito si Shaira.”Wika ni Via
“Nako dakz ba Shai mag kwento ka naman sa amin oh, tagal na yun hindi mo talaga sinabi sa amin kung anong nangyari.” Wika ni Belle sa akin.
“Hoy, kayo may mga kasalanan talaga kayo sa akin noong iniwan nyo talaga noon. Wala kayong awa sa kaibigan nyo iniiwan nyo lang talaga. Napaka sama nyo sa akin.” Wika ko sa kanilang tatlo.
“Sorry na hindi na uulitin pag iwan namin sayo.” Wikan ni Via sa akin.
“Ano tuloy ba tayo mayang gabi?” Tanong ni Max habang ngumunguya ng bubble gum.
“Ako go dyan.” Sagot ni Via.
“Me too.” Sagot din Belle.
“Ikaw Shaira sasama ka ba sa amin?” Tanong ni Max sa akin
“Titignan ko pa . Hindi pa sure.” Sagot ko sa kanya.
“Bakit hindi sure Shaira? Tanong ni Belle sa akin
“Mamaya ko pa malalaman pag naka uwi ako .” Sagot ko sa kanila.
“Hindi na lang kaya tayo pumasok ngayon . Mag cutting classes na lang tayo.” Aya ni Belle sa amin.
“Naku ito na naman si Belle mukhang cutting classes talaga.” Wika ni Max sa kanya.
“Galawang hokage naman gawain mo Belle hahaha.” Tawang sabi ni Via.
“Pasok tayo kahit pag 6 pm na class hindi na tayo pumasok para punta tayo Malate.” Wika ni Max sa amin.
“Ayos din plano mo nho! Max . Ganun di mag cutting class din yan.” Sagot ko sa kanya
Tawanan kaming apat sa canteen habang naka tambay.
“Hi! My beautiful wife kumusta ka na? Dinalhan kita ng mga bulaklak na favorite mo. Ito ilalagay ko na sa flower vase mo.” Wika ni Axel sa kanyang asawang nakahilata sa kama ng walang malay na naka swero at naka oxygen sa ilong.
“Mommy mag tatlong buwan ka ng hindi nagigising please mommy gumising ka na miss na miss na kita sobra.” Wika ni Axel sa kanyang asawa sabay halik sa noo.
“Kumusta Mr.Salazar buti binisita mo asawa mo.” Wika ni doktor Rio sa kanya.
“Dok, kumusta naman wife ko po busy lang kasi sa office kaya ngayon ko lang napuntahan si beth.” Wika ko sa doktor.
Tatapatin na talaga kita Mr. Salazar comatose na talaga asawa mo machine na lang ang bumubuhay sa kanya.
Kaya ihanda mo na lang sarili mo. Hindi natin alam kung kailan pero hindi na magtatagal si Mrs. Salazar sa mundo natin.” Wika ni doktor Rio sa kanya.
“Mommy lumaban ka nama para sa akin. Huwag kang susuko mommy . Huwag mo naman akong iwan ng ganito.” Sambit niya sa asawa niya na nakahandusay sa kama.
“Hindi ko na alam mommy paano na lang ako ngayon pag mawawala mommy.” Wika niya habang hawak - hawak ang kamay ng asawa niya.
“Mahal na mahal kita mommy beth.” Sambit niya sabay halik sa kanyang kamay
“Ate Weng ikaw na muna bahala kay beth. Pupunta na ako ako sa office madami pa akong aasikasuhin ngayon.” Wika ni Axel kay Weng.
“Sige po sir ako na po bahala kay ma'am beth.” Sagot niya kay Axel.
“Mommy magpaalam na muna ako sayo si ate Weng na muna mag aasikaso sayo.
Marami kasi akong aasikasuhin sa office.
Maiwan muna kita mommy.” Wika niya sa asawa niya.
“Tara cutting na tayo mag 6pm naman din na.” Wika ni Belle
“Maghintay ka dyan Belle baka makita tayo ng Dean mahuli pa tayo . Hanap tayo tiempo para makatakas tayong tatlo.”Wika ni Max sa amin.
“Naku pag nahuli tayo punishment na naman talaga tayo nito.” Sagot ko sa kanila.
“ Kaya nga hanap tayo tiempo. Ayan na paalis na ng Dean makaka alis na tayong tatlo.” Wika ni Max sa amin
Hinintay namin ang Dean maka alis para makatakas na kami sa labas ng University.
“Ayon tayo na..Bilis na labas na tayo sa campus.” Wika ni Max sa amin..
“Takbo na Shaira..” Wika ni. Belle sa akin.
Nagtatakbuhan na kami sa labas ng Campus para lang makalayo na doon.
“Huuh..haaah..huuhh.” Grabe hingal ko doon.” Wika ko sa kanila.
“Kaya nga eh grabe hingal ko din.” Wika ni Via.
“Tara na baka makita pa tayo ng guard dito ma report pa tayo.” Wika ni Max.
“Bilis tawid na tayo malayo pa ang sasakyan.” Sambit ko sa kanila.
Bigla akong tumawid at may mabilis na kotse padaan sa dadaan ko bigla ako naabutan ng sasakyan.
“Shaira.” Sigaw nila sa akin ng muntik na akong mabangga.
Huminto ang sasakyan sa harapan ko.
Tumayo ako sa pag ka tumba at kinalampag ang harapan ng kotse na naka bangga sa akin.
“Hoy, Gago mayabang bumaba ka dyan . Napakabilis ng takbo mo hindi mo ba nakikita may tumawid dito sa kalsada.
Muntik mo na ako mabangga pano kung nasagasaan mo ako ng tuluyan. Naku mumultuhin talaga kitang hayop ka.. Bumaba ka dyan.” Sabay hampas sa sasakyan niya sa harapan.
“Shaira ok ka lang? May masakit ba sayo?” Tanong ng mga kaibigan ko.
“Report natin itong driver nito kaskaserong mag drive.” Wika ni Belle na nag iingay din sa harapan ng sasakyan.
Biglang bumaba ang isang naka sagasa sa akin.
Mukhang mayaman nakasuot ng black na suit coat with necktie pa sa loob at saka shade na mamahalin.
“Miss I'm sorry nagmamadali kasi ako kanina tapos bigla lang tumawid yang kaibigan nyo lampa.” Wika niya sa amin .
“Sinong lampa ako ba sinasabihan mong lampa? Gago ka ah ikaw pa nakasagasa sa akin ikaw pa galit ha ayos mo din ha porket mayaman ka.” Bulyaw ko sa kanya na pasigaw.
“Shaira? Ikaw ba yan?” Wika ng lalaking nakasagasa sa akin.
Nanahimik ako bigla ng sinambit ang pangalan ko.
“Sino ka ba bakit mo ako kilala?” Alam mo masakit kaya balakang ko ngayon? Feeling mo pa close tayo?” What the f*ck sir. Hindi mo ba ako makita muntik mo na ako masagasaan.” Taray ko sa kanya na naiinis na.
Tinanggal niya ang shade saka ngumiti sa akin.
“Nagkita tayo ulit Miss Shaira long time no see.”Wika niya sabay ngiti sa akin..
Nagulat ako bigla ng makita ko ulit siya biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
“Sino ba siya Shaira bakit ka niya kilala?”
Tanong ni Max sa akin
“Oo nga sino ba siya Shai?” Tanong din ni Belle.
Bigla akong naging pipi bigla ng makita ko ulit.
“Miss Shaira, are you okay?” Wika ni Axel sa akin.
“Yun nga ung balakang ko nga iniinda ko ngayon.” Wika ko.
“Tara hanap tayo malapit na clinic para ma check yan.” Wika niya sa akin.
“Shaira sama kaming tatlo ayaw ka namin iwan baka kidnapper ito.” Wika ni Max sa akin
“Hindi yan mangyayari miss . Ako kidnapper? Mukha ba ako yun?” Wika ni Axel kay Max
“Ano let's go hanap ng clinic na malapit.” Wika ni Axel
Hindi nagpahuli ang tatlo umuna ng sumakay sa likod at ako naman nasa front seat. Hindi ako lumilingon sa kanya nasa labas ng bintana ng sasakyan ako nakatingin.
Napatingin si Axel habang naka sampa isang braso niya sa pintuan ng sasakyan.
“Kumusta ka na?” Tanong ni Axel sa akin.
Hindi ako umimik nag bingi bingihan muna ako.
“Shai, tinatanong ka oh, kumusta ka daw?” Wika ni Via sa akin
Pakialamera talaga itong nasa likod ng bingi bingihan na nga ako sila pa talaga naka pansin.
“Okay lang naman.” Sagot ko na lang kay Axel.
“Dito banda may clinic pala liko tayo.” Sambit ni Axel.
Inihinto niya ang sasakyan at saka bumaba sa kotse niya sabay bukas sa kabila pinto.
Bumaba na din ang tatlong nasa backseat.
“Tara dito Shaira kaya mo bang maglakad? O bubuhatin na lang kaya kita?” Wika niya sa akin
“No, kaya ko naman pero mag dahan dahan na lang ako.” Sagot ko sa kanya
Naalala ko tuloy binuhat niya ako na hubad hubad.
Naptingin siya sa akin ng paika ika akong maglakad.
Bigla siyang bumalik at binuhat ako na parang papel lang pag buhat.
Hindi ako nakapag salita natameme n lang ako at napatitiig sa gwapong mukha nya .
Amoy na amoy ko ang kanyang kaaya aya niyang pabango.
Grabe nanginginig katawan ko noong binuhat niya ako ulit.
Bigla na lang akong namumula sa hiya ng binuhat niya ako.
Ng nakarating kami sa loob ng clinic binaba na niya ako at pinaupo.
“Doc, magpapacheck sana kami do .” Wika niya sa doctor
“Nagsusuka ba siya o nahihilo? Ilang months ka ng hindi dinatnan Mrs.?” Tanong ng doctor sa akin.
“Po? Hindi po ako buntis doc.”Sagot ko bigla sa doctor.
Biglang napangiti si Axel sa gilid habang naka tayo.
“Hoy, tawa ka dyan gusto mo bang matadyakan sa mukha.” Bulyaw ko kay Axel.
“Ay ,doc hindi po siya misis ko at lalo na hindi siya buntis. Nabundol ko siya at masakit daw balakang niya kaya ipapa check namin .” Wika ni Axel sa doctor.
“Ay sorry naman kala ko naman sir misis mo binuhat mo kasi siya pagpasok dito.” Paliwanag niya
“Sige ma'am pasok ka doon sa kwarto x-ray kita agad kung may fracture ba o wala sa hips mo.” Wika ng doctor sa akin.
Tumayo ako saka naglakad ng dahan -dahan papunta sa kwarto.
Isinilang ako sa loob na may machine at ni x- ray na ako.
Pinabalik ako sa upuan sa labas sa ka hinintay ang results.
Lumabas ang doktor saka ni explain niya sa amin kung may fracture ba o wala.
“Sir and ma'am wala na man fracture sa buto mo baka na bugbug lang sa pag bangga sayo. Bibigyan lang kita ng reseta ng gamot para bilhin .” Wika ng doctor sabay abot sa reseta.
“Thank you doc.” Wika ni Axel
“Thank you doc.” Sambit ko din.
“Ano mag papabuhat ka pa rin ba?” Tanong ni Axel sa akin
“Wag na salamat na lang.” Sagot ko sa kanya.
“Hawakan na lang kita para may mahawakan ka.” Wika niya sa akin
Hinawakan niya ako sa kamay saka inilalayan.
“Daan tayo sa Mercury bilhin natin ang ni reseta ng doktor.” Wika ni Axel sa akin.
“Ano Shaira na balian ka ba?” Tanong ni Max sa akin.
“Naku! Paano na lakad natin ngayon mag bar pa sana tayo.” Wika ni Belle
“Hindi ka pala makakasama ngayon sa amin sayang naman Shaira.” Wika ni Via
“Sige na girls pumunta na kayo sa pupuntahan niyo hindi muna makakasama si Shaira pinagbawalan muna siyang maglakad lakad masyado. Ihahatid ko na lang siya sa bahay nila.” Wika ni Axel sa mga kaibigan ko.
“Paano yan Shaira hindi ka muna talaga makakasama sa gimik natin . Hindi ka makakakita ng mga gwapong boys. Bye na Shaira alis na kami.” Wika ni Belle sa akin.
“Sige ingat kayo.” Sagot ko sa kanila.
“Halika ka na sakay ka na sa kotse.” Wika ni Axel sa akin.
Inalalayan pa rin niya ako hanggang sa pagpasok ko at pag upo sa front set .
“Okay ka na ba sa posisyon mo sa pag upo?”Tanong niya sa akin.
“Okay na salamat.” Sagot ko sa kanya
“Wait ang seat belt aayusin ko.” Sambit niya.
Hinila niya ang seatbelt saka pinasok sa kabila. Magkalapit ang aming mga mukha habang kinakabit niya ang seatbelt. Ramdam ko ulit ang hininga niya habang magkadikit na naman kami. Isinarado na niya ang pinto ng sasakyan saka umikot sa harapan para sumakay sa kabilang pinto din.
Hinila din niya ang kanya seatbelt sa kinabit ito.
“Tara na lets go.” Wika niya.