" Tara na, anong oras na?? Alis na tayo!! Mamaya nyan tumawag nanaman si Tatay.. Magalit nanaman satin." saad nya sa mga kasama nya pauwi sa bahay nila sa Cavite " Opo boss... Chineck lang ni Boyong ang sasakyan.. " sagot ni Eric " Sabihan mo si Boyong bilisan na! " ani nya kay Eric. " Toy si pogi, okay na ba ang mga dadalhing mga gamit?? " baling nya sa binata na karga ang kapatid nito. " Ah boss, pwede po bang wag na po muna kaming sumama ni baby?? Dito nalang po muna kmi ni baby sa Quiapo.." sagot ni Totoy sakanya, habang sinasayaw nito ang baby para patulugin. " Ah sige ikaw bahala, walang problema.. May mga kulang pa ba sa mga gamit nya?? nadala mo na ba pala yan na bata sa center o sa pedia man lang?? " tanong nya sa binata " Gatas at diaper lang po boss ang kulang.. Bukas po

