bc

Balut Series 1: Penoy for Love (SSPG)

book_age18+
666
FOLLOW
8.7K
READ
love-triangle
HE
sweet
office/work place
addiction
like
intro-logo
Blurb

Isang simpleng dalaga sa paningin nang lahat, sa nakaka kilala sa dalagang si Mary Magdalene Dimauna,beauty and brain with a special skills ika nga ,pero lingid sa kaalaman nang lahat,Isa rin syang hired killer nang dark world society,dating top agent nang nasabing organization.pero agad rin syang umalis sa organization dahil tinamad na sya sa pagpatay Sa mga tiwaling tao ,mas piniling mamuhay nang simpleng buhay kasama ang pamilya nya..sya na ang nagpapatakbo nang poultry business Ng kanilang pamilya.. Nang dahil sa pagtitinda nya nang balut at penoy sa bangketa nang Quiapo..hindi sinasadya na makilala nya ang binatang si Joseph Scott Collins,isang billionaire businessman,na half Filipino half German..,nang dahil sa isang insidente,Hindi nya sinasadyang masira nya ang relo nito..inalok sya nito nang trabaho kabayaran sa nasira nyang relo..ang maging personal bodyguard and secretary kapag Nasa Pilipinas ang binata.from vendor to a billionaire's secretary,may kasabihan nga na pag may tyaga may nilaga..pagmay nilaga may itlog ..at kapag may itlog may balut!! panu magiging happy, kung iba ang lahi na magiging Kaisang dibdib?? dapat bang mahalin ang sariling atin o maging spokening dollar?? samahan NYO po ang romcom story Nina Mary Magdalene Dimauna at Joseph Scott Collins??

chap-preview
Free preview
Chapter 1: jackpot
" Baluuuuuutt!!! Penoy!!!! Bili na kayo mga suki!! " Sigaw ni Magda sa labas nang simbahan nang Quiapo na panay ang panghikayat sa mga dumadaang mga tao galing sa loob nang simbahan " Ate!! Dalawang balut po, Yung maliit pa lang daw po ang sisiw.. " wika ng isang bata na lumapit sakanya na marahil nasa 9 na taong gulang palang, dahil medyo maliit ito, pero ang ganda nitong bata, parang manika ang hugis nang mukha na binagayan nang bilogang mga mata na may mga mahabang pilikmata " Bhie! Sino bang nagpapabili sayo?? Sabihan mo na 14, 15, 16, 17 days ang available dito sakin.. Kung maliit na sisiw ang hanap nya.. Wala ako non unless bubuksan natin tong lahat para makita natin ang sisiw sa loob.. " saad nya sa bata na agad umalis sa harapan nya,nagtatakbo ito papunta sa may isawan, napailing nalang sya rito dahil mukhang naubltusan lang ito nang mga manginginom sa kanto o kaya nang mga chismosa sa Quiapo " Baluuuuuutt!! Penoy!! " sigaw nya ulit sa mga dumadaan na mga tao, marami na ang lumalapit sakanya kaya hindi nya napansin ang bata na papalapit ulit sa pwesto nya Nang bumalik ang bata,kasama na nito ang isang lalaki, pogi ito tapos matangkad din mala Johnny Bravo ang datingan nang katawan ng binata... Halos makalaglag panty din ito dahil halos lahat nang babae na naroon, nakatingin sa binatang papalapit sakanya. " Sorry ha nakalimutan ko sabihan ang kapatid ko,14 days po samin, dalawa lang po.. Ang ganda mo naman para maging tindera nang balut may boyfriend kana?? " tanong ng binata sakanya na ang lagkit kung makatingin sakanya "Ay oo naman maganda talaga ako!! Sabi nang nanay ko!! Bakit may qualification ba para magtinda ng balut!!?? Wala akong boyfriend at hindi rin ako naghahanap..." mataray na saad nya rito na iniiwasan ang tingin nang binata na titig na titig sakanya " Ah, Ganun ba?? Bakit ikaw ang nagtitinda nyan?? Ang bata mo pa, mas bagay sayo ang nasa office nagtatatrabaho.." saad nito na kinindatan pa sya " At bakit hindi?? Mas malaki nga ang kita rito kesa sa office na maghapon kang nakaupo.. Dito sisigaw ka lang basta marami ang suki madami ang kita.. Kaya kung ako sayo baka gusto mo rin magtinda pakilala kita sa supplier nang itlog na pinagkukunan ko.." pang hihikayat nya sa binata na nasa katabi ang cute na kapatid nito " Hahahaha, Hindi pwede sasampa na ako bukas sa barko sayang.. Baka my cellphone number ka or socmed penge naman..?? Pero malay natin pagbalik ko, baka pwede na kita masamahan dito.." nakangiting saad nito sakanya na may taas Baba pa nang kilay " Wala ako nyan, hindi yan maka katulong sa economiya ng Pilipinas.. Sige at magtitinda pa ako heto pala yong balut mo?! 40 lang."pagtataboy nya rito "Ah, pwede naman, gusto mo pala ako kompetensyahin.."dagdag nya pa " Nope, tutulungan kita na magtinda, heto bayad ko, keep the change!! " nakangiting saad ng binata sakanya habang titig na titig ito sakanya na halos hindi na kumukurap " Ay hindi, pwede yan, heto ang 60, sukli mo, bawal yan sakin na keep the change.. Pwede mo pa yan ipambili ng isang kilong bigas para sa pamilya mo!! Sige pwede naman kung gusto mong tumulong, walang problema yan sakin.."saad nya na inaabot sa binata ang sukli nito " Ganun ba?? Sorry, salamat dito, sabi mo yan ha?! Tatandaan ko yan, pagbaba ko ng barko Kita kits ha!! Paul nga pala! " pakilala ng binata sa dalaga na naglahad nang kamay sa harapan nya na nakangiting nakatingin sa maganda nyang mukha " Magda!!?? " sagot nya, na inabot naman ang kamay nang binata na agad hinalikan ang likod nang kamay nya, kaya binawi nya agad ito,dahil para sakanya, Nakakabastos ang ganitong mga galawan nang isang lalaki "Sige alis na kami Magda,salamat dito" saad ng binata na nagsimula nang maglakad nang patalikod " Walang anuman" tugon nya na linawayan ang batang nakangiti sakanya " bye bye ate" saad nito habang kumakaway at patakbo na kung maglakad,para mahabol ang kapatid nito sa paglalakad " Well, her name is Mary Magdalene Dimauna.. O diba apelyido palang bongga na,!!, 23 years of age, from Quiapo, pero hindi nila kapitbahay sina tanggol.. Hahaha unica hija ng mga magulang nya, dahil 7 silang magkakapatid at sya lang ang binigyan ng keps nang may kapal, bunso pa sya, ika nga, huling hirit sa tag init dahil menopausal baby sya.. Sya rin ang taga pagmana ng manokan, itikan at patohan ng kanyang ama.. Dimauna man ang surname nya pero sya naman ang top 1 sa CPA board exam, yes, she's a board passer, she's a licensed public accountant same time, Summa c*m Laude sya sa UP, a sharp shooter, and black belter in taekwondo and jodo.. Ayaw nya magwork sa office dahil mas mataas pa daw ang kita sa pagtitinda nang balut kesa magtrabaho sa office, sa isang araw kasi mababa na sa dalawang libo ang kita nya.. Naisipan nya lang naman magtinda dahil ang dami nang itlog ang binibigay sakanila ng mga alaga nila. Naging supplier na sila nang mga magbabalut sa Pateros at Tondo, tsaka ang itlog naman ng manok ay kinukuha sa farm nila, ang manok naman ay isinusupply nila sa isang known brand chicken company.. Nagsimula lang ang poultry nila sa dalawang pares ng manok, itik at pato, ang tatay nya talaga, ang matyagang nag alaga sa mga hayop, ng mag itlog, ang mga ito, tuwang tuwa ang ama nya. hanggang SA dumami nang dumami. Samantalang naiinis na ang nanay nya nang dumami na ito dahil namumulot na lang sila ng mga itlog kung saan saan.. Pinagawan na ng tatay nya ng poultry house ang mga ito, pero nagkulang pa rin ito sa dami. Nagbusiness din sila nang paggawa nang leche flan at ibat iba pang negosyo gamit ang itlog nanskukuha nila.. Lahat naman pumatok, pero dahil dumami talaga, napilitan na silang humanap ng mga buyers, at sa awa ng diyos pinagpala sila sa negosyo, lahat ng tao nila nanginginabang sa business nila, ang kasabihan kasi nila,,.. Everybody happy dapat.. Kaya lahat nang tao nila, parang pamilya na nila. Lahat silang magkakapatid naka hands on sa family business nila kahit meron na itong kanya kanyang business na pinapatakbo. Sya na ang parang CEO ng business nila kaya, lahat nang concern sakanya lahat ang address.. Sa pagtinda lang nya nakakaubos na sya nang lagpas 5 libong itlog kada linggo.. Araw araw bago ang itlog na linuluto nila,kung hindi naman naubos,pinamimigay nila Ito sa mga taong nagmamalimos o kaya naman sa pulubi na nandon sa Quiapo. ******* " Eric, kuha kapa mga limang daan pa, o kaya kung kaya pa 1 libo pa, maaga pa naman para magligpit tsaka tinatamad pa akong umuwi mga 9 pm na tayo umuwi mamaya, sabihan mo sina aling Lukring at ate Joy, gusto ko ng menudo tapos fried chicken.. Isama mo na pagbalik si Boyong at Totoy para may katulong ka. magdala nang mga itlog." utos nya kay Eric, ito ang assistant/ driver/ at right hand nya, kasama nya na ito simula pagkabata.. Kasama nila sa bahay sina, aling Lukring, ate Joy, Boyong at Totoy ang mga kasama nya dito sa Manila.. " Opo mam!! " sagot ni Eric na may abot tengang ngiti " Sira ulo ka!! Ano sabi ko sayo?? Wag na wag mokong tatawagin nyan, kung ayaw mong magulpi kita. " pikon na saad nya rito na panay ilag SA mga kurot at suntok nya rito " Asus!! sige na nga!! aling Magda, alis na ako!! Ubos na ba lahat ng dala namin kanina ,halos 2 libo Yun.." pangaasar nang binata sakanya na hinawakan na sya sa dalawa nyang kamay para pahintuin.. " Aba' y tarant** do ka!! Aling Magda your feys!! Sa ganda kong to ?? aling Magda itatawag mo sakin?? Oo,10 nalang andito na natira.. Bilisan mo na para mamaya may paenum ako!! " ani nya rito habang nakahawak sa magkabilang pisngi na parang napangalumbaba,habang kumukurap kurap ang mga mata nya. " Yan ang gusto ko sayo!! Lechon ang pulutan boss??!!Wag kanang magpa cute,hindi bagay sayo "mabilis na sagot ng binata sabay Palo sa kamay nya na nasa may baba pa nya " Sige, kapag naubos lahat nang tinda natin ngayon, Kaya tulungan nyo akong magtinda.." tugon nya rito " No problemo!! Basta ikaw, nanginginig pa!! Hahaha " saad nito na mabilis nang tumakbo pauwi para kunin ang inuutos nyang ipang titinda nila Pagbalik nang tatlo, ang hinihingi nyang 1 libo, ginawa ng mga itong 2 libo.. Basta talaga usapang alak, ang bibilis nitong kausap, wala pang alas 9 pm ubos na ang tinda nila, kaya jackpot sila, madami talaga kasing tao kapag araw ng biyernes sa Quiapo.. Kaya sinasamantalala naman nila para kumita.Dagdag pa na mga magagandang lalaki sina Eric, Boyong at Totoy. Kaya hindi mahirap magtinda pag nandon ang tatlo na nagbabantay nang pwesto nila.dahil ang mga babaeng suki nila,nagkandarapang magunahan para bumili rito " Oh, Ito, limang libo, bumili na kayo nang gusto nyo.. Isabay nyo na rin ang dalawa sa bahay.. tapos itong 1 libo, dati lang Eric." ani nya sabay abot nang pera kay Eric na nagaayos na nang mga ginamit nila sa pagtinda habang ang dalawang binata nagwawwlis nang mga kalat. " Kopya boss!! Salamat!! Uwi na po tayo!! "nakangiting abot tengang saad ni Eric nang matapos na sa mga ginagawa nito " Tara na!! Gutom na ako, kumain muna bago magwalwal!! Ang alak sa tyan pinapasok hindi sa utak ha, kapag nagambala nyo ang tulog ko.. pat** kayo sakin!! " pananakot nya sa mga ito na " Boss naman.. Kami pa ba!! "sagot ni Eric sakanya na panay kamot sa ulo nito " Maiba ako, dahan dahan sa paggapang kay ate Joy, Eric!! Para kayong pusang hindi maihi, ang ingay nyo!! " biro nya rito dahil kapag minsan,puro ungol ang naririnig nya sa loob nang kwarto nina aling Lukring at Joy,sinasakto nito kapag umuwi si aling Lukring sa pamilya nito, minsan naman sa sala o kaya sa bakanteng kwarto nang bahay nya.May Lima kasing kwarto ang bahay nya,3 sa taas tapos 2 sa baba.,silang mga babae sa taas at ang tatlong lalaki sa baba,share sa kwarto si aling Lukring at joy ,si Eric at Boyong, Samantalang magisa si Totoy sa kwarto dahil nagaaral pa ito,tapos ang bakanteng kwarto,para sa bisita nila na pumupunta ron SA bahay nya " Hahahaha, ninang ka, pagnagkataon!! Maingay dahil masarap.!! " natatawang saad nito, na nagsisimula nanamang asarin sya. "Umayos ka!! Kapag nabuntis mo, siguraduhin mong yan na ang huling papasukang butas ng puto**y mo. "pagbabanta nya rito, na hindi man lang natitinag ang mga ngitian nito sakanya kahit sinasampsl sampal nya na ang mukha nito " Oo na!! Takot ko na lang sayo.. Pala, pinapauwi ka ni tatay bukas!! "pagbibigay impormasyon nito sakanya "Bakit daw?? May problema ba?! Ikaw na muna ang umuwi, tinatamad ako.." saad nya,habang humihikab na dahil sa antok " Hindi pwede, ikaw nga diba,?? Baka ipapakasal kana boss!! Hahaha, wala namang sinabi si tay, pero mukhang importante." pangaasar ng binata sakanya ,lagi kasi bukambibig nang tatay nya na magasawa na sya o ksya magpaligaw na. " Gago!! Sabihan mo si tatay hapon na tayo uuwi ng bahay.. May bibilhin lang akong mga pasalubong para sa mga bata.."utos nya Kay Eric,para tawagan nito ang ama nya Siguradong mangungulet Kung sya ang tatawag rito " Sige po boss!! " sagot nito na nagsimula nang tawagan ang tatay nya ******* " Hoy Eric!! Kala ko ba, kayong tatlo lang ang eenum, bakit lasing na lasing si aling Lukring?? " takang tanong nya rito nang makita si aling Lukring na pasuray suray na papunta sa banyo.Nagising sya nang makarinig sya nang tawanan sa ibaba na mukhang nagkakasiyahan dahil sa lakas nang mga tawanan " Hahaha enum kasi nang enum nong juice, eh yung yelo gawa sa alak pati yung juice.. Kaya yun lasing na lasing si aling Lukring, sinabihan na namin na wag uminom pero uminom parin, si Joy nga ganun din!! si Totoy ang pasimuno," sumbong ni Eric na ang lakas kung makatawa dahil kay aling Lukring " Ang ga** nyo talaga!! Matulog na kayo!! Lasing na kayo, bukas labas tayo bago umuwi sa bahay, may mabubuo naba mamayang gabi Eric?? " birong tanong nya sa binata na ang lawak nang mga ngitian samantalang si ate Joy, ay namumula na sa hiya " Hahaha depende kong makakabayo ako kay Joy mamaya...." sagot nito sakanya na panay halik sa balikat at himas sa hita nang dalaga sa tabi nito " Hahahaha, ikaw pa ba?? Goodluck na lang sa inyo ni ate Joy.!!!" biro nya sa kaibigan na panay ilag sa mga hampas nang nobya nito. "Asan na pala yong ice cream na pinabili ko sayo?? "tanong nya rito " Nasa ref boss, pinalagay ko kay aling Lukring kanina, penge kami, pampawala nang tama.," ani nito na kung makangiti,kala mo naman pumayag na syang bigyan ang mga ito " Bakit?? Isa lang ba ang binili mo?? " napapailing na tanong nya rito samantalang ito, nagsimula nanamang tumawa nang malakas " Wala na kasing iba, malaki naman yon.."rason pa nito sakanya nang makita syang sumimangot " Sige, lagyan moko sa isang malaking mangkok tapos sainyo na mas kuripot kapa sa kuripot.. Yung pulutan nyo yung tira natin sa dinner, asan na yung lechon na sinasabi mo? " napapailing na saad nya rito na panay kamot sa baba lang nito " Salamat boss!! Ayaw naman nila, yung tirang ulam na lang daw ang gawing pulutan namin tapos chichirya, yung sobra, ipinatago ko muna kay Joy, para may pang enum ulit sa sunod na araw.."paliwanag nito na ikinamura nya dahil sa mga rason nito na pang amateur na sagutan " Ibang klase ka talaga, sige pakatapos magligpit, matulog na kayo!! Maaga pa tayo bukas!! " utos nya sa mga kasamahan nya sa bahay. " Opo boss!! " Sabay sabay na saad nang 3 habang si aling Lukring, nakayakap na sa inodoro nang banyo nang dahil sa kalasingan at si Joy nakatulog na sa tabi nang nobyo nito na hinalikan ang ulo nang nobya.. " Aling Lukring!! Kaya pa po ba!! ," natatawang tanong nya rito nag thumbs up ,lang ito sakanya, at humarap na ulit sa inodoro at sumuka na ulit.. " Alak pa more aling Lukring !!?? "biro pa ni Boyong na binato nya nang chichirya para tumahimik dahil sigurado pagtripan nanaman nito ang kawawang matanda.. " Ayaw ko na boss, hindi na po ako iinom nang alak kahit kelan, , ito kasing mga siraulong mga batang to.. Hindi man lang nagsabi na yong yelo gawa pa pala sa alak.!!" reklamo nito,na pinagmumura pa ang mga kasamahan nila " Asus aling Lukring, sarap na sarap ka pa nga po sa pag enum nong juice kanina.." saad ni Eric na natatawa sa itsura ni aling Lukring nang humarap sakanila,sabog sabog na ang maganda at mahabang buhok nito.. " Dika sure jan aling Lukring, magpapaenum pa naman sana ako sa kaarawan mo.".natatawang saad nya dito habang umiinom nang juice na may yelo na gawa sa alak na inabot sakanya ni Boyong nang umupo sya sa couch... " Wag na po boss, pera mo na lang po o kaya pakain kana lang po.." saad nito na isinusumpa na ang alak " Mas maganda aling Lukring kung may kantahan at inuman.. " pangungumbinsi pa nya rito. " Wag na po boss.. Kain na lang po talaga tayo, kahit ako na po ang manglibre.." saad nito na muli nang yumakap sa inodoro at sumuka, " Sige kung yan po ang gusto mo aling Lukring, mukhang wala na akong magagawa." nakangiting saad nya rito

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook