" Bilisan nyong tatlo!! Kapag ako napagalitan ni tatay, pat** kayong tatlo sakin!" sigaw nya sa tatlong binata na panay pa ang pikonan at tulakan habang nag aayos nang mga dadalhin nila sa Cavite.
"Aling Lukring, ate Joy paki locked po nang mga pinto ha ,paki sigurado lang po na sarado lahat bago kayo matulog.. Mahirap na,Kung may makapasok ditong ibang tao, manakawan tayo.mag ingat po kayong dalawa dito."baling nya sa dalawang babae sa harapan nya na,tahimik na nakikinig nang mga bilin nya.
" Opo boss kami na po ang bahala ni aling Lukring dito sa bahay "saad ni Joy na sumaludo pa sakanya
"Ano ba uuwi pa ba tayo o hindi na!!," sigaw nya sa tatlo na hindi parin tapos sa ginagawa nang mga ito,mas inuna pa kasi ang magharotan.
"Opo boss, coming!! Isinakay lang po namin yung mga pinamili natin kanina tapos yung pizza, iniwanan po namin si aling Lukring, tapos yung iba dala natin, para may makain tayo sa byahe.. Gusto daw nya daw po kasi." ani ni Eric, na kinukumbinsi syang maniwala rito.
"Aysus, wag ako Eric, sa inyong Lima, ikaw ang pinaka kilala ko, try harder to convince me my friend, si aling Lukring o si ate Joy? Kelan mo pa naging jowa si aling Lukring?? " biro nya sa kaibigan na ikinapula nang tenga nito,ibig sabihin kinikilig nanaman ito kay Joy o kaya nahihiya sakanya.
"Boss naman, parehas na yun." ani nito na panay kamot sa sintido at hawak sa batok halatang guilty sa pinaggagawa nito.
Nang sa wakas matapos na ang tatlo,sa ginagawa nang mga ito agad na syang nagyayang umalis dahil baka matraffic sila,Baka ang 2 hrs nilang byahe maging limang oras.
"Tara na!! Tumatawag na si tatay, asan na daw tayo.. Andon na daw ang bisita!, " saad nya sa tatlo na kahit nasa loob na nang sasakyan panay parin ang harotan nang mga ito.
Pauwi na sila sa bahay nila, dahan dahan lang ang patakbo nang sasakyan nila dahil ang dami nyang pasalubong para sa mga pamangkin nya, sigurado bubungangaan nanaman sya ng nanay nya pagdating sakanila, karamihan kasi dun matatamis tapos mga sapatos naman sa binata tapos damit sa mga dalaga,tiyak na sermon ang aabutin nya rito. Habang nasa byahe sila, sinabihan nya si Eric na magpatogtog ito, dahil naboboring na sya,Kung kelan kasi,malapit na sila saka naman,natraffic sila,may nagbanggaan daw kasi na sasakyan sa unahan kaya pahirapan na makadaan,nang makalusot sila, napangiti sya sa intro nang kanta,ilililipat na sana ni Eric ang station ng pahintuin nya ito, sabay sabay pa silang tatlo nina Boyong at Totoy kumanta nang magsimula na ang kanta habang kumakain ng pizza.
Ang bango-bango ang bango-bango
Ang bango-bango ng bulaklak
'Pag inaamoy 'pag inaamoy
'Pag inaamoy anong sarap
Ang bango-bango ang sarap-sarap
Amuyin ang bulaklak
Ang laki-laki ang laki-laki
Ang laki-laki ng bulaklak
Ang pula-pula ang pula-pula
Ang pula-pula ng bulaklak
Ang laki-laki ang pula-pula
Ng kulay ng bulaklak
" Eric kanta naman jan, kapag hindi ka kumanta, sisintahin kita!! " biro nya sa assistant nya na panay na lang ang kamot sa may kilay nito.Wala na itong nagawa kundi makisabay sakanila,Kaya napahagalpak na sya nang tawa maging ang dalawang binata tumawa na din.
Ang bango-bango ang bango-bango
Ang bango-bango ng bulaklak
'Pag inaamoy 'pag inaamoy
'Pag inaamoy anong sarap
Ang bango-bango ang sarap-sarap
Amuyin ang bulaklak
" Very good Eric!! plus 10 ka sakin.." saad nya sa binata na tinapik pa nya sa balikat,habang hawak hawak nya at minamasahe ang panga nyang sumasakit na, dahil sa kakatawa.
" Boss, malapit na po tayo ,mukhang paalis na ang bisita nyo?? Hindi kana ata nahintay, nagmamadali po ata.." saad ni Boyong sakanya nang makita nito ang sasakyan na makasalubong nila .
Nang huminto ang sasakyan,agad syang bumaba rito para magbigay galang sa mga magulang nya.
" Tay!! Nay!! Mano po!! " bati nya sa mga magulang nya, sa likod nya sina Eric at Totoy, na nagmano din sa dalawang matanda.. Habang nagpapark naman si Boyong nang sasakyan,
" Sino po yung mga lumabas?? mukhang mga bigatin tay.. " tanong nya sa ama na nakatingin sa tinuturo nyang gate na linabasan kanina nang bisita.
" Oo, kanina kapa hinihintay non,para pagusapan sana ang magiging business transaction,bakit kayo natagalan sa byahe?? Gusto daw nang parents ni Scott na dalhin sa Germany ang dressed ducks.."saad nang tatay nya na mukhang disappointed sakanya.
" Sorry po Tay medyo na traffic lang po..May nagbanggaan po kasi,nahirapan kaming lumusot papunta rito.Scott?? Parents?? So anak nila ang pumunta rito para makipag usap, akala ko po, yung mag asawa ang pupunta rito para makipag deal satin!!?? eh, ano po sabi nyo Tay don sa Scott?? Nakipag deal na po ba kayo?? " sunod sunod na tanong nya sa ama na hindiakasongit SA mga sinasabi nya
" Hindi pa anak, sabi ko, ikaw ang kausapin nya tungkol sa gusto nilang negosyo,, dahil hindi naman namin alam ang mga pinagsasabi nya english pa nak.. " ani ng tatay nya na nahihiyang magsalita at magkwento nang pinagusapan nang bisita nito.
" Pero nak, ang gwapo nang batang yun. Kung binata pa yun sigurado ako.. Bagay kayo?!! " kinikilig na saad ng nanay nya na parang naengkanto na ata nang itsura ng bisita nila.
" Tay!! Si nanay po ho!! Kelan daw po tay ang balik non, para makauwi ako dito bago po sila pumunta rito ulit. " tanong nya sa kanyang ama
" Sa Lunes daw bago sya bumalik ng Germany... Totoo nak, ang sinasabi nang nanay mo, ang gwapo ni Mr. Scott "tugon nito na nakangiti sakanya.siguradong may Kasunod ang sasabihin nito kaya lumihis na kaagad sya nang topic.
"Sige po Tay, linggo po uuwi na kami rito para hindi na po maghintay nang matagal ang bisita, naku tay, tigilan nyo na yan ni nanay,.." saad nya rito,dahil, iba nanaman ang mga ngitian nito sakanya.Pati nga sina Boyong at Eric,nirereto na nito sakanya..total daw kilala na nya,Kaya konting, adjustment na lang daw,kapag nakatuluyan na nya ang isa sa mga binata.
Nang matapos na silang magusap, ang nanay nya, pumunta sa likod nang sasakyan para tignan kung ano ang mga dala nila.
" Anak!! Ano nanaman ba itong pinagbibili mo!! Hindi kana talaga masabihan.. Kaya ang mga pamangkin mo lahat ikaw ang hinahanap dahil sa pag spoiled mo sa mga bata!! " inis na saad ng nanay nya na halos gusto na syang batukan nang makita kung anong mga pasalubong nya sa mga bata..
" Minsan lang naman ako umuwi Nay.. Kaya okay lang po yan, saka wala pa naman po akong sariling pamilya.. Nga pala Tay may lambanog po akong nabili,!! Tagay tayo mamaya!! "tugon nya sa mga magulang nya. Ang nanay nya nakasimangot,pero nang bigyan nya ito nang isang sobre,lumawak na ang ngit nito at nagpaalam na maggogrocery daw,kaya napatawa nalang sya nang malakas.
" Yan gusto ko sayo nak!! " sigaw nang ama na hinila na nang nanay nya para pumasok sa bahay nila
" Eric, pagbalik natin sa Wednesday, magdala kayo nang madaming itlog,, Kapistahan nang Nazareno siguradong madaming tao na sasama sa posisyon at magsisimba.." saad nya sa kaibigan habang binababa nila ang mga pinamili nilang pasalubong,habang ang dalawang binata naman ang nagpapasok non SA bahay nila.
**********
Nang gumabi na, pakatapos nilang kumain. Agad na nagyaya ang tatay nya na uminom.,Nag set up kaagad ito sa kubo nila nang Mesa,,Sa ibabaw nito,ay shotglass at ang dala nilang lambanog, pagdating nya sa kubo,naabutan nya ang tatay nya na nagiihaw nang isda at liempo,na pinabili pa nito sa nanay nya.
" Nak,nakalimutan ko magdala nang plato na paglalagyan nang linuluto ko,pati kubyertos at kutsilyo na pwedeng pang sliced nitong liempo"saad nang ama nya na panay ang Paypay sa nagbabagang uling.
" Sige po Tay,kukuha po ako sa loob,sandali lang po"tugon nya sa ama,at pumasok na sa bahay nila para kumuha nang mga inuutos nang ama
Nang matapos na itong magluto ng pulutan,agad nang binuksan ng ama nya ang alak at tumagay,Ito na ang naging tanggero,para wala daw dayaan sa tagay.
" Nak!! kelan ka ba magaasawa?? ikaw na lang ang walang sariling pamilya.." tanong ng tatay nya habang nagsasalin nang alak sa shot glass na inabot sakanya.
" Tay, bata pa po ako, tsaka wala pa nga akong boyfriend, si kuya Chrysanthemum Tay wala pa namang pamilya ha,.." maktol nya sa ama sabay abot dito nang tagayan
" Eric, wala ba talagang nanliligaw sa anak ko sa Manila? tanong ng ama nya sa kaibigan na agad syang sinulyapan.
" Dalawang linggo nalang ikakasal na ang kuya mo. Kaya magkakaroon na din yon nang sariling pamilya" saad naman nito sakanya sabay tagay ng ama
" Wala po tay, pero madaming nagpaparamdam, halos araw araw may mga nagpapadalang mga bulaklak at chocolates, pero lahat naman mga basted.." ani ni Eric na biglang tumawa nang malakas nang pinandilatan nya ito.
" Tay, musta po pala ang gulayan natin??Balita ko po madaming nahaharvest? " pag iiba nya ng topic dahil ang tatlong binata, mukhang ilalag pa ata sya SA ama nya.. Hindi talaga sya komportable na pag usapan ang buhay pag ibig lalo na kung sya ang nasa hot seat.
" Oo nak, ang dami nilang nakuha.. Pagbalik nyo nang Manila magdala kayo,magpapaharvest ako bago kayo umuwi para fresh na gulay ang madala nyo".. tuwang saad ng tatay nya..
" Mabuti po Tay.. Salamat po.. May iniwan po palang contact number yung German shepherd?? Para if in case po matawagan ko bukas,." tanong nya sa ama habang kumukuha sya ng pulutan sa plato.
" Wala eh. Sabi kasi samin ng nanay mo.." I want those negotiations to be settled in a proper way.. we should talk about it ". Yun ang sabi nya, madami pa syang sinabi pero masakit na ulo ko.. Kaya Sabi ko, talk to my daughter when you come back.."kwento ng ama nya na panay kamot sa gilid nang kilay nito.
Natatawa sya sa itsura ng tatay nya, Kung ganun seryoso itong si German shepherd sa magiging partnership nila. Representative pala ito nang mga magulang nito.
Nang last round na, Pinahinto na nya ang ams sa pagenum at sya na ang umubos nang alak,ang tatlong binata kasi,lahat nang tulog at nakayuko sa mesa.Si Totoy,panay na ang suka, samantalang ang dalawa humulihilik na.
" Tay pahinga na po kayo, lasing na po kayo, si Eric, Boyong at Totoy, bagsak na po Tay.. Mga mahinang nilalang lambanog lang, mga lasing na tsk.." saad nya sa ama na panay na ang kanta nang My Way,samantalang sya,kumuha na nang host nang tubig at walis para linisin ang mga sinukahan ni Toy.
" Sige anak, ikaw din , ikaw na lang ba ang mag aayos nang mga pinag enuman natin, papasok na ako.." paalam nang ama nya na tumayo na at nagsimula nang maglakad nang pasuray suray papunta sa loob nang bahay nila.
" Opo Tay, sino pa nga ba?? Kapag iniwan ko po ito dito, sigurado bukas, si nanay magbubunganga yun maghapon.." natatawang saad nya sa ama.
Habang naglilinis sya ng pinagenuman, ginising nya ang 3 nyang kasama.. Kung enuman lang naman,wala na sakanyang tatalo dun sa farm nila, kahit tatay nya, sumusuko sakanya sa enuman.. Malabo syang malasing basta, may ice cream na pulutan...
" Boss, Kami na po nyan!! Pahimasmas lang po ako bago ko iligpit ang mga ginamit natin.." ani ni Boyong na hinihilamos ang dalawang kamay sa mukha nito.
" Wag na Boyong, ako na lang, magpahinga na kayong tatlo.. Gisingin mo na lang sina Eric at Totoy.. Yayain mo na don matulog sa loob.. Pakatapos ko rito magpapahinga na rin naman ako.." saad nya sa binata na tumayo na at kinuha ang host nang tubig SA kamay nya para maghilamos.
" Sige po boss, hoy Toy, pareng Eric, gising!! Si boss na ang naglilinis nang mga ginamit natin. Don na daw tayo sa kwarto natin para magpahinga.." ani ni Boyong na niyoyogyog ang dalawa na panay ungol lang ang sagot.
" Hoy Eric!! Toy, kapag hindi kayo jan gumising wala kayong sahod ngayong week!! pati bonus, ibibigay ko lahat kay Boyong.." sigaw nya sa dalawa na biglang nagmulat nang mga mata at automatic na umupo.
" Boss naman, ito nga papunta na kami sa kwarto,! " saad ni Eric na bigla nalang tumayo at hinablot si Totoy sa damit, at pasuray suray na naglalakad ang dalawa papasok sa bahay nila.
" Sige boss!! Pasok na din po ako, pahinga kana din po.". ani ni Boyong na kinuha na ang mga huhugasan na ginamit nila.
Tumango nalang sya kay Boyong.. pakatapos nyang maglinis, kumuha ulit sya ng ice cream sa loob nang bahay nila at bumalik din ulit sa kubo para magpahangin at magpawala ng amats., Hindi pa naman sya inaantok kaya, nagsosound trip muna sya habang kumakain nang paborito nya..
Nagsimula sa patikim-tikim
Pinilit kong gustuhin
Bisyo'y nagsimulang lumalim
Kaya ngayon ang hirap tanggalin
Kabilin-bilinan ng lola
'Wag nang uminom ng serbesa
Ito'y hindi inumin pang bata
Mag-softdrinks ka na lang muna
Pero ngayon ako'y matanda na
Lola, pahingi ng pang-toma
Ayan na nga, tumataas na ang amats ko
Kasi laklak maghapon, magdamag
'Di bali nang hindi kumain
Basta may tomang nakahain
Ang sabi ng lasinggo sa amin
Pare, shumat ka muna
Napakanta sya nang hindi oras.. Mahilig talaga syang kumanta at makinig nang music, pero ang music walang hilig sakanya.. Ang boses naman nya, parang kalansing nang tansan, masakit daw sa tenga, kung sa alak, paso na..
Laklak ka nang laklak
Mukha ka nang parak
Sigaw nya, sa lyrics nang kanta, natawa sya nang marinig nya ang sigaw nang nanay nya at alolong nang mga aso.
" Magda!! Magtigil ka, matulog kana!! Bulabog ka, ang ingay ingay mo!! " sigaw nang nanay nya sakanya,na marahil nagising nya o kaya naman,may pa live show pa sa ama nya.
" Opo nay.. Papasok na po ako..!! " balik sigaw nya,ganado pa naman sana syang kumanta..