" Toy, baka gusto mo magsalita?? " utos nya sa binata na biglang yumuko nang tawagin nya para magpaliwanag sakanilang lahat. Sabay sabay naman napatingin ang apat, sa binata na parang gusto na itong batukan at murahin. " Totoy!! "sabay na sigaw nina Eric at Boyong na halatang napipikon, dahil bigla nitong hinawakan ang binata sa damit. " Hayaaan nyo syang magpaliwanag. " saad nya sa apat na agad naman kumalma pero halatang nagtitimpi nang galit sa binata. Binitawan naman nina Boyong at Eric si Totoy. Pero Pinaupo ito sa gitna nila. " Boss!! Kapatid ko po sya sa ina, iniwan po sakin ng kapatid ni mama kanina, nang makita ako na naglalakad sa kalsada. Sya po yong nakita mong kausap ko kanina na babae.. Hindi daw kasi nila kayang buhayin ang kapatid ko, namatay daw po si mama sa pangangan

