Chapter 4

1972 Words
Hindi siya nag-iisa. Cassandra had just taken a few steps into the darkened interior of her hotel bedroom when she realized that someone was waiting in the shadows.   Nanigas siya, her hands by her sides, at nag-iisip siya kung tatakbuhan ba niya ito, o lalabanan.   "Relax," sabi ng baritonong boses na nagmula sa madilim na sulok, at mukhang na pamilyar agad niya ang boses na iyon. Not many men sounded like danger and desire growling all at once. But he did. "Ako 'yong nagligtas sayo, sa tingin mo ba ako 'yong klase ng tao na mananakit sayo?"   Ngunit hindi pa rin siya kampante sa sinabi nito. "You never know," mahinang saad niya, at hinigpitan pa niya ang pagkakatali sa kanyang roba. Judging by his voice, he had to be on the left-hand side of the room. She turned her head, at mas idinilat niya ang mga mata upang hanapin 'yong lalaki sa dilim.   "I was sent down here with strict orders."   Her eyes adjusted a bit, at unti-unti na nga niyang nakikita ang lalaki sa dilim na nakaupo sa leather chair. She was in one of the bigger suites offered by the hotel. A suite that should have been secure, pero ang agent na ito basta-basta na lang ba nakapasok.   Now he was lounging in her bedroom. Tila kumportable nga ito roon. "Do your 'orders' include breaking into my bedroom?" sa tingin niya mukhang hindi naman yata ito gagawin ng ama niya.   "I'm supposed to keep an eye on you. Supposed to keep you safe." He paused a beat. "I'm sure alam mo na 'yan, just as you seem to know so very much about--"   "The BEO?" dugtong ni Cassie. "Look, uh, Mr. Agent, I--"   "Edrian."   Napakunot-noo si Cassie.   "Ang pangalan ko ay Edrian Lim."   Duda naman siya na hindi iyon ang totoong pangalan ng lalaki. Iyong mga naging bodyguard kasi niya dati ay binigyan lamang siya nito ng mga pekeng pangalan. "All right, fine, Edrian." She headed toward him, her steps angry, a little too hard, but their sound was swallowed by the thick carpeting. "Mas mabuti pang tapusin na natin ang alitang ito."   Tatawagan na lamang niya mamaya ang ama. Para mapaalis na niya agad ang asungot na aso.   "Bakit ka ba hinahanap ng mga gonggong na 'yon?"   So hindi nito alam?   Dahan-dahan na ang ginawa niyang paghakbang.   "Dalawang lalaki ang namatay ngayong gabi," pagpatuloy nito. "Parehong walang identities ang dalawang 'yon. Binura kasi pati fingerprints nila, and, so far, walang nakakikilala tungkol sa nakaraan ng mga ito."   Nagsimula ng nanuyo ang lalamunan niya. "The BEO can figure out plenty. Bigyan niyo lang sila ng sapat na panahon."   "Parte ka ba ng BEO at nasabi mo 'yan?" sarkastikong anito.   He obviously thought she was nothing but a piece of fluff, flitting around from party to party.   After all, hindi ba't ganon naman talaga ang ginagawa niya sa mga nakaraang linggo? One party after another.   But that was her cover. Kung ano talaga ang kailangan niyang gawin.   "I stood between you and a bullet tonight," Edrian said. His voice seemed even rougher, and it sent a shiver over her. "Sa tingin mo ba entitle ako para mag explain sayo?"   Hindi naman. "I don't remember telling you to stand there." Actually, kung hindi lang talaga ito pakialamero, eh di sana nagawa na niya ang kailangan niyang gawin. Sa halip ay nagpakabayani kasi ito na parang isang tigasin na alpha male, at walang pasabing binuhat siya palayo sa ballroom.   Kung lalabanan kasi niya ito, then all that she'd worked for would have been destroyed in an instant.   He raised slowly, a lethal shadow that came toward her with slow, stalking steps. She refused to retreat from him, but when he closed in, every cell in her body flashed on high alert.   "Iyong limang kasamahan naman ng dalawang lalaki ay pawang nakatakas," sabi sa kanya ni Edrian. "Hindi ka man lang ba nag-aalala sa sinabi ko?"   Syempre noh. "Hindi."   "Sinungaling."   Tila yata siguradong-sigurado ito na nagsisinungaling nga siya.   "Gusto kong lumabas ka na sa silid ko."   Ngunit hindi man lang ito kumilos.   Fine. She skirted around him, and grabbed the Smartphone there. Nagdiyal siya ng numero at nang sagutin ito--"Pwede ko bang makausap si Marcio Mercader?" aniya nang sagutin ito ng phone operator ng BEO.   Nang sagutin na siya ng pinuno ng BEO ay agad naman niya itong tinalakan. "Alam mo bang sinira ng agent mo ang lahat." sabi niya rito. "Hindi ko alam kung narinig mo ba ang nangyari ngayong gabi, pero--"   "Narinig ko." Flat ang boses ng kausap na tila walang ka emo-emosyon. "Narinig ko, kaya nga kasama mo ngayon si Edrian Lim."   Napahigpit siya ng hawak sa kanyang Smartphone. "Kung nandito siya--"   "Then nothing will happen to you," Marcio Mercader told her. "Si Edrian ang isa sa pinakamagaling kong agent. Walang makakalapit sayo na masasamang loob kung kasama mo siya."   Kung hindi siya madudukot ng mga kidnapper na iyon..paano niya pa magagawa ang kanyang sariling misyon? Ang tanging alam lang kasi ng ama niya na kailangan niyang maprotektahan mula sa tangkang pagdukot sa kanya. That she wasn't strong enough to face the dangers in the world.   Pwes, nagkakamali ito. Hindi nga talaga siya lubos na kilala ng kanyang ama. "Mali po ang ginawa niyo." She fought to keep her own voice as emotionless as his. Pero imposible yata 'yon. Mananaig kasi palagi ang emosyon niya.   Hindi pa ba siya nadadala sa leksyon niya noon?   "No. Dahil buhay mo ang nakasalalay dito. I won't risk it. Habang nandiyan ka sa Manila, mananatiling nasa tabi mo si Edrian Lim."   Gustohin na talaga niyang basagin ang kanyang phone. In her mind, Cassie could see it splintering beneath her hand into a dozen pieces. "Kung 'yan talaga ang gusto niyo..." Dahil ito naman ang palaging masusunod. Kailan pa ba na siya ang nasusunod?   Not bothering with any more words, Cassie ended the call. After all, there was nothing else to say.   Napabaling ulit siya kay Edrian. Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Sumang-ayon nga si Marcio Mercader na nagkakamali siya. Kaya hindi ko na kailangan ang serbisyo mo."   Biglang tumunog ang phone niya. Ngunit sa halip na sagutin niya ito, bigla na lang inagaw ng kumag na lalaki ang phone niya mula sa kanyang kamay.   "Sir?" sabi nito, at alam niyang ang kanyang dad ang kausap nito sa kabilang linya. "Yes, nandito po siya sa tabi ko."   Then he leaned forward and turned on the bedside lamp. Napapitlag naman siya ng tumama sa kanya ang liwanag. The sudden flow of light should have made Edrian look less intimidating. But it didn't.   Nakikita pa rin kasi niya ang maangas, ngunit gwapong mukha nito. "Nasa tabi lang po niya ako. Kada minuto."   Letsugas na matigas oh!   Matapos ang ilang sandali, ibinaba na ni Edrian ang phone niya at matalim itong napatitig sa kanya.   Naku naman, mukhang mapupunta lang sa wala ang lahat ng pinaplano niya.   "Meron kaming briefing ni sir Marcio at 0600 hours," anito at tila pinag-aaralan nito ang bawat kilos niya.   "Kailangan mo ba talaga akong paghintayin ng matagal bago mo sasabihin sa'kin kung ano 'yang binabalak mo?"   Hindi naman ganon katagal. "Sa ngayon, may isang kaso ako na tinatrabaho, at dahil umeepal ka kaya nasisira ang mga plano ko." Totoo 'yan.   "Pero iba ang iniisip ni sir Marcio."   Dahil kailanman hindi siya pinagkatiwalaan ng ama sa lahat ng desisyon niya.   "At alam mo ba kung gaano ka maawtoridad si sir Marcio?" pagpatuloy pa ni Edrian. "Whe he says jump, we're all supposed to learn how to fly."   Her breath rushed from her lungs. Hindi ba talaga alam ng lalaking ito kung sino siya? Mukhang ang akala nito na isa rin siyang agent.   Di bale, mabuti nga para sa kanya 'yon para hindi siya masyadong higpitan nito. Dahil pag nalaman ng lalaki na nag-iisang anak pala siya ng boss nito, naku, naku, baka hindi na siya makakalusot pa rito.   Marami-rami na rin siyang naging babysitter--um, bodyguards pala sa mga nakaraang taon. Pero puro lang niya natatakasan ang mga iyon.   So habang hindi pa alam ni Edrian ang totoong pagkatao niya, mas magiging madali ito para sa kanya.   Malapad naman siyang napapangisi sa lalaki, iyong ngiting tagumpay.   Napakurap-kurap ito. Saka ito napakunot ng noo.   "I think we got off on the wrong foot." Inilahad ni Cassie ang kamay niya para makipagkamay sa lalaki. Bakit hindi na lang kaya niya kaibiganin ito? Para nang sa ganon maging kumportable sila sa isa't isa. "Sa tingin ko pwede naman tayo maging...close...sa mga susunod pa na araw, so maybe we should just start fresh."   Kailangan niyang kaibiganin ito para pagkatiwalaan siya nito at nang sa ganon madali na lang niya itong matakasan.   Edrian silently regarded her offered hand, the hand that was still hovering in the air between them. She wiggled her fingers.   His own hand lifted and finally closes around hers. Edrian used his grip to pull her closer to him.   Bigla naman siyang na off balance sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kamay niya, kaya kinailangan niyang humakbang ng ilang steps. Saka napagtanto na lang din niya na naka roba lang pala siya at wala siyang ni anumang saplot sa loob niyon.   Goodness! Nahahalata kaya ito ng lalaki?   Mukhang sa ningning kasi ng mga mata nito nagsasaad ito na "Oo." s**t na malagkit.   "Partners?" Edrian murmured.   Napatango na lamang siya. Sasang-ayonan na lang muna niya ito. Hanggang sa makuha niya ang loob nito. She could fool him until then, and surely she'd manage to slip away in due time.   "Partners don't keep secrets from each other," pagpatuloy pa ng lalaki. At hindi pa rin binibitawan nito ang kamay niya. Just mere inches separated their bodies. "Mas mabuti pang sabihin mo na lang sa'kin kung ano 'yang kaso na hinahawakan mo." Anito at unti-unti ng binitawan ang kamay niya.   She took the breath that her starving lungs so desperately needed.   "I'm working on an a*******n case." Partly true na pag-amin niya. Dahil naniniwala siya na kung hahaluan mo ng katotohanan ang pagsisinungaling mo ay mas madali kang makakalusot. "Iyong mga armadong lalaki sa ballroom, alam kong may iba pa silang dinukot na babae."   Totoo 'yon. Isang masakit na katotohanan.   "Sino?"   But before she did this, kailangan muna niyang magdamit dahil pakiramdam niya kitang-kita na talaga ng lalaki ang kaluluwa niya. "Do you mind if I get dressed?" The question was supposed to be flippant.   Instead, her voice came out hoarse and soft and inviting.   Hindi naman niya sinasadya iyon. Oo, inaamin niya na umaapaw nga ang s*x appeal ng Edrian na ito, pero hindi niya ito tipo. Hindi nga ba, Cassie?   Maybe.   Yes.   Ah basta, ewan. Dahil kung nagkita lang sana sila sa ibang pagkakataon, posible talagang matitipohan niya ito.   "Hindi mo naman kailangang magdamit ng maayos, nasanay na ako sa mga ganyan." Tila nanunudyong wika nito.   "Pero mas kumportable kasi akong humarap sayo na nakadamit, kaysa nitong suot ko." Because being mostly naked in front of the agent wasn't a good plan.   She held Edrian's gaze a moment longer, then she headed for her closet. She fumbled quickly inside, grabbing her jeans and a T-shirt. "Magbibihis lang ako sa bathroom at babalik din ako agad." Aniya at nagmamadali na siyang pumasok sa banyo.   Then she dressed as quickly as she could...before hurrying toward the window - and escape. Siya mismo ang pumili sa hotel na iyon, hindi dahil five-star ito. But because it offered suites that were housed on the second floor - a floor full of balconies. And, so convenient for her escape route. There was even an old-style lattice on the side of her building. Isang hagdan na magagamit niya para sa kanyang kalayaan.   Cassie believed in the value of an escape plan. Because plans like that - sigurado kasi siya na magagamit niya ito sa mga sitwasyong kagaya nito.   Such a brilliant idea, Cassie.   *****                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD