Chapter 3

1556 Words
"Pito kami lahat,” the gunman growled, “at nag-iisa ka lang. Mukhang ang lakas yata ng apog mo na magpakabayani." Nakahanda lang naman ang baril ni Edrian kahit anong mangyari. Chaos surrounded him, and while most of the people were running for any exit they could find, nakatayo lang naman si Cassandra kung saan naroon ito. Sana tumakbo rin ito para sa kaligtasan nito. Saka hindi rin dapat nito ini-offer ang sarili para isakripisyo sa kaligtasan ng kaibigan nito. Baka iyon pa ang gagawing kasunduan ng mga masasamang loob laban dito. "Bakit ka ba nakasisiguro na nag-iisa lang ako?" tanong ni Edrian. The ballroom, with all of its windows that looked out over the city - well, it sure allowed plenty of people the opportunity to look back in. "Mas mabuti pang ibaba niyo na lang ang mga baril niyo," mando sa kanila ni Edrian. "Kayong pito - ibaba niyo na ngayon ang baril niyo habang may tsansa pa kayo." Napahalakhak lang ng tawa ang mga gago. Inasahan na nga niya 'yan. Akala siguro ng mga gago na nagbibiro lang siya. Sige lang, nasa huli naman ang pagsisisi. Hanggang sa naglaho na ang tawa ng mga ito. One of the gunmen's finger began to tighten around the trigger as he took aim at Edrian. "Tapos ka na ngayon, Mister." Ako? Tatapusin lang ng mga gonggong na 'yon? Mabilis naman niyang ipinutok ang sariling baril sa direksyon mismo sa lalaking nagbanta sa kanya. Hanggang sa dalawang sunod-sunod na putok ang narinig niya. More screams. More shouts. More chaos. Edrian grabbed Cassandra and rushed toward the exit - the back door that she'd tried to get him to take earlier. Sunod-sunod na binaril sila ng mga kalaban sa pagtakas nila at nadaplisan nga ang braso niya. Subalit balik naman siyang nakapaputok sa mga ito kaya natamaan din ang isa sa mga ito. "No! Bitiwan mo ako!" singhal sa kanya ni Cassandra at nagpupumiglas ito. "Tumigil ka na! Hindi ako pwedeng umalis dito!" Sa ayaw man at sa gusto nito ay aalis pa rin sila sa lugar na iyon. Staying wasn't an option for her. At gagawin talaga niya ang kanyang misyon na protektahan ito. When she tried to break free of his grip and run back toward the armed men, Edrian just held her tighter. Then he lifted her over his shoulder. "Ano ba itong ginagawa mo?" pinagsusuntok siya ng dalaga sa kanyang likod. "Let me go!" At bakit naman niya bibitawan ito? Para mamatay? Putragis, may death wish yata ang babae na 'to. Umalingawngaw sa paligid nila ang putukan. Rat-a-tat-a-tat...hindi ito magandang senaryo lalo na't maraming sibilyan ang naroroon sa venue. Kailangan ko ng cover dito, nasaan na kayo? Alam niyang nasa labas lang ang team niya at nagkukubli. Hindi naman sila pupunta sa isang misyon kung walang back up. Bigla namang lumitaw si Bryant sa ballroom. Pero hindi ito nagpaputok sa baril nito. At sa halip ay pinihit nito ang leeg ng isa sa mga armadong lalaki dahilan sa pagkatumba ng isa. As he hesitated at the staff exit, Edrian's gaze swept the room. Another masked man was aiming his gun at the woman, the one who'd been talking with Cassandra earlier. At nakita niyang kakalabitin na sana ng lalaki ang gatilyo para patayin ang kaibigan ni Cassandra, pero sa halip ito ang natamaan ng bala. Bala na hindi niya alam kung saan nanggaling. Ngunit mukhang alam na niya kung sino nga ang tumira no'n. Si Taylor. Ang kilala niyang sniper na hindi pa pumapalya. Naroon lang pala ang cover niya. Ngayon, kailangan na niyang mailabas sa ballroom ang dalaga. Edrian kicked out with his foot, throwing open the exit. Iyong mga ibang panauhin ay nakababa na rin sa hagdan. Samantalang si Cassandra ay panay pa rin ang sigaw na bitawan siya. Subalit hindi siya magpapadala rito at dapat niya na itong madala sa ligtas na lugar, at saka na lamang niya babalikan sina Bryant at Taylor kung masiguro na niyang ligtas si Cassandra. Nagawa na niyang makababa sa ground floor, buhat-buhat pa rin ang nagpupumiglas na dalaga. As soon as he stepped out of the stairwell, Edrian saw security guards rushing forward. Better late than never, huh? Tapos ipinagkatiwala niya si Cassandra sa isa sa mga ito. "Bantayan niyo po siya ng maigi." Binitawan na rin niya sa wakas ang dalaga. "Hindi ko kailangan ang magbabantay sakin!" parungit nito. Tila nag dadalawang-isip na tuloy ang guwardiya na bantayan ito dahil sa kamalditahan nito. Pero inignora lamang ni Edrian ang reaksyon ng guwardiya at sa halip ay hinarap muli si Cassandra. "Kung gusto mo pang mabuhay sa mundong ito, diyan ka lang. Stay with the guards, at babalikan ko pa ang mga gonggong na 'yon." Kaya lang...may nakita siyang usok mula sa taas. Tangina! Hindi 'to maganda. The stampede for the main door became even wilder as everyone caught the scent of smoke in the air. At dahil natataranta ang mga security guards sa nakitang usok kaya nagsitakbuhan ito at iniwan si Cassandra. Natataranta na yata ang lahat ng tao roon, maliban na lang sa kanilang dalawa ni Cassandra. Actually, bumalik pa nga sa itaas ang nahihibang na siguro na dalaga. He caught her arm and yanked her against him. May death wish nga ito. He pulled out the small transmitter that would connect him to the other agents. "Ano bang nangyayari diyan sa itaas?" He demanded. "Umalis na kayo rito," sabad ni Bryant sa comm link nila. "Dalawa na ang patay sa mga armadong lalaki. Iyong lima naman ay nakatakas at sinunog pa nila ang buong ballroom.” Potek! Hindi ito ang balita na gusto niyang marinig. Ngunit pilit na kumawala si Cassandra sa pagkakahawak niya at nakawala nga ito habang mabilis itong umakyat sa hagdan. Tragis naman oh, mababaliw talaga siya sa babaeng iyon. "Halika ka nga rito!" aniya nang mahabol agad ito. He locked his arm around her stomach and pulled her back against him. "Ayoko! Dahil naroroon pa ang kaibigan ko! Gwenever! Gwen!" pagsisigaw nito. Nakikita naman niya na 'yong ibang mga panauhin ay nagmamadaling bumaba roon sa service stairs. Ang iba nga halos banggain na sila. He could hear sirens blasting. More help, coming as quickly as they could. "Ballroom is clear," deklara ni Bryant. "Ilabas mo na ang target, Edrian." Nang bigyan na siya ng order ni Bryant bilang team leader nila, wala ng dapat maraming tanong. Kaya mabilis na kinarga ulit ni Edrian si Cassandra papalabas sa gusaling iyon. "No!" sigaw ulit nito. "Si Gwenever, kailangan ko siyang--" "She's clear!" They were already outside. Fresh air hit him. Wala na 'yong amoy ng usok. Napalingon naman siya sa gusali, at nakita niya ang anino ng isang lalaking nag rappeling pababa sa ground. Hanggang sa unti-unti na niyang naaninag kung sino ang lalaking iyon. Si Bryant. Hindi kaya iyon din ang ginawang paraan ng mga armadong lalaki para makatakas ang mga ito? At bakit nga ba gusto nilang makuha si-- "Cassie!" Nang marinig niya ang hagulgol na iyon, mahigpit naman niyang hinahawakan ang dalaga. At napagtanto na lang niya na baka ang tumatawag kay Cassandra ay 'yong kaibigan nito. "Gwen?" balik na tawag ni Cassandra rito. Edrian's gaze swept the scene. Men and women in their fancy gowns and their tuxedos now stood, shaken, as they stared up at the burning building. Hindi mo lang talaga akalain na ang gabing kasiyahan, napalitan ng gabing bangungot. "Bitiwan mo na ako," sabi sa kanya ni Cassandra. "Please." Ibinaba na nga niya ito. At napansin niya na isa na lang ang pares ng high heels nito, baka nahulog sa kung saan. Kahit ibinaba na niya ito, hindi pa rin niya ito pakakawalan. Pero sa ngayon, hahayaan lang muna niya ito para puntahan ang kaibigan nito. Mabilis namang tumakbo ang dalaga papunta sa kinaroroonan ng kaibigan nito. Nakita niyang niyakap nito ng mahigpit ang kaibigan habang panay ang iyak ng dalawa. Ngunit sa palagay niya hindi ligtas kung patatagalin pa niya ang pag-uusap ng mga ito. Kaya ang tanging magagawa niya sa mga oras na iyon ay huwag mawawala sa paningin niya si Cassandra. Anyway, marami na ring dumarating na mga awtoridad sa scene, para sa agarang pagtubos sa mga nasa loob pa. Medics were checking out the shaken men and women. While Bryant was in the shadows, scanning the area. At sa tingin niya wala nga sigurong nakapansin dito dahil abala puro ang lahat sa lumalaking apoy. Na unti-unting lumalamon sa makasaysayan na gusali. Tuluyan na ring naglaho ang mga armadong lalaki. Kung si Cassandra nga ang sadya ng mga ito, posible kayang babalikan pa ng mga ito ang dalaga? Napakuyom ang mga kamao niya sa naiisip. Oo, maari ngang babalikan nila ito, pero dadaan muna ang mga gonggong na 'yon sa kanya. Napalingon naman sa kanya si Cassandra at nag-abot ang mga titig nila. He forced his hands to unclench as he watched her. Soon, he would have her alone, and when he did, he would discover all of her secrets. Aalamin din niya kung bakit gusto siyang makuha ng mga armadong lalaki na iyon. Higit sa lahat, aalamin din niya kung bakit alam nito ang sekretong grupo nila. Edrian was quickly realizing that there was a whole lot more to Cassandra San Sebastian than he'd initially realized. Baka naman mapanganib pala ang babae na iyon.   *****    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD