CHAPTER 1

2543 Words
MADELIN "Manong, bayad ko po o," kimi kong iniabot ang bayad sa traysikel driver na naghatid sa akin sa unibersidad na aking papasukan. Napatingin ako sa malawak at napakalaking building na iyon ng unibersidad. Sa bandang taas sa gitna ng building ay makikita ang malalaking letrang nakakabit roon. Schoonvile University! "Ineng, sukli mo o," ang dinig kong ani Manong driver kaya napabaling ako sa kaniya. Inabot ko iyon. Napatingin naman siya sa akin at napansin kong bahagya siyang natigilan habang nakatitig sa aking mukha. Nag-iwas ako ng tingin at bahagyang napayuko. Agad kong hinawing muli ang aking buhok patakip sa aking kabilang pisngi. Pag-abot niya sa aking sukli ay agad na rin akong tumalikod sa kaniya. Sa reaksyon pa lang ni Manong pagkakita sa mukha ko ay halos gusto ko na maglaho sa pagkapahiya, paano pa kaya kapag nasa loob na 'ko ng unibersidad na alam kong halos lahat ng mga estudyante ay pawang mayayaman at magaganda? Hindi ko sigurado sa aking sarili kung kakayanin ko nga ang unang araw ko sa sikat na eskwelahang ito. Saglit akong napatingin sa ilang mamahaling sasakyan na sunod-sunod na pumarada malapit sa gate. Halos lahat ng kotseng makikita sa paligid ay halatang mayaman ang mga may-ari. Marami-rami na rin ang mga estudyanting nakakasabay ko papuntang gate. "Italy was amazing guys, we should explore Europe together next time!" Napabagal ang lakad ko at medyo napatabi sa gilid nang marinig ang mga boses banda sa aking likuran. "Yeah, we should do that. Then, South America after!" Napatingin ako sa tatlong kababaihang estudyanteng masayang nagkwekwentuhan sa kanilang naging bakasyon. Napalunok ako nang makita ang magagandang suot ng mga ito. Mula sa damit, bag, sapatos na suot ay kitang-kita ang malayong pagkakaiba ko sa kanila. Napatingin ako sa aking suot na simpling blouse. Inayos ko iyon ng bahagya sa magkabilang balikat at hinila konti sa may laylayan sa bandang harapan. Ginalaw ko ng bahagya ang packbag sa aking likuran. Unti-unting ginagapangan ng kaba ang aking dibdib. Okay lang ba ang aking itsura? Niyakap ko ang dalang ilang libro sa aking dibdib, at marahan nang naglakad patungong gate. Kimi kong pinakita ang identity card sa dalawang guard na nakapuwesto sa harapan ng gate. Nakita ko ang pagpasada nilang dalawa sa akin ng mapanuring tingin. Napayuko ako ng bahagya. Napalunok akong muli. Habang tumatagal ay lalong napupuno ang dibdib ko ng matinding nerbyos. Alam ko naman sa sarili kong hindi nababagay ang tulad kong mahirap at probinsiyana sa ganito kaganda at kamahal na eskwelahan. Kung hindi nga ako binigyan ng scholarship ng mag-asawang Schueremans ay malabo akong makatungtong ng kolehiyo. Napakamahal kasi ng pang-matrikula kahit pa nga sa mga hindi kilalang unibersidad. Nanatili akong nakayuko kahit pa nga iminuwestra ng isang guard na puwede na akong pumasok. Bahagyang nanginig ang mga binti ko papasok sa building ng unibersidad na iyon. "Kalma... kalma lang, Madelin." Ang kausap ko sa aking sarili. Huminga ako ng malalim. Maingay na ang naririnig ko sa paligid mula sa mga estudyanteng tulad ko ay papasok na rin ng building. May mga kaniya-kaniya silang kuwentuhan. Ngunit ramdam ko na marami rin ang mga matang napapatingin sa'kin dahil marahil sa naiiba ang aking suot. Ang bawat titig nila ay damang-dama ko, na siyang lalong nakadagdag sa kabang nararamdaman ko! Dama ko rin ang matinding panlalamig ng aking mga palad dahil sa matinding nerbyos. "Sino yan? Bago?" "Baka freshman?" "She looks like my Yaya." "Look at her clothes, Duh! She looks so badoy!" Ilan lamang sa mga bulungang naririnig ko sa paligid kasunod ng mga hagikgikan. Napahigpit ang yakap ko sa hawak kong mga libro. Hindi na dapat ako paapekto sa mga naririnig ko. Narito ako upang mag-aral. At 'yon lang dapat ang iisipin ko. Nandito ako upang matuto. Goal ko nga ang makapagtapos at makatulong sa aking pamilya balang araw. Doon lamang dapat ang sentro ng isip ko. Dapat nga sanay na ako sa mga pangungutya nila. Hindi na ito bago e. Madalas ko na itong nararanasan kahit noong nasa probinsya pa ako. Suot pa lamang ang napansin nila sa akin pero heto ako't napanghihinaan na ng loob. E, paano pa kaya kapag nakita na nila ang sunog na kalahati ng aking mukha? Napahinga ako ng malalim at bahagyang binilisan ang aking mga hakbang. Naisip ko, wala rin naman mangyayari kung habang buhay akong matatakot at ikakahiya ang sarili ko. At wala akong dapat ikahiya. At hindi ako nagsisi sa nangyari sa akin. Lalo na kapag nakikita kong buhay at masaya si Elizabeth at si-- Si Lannion... Pinilit kong ngumiti. Pilit kong inaarok ang sariling maging positibo sa lahat ng bagay. Gano'n naman dapat 'di ba? Hindi lahat sa buhay natin ay perpekto. Malaking bagay na sa akin na pingkatiwalaan ako ng mag-asawang Schueremans at binigyan ng pagkakataong makapag-aral. At isa dapat iyon sa aking isaalang-alang at iisipin. Ang mag-ral ng mabuti at makapag-tapos. Buti na lamang at hindi ako nahirapang hanapin ang aking classroom. Muli akong huminga ng malalim. Dinig ko na ang ingay nila sa loob. Naglalaro sa isip ko kung anong madadatnan ko roon at kung ano na naman ang kanilang magiging reaksyon. Dapat ko nang ihanda ang sarili. Kung mayroon mang hindi magandang mangyari, huwag ko na lamang pansinin! Marahil ay wala pa ang prof ng una naming subject. Napatingin ako sa simpling relong suot ko. Maaga pa ng sampong minuto. Muli kong hinawi ang aking buhok at inayos. Siniguro ko munang kahit paano ay natakpan ang malaking bahagi ng sunog kong pisngi. Mas lalong nilamon ng ingay ang aking pandinig nang makapasok na ako sa loob. Karamihan sa kanila ay napatingin sa akin. Bahagya rin nawala ang ingay. Marahil, ay masyado nga sigurong agaw pansin ang aking suot. May dalawang kumpulan ang naraanan ng aking mga mata. Isa sa bandang likuran at ang isa naman ay nasa bandang harapan at ramdam kong pawang mga nakatingin sa akin. May apat na lalake. Ang tatlo ay nakatayo, ang apat na babae sa kumpulang iyon ay mga pawang nakaupo naman. 'Yong pang apat lalake, at napakalas ang boses sa pagsasalita ay nakaupo pa sa armchair! Mas pinili kong maupo sa pinakadulo at pinakasulok. Kinuha ko na lamang ang isa sa mga librong hawak ko kanina at nagbasa. Ilang sandali pay narinig ko na rin ang pulasan ng mga kaklase ko. Isa-isa nang nagbalik sa mga kaniya-kaniyang upuan at umayos ng upo. Ngunit naroon pa rin ang bulungan at anasan. Napatingin na ako sa harapan. Nakita ko roon ang matangkad na lalaking medyo may edad na. Ang prof namin sa subject na iyon. Ipinatong nito ang dalang bag sa lamesa. Hindi naman siya mukhang nakakatakot. Bahagya pa nga siyang nakangiti sa amin ngunit agad din naging seryoso ang itsura. "Class quiet please! " Ang medyo malakas na aniya, nang hindi pa rin matigil ang anasan at mga bulungan. Unti-unti naman natahimik ang lahat. Tumayo na ito sa harapan sa gitna at nagpakilala. Maya-maya pa'y tinawag na rin niya kami isa-isa sa harapan upang kami naman ang magpakilala sa mga kaklase namin. Iwasan ko mang huwag kabahan at mahiya ngunit gano'n talaga ang nararamdaman ko! Nang tawagin na ako'y bantulot akong tumayo. Halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng aking sariling puso. AT ni hindi ako makatingin sa mga kaklase ko at panay ang kurot ko sa aking mga daliri. "I-i am M-madelin R-reyes, 18 y-years o-old," ang utal-utal kong sabi dahil sa kaba. Nag-umpisang magbulungan at mag-anasan muli ang aking mga kaklase. Napatigil ako at alam kong pulang-pula na ang mukha ko sa pagkapahiya. "Someone is speaking in front of you, class. So please listen and shut your mouth!" Ang may pagbabanta anang prof namin. Binalingan niya ako at marahang tumango, kaya nagpatuloy ako. "I-i'm from p-province of Bataan," ang agad kong pagtatapos. Gusto ko nang liparin ang aking upuan para mawala na sa akin ang mga mapanuring mata ng aking mga kaklase. Lalo na't nakita kong may mga ilang nagpipigil ng tawa sa kanila. May mga babaeng kaklase ko naman ang nagtinginan at saka nagbungisngisan. "There's nothing funny, class! Please quiet!" Napayuko na ako ng tuluyan. Napakagat ako sa aking labi habang pinipigilan ang sariling kong huwag bumigay sa emosyong unti-unting lumulukob sa aking dibdib. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata para pawiin ang namumuong luha ko. Pero ano pa nga ba ang aasahan ko? Dapat nga expected ko nang mangyayari talaga ito. "You can take your seat now, Miss Reyes." Ang mahinanong ani prof sa'kin at bahagya akong nginitian. Agad naman ang naging kilos ko. Walang lingon akong mabilis na tinungo ang aking upuan. "Oh my God! Did you see her face?" bulong ng isang babae sa unahanng upuan sa kaniyang katabi. "Hssh! Oo. Nakita ko. Tama na mag-uumpisa na si Prof," bulong na sagot naman ng isa. Pumailanlan muli ang mahihinang tawanan. Parang gusto ko na lamang bumuka ang lupa at lamunin ako ng tuluyan! Umugong muli ang anasan. Hindi ko maiwasan ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng aking mga mata. " Quiet please! Hindi ba kayo nakakaintindi?!" Ang galit nang sigaw ng aming prof. Bigla naman natahimik ang lahat. Napakagat ako sa aking labi. Ako ang naging tampulan ng bulungan at anasan ng klase. Nag-umpisa nang magturo ang prof namin at doon na lamang ako nag-focus. Nang breaktime naman namin, ay napagpasyahan kong huwag na lamang lumabas ng classroom. May baon naman akong tinapay at tubig. "Talaga bang kaklase natin 'yan? Hindi kaya naligaw lamang siya ng school?" ang dinig ko pang maarting sabi ng isa sa apat na babaeng iyon habang papalabas ng classroom. Ang isa'y ngumisi at inikutan pa ako ng mata na binaliwala ko na lamang. Ayon nga sa bilin ng Tito at Lola ko huwag ko na lamang silang pansinin, na umiwas ako sa gulo at away. At hanggat makakaya ko, ay 'yon nga talaga ang gagawin ko alang-alang kay Tito at Lola. Napangiwi ako nang halos patapos na ang trenta minuto na break time ay nakaramdam naman ako ng pagkaihi. Agad akong lumabas upang magtungo ng comfort room. Tinignan ko ang mga sign board at arrow kung saan tinuturo ang comfort room. Tinatalunton ko noon ang hall way. Papaliko na ako sa kanan, nang malakas akong nabangga ng kung sino. Napaupo ako sa sahig! Napadaing ako. Buti na lamang ay bahagya lamang akong nasaktan. Bahagya akong napangiwi habang haplos ang nasaktang balakang. " I'm so sorry Miss, nasaktan ka ba?" gusto ko sanang sigawan ito ng oo pero nagpigil ako. Bakit kasi hindi ito nag-iingat at alam nitong papaliko ay nagagawa pang tumakbo! Agad niya akong dinaluhan at balak alalayan sa pagtayo. Agad naman akong nakabawi sa kabiglaan at tila nahimasmasan nang mapansin ko ang nakalahad na palad nito sa aking harapan para ako'y tulungang makatayo. Nataranta ako nang mapansin kong tila titig na titig siya sa akin. Agad kong hinawi ang buhok ko upang muling itago ang sunog kong pisngi. Imbes na abutin ang kamay niya'y inipon ko ang lakas at agad na itinayo ang sarili. Nakita kong binaba na niya ang palad pero nanatili pa rin ang mga mata niya sa akin. "I'm so sorry, hindi ko sinasadya--" "Okay lang!" agad kong putol sa sasabihin niya! "Hindi naman ako gaano nasaktan. Pero sana sa uulitin mag-ingat ka na!" Ang medyo masungit kong sabi. Bubuka pa lamang ang labi nito ay agad ko na itong tinalikuran. Parang tinatambol sa kaba ang dibdib ko. Titig na titig ito sa aking mukha pero hindi ko makita ang pang-uuyam o pangungutya na karaniwang nakikita ko sa iba. O, baka sadya lamang na marunong magtago ito ng reaksyon? Ah ewan, bahala siya! Sana naman mag-ingat na siya sa susunod! Nang magtanghalian naman ay sumaglit lamang ako sa canteen upang bumili ng maiinom. "Di ba 'yan 'yong kaklase nating pangit?" ang dinig kong muli. Kasunod ng hagikhikan. "Wow, nagsalita ang maganda!" ang dinig kong sagot naman ng isang lalaki pero hindi ako nag-abalang tignan kung sino iyon. Narinig ko pa ang ang mahinang tawanan ng kasamahan nitong mga lalake. "I hate you! Maganda ako no!" ang mataray na pakli ng babae. "Sinong may sabi, Nanay mo?" ang ganting sagot muli ng lalake. And there, I smiled. Pero yumuko ako para itago iyon. Medyo mahaba ang pila. Ang mga mata ko'y pilit na pino-focus sa hawak kong wallet. Ayaw kong tumingin sa iba. Para makaiwas sa ano mang atensyong maari kong makuha. Ngunit tila tinutukso naman akong lihim na tapunan ng tingin ang grupo. And then, I saw him. 'Yong lalake na nakabangga ko kanina sa hallway. Kita ko rin sa sulok ng aking mata ang isang grupo ng kababaihan na nakaupo sa mahabang mesa kasama ang tatlong lalake kabilang na 'yong lalaking nakabangga ko. Sa pahapyaw kong tingin ay naaninag ko nga ang apat na maarting babae kanina na pawang mga kaklase ko. Hindi ko na sana papasinin ang mga ito nang-- "O, narito na pala, si Lannion e." Anang isa sa mga lalake. Awtomatikong napatingin ako sa gawi nila. Kasunod ng pag-atake ng kaba sa dibdib ko. Napansin kong nakatingin rin sa akin 'yong lalaking nakabangga ko. Kaya, napaiwas rin ako agad ng tingin. Si Lannion nga ang bagong dating, at kabilang sa grupong iyon. Palihim kong sinulyapan ang grupo. Sana naman hindi na nakatingin sa akin 'yong isa. Well, hindi na nga! At nakikipag-usap na ito do'n sa isa nilang kasama. "Saan ka na naman ba pumuwesto, sa library o cr?" ang natatawang tanong no'ng isa. Nakita kong ngising-ngisi si Lannion at nakipag-apir pa doon sa nagtanong sa kaniya! "Sa cr ko dinala para diretso hugas!" sagot naman nito na kinatawa ng grupo. Hindi ko makuha ang pinag-uusapan nila pero kahit ang ibang estudyante sa kabilang mesa ay natawa. "Babe ha, ayaw ko ng ganiyang mga biro mo," ang inis na ani Ryza. Siya 'yong tila tumatayong leader sa kanilang apat. "So feeling mo talaga nagbibiro 'yan? Feeling mo mag-isa ka lang?" ang dinig kong pang-aasar muli no'ng isa. But this time, nakita ko na kung sino 'yong laking nambabara. 'Yong nakabangga ko pala ang may-ari ng boses na iyon. Siya pala 'yong nang-aasar! Bahagyang nagtawanan muli ang grupong lalake. "Kahit nga ako, nadala na niyan ni Lannion sa cr e!" Ang malakas na sabi ng isang babae sa kabilang mesa na kinabuka ng labi ko at kinalaki ng mata! Ngayon, nakuha ko na ang ibig nilang sabihin at talagang napangiwi ako! Tumayo si Ryza at pinamewangan ang babaeng nagsalita. Nakatingin ito sa babae na tila nanghahamon ng away. 'Yong babae ay nakangisi lamang kay Ryza. Natatawang hinila lamang siya ni Lannion paupo sa kaniyang tabi. "Selos na selos na o!" ang gatong pa no'ng isang kasama nila. "Oo nga e, paano pa kaya kung sabihin kong na love at first sight 'yang si Lannion sa isang dalagang taga Bataan! Kaso nawala na lamang 'yong babae na parang bula!" ang walang barang kwento no'ng lalaking nakabangga ko. "Babe Lannion, totoo ba 'yon?" malakas at may inis na tanong ni Ryza. Bahagyang nagtawanan muli ang mga lalake. " Sabi mo sa'kin ako lang 'di ba? Nang-aasar na naman si Luicke!" ang inis at maktol nito. "Oo nga. Ikaw nga lang. Huwag mo na kasing pansinin 'yang si Luicke, alam mong baliw 'yan e." Aniyang sinulyapan pa 'yong lalaking nakabangga ko ng nagbabalang tingin! Nakangisi lamang 'yong Lucike at tila baliwalang nagkibit balikat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD