CHAPTER 7

1792 Words
MADELIN Friday ng hapon, nang ihatid ako ni Luicke sa mansyon. Gusto kasi rin nitong kausapin si Lola at ipagpaalam ako para mamasyal at manood ng sine kinabukasan. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang diretsahan nitong tanungin si Luicke. "Ikaw bang lalake ka e, gusto itong apo ko?" ang agad na sita ni Lola sa kaniya. Saglit lamang natigilan si Luicke na tila nabigla rin sa tanong. "Lola, kung sa gusto ay gustong-gusto ko ang apo niyo. Ang tanong e, kung gusto niya rin ako?" Ang napapakamot sa batok nitong sabi. Minulagatan ko naman agad ng mata si Luicke. Hindi ko mawari kung seryoso ba siya sa mga banat niyang may kahulugan o sadyang gano'n lamang talaga ang personalidad niya. Iyong tipong mahilig magbitaw ng makahulugang salita ngunit ang totoo, ay wala naman iyong ibig sa sabihin para kaniya. Na parang biro lamang iyon na 'di dapat seryosohin. "Kung sabagay, matino-tino iyang batang iyan sa kanilang magkakaibigan at iyong si Paul mabait din iyon pero nasa Amerika na." Ang komento ni Aling Martha. "O, kita niyo na po Lola? Matino po ako at mabait, maganda rin po lahi namin," ang biro nito kay Lalo na kinangiwi ko. "Pero Aling Martha, huwag n'yo na hong banggitin dito si Paul, dapat ako lang bida." Ang nakangiti nitong kindat kay Aling Martha. So may isa pa pala silang kasama sa grupo pero nasa Amerika? "Nana Lucia, sige na po. Promise po aalagaan ko ang apo n'yo at ibabalik ko nang walang labis walang kulang," pangungumbinsi niya. "Ikaw Luicke ha, kapag may nangyari sa apo ko ikaw mananagot sa akin," nakairap na ani Lola. Sinulyapan rin ako ni Lola. Napakagat labi ako dahil masyadong seryoso mukha niya ngayon. "Sige na Nana, payagan mo na si Made para makapamasyal rin siya," panggagatong naman ni Aling Brenda. Napahinto si Lola sa paghalo ng niluluto nito. Humugot siya ng hangin at agad din ibinuga. Alam ko, sa nakikita kong expression sa mukha niya, alam kong napipilitan lamang siya. "Hala, sige. Pero maaga kayong uuwi at huwag magpapagabi. " Bilin pa ni Lola na kinangiti ko na nang maluwag. Masaya kong tinignan si Luicke na malawak na rin ang ngiti nang mga sandaling iyon. "Yes! Ayos na!" masayang anitong nakaipag-apir pa sa akin. " 'Di susunduin na kita bukas?" malawak ang ngiti kong tumango. Binalingan nito si Lola para kausapin. Nagpaalam naman akong pupunta muna sa kuwarto ko para makapagpalit ng damit. Mabilis lamang ako at agad din bumalik pagkatapos. Papalapit pa lang ako sa kusina, ay dinig ko na ang masayang kuwentuhan at tawanan nila sa kusina. Narinig ko rin ang tawa ni Elizabeth kaya napabilis ang lakad ko. Nadatnan pa siya ni Elizabeth at Ma'am Emma. Sigurado ipinaalam na rin niya ako sa kanila. Malawak agad ang ngiting sumalubong sa akin mula kay Ma'am Emma at Elizabeth. "Oy, may date sila ni Kuya Luicke," paanas na tukso pa niya sa akin. Agad ko siyang pinandilatan at sinaway. "Sira ka talaga, 'di naman iyon date," protesta ko pero napahagikgik lang siya. Nang magpaalam na si Luicke sa lahat ay saka naman dumating si Lannion. "Oh, narito na pala si Lannion e," ani Ma'am Emma na siyang kinatingin yata ng lahat mula sa front door. . Nakita kong saglit itong natigilan, ang mga mata niya'y nasa amin ni Luicke. Kapagkuway lumipat kila Ma'am Emma at Elizabeth. Kapagkuwa'y bumalik ang mga mata nito sa amin--kay Luicke at tinanguan lamang niya ang kaibigan. "Hi pare, hinatid ko lang girlfriend ko," sadya niyang nilakasan ang boses at pilyong tinignan si Lola. Parang gusto kong mapatampal sa noo ko dahil alam kong namimilyo itong binibiro ang Lola ko. "Girlfriend girlfriend ka diyan na bata ka, huwag kang magbiro nga ng ganiyan at napakabata pa ng apo ko! Baka gusto mong ako sumama sa'yo bukas," walang ngiting ani Lola. Nagtawanan ang lahat, kahit ako'y 'di maiwasang mapangiti. "Lola, hatid lang ako ni Made sa pintuhan a, huwag ho kayong mag-alala 'di po ako hihingi ng goodbye kiss," hirit niyang muli saka tumawa . Biglang napamewang si Lola at masamang tinignan niya si Luicke. "Ikaw talagang bata ka napakagaling mong mang-asar e, sige subukan mo lang," may gigil na idinuro ni Lalo ang santok sa dereksyon ni Luicke. Sabay-sabay na nagtawanan naman ang lahat. Maliban kay Lannion na tila 'di buminta sa panlasa nito ang nadatnang biruan. Napakagat ako sa ibaba kong labi at mahinang hinampas sa braso si Luicke na mukhang aliw na aliw sa mga reaksyon ni Lola. Ramdam na ramdam ko ang matinding init sa magkabila kong pisngi. Si Lola talaga, over. Tsk! Akala mo naman talaga e, gugustuhin ako ni Luicke para maging girlfriend. Nang ihatid ko si Luicke sa labas ay natatawa pa rin ito sa ginawang kalokohan. "Sa akin hindi nakakatawa," nakasimangot kong sabi. "Sorry na naman, gustong-gusto ko lang talagang biruin ang Lalo mo. Kasi, kitang-kita ko kung gaano siya ka-protective sa'yo and at the same time, she also cares for your happiness Made," ang medyo seryoso na niyang sabi. "Isa lang ibig sabihin no'n, marami kaming nagmamahal at nagmamalasakit sa'yo," he added. Nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko. Ganito iyong mga pagkakataon na alam ko at ramdam kong may mga taong nagmamalasakit at nagmamahal talaga sa'kin. At aaminin kong iyon ang kailangan ko para kahit paano ay maging magaan ang pakiramdam ko. Akala ko kasi bubunuin ko ang ilang taon kong pananatili sa schoonville ng mag-isa lang. Malayo sa kahit kanino at walang kaibigan kahit na isa. Pero si Luicke...... "Madelin, are you okay?" ang taranta at puno ng pag-alala nitong tanong sa akin. Siguro dahil sa sobrang pagdaloy ng emosyon sa dibdib ko, kaya walang pag-aalinlangan akong napayakap sa kaniya habang luhaan ang mga mata. Saglit siyang natigilan, tila nabigla sa ginawi ko. But then, unti-unti kong naramdaman ang masuyong paghagod nito sa akin likod. "Hssh... I'm sorry kung may nasabi--" "Salamat, Luicke. Kasi ang bait mo sa akin. Akala ko, bubunuin ko ang apat na taon ko sa schoonville ng mag-isa. Nang walang kahit isang kaibigan," ang mahaba kong sabi sa pagitan ng pagtangis ko. "Hindi ka kailaman mag-iisa, Madelin." Puno nang pagsuyo ang boses nito. " Kung gusto mo, hindi ko iipasa ang mga subject ko para magkasama tayo ulit next year e,"ang natatawa na naman nitong sabi kaya kumalas ako sa kaniya at hinampas ko na siyang muli sa braso. Napangiwi naman siya pero tumawa ulit pagkatapos. "Puro ka kalokohan!" nakairap kong sabi. "Sige na, umuwi ka na," taboy ko sa kaniya. Nakangiti pa rin siyang nakatingin lamang sa akin. Kapagkuway napatingin siya sa taas ng mansyon kaya napasunod din do'n ang mga mata ko. Nakatingin siya sa bintana kung saan ang library. Wala naman tao roon. Though, bukas ang ilaw. Baka si Elizabeth o Lannion ang naroon. Labis ko naman pinagtaka kung bakit nang tignan ko si Luicke, ay ngising-ngisi siya. Bubuka pa lamang ang labi ko para sana tanungin kung bakit ngising aso na naman siya ngunit naunahan na niya ako. "Sige, uwi na ako Madelin," naudlot at sumabit na lamang sa hangin ang tanong ko. Tumango na lamang ako nang marahan. "Mag-ingat ka sa pag-uwi," ang nasabi ko na lamang sa kaniya. Pero laking gulat ko nang mabilis niya akong hinalikan sa noo. Bahagya na lamang akong nagulat dahil ginawa na rin naman niya iyon sa akin noong sinundan niya ako sa room namin. Hinalikan niya rin ako noon sa aking noo na alam kong kinagulat rin ng mga kaklase ko. Narinig ko pa nga ang malakas na pagsinghap ng iba sa kanila. Pero ayaw kong bigyan ng kahit konting malisya ang halik nito. Ang halik sa noo ay sumisimbulo ng respeto at pagpapahalaga sa isang tao. At si Luicke ay ang isa sa mga taong dama ko ang respeto sa akin, sa kabila ng aking pangit na anyo. And all I know, I was just a friend for him as he is to me. Our friendship is so genuine..... Very true. Kumaway pa ako sa kaniya nang papalayo na ang sasakyan niya. Automatic na sumara ang gate, pagkaalis ng sasakyan niya. Masigla ang kilos kong pumasok nang muli sa loob ng mansyon. Excited na ako para bukas. Pagpasok ko sa loob ay wala na rin roon ang mag-inang Elizabeth at Ma'am Emma. "O, nariyan ka na pala apo, mabuti pa pakidalhan mo nga muna ng meryenda sa library si Lannion," ani Lola habang nagsasalin ng juice sa isang baso saka naglagay ng isang slice ng brownies sa platito. Kimi akong sumunod nang iabot na sa akin ni Lola ang tray ng meryenda ni Lannion. Biglang binundol ng kaba ang dibdib ko nang maalala ang nangyari kanina sa likod ng school. Pero wala akong choice, hindi naman ako madalas mautusan, isa pa aalis ako bukas para mamasyal. Samantalang sila Lola, Aling Brenda at Aling Martha ay tuloy pa rin sa pagtratrabaho. Napakasuwerte ko pa ngang maituturing. Libre ang pag-aaral ko, nakatira ako sa napakalaki at napakagandang mansyon ngunit hindi ako obligadong magtrabaho. Nakakabilib din ang taong iyon, maya-maya ay kakain na rin naman, bakit kailangan pa njyang humingi ng meryenda sa ganitong oras. Alas sinko y media na kadalasan 7 to 7:30 ang hapunan nila. Hindi pa ba siya makakapag-antay? Kung sabagay dalawang oras mahigit pa ang aantayin niya. Tulad ng nakagawian ko, huminga muna ako ng malalim saka ako kumatok ng tatlong beses bago itinulak ang pinto pabukas. Abala siya sa harap ng laptop niya habang panaka-nakang sumusulat sa notebook. "Bakit ikaw ang nagdala niyan dito?" bakas ang inis sa mukha nitong sita nang makita ako. Hindi ako nakahuma. Biglang nangatog ang mgakabilang tuhod ko. Buti na lamang at nagawa ko pa rin nailapag ng maayos ng tray. "Si Aling Brenda ang inutusan kong magdala niyan dito at hindi ikaw," masungit nitong sabi. "B-busy po 'ata sila k-kaya ako na lang po ang inutusan ni Lola," nabubulol kong sagot. "Alis," ang nakasimangot at masungit niyang sabi. Napalunok ako. Hindi ko nagawang makakilos agad. Nabibigla ako sa kasungitan nito. May nagawa ba akong mali? "Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?! Alis sabi e! Ayaw kitang makita!" Ang bulyaw na nito sa akin na gumulantang sa buong sistema ko. Para naman akong biglang natauhan. Agad akong napakilos. Napahiya na naman ako at nasaktan sa pagsigaw niya sa akin. Taranta ako at natakot sa galit na nakita ko sa mga mata niya. Nginginig ang mga kamay ko pati ang labi ko. Pagkababa ng hagdan ay agad akong lumiko ng pasilyo patungo sa aming silid. Pagkapasok sa kuwarto namin ni Lola at pagkasara ng pinto, ay doon ko na napakawalan ang pinipigilang iyak kanina. Impit akong humagulgol. Bakit ba ang bigat-bigat ng loob niya sa akin? Ano bang nagawa ko at ganito na lang ang galit at pagkaayaw niya sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD