CHAPTER 6

1932 Words
MADELIN Habang wala pa ang prof ng susunod naming subject ay pinasya ko munang sumaglit sa comfort room. Habang tinatahak ko ang hallway ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone sa loob ng bulsa kong suot na pantalon. Agad kong dinukot iyon sa loob ng aking bulsa at tinignan kung sino ang nag-text sa akin. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Luicke. Since we became friends, he constantly texting and checking on me. Pakiramdam ko, hindi lamang ako nagkaroon ng kaibigan pero para na rin akong nagkaroon ng nakakatandang kapatid. Binuksan ko ang text niya. Awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi ko. "See you later," simpling minsahe nito with winked emoji. Tinulak ko pabukas ang pintuan ng women's comfort room. Saglit akong huminto at nag-type ng reply text para kay Luicke. May ngiting agad ko rin binalik sa bulsa ang cellphone pagkatapos. Napawi lamang ang ngiti ko nang may maulinigan akong tila gigil na anas sa isang cubicle. Napakunot ang noo ko. Malaki ang women's comfort room at maluwag. May 6 na cubicle toilet sa loob. Wala sa sariling napalapit ako ng bahagya sa isang cubicle. Namilog bigla ang mga mata ko kasunod ang pagbuka ng mga labi ko. May dalawang mapangahas na nilalang ang nasa loob ng cubicle na iyon. Malinaw na nakarating sa aking pandinig ang paanas na mura ng isang lalake na may halong gigil. Biglang sinuntok ng pinaghalong sakit at kaba ang dibdib ko nang tila makilala ang boses na iyon ng lalake. Kasunod ng halinghing naman na boses ng isang babae. Tila nagmamakaawa ang halinghing nito. "Oh, Lannion! You're so good. Please more!" ang tila pagmamakaawa ng babae sa pagitan ng kaniyang halinghing. Napatutop ako ng palad sa aking bibig. Nagtatalo ang isip ko kung aalis na lang ba ako. Ngunit nanatili lamang ako sa aking kinatatayuan na parang itinulos. Hindi naman ako gano'n kaignorante para hindi ko mahulaan kung ano nga ba ang ginagawa ng mga ito sa loob. Dinig na dinig ko ang kakaibang tunog ng nagsasalpukan nilang katawan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib. Ang impit na ungol at halinghing ng babae na tila sarap na sarap sa pinalalasap sa kaniya ng lalaking kaulayaw. Halos mabingi na ako sa murahan nilang dalawa at sa pinaghalong ungol nila ngunit hindi ko pa rin magawang maikilos ang aking mga paa. Bigla ang pagkataranta ko nang bigla na lamang bumukas ang cubicle. Huli na para lumabas pa ako at magtago. Kita ko na si Lannion habang isinusuot ang sentron sa kaniyang pantalon, kaya tumalikod na lamang ako at humarap sa salamin. Binuksan ko agad ang gripo ng lababo. Ramdam ko ang biglang panginginig ng aking mga kamay. Napatingin ako sa salamin at mula roon ay nakita kong nag-angat rin ito ng tingin. Nagtama ang mga mata namin. Tila saglit siyang natigilan nang makita ako. Ngunit kapagkuway ngumisi ito sa akin habang tinataas nito ang zipper ng suot na pantalon. Parang tinatambol ang dibdib ko sa kaba. Namumula ang mukha kong nag-iwas ng tingin. Diretso na siyang lumabas at hindi man lamang hintay ang babaeng kasama nito sa loob. Kahit pa nga nang tawagin siya ng babae ay parang wala itong narinig at pakialam. Lihim akong napangiwi nang makita ko naman ang itsura ng babae. Ito iyong babaeng kasama niya at akbay niya kahapon. May pagmamadali sa kilos ng babae habang hindi magkandamayaw sa kakahawi ng nagulo nitong buhok. Inayos rin nito ang gusot na damit at hinila pababa nang bahagya ang paldang suot. Pawisan ang itsura nito at bahagyang nagkalat ang makeup nito sa mukha partikular sa kaniyang labi at mata. Saglit din itong napatigil nang makita ako. "Anong tinitingin-tingin mo diyan ha, pangit?" Singhal niya sa akin saka sinamaan niya ako ng tingin. Umiwas ang mga mata ko at ibinalik sa lababo ang pansin. Narinig ko pa ang 'pag ismid nito sa akin bago nagmamadaling tumalikod. Hindi na nito inalintana ang kaniyang itsura. Hindi na niya pinag-aksayahang ayusin ang sarili. Kahit nang makabalik ako sa classroom namin hindi mawaglit sa isip ko ang nasaksihan. Hindi ko maitatangging nasasaktan ako na makita itong kasama ang ibat ibang babae na tila walang pakialam. Na para bang natural na natural na lamang at normal ang pagiging babaero nito. May pag-asa pa kaya siyang magbago? Bakit gano'n? Mabait naman ang Daddy niya. At sa tingin ko'y loyal at faithful na asawa ito kay Ma'am Emma. Pero bakit si Lannion kakaiba? Saan ba ito nagmana at tila parang may kota yata ito sa dami ng nagiging nobya? Kahit nang mag-umpisa ang discussion namin ay sumisingit at 'di pa rin mawala-wala sa isip ko si Lannion. Bahagya ko lamang siyang naiwaglit nang kausapin ako ng prof namin bago magtanghali. Kinausap nga ako ni Mr. Suarez, tito ni Luicke at prof namin sa math. Masayang ibinalita nito sa akin ang 'pag sang-ayon at pagtanggap ng Dean sa kaniyang mungkahing maging isa ako sa mga lalaban sa paparating na fast quiz competition. Tulad nang nakagawian namin ni Luicke, ay sa likod ng university building kami nag-lunch. Masaya kong binalita sa kaniya ang pagsang-ayon ng Dean na makasali ako sa mga magrerepresenta ng Universidad. Masaya niya akong binati. Pinag-usapan namin ang plano kong paghahanda. Marami pa kaming napag-usapan habang nilalantakan namin ang pagkain naming dala. "Labas tayo minsan, treat ko," bigla nitong sabi pagkuwan. Natigilan ako, saka tipid ang ngiti kong napakamot sa kilay. "Baka 'di ako payagan ni Lola, " dahilan ko. "Ipagpapaalam naman kita e, nakapamasyal ka na ba sa mga mall dito sa Manila mula ng dumating ka rito?" He asked while chewing his food. Tinignan niya ako. Napanguso ako at marahang umiling. Tumawa siya ng mahina. "If you are just worried about your Lola then, it would not be a problem. Ipagpapaalam kita ng maayos," pangungumbinsi pa nito. Napangiti na ako ng maluwag." Mag malling tayo at mag-shopping," mungkahi niya na agad kong inilingan. Dinala sa bibig ang tumbler at uminom ako ng tubig saka sumagot. "Wala akong pera, huwag na lang ang shopping. Mamasyal lang tayo okay na 'ko, " may ngiti kong sabi. "Treat ko nga 'di ba?" " Kahit na, bakit hindi na lang tayo manood ng sine? Gusto ko kasi iyong maranasan." Wala sa loob kong mungkahi. Mangha niya akong tinignan. "Really, 'di ka pa nakakapasok ng sinihan?" nahihiya akong napanguso at marahang tumango. Tumawa siya na lalo kong kinabusangot. "Oh, I'm sorry, Made. Don't get me wrong. Natatawa lang talaga ako, sa Bataan ka lang nakatira at hindi sa malayong isla para hindi maranasan man lang ang makapasok ng sinihan." Palatak nitong sabi. "Mahal kasi, saka ayaw akong isama ng mga pinsan ko kasi kasama raw nila boyfriend nila," "So, isasama mo akong manood ng sine bilang boyfriend mo?" biro nito sa akin. Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko at napaawang ang labi ko. Sasagot pa lamang ako nang-- "Wow, ang sweet naman... Magde-date silang dalawa. Sama naman kaming manood ng sine o," nanunuksong boses ni Sidrex na agad na kinalingon namin pareho ni Luicke. May nakaguhit na pilyong ngisi sa kaniyang labi. Napaawang ang labi ko. Saglit lamang pumirmi ang mata ko sa kaniya. "Hindi kami magde-date tulad ng sinasabi at iniisip mo," protesta ko agad na kay Lannion nakatingin. Tulad dati, blanko ang mukha nito. Wala akong makitang emosyon. Parang tuod. Minsan natatanong ko tuloy kung bakit ako nagkagusto rito sa kabila ng magaspang at hindi kaaya-aya nitong pag-uugali. "Alam mo ba kung ano ang karamihang ginagawa ng babae at lalaki sa loob ng sinihan?" ang tanong nito habang may multong ngisi sa labi. Bubuka pa lamang ang labi ko nang sansalahin iyon ni Luicke. "Hindi ako katulad n'yong dalawa, ni Lannion," agad niyang protesta. "Grabe naman, agad nagiging defensive ka! Wala naman akong masamang sinasabi a," pang- aasar pa nitong lalo. "Tatlong araw ka nang hindi sumasabay sa'min sa canteen," puna ni Xian. Siya ang sa tingin ko'y tumatayong leader sa kanilang grupo. "Naalibadbaran kasi ako sa mga kasama n'yo sa mesa, dito na lang ako sa mahal ko masaya na, marami pa akong natutunan," anito na siyang nagpatigil sa akin. Agad ko siyang tinignan pero nakangiti siya saka kumindat pa'ng muli. Naiinis ako minsan sa mga banat niyang ganiyan. "Para kang sira," naiusal ko na lang. Baka mamaya niyan paniwalaan pa siya. Nang mag-angat ako ng tingin ay ngisi ni Sidrex at Xian ang sumalubong sa akin. Napalunok naman ako, nang makita ko ang tila pagdilim na mukha ni Lannion. Saglit lamang iyon at nang tawagin ni Luicke ang pansin niya'y agad naging blanko muli ang kaniyang mukha. Gano'n siya kagaling, at gano'n kabilis ito magpalit ng expression. Para siyang puzzle na mahirap buuin. "Ikaw Lannion, saan na si Digna? Hinahanap ka no'n kanina," nagkibit balikat lamang ito sa tanong na iyon ni Liicke sa kaniya. "I'm done with her," ang mahina nitong sagot na nagpalunok sa akin ng lihim. Gano'n lang ba talaga kadali para sa kaniya ang magpalit ng nobya? "Ano bang tinuturo mo dito kay Luicke boy?" nakangising tanong muli sa'kin ni Sidrex. Iba talaga ang ngisi niya, naiilang ako ng konte. 'Di ko rin maiwasan pamulahan ng mukha. "Wala po, ako po ang tinutulungan niya na mag-review," sagot ko. Hindi ko matagalan ang ngisi niya kaya nag-iwas agad ako ng tingin. "Kasali siya sa napili upang maging representative ng university natin sa paparating na national fast quiz competition." Malawak ang ngiting agap na ani Luicke. May pagmamalaki sa boses nito na parang humaplos sa puso ko. He really appreciate me as me. Wala itong pakialam sa itsura ko. Gumuhit ang pagkamangha sa mukha ni Xian at Sidrex. Nanatiling blanko naman ang mukha ni Lannion. "Wooh, genius pala itong si Madelin." "Math genius iyan, dahil sa math siya sasalang. Maganda na matalino pa," ani Luicke na siyang nagpainit muli sa aking mukha. Padalas nang padalas rin ang atake ng kaba sa dibdib ko. Naakit akong muling tignan si Lannion. I saw him smirking. "Maganda, ikaw na talaga ang kakaiba ang taste, " may pang-uuyam na anito. Kahit si Sidrex at Xian ay biglang nabura ang mga ngisi nila. "What did you say?" nakaigting na pangang biglang tanong ni Luicke sa kaniya. Diretso ang tingin niya kay Lannion at hindi na kababakasan ng hinahon. But Lannion just smirked like a devil. Ewan ko pero nang mga sadaling iyon parang gusto ko na lang maglaho. Parang talim ng kutsilyo ang mga binitawan niyang salita. Mas masakit pala kapag nanggaling sa kaniya ang pangungutya. Parang ginugutay-gutay ang loob ko. Pati buo kong pagkatao. "Tama na iyan." Mahinahon na boses ni Xian. "Tara na Lannion, hunting na lang tayo ng chicks para mawala ang agiw ng utak mo. We'll see you later, Luicke. " baling nito kay Luicke. Inakbayan na nito si Lannion saka inakay na nito palayo. Yumuko na lang ako. As in yukong yuko! Dahil nag-iinit ang magkabilang sulok ng mga mata ko. Ramdam ko ang 'di mapigilang pagdungaw ng luha mula roon. Nasaktan ako ng sobra sa pamamahiya niya. Tumawa naman si Sidrex sa 'di ko malaman na dahilan. Pinagtatawanan rin ba niya ako? Nanatili akong nakayuko. Nang kausapin niya si Luicke ay simple kong hinawi ang luha ko. "Nice, Luicke. Siya ang pagtatawanan natin mamaya n'yan. Huwag mo lang galingan masyado baka ikaw talaga mahalin niyan at magpakamatay iyong isa." "Kapag ako ang minahal, tang*na niya wala nang bawian!" I heard him smirked too. Di ko masakyan ang ibig nilang sabihin. 'Di ko makuha kung ano ang pinag-uusapan nila. Lalo na't magulo ang isip at puso ko. Bakit gano'n na lamang kabigat ng loob sa akin ni Lannion? Masakit ang mga binitawan niyang salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD