MADELIN
KINAUMAGAHAN, ay halos magkumahog ako sa pagbaba ng trysikel.
Napasarap yata ang tulog ko at medyo late ang gising ko.
Sampong minuto na lamang at mag-uumpisa na ang unang klase ko.
Malalaki ang hakbang ko. Lakad, takbo na nga ako dahil sa pagmamadali.
Malapit na ako papasok ng building nang may madaanan akong isang grupo ng kababaihan at kalalakihan.
Dinig ko ang bulungan at kita ko ang mapang-asar nilang mga ngisi sa akin ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin pa.
Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagpatid sa akin ng isa sa kanila.
Kaya padapa akong bumasak sa simentong sahig.
Naramdaman ko ang pagguhit ng matinding kirot sa aking mga tuhod partikular sa kaliwa.
Akala ko pati mukha ko ay hahampas sa sahig.
Buti na lamang ay hindi masyadong malala ang pagkakabagsak ko. Pero gano'n pa man naglikha ng gagas sa magkabila kong tuhod ang ginawa niyang iyon.
Napapangiwi ako sa sobrang sakit.
Masama ko silang tinignan.
"Hoy pare, tignan mo masama ang tingin sa'yo ni Pangit."
"Gag*, bakit mo kasi pinatid. Paano kung humampas ang mukha niya sa sahig e, 'di lalong nasira?" malutong na halakhakan ang sumunod sa mga pang-iinsulto nila.
Pati iyong mga babaeng kasama nila ay naghagikgikan pa.
Nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko.
Yumuko na lamang ako para hindi nila makita ang nagbabadyang luha mula sa aking mga mata. Laglag ang balikat kong dinampot isa-isa ang mga libro kong natapon.
Pero gano'n na lamang ang pagkagulat ko nang may palad na humawak sa akin at tinulungan akong itayo.
Nang itaas ko ang paningin ay sumalubong ang nag-aalalang mukha, ni Luicke sa akin.
Nanginig ang mga labi ko kasunod ng pagyugyog ng balikat ko.
Umigting ang mga panga niya. Naging mabalasik ang anyo niyang hinarap ang grupo.
"Sinong gumawa niyan sa kaniya?" ang seryoso at madiin niyang tanong.
Nakita ko nang sabay-sabay na nabura ang ngisi ng mga ito at biglang napalitan ng takot.
Nakita ko ang sabay-sabay yata nilang paglunok.
"Sino!" ang malakas at galit niyang ulit, na kahit ako ay nagulat.
"S-si Tj, Luicke." Agad, at tila takot na takot na turo no'ng isa sa kasama niya na siya ngang namatid sa akin.
Agad kinuwelyohan ni Luicke iyong Tj, isinalya at idiniin sa pader.
"Kilala mo ba kung sino siya sa akin ha," ang matigas at tila paninindak pa nito. Natataranta ang sistema ko. Sa nakikita ko sa mukha ni Luicke ay talagang galit siya.
Kita ko naman ang matinding takot na nakaguhit sa mukha ng lalaki. Taranta ang isip ko pero hindi naman ako makakilos sa kinatatayuan ko.
Para akong naestatuwa. "Kilala mo?!" ang sigaw nitong muli at kinutusan pa ang lalaki.
Kita ko sa mukha ni Luicke ang panggigil sa lalake.
"H-hindi, L-luicke. S-saka bakit mo ba pinagtatanggol ang pangit at badoy na 'yan-"
Napapikit ako nang muli niya itong isalya sa pader bago pa nito matapos ang gusto nitong sabihin. Napaigik ang lalake at alam kong labis itong nasaktan.
Pati ang mga kasama nito ay biglang dumistansya habang nakaguhit rin ang takot sa kanilang mga mukha.
"Girlfriend ko ang binubully mo, Gag* ka! Narinig mo?!" ang galit na galit nitong sabi.
Para akong natauhan sa narinig. Tila nawindang ang buong kamalayan ko!
Ano raw? Girlfriend? Ako? Kailan pa?
At sa pangit kong ito? 'Di siya nahihiyang sabihin sa kanila ng ganiyan e, paano kung pagtawanan siya?
Nakita ko ang reaksyon ng mga babae na tila nabigla sa narinig at 'di rin makapaniwala.
Maya-maya ay umugong ang anasan at bulungan. .
Kaya napatingin ako sa paligid at do'n ko lamang din napansin na marami nang estudyante ang nanonood sa amin at nakikiusyoso sa nangyayari.
Huminto ang paningin ko sa isang grupo at para akong natuka ng ahas nang makita ko si Lannion kasama pa ang iba pa. Pawang nakatingin rin sa amin. Si Sidrex at Xian ay pawang may ngisi sa labi.
Samantalang may akbay naman si Lannion na ibang babae.
Blanko ang kaniyang mukha. Wala na ba sila ni Ryza?
Lalong lumakas ang ugong ng anasan at bulungan.
"Really, girlfriend siya ni Luicke? Ito lang ang 'ata ang joke na narinig kong hindi nakakatawa."
"Baka mangkukulam at nagawa niyang gayumahin si Luicke kaya gano'n," ilan lamang sa mga naririnig ko, kasunod nga ng mga pag-ismid nila.
Lalong nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha. Mabilis ang naging kilos ko.
Walang paalam na umalis ako sa lugar na iyon.
Narinig ko pa ang pagtawag ni Luicke sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa.
Habang patungo sa room namin ay panay punas ko sa aking mukhang hilam ng luha mula sa aking mga mata.
Sakto lamang din ang pagdating ko dahil nakita kong kakapasok lamang din ng prof namin.
"Dumating na ang pinaka-pangit sa paningin ko, akala ko hindi papasok."
"Ay, sorry girl. Malas natin at pumasok siya," maarti at nakalabing sabi Rosila, isa sa kaibigan ni Ryza.
Napahigpit ang yakap ko sa dala kong mga libro.
Masyado nang masama ang loob ko sa nangyari kanina.
Mag-aral nang mabuti ang pangunahing rason kaya ako narito. Para makapagtapos para sa aking pamilya.
Kaya hindi na lamang ako umimik pa at tuloy-tuloy na lamang ako sa aking upuan.
Mag-uumpisa pa lamang ang prof namin nang pumasok naman si Luicke sa room namin.
Taka siyang tinignan ng Prof namin.
"Sorry, Tito Mel. May kakausapin lang ako. " He interrupted. Naalarma ako, lalo na't alam kong nakatingin rin sa kaniya ang lahat.
Nang maglanding ang mga mata niya sa akin ay agad siyang lumapit sa kinaroroonan ko.
Gusto kong umiiling at pigilan siya pero parang wala itong pakialam na tinungo talaga ang kinauupuan ko.
Kita ko ang pagkamangha sa mga mukha ng mga kaklase ko.
Umugong muli ang bulungan at anasan sa paligid ko.
"Are you okay?" ang nag-aalala niyang agad na tanong sa 'kin.
"I'm so sorry if I did hurt that jerk infront of you, ayaw ko lang na basta ka na lang nilang e-bully nang gano'n." Ang tila masama ang loob nitong sabi.
Gusto ko sanang mainis dahil mas lalong nalalagay ako sa alanganin dahil sa ginagawa nito ngunit 'di ko naman magawa dahil kitang-kita ko naman kasi ang malasakit niya para sa akin.
His genuine care for me. "O-okay lang ako, mamaya na tayo mag-usap. Mag-uumpisa na ang klase ko." mahina kong bulong sa kaniya.
Para naman siyang natauhan.
Napatingin sa prof naman na hinahanda na ang projector na gagamitin sa lesson namin today.
"Oh, okay. See you then, this lunch?" ang aniya na kinatango ko.
Nagulat pa ako nang mabilis niya akong halikan sa noo.
Saka mabilis rin na tumalikod. Nag-paalam sa prof namin at lumabas na nang room.
Lalong lumakas ang bulungan at anasan patungkol sa akin.
Nang mapabaling ang paningin ko kila Ryza ay kitang-kita ko ang tila nag-aapoy na mga mata nila sa akin.
Umiwas na lamang ako ng tingin at sinikap kong itutok ang atensyon sa magiging discussion ng klase.
Tuwid ang upo at paningin kong tinutok sa harapan kung saan sinaway na rin ni Prof ang malakas na bulungan at anasan.
Nagawa kong sumagot sa lahat ng tanong na binabato ng prof namin sa klase.
"Si Madelin lang ba ang nag-aaral sa inyo? Ibang kamay naman, dito sa harap wala bang sasagot? Puro lang kayo daldal pero hindi man lang nag-aaral!" ang sermon pa nito sa klase.
Kahit nang bigyan niya kami ng biglaang quiz ay nagawa ko rin makakuha ng perfect score.
"Job well done, Miss Reyes. So impressive." Ang papuri ng prof namin sa akin. Timid lamang akong napangiti sa kaniya.
"May paparating na kumpitisyon na lalahukan ng ibat ibang unibersidad sa bansa." Ang imporma niya. Napalunok ako. Hindi ko alam pero naasam ako sa oportunidad na patunay sa unibersidad na ito ang kakayahan ko.
I want to earn their respect by showing my intelligence to lift this school up from other exclusive schools in the country.
Isa ito sa pinakamahal at pinakamagandang exclusive school sa bansa.
Ngunit mayroon din naman ilang unibersidad ang mahigpit nitong kakumpitinsya.
"I think, I'll recommend you to our dean as one of the representatives of our university this upcoming, fast quiz competition. " Ang nakangiting ani prof na labis kong kinatuwa.
Kinatanghalian nga ay para akong sira na agad binalita kay Luicke ang magandang balita. Tuwang-tuwa rin ito para sa akin.
Sabi pa nga niya ay handa siyang tumulong sa akin upang mag-aral at magsanay.
It was a fast math quizz competition kung saka-sakali.
Masaya kaming nagplano sa gagawin namin pag-iinsayo kung sakali mang isa nga ako sa mapipiling maging kalahok.
At muli, masaya ang naging kuwentuhan namin.
Tila ba sa isang iglap lamang ay nakalimutan ko nang tuluyan ang masaklap kong sinapit kaninang umaga.
Hindi ko nga rin alam, pero malaki ang naitutulong ni Luicke upang pagaanin ang aking pakiramdam.
Pakiramdam ko, isa na talaga siya sa maituturing kong totoong kaibigan.
Alam ko naman kung bakit nito nagawang sabihin sa lahat na girlfriend niya ako.
Gusto niya akong tulungan, sinabi niya iyon para kahit paano at hindi na ako i-bully ng iba.
Alam kong tunay ang pakikipagkaibigan niya sa akin. At masaya ako na kahit paano, naramdaman kong hindi na ako nag-iisa.