CHAPTER 4

1570 Words
MADELIN Mula nang araw na iyon na nakasama at nakausap si Luicke, ay parang naging magaan at maaliwalas lahat sa paligid ko. Sumigla ako dahil pakiramdam ko, nakatagpo ako ng bagong kaibigan. Isang kaibigan na tulad ni Elizabeth ay tanggap ako, na kahit saang anggulo ko tignan ay hindi ko makita ang pangdidiring madalas kong makita sa ibang tao. Pagdating ko nang bahay ay agad kong kinuha ang aking diary. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko. Matagal na panahon na nang muli akong makaramdam ng pananabik na kunin ang aking diary sa lalagyan at excited na isulat ang mga nangyari sa 'kin nang araw na iyon. Matagal na nang makaramdam ako ng sigla at saya habang isinusulat ko ang lahat ng pangyayari sa akin. Mula nang mangyari kasi ang aksidente, kung hindi ako malungkot habang nagsusulat, ay talagang umiiyak ako. It feels like, writing all my pain in the diary, is letting myself into torture once more. Maraming pagkakataon nga na nanginginig ang kamay ko habang hawak ang ballpen. Bumabaha ang luha sa mga mata ko habang parang sirang plaka na umuulit-ulit sa isip ko ang mga pangungutya, panglalait at pang-iinsulto sa akin ng ibang tao. But today was different. Sobrang saya ko! Pagkatapos ko, ay agad na akong nagbihis at nag-diretso sa kusina. Nagmano ako kay Lola at kila Aling Martha at Aling Brenda. "Aba, mukhang masaya 'ata ang aming dalaga," puna ni Aling Brenda sa 'kin. "Napansin mo rin pala Brenda, akala ko ako lang nakapansin na nakangiti ang mga mata ng dalaga natin sa unang pagkakataon na umuwi siya galing sa unibersidad. " I froze. Really? I was that very obvious? Ganoon ba talaga ang sayang naidulot sa akin ng paggiging malapit namin ni Luicke? Nakita kong nagkindatan sila Aling Martha at Aling Brenda. Si Lalo ay tila amused naman na nakatingin sa akin. Umaalon ang dibdib ko sa hiyang kumuha ng baso at kumuha ng maiinom. "May espesyal bang nangyari apo at mukhang masaya ka?" ang tila excited na tanong ni Lalo. Pagkatapos kong tunggain ang baso ng tubig nahihiya ko siyang hinarap. Napakamot ako sa aking kilay. "M-may bago po kasi a-akong... naging kaibigan, La." Ang nahihiya at alanganin kong sabi. Pero hindi ko maiwasan ang tuluyang ngumiti. Napapalakpak si Aling Brenda. "Ay ang sayang balita naman 'yan, mula nang pumasok ka ngayon ka lang nagsabi na may kaibigan ka na roon!" ang masaya niya sabi. "Babae? Kasing ganda ba at bait ni Elizabeth natin?" ang nakangiting tanong ni Aling Martha. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Nakita ko ang tila pag-aabang nilang tatlo sa magiging sagot ko. But then, nagawa kong umiling ng marahan. Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nila pati si Lola. Napabuka pa ang labi. Saglit silang nakatingin sa akin ng parang hindi makapaniwala! "Ibig sabihin, Lalaki?!" ang sabay pang malakas na sabi ni Aling Martha at Aling Brenda. Na siyang nagpadiin ng kagat ko sa aking labi. I didn't say anything, but I think the answer was already written on my face. On my reactions. Malawak ang ngiting nilapitan ako agad nila Aling Martha at Aling Brenda. "Ang dalaga namin, kaya pala iba ang ngiti!" ang tukso agad sa akin ni Aling Brenda. "Pogi ba? Nanliligaw?" pasigunda ni Aling Martha na kinabilog rin ng mga mata ko. Baka iba ang talaga ang ini-expect nila tungkol sa pakikipagkaibigan sa akin ni Luicke. Minsan ay napupunta pa naman iyon rito kasama ang mga iba nilang kaibigan. "Nako, hindi po magkaibigan lang po kami, isa pa--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may kunin ng malakas na tikhim ang atensyon naming lahat. Agad kumabog ang dibdib ko nang makita si Lannion na nakatayo ilang dipa mula sa kusina. Nakatunghay siya sa amin. Agad akong nag-iwas ng tingin kumilos. Agad akong umupo sa harap ng lamesa at nag-umpisang tumulong sa paghahanda ng mga lulutuin. "Ooy... Mukhang may manliligaw na ang aming dalaga," nagawa pang pakawalan ni Aling Brenda na kinapikit ng mga mata ko at kinadiin ng kagat ko sa aking labi. "W-wala p-po t-talaga, k-kaibigan ko l-lang po," mahina at utal-utal kong sabi. Parang may karerang nangyayari sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam pero napatingin ako sa kaniya at kitang-kita ko ang masama niyang tingin sa akin. Agad akong yumuko at nag-umpisang hiwain ang mga gulay. Nanginginig pa ang mga kamay ko. "Nariyan ka na pala Hijo," dinig kong bati ni Lola. "Puwedi po bang makihatiran ako ng meryenda sa library, Nana?"aniya kay Lola. " Aba sige. Ipaghahanda kita ng paborito mong meryenda at ipapahatid ko kay Madelin," s**t, bakit ako?! Lalo 'atang nanginig ang mga kamay ko. Hindi ko namalayan ang paglihis ng kutsilyo kong hawak. Napabitaw ako sa kutsilyo nang maramdaman ko ang pagkain ng talim no'n sa aking balat. Napaigtad ako at napangiwi. Para akong mahihimatay ng makita ko ang paglabas ng dugo. Agad kong tinakpan ng kamay ang nahiwa kong daliri. "Ay, ano ka bang bata ka, dahan-dahan ka lang naman Made!" agad akong dinaluhan ni Aling Martha na nang sandaling iyon ay nakatingin pala sa akin. Pinatayo ako't marahang iginaya sa lababo. Nakangiwi akong napasunod. Binuksan niya ang tubig. Kumuha ng kitchen paper na siyang pinang tuyo at itinakip sa sugat ko. "Halika at gagamutin ko. Mag-ingat ka sa susunod," pahabol na bilin niya pa habang hila-hila ako. Wala sa loob na napatingin akong muli kay Lannion, nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Masama pa rin ang tingin niya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Dinala ako ni Aling Martha sa kanilang kuwarto ni Aling Brenda. Nilinisan ang sugat ko. Hindi naman gaano kalaki ang hiwa pero madugo. Pinatakan niya ng betadine saka maayos na binalot ng gasa. "Salamat po, Aling Brend." Ang nahihiya kong sabi. "Alam kong sobrang guwapo niyang si Lannion at nakakapanginig ng kamay, kaya lang Made, ipapaalala kong babaero iyang batang 'yan. Baka masaktan ka lang." Ang walang pakundangan niyang sabi na kinabilog ng mga mata ko. Nang mapatingin ako sa kaniya'y nan-aarok na mga mata ang sumalubong sa akin. "Nahahalata ko kasi ang kakaiba mong kilos kapag nariyan siya, natataranta ka. Hindi kita masisi dahil napakapogi nga naman iyang alaga naming iyan. Pero Made, ako na ang nagsasabi saiyo--" "Hindi naman po magkakagusto ang tulad niya sa akin, alam ko po iyon Aling Martha. Pero hindi ko po maiwasang mataranta kapag-" "Kasi may paghanga kang nararamdaman sa kaniya, Made. At natural lang iyon. Pero sana hindi lumalim ang paghanga na iyan at mauwi sa pag-" "Aling Martha naman, alam ko naman pong hindi iyon papatol sa tulad kong pangit at mahirap lang." Ang malungkot at nakanguso kong sabi. "Made, maganda ka pa rin naman kahit pa may malaking pilat ka sa mukha at Matalino. Mababait sina Ma'am Emma at Sir Lemuel at walang kaso sa kanila kung mahirap ka, ang problema, sobrang babaero iyang anak nila! " ang mahabang pagpapaliwanag niya sa akin. Ini-elaborate pa niya talaga ang pilat ko. Malaking pilat sa mukha daw. Pero alam kong nag-aalala lamang siya sa akin. Iyon ko lamang din napagtantong nahahalata pala ng iba at nakikita ang noon pa'y paghanga ko para sa kaniya. Gano'n pala ako ka-obvious. Bigla akong nangamba. Baka kapag nalaman nila ang pagiging malapit namin ni Luicke, ay mabigyan pa iyon ng kulay. Sana naman ay hindi. Masaya lang talaga ako na makasumpong ng isang bagong kaibigan. PAGBALIK namin sa kusina ay nakahanda na ang meryenda ni Lannion. Bakit hinintay pa talaga ako. "Apo, ikaw na ang maghatid nito kay Lannion sa library, kaya mo ba?" tanong ni Lolang tinuro ang nakahanda nang tray na naglalaman ng meryenda. Marahan na lamang akong tumango kahit naaalangan ako. Pagdating sa tapat ng pintuan ay hindi ako agad na kumatok. Naririnig ko ang boses niya tila may kausap pero hindi ko naman maintindihan dahil makapal ang nakapinid na pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses. Narinig ko ang mahinang sagot mula sa loob kaya itinulak ko na lamang iyon at pumasok. Nakangiti siya habang nasa tainga ang hawak na cellphone. Ni hindi niya ako tinignan. "Yes, babe. Huwag ka nang magtampo. Pupunta nga ako at sa condo mo pa ako matutulog, okay lang ba iyon?" dinig kong usap niya sa kabilang linya. Gusto kong mapasimangot dahil sobrang lambing ng boses niya habang nakikipag-usap. Ibang-iba sa mga akto niya sa tuwing nakatingin sa akin. Malabo nga yata niya akong mapansin man lang. Kahit na maski bilang kaibigan lang yata ay tila sobrang alangan. Marahan kong inilapag ang tray sa bakanting bahagi ng lamesa. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Wala man lang talaga siyang pakialam. Agad na akong tumalikod at 'di na rin ako nag-abala pang magpaalam. Pagkalabas ko nang pintuan at pagkapinid noon ay saglit akong huminto at huminga ng malalim. "Huwag ka ngang makulit diyan, Ryza! Hindi ako pupunta, nabigla lang ako!" napakunot ang noo ko. Kanina lang ang lambing ng boses niya bakit ngayon para siyang sumisigaw sa kabilang linya? "Don't irritate me, kun'di kay Zuseth ako pupunta at hindi sa'yo." Napaurong ang leeg ko. Ano iyon, may iba siyang babae at alam ni Ryza? Napakagat ako sa ibaba kong labi. Ganito ba kababaero siyang talaga? Parang wala siyang pakialam sa mararamdaman ni Ryza? E, siya nga iyong girlfriend 'di ba? Narinig ko ang kalabog at pag-sigaw niya sa loob kaya natauhan ako't napatuwid ako bigla. Mabilis ngunit maingat ang kilos na nilisan ko ang harap ng library.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD