CHAPTER 3

1684 Words
MADELIN Lumipas ang buwan ko sa unibersidad bilang isang estudyanting mailap sa mga kapwa ko estudyante. Unti-unti na rin naman akong nasasanay sa mga kakaibang tingin na ipinupukol nila. Nasanay na rin ako sa mga panglalait nila sa akin. Araw-araw na yata kong naririnig iyon sa grupo ni Ryza. Ewan ko nga ba, bakit parang tila 'di kompleto ang araw ng grupo na iyon nang hindi ako kinukutya. Kaya naman hangga't maari, ay talagang iniiwasan ko sila. Iniiwasan ko ang mga lugar na alam kong nando'n sila. Hindi na rin ako pumupunta sa canteen. Sa likod ng university building na ako namamalagi tuwing lunch. Open field naman iyon at may ilang puno na puweding silungan. May mga bench doon na upuan. Buti pa doon, tahimik. Bukod sa makakalanghap ka ng sariwang hangin. Pagdating naman ng bahay, gano'n pa rin. Si Lannion, hindi ako pinapansin. Ni hindi yata niya alam na magkasama kami sa iisang bubong. Kahit nasa harapan ko siya, parang hindi niya ako nakikita. Taliwas naman sa naging relasyon ko kay Elizabeth. Mula nang manirahan ako rito sa mansyon, mas naging malapit pa kami sa isat isa. Napangiti ako nang maalala si Elizabeth. Kahit paano, gumagaan ang pakiramdam ko. Kasi naisip kong, mapalad pa rin ako na may totoo akong kaibigan na gaya niya. Kinuha ko ang libro ko sa susunod kong subject mamaya. Pinasadahan ko iyon ng basa habang ngumunguya sa hawak kong sandwich na baon ko. "Ayos, kahit lunch sipag pa rin mag-aral. Sana lahat ng estudyante katulad mo," napatuwid bigla ang upo ko at halos mapaigtad ako nang marinig ang baritonong boses na iyon. Halos mabilaukan ako sa pagkagulat. Agad kong kinuha ang baon kong tumbler at uminom ng tubig. Napapaubo pa ako nang mahina pagkatapos. Agad naman gumuhit sa mukha niya ang pag-aalala kaya dali-dali niya akong dinaluhan. Lalo 'ata akong napaigtad nang maramdaman ko ang palad niyang humagod sa aking likod. Napatayo na ako mula sa aking kinauupuang bench. Nanlalaki ang mga mata ko itong tinignan. Nag-umpisa kong damputin ang mga gamit ko. May pagmamadali sa bawat kong kilos. Bakit ba, basta-basta na lamang siyang lumalapit? Nakaramdam ako ng inis. Hindi ba siya nag-iisip? Baka kapag may makakita pagtawanan siya o 'di kaya ako naman iyong mahusgahan. "I-i'm s-sorry, Madelin... Nagulat ba kita?" Napahinto ako. Alam na niya ang pangalan ko? Tinawag niya ako sa aking pangalan at parang natural na natural na lamang iyon na lumabas sa kaniyang bibig. "Please, huwag ka naman umalis. Gusto lang naman kitang maging kaibigan." Aniya na habang tila nakikiusap ang mga matang nakatingin sa akin. "N-naaawa ka ba s-sa a-akin? kaya--" "No, bakit naman kita kakaawan?" huminga siya ng malalim. "Iniisip mo bang kinakaawaan kita dahil sa mukha mo? Dahil sa binu-bully ka ng karamihan estudyante rito?" agad akong nag-iwas ng tingin sa walang preno at filter niyang tanong. Naramdaman ko ang biglang pag-iinit ng magkabilang sulok ng mga mata ko. May tao pa ba dito sa school ang may gusto akong kaibigan? Parang napakahirap naman 'ata iyong paniwalaan. Sa araw-araw na lang kasi ng buhay ko sa unibersidad na ito'y puro panglalait,panghuhusga at pang-uuyam ang mga naririnig sa iba. Pero hindi kaya tulad nila, nagiging mapanghusga na rin ako? Pakiramdam ko na lang e, lahat sila ay nandidiri sa akin o 'di kaya'y pinagtatawanan ako? "Nagugutom na ako," napasunod na lamang ako ng tingin sa kaniya. Agad siyang pumuwesto sa bench na kinauupuan ko kanina at umupo roon. "Ang ingay sa canteen, gusto kong makakain ng matino. At para makakain ako ng matino, dapat matino rin ang kasama ko," nakangiti nitong sabi. Tinignan ako at kumindat pa! Para pa rin akong namamlikmata. Hindi pa rin ako makahuma sa kinatatayuan ko. Nakatingin lamang ako sa kaniya. Walang kurap. Tinapik nito ang naiwang espasyo na upuan. "Ano, sige na. Sabay na tayong kumain. Gutom na talaga ako." Ang aniya pangbubugaw sa pananahimik ko. Umaasta siyang tila matagal na nga kaming magkakilala. Nag-aalangan man, ay nagawa ko pa rin umupo sa tabi niya. Napatingin ako sa kaniya pero parang wala siyang pakialam at malalaki ang kagat niya sa hamburger niyang hawak. Halatang marami siyang binili, kita ko iyon sa paper bag na dala niya na akala mo'y ilang katao ang kakain. Well, malaki naman siyang tao at alam kong kulang ang isa o dalawang hamburger sa kaniya. Kimi akong dumanpot ng sandwich mula sa baonan kong dala. "Gusto mo, marami akong binili," alok niya. Agad akong napailing at pinakita ang baonan kong may laman pang sandwich. Nanatili akong tahimik. Panay naman ang salita niya. "Ito ang gusto ko e, ako lang iyong madaldal, ako lang ang bida," aniya na kinakunot ko ng noo. Nakangiti siyang nilalantakan ang pangalawang burger niya. Tumingin siya sa akin, kumindat na naman siya. Nag-init ang magkabilang pisngi ko... "W-wala n-naman k-kasi akong s-sasabihin," kimi kong sabi. Napatigil siya pag-nguya at napatingin sa 'kin. Nahihiya akong salubungin ang mga mata niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Naaawa ba siya sa akin kaya nakikipaglapit siya? "Puwede mo akong kuwentuhan tungkol sa'yo, " muli kong kinabigla ang sinabi niyang iyon. Bakit siya interesado? At ano naman ang gusto niyang ikuwento ko e wala naman kaintira-tirasado sa buhay ko? "H-hindi ka ba natatakot na baka pag..." napahinto ako. Napayuko... Nahihiya akong sabihin.. " Na baka pagtawanan ka nila dahil kinakausap mo ako?" sa wakas ay naisatinig ko. Mula nang dumating ako sa unibersidad na ito ay walang sino man ang nagtangkang lapitan ako. Lahat sila ay parang pinandidirihan ako na parang isang nakakahawang sakit. "Bakit naman ako mahihiyang kasama ka? Dahil ba sa nangyari sa mukha mo?" I heard him smirked. Nanatili akong nakayuko. "Baka nga kapag nalaman ng tropa ko kung sino ka, baka may mamatay sa amin sa selos," he laughed out loud. Napasimangot ako. He wasn't sounds sarcastic tho, pero paano niya nasabing baka may mamatay sa kanila sa selos? Kaysa sa pagtuunan ko pa ng pansin ang mga sinasabi niya kinuha kong muli ang libro kong binabasa kanina at binuklat iyong muli.. "Ganyan ka ba talaga kahit noong nasa Bataan ka pa? Puro pag-aaral ang inaatupag?" huminga ako ng malalim. Kahit noong nasa Bataan ka pa? Natural lang din iyon na lumabas sa bibig niya. Pero naisip ko baka kasi alam niyang apo ako ni Lola at alam nilang taga roon din ang Lola ko. "H-hindi naman, marami rin naman akong kaibigan dati pero nawala na lang at iniwan ako nang...." I suddenly paused, when I remembered how most of my friends left since that accident ruined my face.... Ruined my life. It was painful to remember. Parang sariwa pa ang sakit.. Nararamdaman ko pa ang matinding sakit sa dibdib ko noong mga panahon na 'di pa ako sanay sa pangungutya at pangdidiri ng mga tao. Bigla kong naramdam ang bikig sa lalamunan ko. Ang tila malaking batong biglang bumara doon kasabay ng pagragasa ng mga emosyon. Hindi ko namalayan ang pagbagsak ng mga luha mula sa mga mata ko. Napahikbi ako... Nakalimutan ko ang hiya. Hindi ko siya gaanong kilala. Ang alam ko lang, he's one of Lannion's friends. He's name is Luicke, isa sa mga madalang na taong nagpapakita sa akin ng kaibaitan. Kung ito man ay totoo o hindi, at least kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko sa pakikisimpatya nito. Naramdaman ko ang masuyong paghagod ng palad niya sa likod ko. Ewan ko pero hindi ko siya sinaway. Matagal-tagal na rin nang maramdaman ko ang emosyon na ito. Iyon bang naibubuhos at nailalabas ko ang sakit at lahat ng emosyong nakatago sa dibdib ko ng malaya. Nailalabas ko nang hindi nag-aalala na baka maapektuhan lalo ang mga taong alam kong totoong nagmamalasakit at nagmamahal sa akin. Ayaw ko silang pag-alalahanin ng husto kaya madalas, tinitiis ko na lang ang sakit. Tinatago ko ang lahat ng sakit at emosyon sa dibdib ko. Tila ba isang hinihipan na lobo. Naipon ang hangin at may isang taong mapangahas na tinusok iyon ng karayum at biglang pumutok! At ngayon, sa bawat pagbuhos ng luha ko,ay may isang taong dinadamayan ako "It must have been so very painful then," naiusal niya habang patuloy ang paghagod niya sa likod ko. Tumango ako ng marahan. "S-sobra... s-sobrang sakit..." I utterly said. My voice was full of pain as I felt inside my chest. "You're so brave Made, and so kind...How I wish na mas dumami pa ang mga katulad mo sa mundo," He laughed a little. He's genuine. I felt it.. "Masaya at sigurong walang masyadong gulo sa mundo kapag gano'n." Hinawi ko ang mga luha ko sa magkabila kong pisngi. I can't believe it. I just cried in front of him. I just let him see the vulnerability side of myself. Tinuyo ko nang mabilis ang mga luha ko, biglang bumalik ako sa wisyo at nakaramdam ng hiya. "P-pasensya ka na, Luick--" ang taranta kong sabi nang tila matauhan ako. "It was just okay, Made. Puwede ba kitang sabayan lagi rito tuwing lunch?" "Hindi ka ba nangangamba na baka-" "I don't really care that much, and I think, that's what you need to learn, to be happy again." Ang seryoso niyang turan sa akin habang deretso ang mga mata sa akin. "Don't care too much of what might people say, instead, be happy...That's where you should focus on yourself." Maang akong napatingin sa kaniya. Kumindat na naman siya. Napangiti na ako. Biglang gumaan ang dibdib ko. "Kahit nga perpektong tao, nahuhusgahan so bakit mo iisipin pa ang sasabihin at tingin sa iyo ng iba?" ang aniya pang mas lalong nagpabigay sa akin ng kakaibang pag-asa. Ilang sandali lamang ay tuluyan na ngang nagiba ang natitirang harang sa pagitan namin na ako ang naglagay. Ilang sandali lamang, ay masaya na rin kaming nagpapalitan ng kuwento sa isat-isa. May mga sandali pa ngang sabay kaming napapatawa. Pero bakit gano'n may mga pagkakataon na tinititigan niya ako. Ewan ko ba kung namamalikmata lamang ako pero tila naaninag ko sa mga mata niya ang pagkamangha. Pero 'di kaya dahil lamang sa pilat ko sa mukha? Agad akong napayuko at nakaramdam ng hiya, alam ko naman kasing agaw pansin talaga ang pilat ko sa mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD