MADELIN Naging masaya at maingay ang lahat. Nag-umpisa na rin ang kantahan. Laging nasa tabi ko lamang si Lannion at tila walang balak itong mapalayo sa akin. Ramdam kong hindi niya ako ipapaubaya sa kabilang grupo na akala mo ba'y malalamangan siya kapag ginawa niya iyon. Napailing na lang ako ng lihim. Damn. Kanina nakita kong pasimple siyang inakbayan ni Luicke at tila inaakay paupo pero sinamaan niya ng tingin si Luicke. May sinabi ito saka pinalis niya ang braso ni Luicke sa pagkakakbay. Tinaas ni Luicke ang kamay na tila sumusuko. Napapailing na lang si Luicke na bumalik sa kaniyang upuan. Ayaw ko na sanang pansinin pa ang pagkatopakin niya kaya sinubukan kong umiwas ng tingin sa kaniya. Pero sadyang hindi ko yata maiiwasan, ramdam na ramdam ko ang bigat ng titig niya

