“Let’s go.” Bitbit ang aking bag ay sumunod ako kay Miguel. Ayoko ko sana munang bumalik doon sa cottage ngunit nilalamig na talaga ako. Dala rin siguro ng labi na pag-iyak kaya parang nanghihina ako. Mabagal ang mga lakad ko. Si Miguel naman ay mabilis ang hakbang pabalik sa cottage namin. Hindi ko alam kong bakit pero tingin ko mas mainam na rin na may distansiya kami sa isa’t-isa. “Maria!” Sigaw ni Ryan na tumatakbo palapit sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay na makalapit sa akin ang lalaki. “Ryan…” Naiiyak na sambit ko ng makita ito ng malapitan. “Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong nito sa akin. Tumango naman ako pero napapahikbi. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong naging emosyonal ng makita ang lalaki. Marahil sa likod ng isip ko a

