Inilapag ko sa tabi niya ang nirequest nitong black coffee without sugar. Patingin-tingin lang naman si Cardo sa akin habang nakasandal sa hamba ng pintuan. May pinag-uusapan silang dalawa na hindi ko naman lubos na maunawaan. Lutang ako ngayon dahil hindi ako nakatulog kagabi. Gustuhin ko man ay hindi ko magawa dahil paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang eksena namin ni Sir Miguel kagabi. "Come back here as soon as you can, Cardo. Kahit wala na si Adelle ay kailangan pa rin kita rito." Seryoso habang nagsasalita si Sir Miguel. Sa sobrang seryoso ay hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Aalis si Cardo. Iyon lang ang tangi kong naintindihan sa kanilang usapan. Saan pupunta si Cardo at pinababalik niya agad? Bibili ng suka sa may tindahan sa kanto? Pero bakit parang iba ang

