KABANATA 11

1787 Words

Hindi naging madali para sa akin ang pag-alis ni Cardo. Noong unang araw ay para kaming nagtatago-taguan ni Sir Miguel. Halos hindi na kami magkitang dalawa maliban nalang kapag dumarating ito sa gabi. Hinihintay ko kasing dumating ang amo dahil baka umuwi itong lasing. Walang mag-aasikaso rito kundi ako. So far, hindi naman ito umuuwing wala sa wisyo. Nakainom lang siguro pero hindi naman lasing na lasing gaya noong mga nauna. Nakikita ko itong nag-aakyat ng maiinom sa kwarto. Naiisip ko ngang nakikisama rin ito sa sitwasyon naming ngayon dito sa bahay.   "Ma'am, andito na po tayo." Pag-iimporma sa akin ng tricycle driver nang tumigil ito sa harap ng isang sikat na kainan. Ang restaurant na sinabi sa akin ni Sir Miguel na puntahan ko.   "Magkano po?" Tanong ko sa tricycle driver.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD