Dahil ayaw ni Maxwell na bumalik sa kwarto ni Miguel ay pinahanda ni mamita ang katabing kwarto nito. Karga ko si Maxwell habang nakaupo kami sa gilid ng kama. He is so silent. Ganito siya kapag nagagalit o di kaya ay masama ang loob. “Baby, what are you thinking?” untag ko sa aking anak. He remained silent but hugged me tight. Natatakot ako kapag ganitong hindi siya nagpapakita ng emosyon. Matapos kasi ang insidente kanina ay hindi na ito kumibo. “It’s okay to cry. Tough guys also cry, right?” Hinagod ko ang likod nito ng biglang umalon ang dibdib nito. He is crying. “Is it true? Tatay doesn’t like me?” Parang biniyak ang puso ko ng marinig ang tanong ng bata. I never thought that this would happen to us. “It is hard to explain, my loves. You know why? Because

