Wala akong nagawa kundi ang sumama kay Sir Miguel. Nakatulog kasi si Maxwell sa balikat nito. Mukhang napagod ang bata sa paghihintay namin sa airport. Na-delay kasi ang flight namin sa hindi malamang dahilan. Hindi ko sana gustong sumunod sa dating amo pero hindi ko rin naman pwedeng iwanan sa kanya ang anak ko. Magkakamatayan muna kaming dalawa bago niya makuha ang bata. “Paanong nalaman ni Miguel ang tungkol kay Maxwell?” Napalingon ako kay Manang Sonia. Alalang-alala itong lumapit sa akin. Nandito kasi ako sa labas ng mansion. Pinauna kong pumasok sina Sir Miguel dahil tinawagan ko pa si Z. Ipinaalam ko rito na nandito kami sa poder ng pinsan niya. Wala naman itong sinabing ano pa man. Susunduin niya raw kaming dalawa ng anak ko dito sa Pilipinas. “Hindi ko rin po alam, manang. Isa

