KABANATA 7

2126 Words
IT TOOK US forty minutes from the airport bago makarating sa bahay ni Sir sa Cebu City. Hindi naman kami sinundo nito gaya ng plano. He just instructed Cardo na sumakay ng cab. Ako naman ay sunod-sunoran lang sa lalaki. Mukhang alam naman nito ang ginagawa niya sa buhay.   "How's the flight, Cardo?" Tanong ni Sir Miguel sa bodyguard/driver ng pagbuksan kami ng pintuan. Hindi naman kasi naka-lock ang gate kaya pumasok na kaming dalawa.   Napaismid ako habang nakatayo sa likuran ni Cardo. Hindi man lang yata nito naalalang kasama ako ni Cardo. Sumakay din naman ako sa eroplano pero bakit hindi niya ako tinanong kong kumusta ang byahe.   "Okay lang naman, Sir." Tipid na sagot naman ni Cardo. Okay lang sa kanya, sa akin hindi. Pagkababa ko nga kanina ay dali-dali akong tumakbo sa gilid ng daan at nagsuka. Hindi ko na talaga kinaya ang hilo. At parang nang-aasar naman ang cab na sinakyan namin dahil umaalingasaw ang air freshener nito.   Parang gusto kong sumabat at sabihing, it was a bumpy ride.  Pero low batt na ako ngayon kaya naman sinarili ko muna. Iniisip ko rin kasi ang paulit-ulit na habilin sa akin ni Manang Sonia.   Humikab ako sa gitna ng pag-uusap nilang dalawa ni Cardo.   "You look sleepy." Sa wakas ay napansin ako nito.   "Gusto ko na pong matulog, Sir. Pwede po bang bukas ka nalang chumika?" Sa estado ko ngayon, kahit siguro sa karton ako matulog gagawin ko na.   "Okay. Follow me." Sumunod lang naman ako rito.   Patingin-tingin ako sa loob ng bahay.   "Cardo, same room ka." Nilingon niya ang lalaki sa sala.   Kami naman dalawa ay umakyat na sa itaas. Ang shala naman ni Sir Miguel, sa second floor ang room ng maid. Usually, nasa malapit ng garahe o di kaya ng kusina ang servant’s quarter.   "She's the maid you were talking about?"   Nagulat pa ako ng makita si Ma'am Adelle sa itaas. Naka-silk robe pero hindi nakatali kaya kita ko ang black negligee na suot nito. Siya na ang pinagpala sa kagandahan at kaseksihan. Pak na pak talaga ang pa-collar bone ni madam. Nahiya ang 38-26-40 na vital statictics ko.   "Yes, babe. This is Maria. Hindi mo siya nakikita sa mansion because she is doing the laundry." Pakilala ni Sir sa akin. Hindi naman kasi talaga ako kilala ni Ma'am dahil hindi naman ako nito nakikita kapag dumadalaw kay Sir sa mansion. "Okay. Can you get me a glass of water, Maria? I'm thirsty."   Can you give me a break, Ma'am? Nahihilo pa po ako. Gusto kong isagot rito. Kaya ayaw kong nagtatravel by air, nahihilo ako madalas.   Pero susundin ko naman sana ang utos nito kung hindi lang ako pinigilan ni Sir Miguel.   "Babe, can you do it for yourself? Pagpahingahin muna natin si Maria. Mukhang may jet lag sa biyahe." Malambing na sabi ni Sir sa nobya.   Para naman itong ahas na lumingkis sa braso ng nobyo.   "Yeah, sure." Persuasive naman na wika nito sa nobyo. Pero ang sama naman ng tingin sa akin.   “You’re really an angel, babe.” Hinalikan nito sa nuo ang nobya.   Napayuko ako sa nakita. Ang sweet nilang dalawa. At nakakasama ng loob kasi may single sa harapan nila pero sige pa rin sila sa paglalampungan.   Bumalik ang tingin nito sa akin ni Ma’am Adelle. At tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. But wait, she looked back on my face. Wala naman siyang dapat na ika-insecure sa akin. I maybe beautiful but I am thick. At tsaka huwag siya masyong mainggit sa boobilya ko. Uso naman ngayon ang flat, di gaya ko na parang makakabuhay ng tatlong sanggol.   "Bakit dito siya sa taas matutulog? May kwarto naman sa ibaba para sa mga katulong." Tanong nitong muli. Naramdaman ko agad ang kagaspangan ng babae.   "Cardo will be occupying the room. Hindi naman sila pwedeng magsama sa iisang kwarto. You know what I mean."   Ah, kaya pala. Doon pala si Cardo sa servant’s quarter matutulog kaya nandito ako sa itaas. Mabuti naman at naisipan nito na huwag kaming pagsamahing dalawa sa iisang kwarto.   "Cardo's here, too?" Bigla nalang ay parang lumiwanag ang mukha nito sa sinabi ni Sir Miguel.   Ako naman ay lalong napasimangot. Wow, may favoritism na agad sa aming dalawa ni Cardo. Halatang-halata, hindi man lang itinago. O di, dun siya magpakuha ng water!   "Yes, he's here. Para naman hindi ako ang kulitin mo sa mga lakad mo dito sa Cebu. I will be very busy for expansion and I cannot be with you all the time."   Kaya naman pala sobrang happy ng bruha. Pero in fairness, ang taray ni Ma'am Adelle, dinalhan ng driver para makapagliwaliw.   Pasimple akong tumingin kay Sir Miguel. He really loves Ma’am Adelle. Maswerte si madam sa part na iyon. At nalulungkot naman ako dahil doon. Wala na talagang pag-asa na makuha ko pa ang pagmamahal ni Miguel Sawyer. Hindi talaga lahat ng pangarap ay natutupad.   Chos lang naman! Ang mahalaga nalang sa akin ngayon ay matanggal ang sumpa sa daliri ko. Ang matanggal ang singsing sa daliri ko na pinag-uugatan ng kamalasan ko sa buhay.   "Thanks, babe. You're the best boyfriend ever!" She kissed him on the lips. Napalunok nalang ako ng tumugon si Sir Miguel.   At dali-dali na itong bumaba sa hagdan ng maghiwalay ang mga labi nila. Huwag sana siyang mahulog sa bilis ng pagbaba nito sa hagdan.   "This will be your room." Binuksan ni Sir Miguel ang pintuan sa pinakadulong bahagi. Tatlong pinto ang pagitan mula sa kwartong nilabasan ng nobya nito -- ang kwarto nilang dalawa malamang.   Triple ang laki ng kwarto na pinagdalhan sa akin ni Sir kesa sa maid’s quarter na tinutulugan namin doon sa Manila. Ang wall ay may color combination ng white at lime green. Tingin ko palang alam kong guest room iyon.   Inilagay ko ang aking dala sa gilid ng kama tsaka ako humiga. Mukhang marerelax ang sino mang matutulog dito sa lambot ng kama. Kumuha ako ng isang unan at niyakap iyon ng mahigpit.   "Are you aware that I am still here?"   Napamulat ako ng mga mata. Nawala sa isip ko na kasama ko siya.   "Pasensiya na Sir, antok na talaga ako. Wala na akong powers makipag-kwentuhan sa inyo. Pwede ka na po bang lumabas?" Medyo nahihiya kong sabi rito.   Bahagya itong napatigil. Pero kapagkuwan ay nagsalita.   "Okay, I will leave you here. Mukha namang komportable ka sa kwartong ito. And by the way, maaga kang gumising bukas at mamamalengke kayong dalawa ni Cardo."   "Sige po." And I really dozed off to bed.   Alas-cuatro y media palang ay gising na ako. Nakaligo na rin ako kaya feeling fresh and beautiful in the morning ang peg ko.    I am recharged now! One hundred percent!   Bago ako bumaba ay tumawag muna ako kay Manang Sonia. Ipinaalam ko rito na buhay pa ako. Natuwa naman ito sa nalaman at binilinan na naman ako nitong muli na huwag na huwag gagalitin ang lalaking amo. Umuo naman ako sa matanda at sinabing mabait ang trato ni Sir Miguel sa akin dito. Marahil dahil kasama nito nobyang nagpapasaya sa kanya.   "Ganda naman ng house ni Sir Miguel dito sa Cebu. Sana all talaga mayaman!" Kausap ko sa sarili habang inililibot ang mata sa buong kabahayan.Ngayon ko lang kasi naapreciate ang bahay. Halos pareho ng design ng mansion nito sa Manila. Smaller version lang ang narito sa Cebu.   Mabilis akong tumungo sa kusina. Magluluto ako ng almusal bago kami tumulak para mamalengke.   "Good morning, Cardo!" Bati ko sa lalaki nang maabutan kong nagkakape sa kusina.   Wala itong suot na shades at nakasandong puti lang. Kitang-kita ang muscles nito sa braso. Mukhang pinapakitaan talaga ako nito.   "Aba, ganda ng gising ah. Hindi ka nagsusungit ngayon. Morning din... Tara, kape." Itinaas pa nito ang tasa na para bang nasa commercial ito sa tv.   "Salamat. Pero sana kung mag-aalok ka, ipagtimpla mo na rin ako." Sagot ko rito.   Napakamot ito ng batok at tumayo. Kumuha ng tasa at nagsalin ng kape mula sa coffe maker.   "Here." Inabot nito sa akin ang umuusok na kape.   "Thank you, Cardo. Hindi pa ba sila gising?" Tanong ko rito habang sumisimsim ng kape. Ang tinutukoy ko ay ang love birds na nasa itaas.   "Gising na si Sir Miguel. Lumabas at nag-jogging." Kaya pala fit na fit ang katawan ng amo ay dahil health conscious ito.   "Sana lang bumili siya ng pandesal. Wala bang malapit na bakery dito?" Tanong ko kay Cardo.   "Gusto mo ba?" Tanong naman nito pabalik sa akin.   "Ng pandesal? Oo sana. Masarap isawsaw sa kape yun eh."   Tumawa ito. "Hindi. Tinatanong kita kung gusto mo ba akong maging asawa."   Bwisit talaga! Ang aga pa para maglokohan kaming dalawa.   "Ahh, ganun?! Etong tanong ko. Magaling ka ba?"   Ngumisi agad ito.   "Sa kama? Sus, ako pa ba?" At flinex pa nito ang muscles sa braso niya. "I mean, magaling ka ba? Magaling ka bang umilag? Kasi balak kong ibato sayo itong hawak kong tasa." Gigil na sabi ko rito.   "Alam mo ikaw, di na mabiro. Eto na nga, bibili na ng pandesal. Kung hindi lang kita crush, who you ka talaga sa akin." Bubulong-bulong itong tumayo at naglakad palabas ng kusina.   Nang mapag-isa ay agad akong naghanap ng mailuluto sa ref para sa breakfast ng mga amo ko. Tsaka ko lang naalala ang sinabi ni Sir Miguel kagabi. Walang laman kundi puro tubig lamang. Binuksan ko ang mga cupboards, empty din. Tingin ko kailangan kong iremind si Sir Miguel tungkol sa mga groceries.   "Nakalimutan niya sigurong ibilin kay Cardo." Kausap ko sa aking sarili.   "Mabuti naman at gising ka na. Let's go." Nagulat pa ako ng magsalita si Sir Miguel sa aking likuran. Bagong shower ito. Nakasuot lamang ng white shirt at maong shorts.   "Saan po tayo pupunta, Sir?" Maang tanong ko rito.   "Supermarket." Kumuha ito ng bottled water at derechong tinungga iyon. Wala sa sariling napahawak ako sa aking lalamunan. Nauhaw din yata ako. Parang gusto ko tuloy maki-share sa tubig ni Sir Miguel.   "Akala ko po ba kami ni Cardo ang pupunta para mamili?" Kesa itanong ko sa utak ko, tinanong ko nalang ng derecho sa amo.   Napakunot ako ng nuo habang nakatingin sa gwapong mukha nito. Why the sudden change of plan? Huwag niya talagang sabihin na nagseselos siya kay Cardo.   "Nope. Tayong dalawa nalang. I cannot risk it. Baka takasan mo si Cardo at umuwi ng Negros. You have your family there. They can back you up. Mahirap na!"   Napamulagat ako sa narinig. Grabe talaga ang takbo ng utak ng lalaking ito. Hanggang dito ba naman wala itong iniisip kundi ang singsing niya. And to think na akala kong mabait na ito ng kaunti dahil kasama nito ang nobya niya. So, I thought wrong pala.   "Utak niyo talaga Sir kahit kelan? Sige lang, maging clingy ka sakin. Tingnan lang natin kung sino ang hindi madevelop in the end. Huwag mo akong iyakan kapag binasted kita. Kala mo ha?" Naiinis na bulong ko. Tanging ang sarili ko lamang ang nakakarinig.   "What? Ano na naman 'yang binubulong-bulong mo diyan?" Baling nito sa akin.   "Wala po, Sir. Nagdadasal lang po ako para safe tayo papuntang supermarket. Tara let's!?"   Nagpatiuna na akong lumabas. Mahirap na at baka kung ano pa ang masabi ko lalo na at ang alam ko ay wala pa namang bukas na supermarket sa mga oras na ito. Imagine, alas-sais palang ng umaga gusto na niya kaming mamimili sa supermarket.   So, ang nangyari nauna kaming pumunta sa wet market para mamili ng mga sea foods at iba pang uulamin.   “Pila ka isda?” Tanong ko sa tindera habang itinuturo ang isdang nakalagay sa banyera.   “Duha ka gatos ang kilo, ma’am. Bibili po kayo?” Nakangiting sagot naman ng tindera sa akin.   “Sige po. Isang kilo po.”   Siniko ko si Sir Miguel na parang natulala sa kagandahan ko. Char ulit!   “How much?” Tanong nito sa akin.   “Two hundred pesos.” Sagot ko naman habang inaabot ang plastic ng isda mula sa tindera.   “Salamat kaayo, maam. Maayo kayo tan-awon ni sir.” Sabi ng tindera matapos ibigay ni Sir Miguel ang bayad para sa isda.   Ngumiti lamang ako bilang sagot.   “What did she say?” Untag ni Sir Miguel sa akin ng makabalik sa kotse nito.   “Sino po?” Maang-maangan na tanong ko sa amo.   “Yun tindera. Salamat, ma’am at sir lang naintindihan ko. What did she say?”   “Ahh…Yun po ba? Wala lang yun, sir.” Sagot ko.   “Tell me.” Utos nito sa akin. Big deal talaga ang sinabi nun tindera?   “Sabi niya mukhang kuripot ka daw, sir.” Seryoso kong sagot rito.   “That’s why you smiled?” Galit na tanong nito sa akin.   Tumango naman ako.  At pilit na pinipigil ang tawang gustong kumawala mula sa bibig ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD