Mag-iisang linggo na kami rito sa Cebu and so far ay medyo nasasanay na rin ako. Hindi na ako nalulungkot kagaya noong unang araw ko rito. Malaking bagay kasi may nakakausap ako kapag wala ang mga amo ko. Iyon nga lang madalas din kasing umalis si Ma’am Adelle at isinasama nito si Cardo.
“Psst!” Napalingon ako ng may narinig na paswit kong saan.
Wala naman akong makitang tao kaya naman nagpatuloy ako sa pagwawalis sa harapan ng bahay. Maaga ulit akong nagising ngayon. Tapos na akong magluto ng almusal kaya naman naisipan kong magwalis-walis.
“Ganda! Psst!”
Napatayo ako ng derecho at luminga-linga kung saan ba nanggagaling ang pagpaswit na iyon. Wala talaga akong makita. Nilukuban ako ng pagkatakot lalo pa’t may nakita akong malaking puno doon sa tapat ng kalsada.
Napa-sign of the cross ako. “Tabi-tabi po.”
Naisip kong baka natipuhan ako ng kapre na nakatira doon sa malaking puno.
“Ganda, huwag kang matakot. Ako ‘to!”
“Sino ka ba kasi?” Mangiyak-ngiyak na tanong ko.
Mula sa likod ng puno ay lumabas si Cardo na tawang-tawa sa itsura ko. Sa inis ko ay dali-dali ko siyang nilapitan at pinagpapalo ng walis tingting na hawak ko.
“Bwisit ka! Ikaw lang pala yan! Alam mo bang muntik na akong atakehin ng dahil sayo?”
“Para binibiro lang eh. Masyado ka naman kasing seryoso. Parang ang lalim lalim ng iniisip mo.” Kinuha nito ang walis tingting na hawak ko at hinila ako pabalik doon sa may gate.
“Dapat ba wala ako sa sarili habang nagwawalis?”
“Hindi naman. Nakita lang kasi kitang parang may malalim na iniisip. Ang aga-aga pa pero parang ang laki na ng pasan mong problema. Pwede mong i-share sa akin yan para gumaan iyang dibdib mo.” Napatakip ako ng dibdib ng mapunta roon ang mga mata ni Cardo.
“Bastos!” Tinalikuran ko na siya.
Sumunod naman ito. “Sorry na. Hindi ko naman alam na masyado kang sensitive. Patawarin mo na ako, please. Pangako hindi na ako uulit.”
“Siguraduhin mo lang.” Nakasimangot kong sabi rito.
“Promise.” Itinaas pa nito ang kaliwang kamay.
Lumabi ako sa lalaki. Bsiwit talaga! May kulay brown itong supot na inabot sa akin.
“Ano yan?” Tanong ko.
“Pandesal. Binili ko para may isawsaw ka sa kape mo.”
Napangiti ako. “Salamat.”
“So, bati na tayo niyan?” Nakangising tanong nito sa akin habang sinasalinan ko ng kape sa tasa.
“Parang may choice naman ako? Wala akong kakampi rito kundi ikaw.”
“Bakit may kaaway ka ba rito?” Tanong naman nito.
“Wala naman maliban sayo.” Patay-malisya kong sagot kay Cardo. Hangga’t maaari ay ayaw kong malaman niya ang tungkol sa singsing. Alam ko kasing pagtatawanan niya ako.
Tumawa ito. “Ikaw ha, mukhang may sekretong kang itinatago.”
“Ano naman ang isesekreto ko sayo, aber?”
“Bakit hindi mo sabihin sa akin?” Tanong nito.
“Wala akong sasabihin.”
“Sige na, Maria. I-share mo naman sa akin ang secret mo.”
“Ayoko nga. Baka ipagkalat mo pa.”
“Anong akala mo sa akin tsismoso?”
“Anong tingin mo diyan sa ginagawa mo?”
Nagkatawanan kami pareho ng marealize nitong ganun nga ang ginagawa niya sa akin.
“Ehem, excuse me.” Pumasok sa loob ng kusina si Sir Miguel. Mukhang galing ito sa pag-jogging. Kumuha ito ng tubig sa refrigerator.
“Maghahanda na po ba ako ng breakfast niyo, Sir?” Tumayo na ako para sana ayusin ang hapag-kainan.
Humarap ito sa akin. “Nope. Aalis kami ng Ma’am Adelle mo. Baka bukas na rin kami bumalik.”
“Okay po.” Tipid kong sagot sa amo. Parang ayaw na rin naman kasi ako nitong kausapin.
“Cardo, you take charge of everything here. Huwag mong hahayaan na lumabas si Maria mag-isa. Mahirap na at baka maligaw siya rito sa Cebu.” Bilin nito sa driver.
Kung hindi ko pa alam iba ang gusto nitong sabihin kay Cardo. Gusto lang ako nitong pabantayan dahil sa singsing na suot ko.
“Copy, sir. Dito lang naman kaming dalawa ni Maria tatambay sa bahay. Wala naman po kaming balak na mag-date sa labas.” Pabirong sagot naman ni Cardo sa amo.
“Do whatever you like but make sure to be discrete in whatever you do.” Tinapik pa nito sa balikat si Cardo.
“Ang swerte talaga ni Madam Adelle kay Sir Miguel. Ang bata pa nito para maging sugar daddy. Alam mo bang all out ang financial support ni Sir sa girlfriend niya? Hindi ko rin naman siya masisisi kasi maganda naman talaga si Madam Adelle.” Anito ng tuluyan ng makaalis si Sir Miguel.
“Eh di ba, mayaman din naman si Ma’am Adelle? At tsaka model din naman si maam. Pareho lang naman siguro silang swerte sa isa’t-isa.”
“Hindi rin. Alam mo bang may mga escapades si maam na hindi alam ni sir.”
“Truth ba ‘yan? O baka naman chika lang?”
“Di ba ako palagi ang nagdadrive para kay maam kapag busy si Sir Miguel?”
Tumango ako. “Oo nga. Pero nakita mo ba?”
“Malamang. Pero dahil wala naman ako sa posisyon para magsalita ay sinasarili ko nalang.”
“Tama lang naman iyang ginagawa mo, Cardo. Iyang mga nalalaman mo ay itago mo nalang at baka makasira ka pa ng isang relasyon.”
“Sabagay. Hahayaan ko nalang siguro na si Sir Miguel mismo ang makaalam.”
KATATAPOS ko lamang maglinis ng salas. Wala kasi akong magawa kaya naman nagwalis at nagpunas nalang ako. Natutuwang tiningnan ko ang buong paligid. I can smell the cleanliness inside the house. Alam kong matutuwa ang amo kapag nakita niyang malinis ang buong kabahayan. Bukas naman ang schedule kong maglaba.
Walang makulit sa akin ngayon dahil nasa garahe si Cardo at naglilinis ng kotse. Binigyan ko rin siya ng mga gagawin niya ngayong araw gaya ng pagdadamo at pag-trim ng mga halaman sa labas. Wala kasi kaming magagawa kong hindi ko siya uutusan. Ngayon ko lang napansin na may pagka-chismoso talaga si Cardo. Ang dami nitong chika na alam.
“Maria, andiyan ka ba?” Tanong ni Cardo mula sa labas ng pinto ng kwartong inuokupa ko.
“Oo, bakit?” Nagdesisyon kasi akong maligo muna bago kami kumain.
“Magpapaalam lang sana ako. Pinapapunta kasi ako ni Sir doon sa hotel na tinutuluyan nila ni Ma’am Adelle.”
“Okay. Pero bumalik ka kaagad ha?” Natatakot rin naman kasi akong magpaiwan dito mag-isa.
“Yes, ma’am. Babalik agad ako para sayo.” Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangisi na naman ito.
Wala pang isang oras ay may narinig akong may pumaradang kotse. Sumilip ako sa may bintana upang tingnan kong sino ang dumating. Iyon ang kotse na ginamit nina Sir Miguel kanina.
Akala ko ba hindi sila uuwi?
Dali-dali akong bumaba upang pagbuksan sila ng pintuan. Inihanda ko ang aking ngiti at pagbati para sa dalawa. Pero naudlot iyon ng mapansing wala sa mood ang magkasintahan. At hindi man lang ako pinansin.
Basta nalang na dumerecho ang mga ito sa itaas. Nagdadabog habang naglalakad si Ma’am Adelle. Samantalang si Sir Miguel naman ay seryoso ang mukha. Nagtatakang sinundan ko sila ng tingin.
“Anong tinitingnan mo diyan?” Nagulat pa ako ng makita si Cardo sa aking likuran.
“Nag-aaway ba sila?” Naiintriga kong tanong sa lalaki.
“Hindi ko sure pero parang nag-aaway nga. Kasi may naabutan akong lalaki kanina na lobby at kinukwelyuhan ni Sir Miguel kanina. Parang nahuli niya yatang nasa loob ng suite nila ni maam kanina.”
"Talaga ba? Baka naman staff ng hotel?”
“Siya yata iyong lalaking nakita ni Sir Miguel dati na kausap ni Ma’am Adelle doon sa restaurant na pinag-meetingan nila.”
“Baka business matters ang pinag-uusapan?”
“Hindi yata. Ang sabi kasi ni Ma’am Adelle, sponsor niya. Kaya yata nagalit si Sir Miguel kasi noong tinanong niya kanina ang sabi ni ma’am ay business partner daw niya. Magsisinungaling na nga lang hindi pa consistent.”
"Nagalit si Sir Miguel?" Tanong kong muli rito.
"Malamang. Kahit sinong lalaki naman magagalit kapag nalaman na may ibang lalaking kasama ang nobya lalo na at nasa loob ng kwarto niyo."
"Sabagay. Pero confirmed na ba talaga?”
Nagkibit-balikat lang ang kausap ko. Hindi na rin ako nagtanong at baka isipin ni Cardo na chismosa ako kagaya niya.
"Kaya ikaw Maria kung magloloko ka sa akin, mag-isip isip kana. Kasi kapag ikaw nahuli ko, babalatan ko ng buhay ang kalaguyo mo?"
"O tapos?” Tanong ko. Mukhang may kalokohan na naman itong naiisip.
"Hindi ko kailangan ng manloloko sa isang relasyon. Kung ayaw mo na, sabihin mo agad."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Okay ka lang? Sure ka diyan sa pinagsasabi mo?"
"Oo. Tapos ikaw, hindi ka makakalabas ng kwarto hangga't hindi ko sinasabi. Doon ka lang habang hindi pa humuhupa ang galit ko."
May kasama pang pagduro sa akin at paglisik ng mata. Akala mo naman talaga lalaban ako sa kanya.
"Para nagtanong lang, damay na agad ako? At teka, anong magloloko at kalaguyo ang sinasabi mo diyan? Boyfriend ba kita? Huwag ka ngang feeler diyan!"
"Ay, sorry Maria, na-carried away lang ako doon sa away ng dalawa.” Nakangisi nitong turan sa akin.
"Tingin mo ba maghihiwalay na sila?" Umupo ako paharap kay Cardo.
Mukhang kailangan ng masinsinang usapan 'to. Ang mga ganitong usapan ay dapat na inuupuan para mas maliwanagan.
"Tingin ko, hindi. Lagi naman silang ganyan. Nag-aaway pero kinabukasan makikita mong sweet na sweet na naman. Mahal na mahal ni Sir Miguel si Ma'am Adelle kaya kahit anong gawin niyan nagbubulag-bulagan. Dati nga, nahuli na niyang may kahalikan pinatawad pa. So ano nalang iyong nag-uusap sa loob ng suite nila? Kahit may red flag nang nakawagaygay sa harapan ni Sir Miguel ay hindi niya pinapansin iyon. Hirap talaga kapag masyado mong mahal ang tao. Pag dating talaga sa pag-ibig, walang pinipili ang katangahan. Kahit successful businessman ka pa o driver na kagaya ko."
Natahimik ako sa narinig at napag-isip isip ko kung gaano kalalim magmahal si Sir Miguel.
"Tapos kana?" Tanong ko rito ng makitang natahimik at wala ng masabi pa.
Tumango naman ito.
"Tara, kumain na tayo.” Mukhang ginutom na ito sa dami ng sinabi nito kanina sa akin.
"Anong ulam?" Gutom nga dahil tumayo na agad ito sa kinauupuan niya.
"Diningding? Tapos nagprito ako ng tuyong tawilis. Bet mo?"
"Wow, naman! Napakasarap na kombinasyon yan. Mukhang mapapalaban ako sa kainan nito."
"Walang problema. Marami naman akong niluto kaya okey na okey." Sabi ko rito.
"Ay, wait. Sina sir ba hindi kakain?"
"Hindi na yun lalabas ng kwarto. For sure, nagkakainan na rin ang mga iyon ngayon."
"Ahh, mabuti at may dala silang pagkain." Tumawa naman si Cardo sa naging sagot ko.
Nang matapos kaming kumain ay pinauna ko nang bumalik si Cardo sa kwarto niya. Busog na busog daw kasi ito at gusto nang matulog. Inayos ko muna ang pagkakasalansan ng mga plato. Pagkatapos nito ay balak kung maglinis ng cr. Alas-onse na pero andito pa ko sa ibaba at kung ano-ano ang ginagawa. Hindi kasi ako dalawin ng antok.
Nagulat pa ako nang biglang may kumalabog sa itaas.
"Hala, baka nagpapatayan na sila." Usal ko sa aking sarili. Agad akong lumabas sa kusina at dali-daling sumilip sa sala.
Biglang bumukas ang ang pinto ng kwarto ni Sir Miguel at lumabas si Ma'am Adelle bitbit ang luggage nito.
"Let's talk about it, Adelle. Please, babe."
"No, Miguel. I am done with your jealousy. Wala kang tiwala sa akin. We've been together for half a decade already pero ganyan ka pa rin sa akin. I don't deserve to be treated like this!"
"Mahal kita kaya ako nagseselos nang ganito. What would you feel if you see me with another woman? Hindi ka ba magagalit?"
"But he is my friend. At hindi iikot ang mundo ko sayo, Miguel. Tandaan mo yan! You cannot stop me from seeing my friends."
Mabilis na nakababa ang babae sa hagdanan. Hindi na ako nakapagtago pa kaya naman nakita ako nito.
"And you!" Turo nito sa akin.
"Yes, ma'am?"
"Tawagin mo si Cardo. Tell him na magpapahatid ako sa hotel. I have no place in here anymore!"
Mabilis pa sa alas-kwatro ay sumunod ako at pinuntahan ang kwarto ni Cardo.
Pupungas-pungas naman itong lumabas. "Bakit, Maria?"
"Magbihis ka." Utos ko rito. Nakasuot lamang kasi ito ng boxer short. Walang ibang saplot at iyon lang. "Bilisan mo!"
"Bakit nga? Mas gusto ko matulog nang nakaganito. Kung ayaw mo na ganito ako, pwede ka naman hindi tumabi sa akin."
Hinampas ko siya rito ang basahan na bitbit ko. "Feeling mo talaga! Magpapahatid daw si madam sa iyo papuntang hotel. Lalayas na yata siya. Pakiramdan ko tuluyan na silang maghihiwalay."
"Pakisabi kay madam, hintayin ako."
Nang bumalik ako sa sala kung saan naghihintay si Maam Adelle ay nandoon na rin si Sir Miguel at nakaluhod. Hindi ito nakaluhod para humingi ng sorry. Nakaluhod ito para mag-propose kay madam.
"Let's get married, Adelle. Be my wife, please." Madamdamin nitong tanong sa kasintahan.
Napangiti ako ng bahagya at tumingin sa singsing na suot ko. This is the ring that he should be giving to Ms. Adelle pero dahil hindi matanggal sa kamay ko kaya bumili ito ng bago. In fairness, mas malaki ang bato ng bagong singsing.
Bakas ang disgusto sa mukha ni Ma’am Adelle ng sumagot ito kay Sir Miguel. "No. I am so fed up with you, Miguel. I don't want to be your wife. We're done!" Hindi pa nakuntento sa sinabi niya sa lalaki ay tinabig pa nito ang singsing.
Gumulong iyon at napunta sa paanan ko.
Walang nagawa si Sir Miguel nang maglakad na palabas nang bahay si Maam Adelle. Nanatili itong nakaluhod at nakayuko.
Pinulot ko ang singsing na nasa aking paanan at lumapit sa lalaking amo. Naaawa ako sa kaniya. I couldn't understand kung bakit kailangan niyang magpakatanga sa babaeng iyon?
"Sir, tumayo ka na diyan. Wala na si Ma’am Adelle. Eto na po yung singsing." Inabot ko rito ang singsing na napulot ko sa aking paanan.
Tumayo naman ito pero hindi ako pinansin. Mabilis itong naglakad palabas ng bahay.
"Don't tell me, susundan niya pa si Ma’am Adelle?" Tanong ko sa sarili. “Diyos ko naman! Inayawan na nga, hahabulin niya pa!?”
Tiningnan ko ang hawak na singsing. Sayang! Huminga ako ng malalim at isinilid iyon sa bulsa.
“Magiging milyonarya ako sa mga singsing na ito.” Bulong ko sa sarili habang naglalakad paakyat sa kwarto ko.