Chapter 1
“Whoa! You’re so cool, Isla! Lamunin mo ang alon!” tuwang-tuwang at pabulyaw na cheer sa akin ni Troy. He’s one of my island friends.
Ang tubig ay umangat nang kaunti, hudyat na darating na ang hinihintay naming along sasakyan namin palapit sa pampang. Mula sa pagkakadapa ko sa surfboard ay maingat akong tumayo sa ibabaw nito. Wearing my backless one-piece long sleeves rashguard surf swimsuit zipper, I stand tall fearlessly.
Gamit ang kamtamang bagsik at taas ng alon, masaya kong pinaglaro ang balanse ko sa ibabaw ng board na nakapaibabaw rin sa gumagalaw na tubig. I giggled while executing my tricks over and over again. Sliding and jumping under the crystal clear waterway is double-dealing and excites me to the deepest particle of my bone! I bravely entered the tube inside the hollow waves as my final trick before going home. And I did it! I passed it before it could swallow me!
Pumapalakpak akong dinaluhan ng mga kasama ko. I have a lot of friends here on the island and most of them are boys.
“That was so cool, Isla!” manghang papuri sa akin ni Steven. “Paano mo nalagpasan ang malaking along iyon nang hindi ka naipapalaman sa loob!” bulalas pa niya habang namamangha at natatawa.
I smirked and made a face. “Patience and practice! Ano pa ba?” I said as I wrinkle my nose using my finger.
“Napakagaling mo! Hindi na ako magtataka if one day I’ll see you on the television doing your tricks and all to represent our country in the international women surfing competition!” Nasa tono nito ang katiyakan sa sinabi.
“Sinasabi mo lang iyan dahil ngayon mo lang ulit ako nakitang nag-surf.”
“No!” he snarled. “You really did amazing, pal! Iyon ang pinakamataas na along dumating simula nang dumating tayo rito. Wala ngang sumabay sa ‘yo dahil sobrang taas ng along iyon. But you took and ride it just like a volume of water inside of bottled water!”
Nang ilibot ko ang paningin ko'y napansin kong lahat ng mga mata ay nakatuon sa akin. Ang ilan ay nakanganga at mulat na mulat ang mga mata. I smiled at them nicely. Mga bagong mukha sila halos sa paningin ko, mga turista siguro.
Muli kong binalingan ang mga kaibigan ko. “I grew up here. What do you expect?” taas-kilay kong sinabi.
Lumaki si Steven sa Maynila. Tuwing holidays or summer vacation lang siya umuuwi rito, katulad na lang ngayon. Pag-aari din nila ang isang resort dito sa isla. Gusto man niyang mag-aral at tumira dito, hindi siya papayagan ng Daddy niya. Gusto siya nitong magtapos sa isang maganda at kilalang University sa bansa.
“Huh! Sisiw lang kay Isla ang mga alon dito, Steven, ‘no!” singit ni Thor na hindi ko na kinakikitaan ng paghanga o pagkagulat sa ginawa ko. “Kesyo masaya, malungkot o tinotoyo ‘yan, eh, dito sa dagat ang punta. Hayan tuloy at naging isa na ring alon.”
Napangiwi ako at natawa na lang din. Tama naman ang sinabi niya. Tuwing nagsesenti ako sa pangungulila ko kay Daddy ay narito ako para makipagsagupaan sa mga alon. Ganoon din kapag masaya ako. Masasabi ko ngang na-witness na lahat ng isla at dagat ang bawat pahina ng kuwentong ng buhay ko.
“Break lang ako saglit,” paalam ko. Tinanguhan naman nila ako.
Padapa kong sinakyan ‘tong board at ginawang sagwan ang mga braso ko papuntang pampang. Saktong pagkarating ko ay ang pagdating ni Lilo.
“Isla!” malakas niyang sigaw habang magkasabay na tumatakbo at kumakaway sa akin.
Tumigil ako sa paglalakad at hinihingal na itinusok ang isang dulo ng surfing board kong dala sa buhanginan. Nagkibit-balikat ako at iniyakap ang isang braso sa katawan surfboard bago kumaway pabalik sa kaniya. Tumalikod ako at muling tinanaw ang napakagandang tanawin na pinanggalingan ko kanina habang hinihintay ko siya.
Ang karagatan sa hindi kalayuan ay tila nahulmang malaking kulay-asul na kristal kung titingnan mula rito sa kinatatayuan ko. Ang tama ng araw dito ay mas lalong nakapagpapatingkad ng kislap at kulay nito. The clouds up in the sky are just like fine cotton candies in their various shapes. Parang nakawalang cotton candies mula sa supot na lumipad doon. Sa singit-sangit nito ay ang asul na asul na himpapawid. Ang buhangin dito sa dalampasigan ay napakaputi at pinong-pino, hindi nakaiirita sa balat. And at the back of me are wild trees, mountains, hills, plants and our house, of course.
My life here on the island of Bella Esperanza has been wonderful. Hindi lang dahil dito ako lumaki kundi dahil the view and kind of life here is the right to enough to spell out the word “contentment” Pinunan ng paraisong ito ang lahat ng kulang sa akin, kahit ang malayo kay Daddy. Why? Because the place will not give you a reason to be sad. The whole island always smiled at me and it never let me down.
Kahit nahati pa ang lugar at nasa San Bezearan ako, pangalan ng kalahating parte ng isla, ay Bella Esperanza pa rin ang tawag ko sa kabuuan ng lupaing ito. Who will resist the name Bella Esperanza? It’s unique and full of love and mysteries!
“Isla,” hinihingal niyang muling tawag sa akin.
Humarap ako at napakunot-noo. Nakayuko siya habang nakasuporta ang dalawang palad sa mga tuhod nito.
“Bakit, Lilo? Pauwi na rin ako. Magmemeryenda lang muna sana ako saglit.”
“Huwag na!” mabilis niyang sabi kahit hindi pa gaanong nakababawi ng lakas mula sa hingal.
Mas lalong nalukot ang noo ko. Ito ang unang beses na sinundo niya ako sa hindi tamang oras. Usually, I have five to seven hours of time to spend my surfing and beach day. Looking at my water-resistant watch, four hours pa lang ang na-co-consumed ko.
“May naghahanap sa iyo. Kailangan mo nang umuwi ngayon din.”
“May naghahanap sa akin?” inulit ko ang sinabi niya sa patanong at nagtatakang tinig.
Tumango siya nang paulit-ulit. “Kaibigan siya ng Daddy mo.”
Bumangon ang saya at pananabik ko sa narinig. “Talaga?” masayang-masayang kong ani.
“Oo, Isla! Saka ang pogi niya!” Bahagyan niyang hininahan ang tinig niya sa bahaging iyon at nahihiyang bahagyang ibinaba ang mukha.
Napangiti ako at napailing. Hindi ugali ni Lilo ang magpakita ng paghanga, lalo na pagdating sa lalaki. Sa pagkakataong ito'y nadulas siya.
Si Lilo ay anak ng mga katiwala ni Daddy, sina Tatay Ador at Nanay Lena. Simula nang tumira kami rito sa isla ay mayroon na sila, ayon kay Daddy. Sinagot lahat ni Daddy ang lahat sa kanila pero ang kapalit ay ang samahan ako at bantayan dito. I was five years old when my Mommy died because of complications due to her second pregnancy. Namatay siya kasama ang kapatid kong nasa sinapupunan niya. Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng parang kapatid sa katauhan ni Lilo. Mas matanda lang siya ng isang taon sa akin.
“Kailan ka pa nag-retired sa pagiging tuod mo, Lilo?” nang-aasar kong tanong.
Sinimangutan niya ako. “Tuod pala tingin mo sa akin, ha!”
“Ano ba dapat?”
“Kahit na ano. Basta ‘wag lang tuod.”
Muli akong natawa habang siya naman ay tiniiman lang ako ng tingin. Tuwang-tuwa ako tuwing nagpapakita siya ng ibang emosyon. In a real scenario, she’s quiet and boring. The one-word-is-enough human on this island. Sa kabila niyon ay ang pagiging tunay at mapagkakatiwalaang kaibigan niya sa akin. She is one of the people I trust.
“Anyway, forget this pathetic conversation. Umuwi ka na lang. Huwag ka nang magpahatid sa mga friends mo. Nakaiirita sa anit ang pagmumukha ng Steven na iyan,” inis niyang wika sabay pairap na sumulyap sa kinaroroonan nila Steven ngayon pero mabilis ding ibinalik ang atensiyon sa akin. “I brought our bike with us. Ikaw na lang ang gumamit. Maglalakad na ako.”
Madalas siyang pikunin ni Steven sa tuwing nagtatagpo sila. Lihim akong napangiti. Medyo bagay, isang seryoso sa buhay at isang happy go lucky. Isang mantika at isang tubig, magkasalungat at napakaimposibleng maghalo pero malay naman ng tadhana, ‘di ba? Iba rin ang ngiti ni Steven sa tuwing nakaii-score sa pang-aasar kay Lilo.
Kung hindi lang niya nabanggit na kaibigan ng Daddy ang bisita, hindi ako uuwi nang ganito kaaga.
“Okay!”
“Ako na ang magbabalik niyan,” tukoy niya sa surfboard ko.
“Are you sure? Ipapatago ko iyan kay Steven. You know, champion needs a little maintenance,” I teased, referring to my surfboard’s name.
Pinaikot niya ang mga mata at kinuha pa rin ito sa akin. “So, what? Ihampas ko pa ito sa kaniya, eh! Ano ngayon kung iiwan mo sa kaniya? Kaya ko siyang dedmahin! What a piece of cake!” Kinarga niya na ito. “Basta umuwi ka na. Iyon ang utos ng Nanay Lena. Mahirap na, baka sundan ka pa nila rito,” aniya at humakba na papunta sa kumpulan ng mga kaibigan ko.
Nilingon ko siya at magiliw na natawa sa suot nitong pajama at doubled size t-shirt. Lalong aasarin ‘yon ni Steven. Ikaw ba naman ang susugod sa beach na nakapantulog? Disregarding the fact that she just come here to say something important. Gets ko iyon but not the way as to my other friends like Steven and Troy.
I started walking only to stop again. A black ford pickup just stopped in front of the entrance going inside the beach. Nakatuon lang ang mga mata ko roon habang pinupulot ang manipis kong dambana sa buhanginan.
Ipinagtataka ko kung paano sumulpot ang ganoon kagarang sasakyan sa parteng ito ng isla gayong baku-bako ang daan bago makapunta rito. Kung magbabalak man ang ilan ay pinapayuhan sila ng mga tour guides na iwan iyon sa may bungad ng resort. May ibang daan naman para makarating at iyon ang gate sa pagitan ng border ng isla. Bantay-sarado iyon at iilan lang ang pinapayagang makadaan.
Tinatali ko na ang dambana sa baywang ko nang bumakas ang pinto nito at bumaba ang isang lalaki. I let out a loud “oh” inside my head as his height astounded me, a six-footer beast from nowhere.
Bumabagal ang ginagawa kong pagtali as I survey my eyes to his wholeness. With his showcased physicality of well-defined muscles, flowing hair, expressive eyes, and lots of glowing skin decked out in his hand-picked wardrobe, anyone can be swoon by him! Lots of hair around his face but his strong charisma unmasked ‘em all! Wearing his white t-shirt, black maong pants and dark brown boots made his ragged look more defined in a very wild and intimidating way. And I believed there were strong maleness treasures under his thick beard. I mean, with or without his beard, he is still as hot as f*ck.
Why is one of the most attractive and sexiest men on planet earth just several steps away from me?
May shooting bang gagawin ngayon sa isla? Bakit sumulpot bigla ang lalaking iyon na tila hinulma sa mala-Adonis na paraan. He’s too close to Francisco Lachowsci, a famous Brazilian male model.
I swallowed hard when our eyes met. Para akong nahuli sa kasalanang hindi ko naman ginustong gawin. There are a bunch of men going here and most of them are tourists from different countries. I am used to seeing massive and impressive muscles and bodies around the beach but this is the first time I am stupefied and give myself time to savor the physical beauty of a man.
My young heart does its rhythm in a very dangerous manner. I don’t know what motivated me to keep staring at him so I know he was staring at me too.
Bumaba ang tingin niya sa bagay na hawak ng isang kamay niya, a paper or a picture, I guess? Saglit lang iyon at mabilis ding ibinalik ang mga mata nito sa akin. Natauhan ako at mabilis ibinuhol sa kahuli-hulihang pagkakataon ang dambana only to find out na nakailang buhol na pala ako. Parang natarintas na tuloy ito. Ang hihigpit pa naman ng pagkakahatak ko. Mahihirapan akong kalagin ang mga ito mamaya. I can’t believe I made myself a burden because of my stupid eyes! Or my own urge, too?
Nang mag-umpisa siyang humakbang papasok ng entrance, nagsimula na rin akong maglakad patungo sa kaniya, I mean, sa entrance. Naroon sa gilid ng gate ang bike namin ni Lilo. It would be an unexpected privilege for my eyes to glance at him for the last time before going home. I’d love to slap my face for this!
Call it corny but the world revolves slowly when our bodies face each other. Something exploded like a butterfly-like bomb that made a quick reaction for me to walk faster as if he knew about what just happened inside me!
“Klaveniece Isla.”
I was about to grab my bike when he called me in a very deep and harmonic voice. His voice alone was captivating. But why does he know my name?
Dahan-dahan akong humarap sa kaniya habang nasa mukha ang katanungan. Bahagyang nagdikit ang mga kilay ko. He’s now three meters away from where I’m standing.
The man I just finished fantasizing and adored just spoke of my name!
“So, it’s you,” he added with mesmerising candidness in his eyes and voice.
“Yes, it’s my name. And who are you then? Why do you know my name? Do you know me?”
Naglakad siya palapit sa akin. “I am a friend of your father, Morillo Percival. Jevo Garko Alviajano Delavin,” pormal niyang pagpapakilala. Inilahad nito ang palad.
Bumagsak ang tingin ko sa mga ito. Nang makabawi, tinanggap ngunit mabilis ko ring binitiwan. Napaso ako roon. Ang init ng palad nito ay tila pinawi ang lamig sa buong katawan ko sa kabila ng matagal kong pagkakababad sa tubig kanina.
Siya na yata ang tinutukoy ni Lilo.
“I am happy to finally meet you,” aniya sa mga matang hindi na nagbalak lubayan ang mga mata ko. “May I talk to you? I was sent here to see and talk to you about an important thing.” Bahagyan niyang iginalaw ang katawan and puffed a short and soft breath. “Hind ko alam kung sinabi na sa iyo ng kaibigan mo ang-”
“Yes, she told me,” agap ko sa nababahala na ring tinig.
Kung anuman ang nababasa ko sa kaniyang mga mata ay hindi ko iyon gusto. Nervousness arose inside me that I could not even recognize. My cold blood crawled through every nerve of my body.
“Ano'ng kailangan mo sa akin?” matatag kong tanong.
“I’ll tell you. But for now, let’s go home and talk about it with Nanay Lena and Tatay Adore.”
Kilala niya ang mga ito. Estrangherong totoo ito pero mukha namang mabait. Tumango ako at sumakay na sa bike. Nakita ko ang pagkamangha at pag-aatubi sa mukha niya, kung bakit ay hindi ko rin alam.
“Gusto kong sumakay rito sa bike ko. I am not hanging out with strangers. And I’ll not wait for you or show you the way to our house. Kung talagang you’re telling the truth, you must know.”
A lazy smile appears seemingly on his lips which is surrounded by a beard. Oh, well, this beast suits the bushes around his seductive and thin lips. I can’t castigate myself to feel a slight shiver at that thought. Kakikita ko pa lang sa taong ito pero parang na-review ko na lahat sa kaniya. Kung may pa-quiz lang siguro tungkol sa physical traits ng lalaking ito ay baka na-perfect ko na.
“Okay!” pagpayag niya naman pero sa nakataas na isang sulok ng mga labi at mga matang parang aliw na aliw.
Iniling ko ang ulo ko at nag-umpisa nang pumadyak. Sinadya ko talagang bilisan pero dahil bike lang itong gamit ko ay naabutan ako ng magara nitong sasakyan.
Nang matapat siya sa akin ay binagalan nito ang pagpapatakbo. Bumaba ang windshield nito at gustong manlaki ng mga mata ko nang bahagyan itong dumungaw para ibalandra ang pagmumukha niya sa gilid ng mukha ko.
“Are you sure you don’t want to ride here? Puwede mo namang ikarga ‘yang bike mo sa likod nitong pickup,” he said with politeness inserted.
“I’m fine,” mabilis ko namang sinabi sa nag-iinit na mukha. His face is too close that made my cheek received the fresh warm air from his mouth.
He smiled maliciously, appears like he read what I am thinking and feeling. Inalayo niya nang kaunti ang mukha at muling itinuon ang atensiyon sa pagda-drive pero nakadungaw pa rin.
“Are you sure you’re okay? You’re biking while wearing a,” he paused and looked at me again grimly. Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang pagbagsak ng mga mata niya sa ibabang parte ng katawan ko.
Damn! That made me blushed five times than that earlier! This beast is maniac and rude! And... Oh, goodness! I just wanted to die in shame! Bakit ba kasi hindi ako nagdala ng short or anything that will cover some of my skin? Nasanay na akong kung ano ang suot kong pupunta, suot ko rin na uuwi. Bandana lang talaga ang dinadala ko kapag surfing ang ipinunta ko dahil for sure na sa tubig lang naman ako. Hindi ko naman alam na makasasabay ko ang taong ito pauwi!
“You’re wearing inappropriate clothing while biking,” he added mixed with amusement and concern.
“I am used to it! Stop looking! There’s nothing to see there!” asik ko sa kaniya.
“You’re wrong ‘cause there’s a lot.” Sinundan niya ang sinabi nang nakabibighani at aliw na aliw na tawa.