bc

The Perfect Seduction Book 2 [Tagalog]

book_age0+
14.2K
FOLLOW
71.0K
READ
dark
possessive
arrogant
manipulative
beast
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

This is the second book of The Perfect Seduction. This is the second book of The Perfect Seduction.

All Rights Reserved.

chap-preview
Free preview
I.
ANG MGA LYCANS "MALAKI ang posibilidad na gumaling sa leukemia ang kapatid mo basta't maaga siyang sasailalim sa gamutan. Iyon nga lang, para maging posible iyon, kailagan ninyo ng malaking halaga sa lalong madaling panahon." Tatlong buwan na ang nakararaan ay halos gumuho ang mundo ni Dixie. Sampung taong gulang pa lang si Dexter pero na-diagnose na sa sakit na leukemia. At mahirap lang sila. Hindi pa sapat ang kita niya bilang university instructor dahil kasisimula lang niya noong pasukan. Maswerte na nga siyang ma-hire sa dami ng nag-a-apply sa eskwelahang pinapasukan pero triple naman ang malas na inabot niya sa pagkakasakit ng kapatid. Graduate siya ng education sa kursong Physical Education. Magaling siyang sumayaw bukod sa kapansin-pansin din ang angkin niyang kagandahan. Gusto niyang ibahagi ang talento niya sa iba. Gusto niyang madiskubre rin ng kanyang mga estudyante ang angking talento ng mga ito sa iba't ibang larangan. Hindi mapigilan ni Dixie ang mapangiti habang nakikita ang masayang mukha ng kapatid na binabasa ang mga pasalubong niyang libro rito. Manghang-mangha si Dexter sa mga nababasa nito. Kinailangan ng kapatid niyang huminto sa pag-aaral at hindi lang iisang beses nitong sinabi sa kanya na miss na nito ang mga kaklase nito. Sa susunod na linggo ay pwede na itong umuwi sa kanila pero kailangang maging regular pa rin ang pagbisita nila sa doktor para ma-monitor ang kalagayan ng kapatid. Wala nang kailangan pang ipag-alala sa gastusin si Dixie. Kahit gaano pa kalaking halaga ang kailangan ay mababayaran niya iyon. "Ate, gusto kong i-drawing ang mga 'to! Ang gaganda ng mga kotse!" manghang anas ni Dexter. "Naku, mas maganda pa ang drawing mo kaysa diyan sa libro, eh," sabi naman niya. "Thank you, Ate, ha? Mahal na mahal mo talaga ako. I love you!" "I love you, too, Dexter." Niyakap niya ang kapatid. "Alam mo namang gagawin ko ang lahat para sa'yo." ISANG MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Dixie nang lumapat ang kanyang likuran sa sofa. Kauuwi lang niya galing sa ospital ang nanay naman niya ang pumalit sa pagbabantay kay Dexter. Hindi lang ang kapatid niya ang natulungan ng malaking perang nakuha niya. Nakapagpundar na rin sila ng laundry shop at tinutulungan niya ang nanay niya na asikasuhin iyon. Dating labandera ang nanay niya at masaya siyang natupad na niya ang pangarap nitong magpatayo ng negosyo. Pero palaisipan pa rin sa Nanay Doris niya kung saan niya kinuha ang malaking halagang ginamit niya sa pagpapagamot kay Dexter at sa pagpapatayo ng kanilang negosyo. Kahit kasi sabihin niyang nakahanap siya ng isang mabait na sponsor at tulong mula sa mga foundation ay alam niyang hindi pa rin niya ito tuluyang nakukumbinse. Masyado pa ring malaki ang pera na nakuha niya kung para sa pagpapagamot lang din ni Dexter. At walang balak si Dixie na ipagtapat sa nanay niya kung sa paanong paraan talaga niya nakuha ang ganoon kalaking halaga. Hindi niya kaya. Kapag nalaman nito ay baka hindi iyon matanggap ni Nanay Doris at itakwil pa siya nito. Ayaw niyang magbago ang tingin nito sa kanya. Ipinagmamalaki siya nito bilang anak sa mga kapitbahay nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

A Night With My Professor

read
498.5K
bc

My Stranger Husband

read
7.3M
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook