Ang Boyfriend Kong... Clause 40: Si Nicolo... Kat's Note: 'Cause it's Xmas. Time Frame: Nicolo as of Dec 25, 2015. Early morning. "Oy Nic, ano bang gagawin natin?" tanong ko sa kanya. "Wala dito lang," sagot niya. "Seryoso nga?" "Oo nga." "Ang boring naman," sagot ko at umupo sa tabi niya. "Wala tayo pupuntahan?" "San mo ba gusto pumunta? Baka traffic sa labas eh. Dami nag-grocery." "Oo nga pala. Tsk." "Tulog ka na lang muna. Gisingin na lang kita kapag malapit na mag-twelve." So then, humiga ako sa kama ko. Nandito kami sa bahay ngayon at naghihintay na magpasko. Si Mama ang lahat na magluluto. Kanina kasama namin siya sa grocery para nga sa mga ihahanda at heto na nga kami ngayon bored na bored. Ang tahimik din sa street namin kaya parang hindi mo maramdaman na dapat nagdi

