Ang Boyfriend Kong... Clause 39: Si Nicolo... Kat's note: There are times na mauumay ka kay Nicolo habang binabasa mo 'tong librong 'to. Kamusta naman ako? But in the end, hindi mo rin siya matitiis. Time Frame: One year and a couple of months in our relationship "Pwede bang 'wag muna nating pag-usapan si Nic?" "At bakit naman?" tanong ni Hazel na nakakunot ang noo habang sumubo ng kanin. "Wala lang, nag-usap kasi kami kahapon eh..." "Oh anong mayroon?" tanong ni Fatima. "Nag-away ba kayo? Kaka-anniversary niyo lang ah?" "Wala naman, nag-usap kami..." "Tungkol nga saan? Ang tagal naman," reklamo ni Hazel. "Nagkakaumayan na kasi kaming dalawa," pag-amin ko. "Huh? Ano 'yun? Paano 'yun?" tanong na naman ni Fatima. Grabe na 'yung kunot ng noo niya. Parang stress na stress siya sa mg

