Ang Boyfriend Kong... Clause 38: Si Nicolo... Kat's note: Time Frame: Around 8 months I already made plans for the day. Unang-una, pupunta ako ng mall at maghahanap ng mga materials na kakailanganin ko para sa project na gagawin ko. Tamad na tamad man ako pero syempre hindi ko naman pwedeng hayaang bumaba 'yung grades ko lalo na't fourth year na ko. Nic was in college pero sa bahay pa rin nila siya nakatira. Kaya naman daw niya dahil tanghali ang pasok niya at may dala naman siyang kotse kaya hindi niya pinoproblema ang traffic. Sabado ngayon at morning ang pasok ni Nic at tanghali ang balik niya. And with that, nagpunta na muna ako ng mall. At oo, ako lang mag-isa. Nakakalungkot at nakapa-loner ko at pakiramdam ko pinagtitinginan ako kasi ako nga lang mag-isang naglalakad. Kaya nga

