Ang Boyfriend Kong... Clause 41: Si Nicolo... Kat's note: Ever heard of surprise visits? Time Frame: Isang araw na walang magawa si Fatima Tatawid na sana ako dahil hindi ko na talaga makita si Fatima na may bigla akong narinig na tumawag sa pangalan ko. Hindi, Kat. Hindi ikaw 'yun. Kapangalan mo lang 'yun. Pero boses niya 'yun eh. Sino pa bang tatawag sakin sa pangalan ko na ganoon ang boses? Siya lang naman eh. "Kat," tawag niyang muli at nilingon ko na siya at nakitang nakakunot ang noo niya. Syempre, paano ba naman hindi kukunot? Eh nandito lang naman ako sa school niya nang hindi ako nagsasabi. Lagot ako nito. "Nic." 3 hours ago... "Ang boring naman! Ba't ba kasi may sakit si Hazel?" Sabi ni Fatty. "Tao din naman 'yun!" "Eh! Kahit na!" Natahimik kaming dalawa panandal

