Ang Boyfriend Kong... Clause 42: Si Nicolo... Kat's note: Time Frame: Collegiate Life 2015 Weekend, and for the first time in forever magkasama na ulit kami ni Nic. Hindi naman sa hindi kami nagkita ng isang daang taon pero--wala, miss ko lang siya. HAHAHAHA. Although magkasama kami, ngayong hapon lang kami naubusan ng gawain kaya nagpapahinga muna kami dito sa salas nila at nakahilata sa sofa. Walang nagsasalita at nakatitig lang kami dun sa screen kahit alam kong hindi din naman nanonood si Nic. Tumingin ako sa kanya. "Alam mo, Nic, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung 'pag nawala ka." He lazily smiled. "Talaga?" "Oo nga. Seryoso." He turned his head slightly to the side and shifted his eyes to me. "Then you're not the only one." "Talaga?" "Oo nga. Seriously." I snorted

