Ang Boyfriend Kong... Clause 44: Si Nicolo... Kat's Note: Have you've been keeping tabs on what Nic says? Haha. You better. Kasi minsan bumabalik. Time Frame: Last December 2015 "Kat, 'yung para sa report natin ah? Wag mo kalimutan bukas," paalala ng blockmate ko. "Oo sige," sagot ko habang palabas ng classroom. "'Yung documentation din pala. Di ba nasa'yo? Send mo sa'kin 'yung file para ma-check ko na din ah? Bago mo ma-print--" "Excuse me po," pagharang sa'min ng isang lalaking naka-light blue polo shirt at white na cap. Kami kasi ang unang lumabas. "Yes po?" tanong ng block mate ko. May sinilip siya sa isang papel. "Sino po si Katerina Dela Rosa?" Agad naman napakunot ang noo ko. "Ako po." Nginitian naman ako ni kuya. "Delivery po." Inabot niya sa'kin ang isang bouquet ng bul

