Helena POV Habang papasok kami sa office ni Shean, hindi ko mapigilang mapamangha. Ang laki ng mga building, ang tataas, ang lilinis. Pagpasok namin sa loob, lalo akong natigilan, maayos, moderno, at halatang pinag-isipan ang bawat detalye. Marami ang bumabati kay Shean. “Good morning, sir.” “Happy birthday, sir.” At sa bawat hakbang namin, ramdam kong may mga matang napapatingin sa akin, may kuryosidad, may pagtataka. Si Shean naman… iba ang aura. Seryoso ang mukha, kalmado, parang ang hirap lapitan. Kung hindi ko siya kilala, maiintimidate rin siguro ako. “Helena,” sabi niya nang mahina, “dito ka muna sa office ko. May meeting lang kami.” Tumango ako. Pagpasok namin, bumati ang mga kasamahan niya. “Hello.” Naroon din si Amara, ang asawa ni Damon, isa sa Seven Pillars. Ang ganda n

