Helena POV Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang sa makarating kami sa dry and laundry shop na sinabi ni Shean. Malaki, maayos, at halatang pang-sosyal. Pagbaba pa lang namin ng sasakyan, gusto ko nang umatras. “Shean, dito talaga?” tanong ko. “Mukhang mahal ’to.” Ngumiti siya. “Trust me.” Isa-isang ibinaba ng staff ang mga kahon. Maingat. Parang mas mahalaga pa ang laman kaysa sa inaakala ko. Habang kinakausap ni Shean ang manager, tahimik lang akong nakatayo sa gilid, hawak ang bag ko, parang out of place. “Ma’am, kailan niyo po kailangan?” tanong ng staff sa akin. “Ah… kahit hindi po agad,” sagot ko, medyo nahihiya. Shean glanced at me. “No rush her. Quality over speed.” Napatingin ako sa kanya. Hindi niya ako minamadali. Hindi rin niya minamaliit ang ginagawa ko. Pagkatapos,

